Chapter 34 - Unreal or Real Couple

2033 Words
Nang makarating kami sa floor ng penthouse ni ate marami ang lumabas sa elevator na doon tumutuloy. Hinawakan ko ang kamay niya para mabilis kami makalayo sa mga taong nakakilala sa amin. "You're okay, you're not irritated?" banggit ko sa kanya hindi na siya nagsalita nang makalayo kami sa mga tao. "No, I'm okay, Allen." sagot niya at inalis ang kamay niya na hawak ko pa rin hindi ko pala nabitawan kaagad. Ewan ko pero, nang bitawan niya parang nanghinayang ako na sana tumagal ng ilang minuto. "Sorry.." sagot ko sa kanya at inaya ko nang lumapit sa pintuan ng penthouse. Pinindot ko ang monitor sa gilid ng pintuan at bumukas ang pintuan kaming dalawa lang ni ate ang may alam ng password at ni kuya Jin. Nang bumungad kami sa loob nagulat ako sa dalawang taong nakatayo sa may pintuan. "Anong ginagawa nyo dito?" banggit ko umusog sila sa gitna at pumasok kaming dalawa ni Kim Joon. Nagka-tinginan naman sila bago magsalita si Eula mabigat ang loob ko dito dahil may hinala ako na may alam ito sa kalokohan ni Mariella. "Pinapunta ako ni ate Andrea dito," sabat ni Eula mag-ex ang dalawa kaya nagtataka ako sa kanila na parang okay na magkasama sila kahit mutual lang ang desisyon nila na mag-hiwalay hindi nila kine-kwemto ang dahilan ng pag-hihiwalay nila. Lumingon kaming apat nang may magsalita sa likuran nila. "Oo, pinapunta ko siya dito," narinig naming bungad ni ate may hawak siyang apron. Umangal naman ako nawalan na ako ng tiwala kay Eula at kay Xiero. "Bakit? Malaman pa ng traidor na kaibigan niya ito lalo na kasama natin si Joon siniraan na ni Mariella sa korea si Joon." sabat ko naman at lumapit ako sa ate ko sumunod naman sa akin si Joon. Nagka-tinginan kaming dalawa ni ate at tinignan niya si Joon nasa likuran ko. "Bakit hindi kayo umarte na may relasyon kayo sa harap ng media at sa mga fans nyo kahit wala naman talaga namamagitan sa inyo para kung sakaling sabihin kay Mariella at may i-kwento maiisip niya na naka-move on ka na sa kanya!?" tukoy naman ni ate sa amin at pumunta kaming lima sa dining table nang ayain kami ni ate na kumain. Walang sumagot man lang sa binanggit ni ate sa amin hindi ko naman alam ang sasabihin. "Sorry, dahil hindi ko sinabi sa'yo na sabay kayong sinagot ng kababata niya noon dahil nakita ko naman masaya siya sa'yo hindi ko alam na plano siya kaya sinagot ka niya." banggit ni Eula sa akin hindi naman ako sumagot. Hindi ako naka-imik sa narinig mula sa kaibigan ng dating girlfriend ko hinila ko ang upuan sa tabi ko at doon ko pina-upo si Joon. Tumabi naman ako sa kanya at nilapagan kami ng pinggan, kutsara't-tinidor pati baso kasama na ang pitser na may laman na ice tea. Iniwan kaming apat ni ate na walang nagsasalita at kibuan. "Heto ang niluto kong pasta kaya natagalan ako," bungad ni ate tinulungan siya ni Xiero na ilapag sa mesa. "Hindi ka man lang nagsabi o nag-text sa akin na may bisita ka pang pinapunta," banggit ko kay ate nang sikuhin ko siya. "Ayun ang cellphone ko naka-charge," sagot naman sa akin ni ate bago tinuro ang cellphone na naka-saksak. Kumain muna kaming lahat sa dining table. Naiilang ako sa presensiya ng dalawang kaibigan namin ni Mariella. Nang matapos kami kumain nag-aya si ate sa veranda sumunod kami sa kanya. "Kaya ba palagi kang wala o umiiwas ng tingin sa akin kapag magka-usap tayo?" tanong ko kay Eula nang matapos kami kumain sa veranda kami dinala ni ate umalis ito para kumuha ng dessert sa ref. "Oo, dahil gusto ko sabihin sa'yo kaya lang tinitignan ako ng masama ni Mariella." bulalas ni Eula tumingin pa siya kay Xiero na tahimik lang. "May alam ka ba dito?" tanong ko kay Xiero hindi naman ito nakasagot kaagad. Tinignan ko silang dalawa katabi ko si Joon naririnig niya ang nangyayari sa amin ni Mariella. "Sa tingin mo minahal ba ako ng kaibigan mo noon?" tanong ko. "Aamin ko, Allen at first akala ko ikaw ang mahal talaga hindi ang pinalit niya sa'yo sinabihan ko na siyang piliin kung sino ang mahal niya dahil nasasaktan ka niya kaso, bingi na siya sa pananaway ko sa kanya." sagot ni Eula sa amin at walang gustong magsalita. "Suggestion ko, bro magpanggap kayo ni Ye-Joon na may relasyon para hindi ka na niya laging kinukulit ng ex mo at hindi guluhin si Joon." pahayag ni ate sa amin nabaling ang tingin ng katabi ko kay ate Andrea. "Bakit may suot kayong singsing?" puna ni Xiero tinuro ang mga diliri naming dalawa ni Joon. "Pinag-laruan kami ng matandang lalaki sa garden," sagot ko sumilip naman ako sa garden kumunot ang noo ko nang hindi ko na nakita ang matandang lalaki. "Pinag-laruan? Wala naman na ang matandang lalaki sa garden nung nandito na kayo," sabat ni ate naki-silip sila tanaw ng penthouse ni ate ang garden. "Baka nakaalis na meron matandang lalaki inaya pa nga kami na mag-kunwarian na kasal-kasalan," sabat ko nakita namin ni Joon ang pagka-lito sa mukha nila. "Kasal? Yeah, bakit hindi na lang pagpapanggap na kasal na kayong dalawa? Hindi ba, para mas malaman ni Mariella na hindi lang siya ang pwedeng sa buhay mo." banggit ni ate at umangal na ako sa gusto nito hindi na ako papayag. "No, we have our own life, and I don't want to ruin Joon's reputation forever." sabat ko. "Mag-papanggap lang kayo mas maganda na kayo dahil sinira ni Mariella ang career ni Joon sa Korea, kalat sa internet ang ginawa ni Mariella, sa tingin mo ba, bakit nandito siya?" sabat naman ni ate tumaas na ang boses nito. "Hindi ako sumasang-ayon! May sarili siyang buhay at baka, may boyfriend pa siya ng hindi natin alam, hindi lang ako nakatanggi kanina sa matanda at kaya pinag-laruan kaming dalawa." bulalas ko naman nang tatayo na ako para umalis hinawakan naman ni ate ang kamay ko. "Wala akong boyfriend or fiance kaya ako nandito sa Pilipinas para mag-bakasyon dahil sa ginawang eskandalo ni Mariella at k-netz binu-bully na ako." sagot niya sa amin hindi ako makapaniwala sa narinig mula sa kanya. Kinamusta siya ni Xiero para akong na-estatwa ng hindi ko alam ang i-react ko sa ginagawa ni Xiero sa kanya. "Pati ikaw dinamay niya sa kalokohan niya," sabat ni Eula nakita ko na umiwas siya nang tingin sa dalawa. "Kaya kailangan nyo ang isa't-isa dahil pati si Joon dinamay niya kung nasa tabi mo siya, Allen hindi siya gagalawin ni Mariella, gets?" kindat nasabi ni ate parang may bumbilyang umilaw sa ulo ko sa sinabi ni ate sa akin. "Hindi na siya si Mariella na kilala ko-natin hindi ko siya kinukunsinti." sabat ni Eula. "Sa tingin ko sila na lang dalawa mapag-katiwalaan natin, bro alam kong wala ka nang tiwala sa kaibigan ng ex mo pero siya lang isa sa tingin ko na masasabihan tayo kung may balak na gawin si Mariella sa'yo." pahayag sa amin ni ate nakita ko na tinignan nila si Eula hindi ko ito tinignan. "Sa tingin ko mas maganda na magpanggap kayo na mag-asawa kasi may suot na kayong singsing kami ang bahala sa marriage contract nyo, Allen sa totoo lang kaya kami nag-hiwalay ni Eula dahil sa nalaman kong sikreto ni Mariella gustong-gusto kong sabihin sa'yo kaya lang tinatakot ni Mariella si Eula kaya ang ginawa ko nakipag-hiwalay ako sa kanya." sabat ni Xiero. "Kaming tatlo lang makakaalam na magpanggap kayo, little brother, okay lang ba?" pagtatanong ni ate sa amin tahimik ang katabi ko at ganoon din ako ina-absorb ko pa ang mga sinasabi nila sa amin. Ewan ko lang... "Payag ba kayo?" tanong ni Xiero. "I'm willing to pretend to what you are saying, ate Andrea, she has already destroyed my personality and career in Korea, even if I have to face something I just have to have my dignity." sabat niya nakita ko sa kanya ang ka-seryosohan ng mukha niya. "Kung willing naman siya, ate pumapayag na rin ako wala naman mapag-pipilian dahil kahit anong iwas ko sa kanya palagi niya akong kinukulit." sagot ko tumingin muna ako sa katabi ko bago sa mga kasama ko na may ngiti sa kanilang labi. "Good, bro and my sister in law...sisimulan natin ngayon magkasama kayong dalawa sa kwarto ko at kaming tatlo sa guest room matutulog." ngiting sabat ni ate at tumalon-talon pa sinaway ko na lang dahil nahiya ako sa mga kasama namin. "Ate..." tawag ko. Naiilang na ako sa kanya at sa sinabi ng ate ko sa amin nakita ko namumula ang mukha niya hindi ko alam ang nasa isip niya ngayon. "Now na?" tanong niya kay ate na huminto sa pag-talon tinignan pa kaming dalawa. "Oo, nagdadalawang-isip ka ba sa pag-payag mo?" tanong ni ate sa kanya. "No, ate, bakit ngayon na?" bulalas niya. "Yes, dahil ngayong araw nyo kilala ang isa't-isa...hoy! Kung ano ang iniisip mo, Joon kapag minahal nyo na ang isa't-isa hindi ako umaasa na mag-iibigan kayo dahil pag-papanggap lang ang gagawin...pwede rin naman mas boto ako sa'yo." ngiting pag-sabat ni ate inasar ako sa kanya na mas namula ang pisngi nito at namula na rin ako. Nagulat kaming dalawa nang haltakin ni ate at patakbong umakyat sa second floor ng penthouse ni ate malawak ito na parang mansyon ito ang binili ni ate nang mas sumikat siya bilang actress at singer. Akala ko ibebenta ni ate ang mansyon namin dahil wala na ang magulang hindi naman niya ginawa naging vacation house na lang naming dalawa ang mansyon at doon ginaganap ang party. Tinulak kami ni ate nang mabuksan niya ang pintuan ng kwarto niya at pinad-lockan bigla nang isara ni ate dahil sinubukan kong buksan. "Ate!!!" tawag ko na lang habang kinakalabog ang pintuan ng kwarto nito. "Pumayag na tayong dalawa sa suggestion nila kaya ito ang ginawa nila sa ating dalawa wala ka ng magagawa," sabi naman niya nilingon ko naman siya bumuntong-hininga na lang ako at naupo sa kama. "Damn it! Ate naman!" sigaw ko ngayon niya lang ako ginanito sa buong buhay ko. "Bad words," sigaw ni ate mula sa labas ng kwarto niya. Hindi naman ako nakasagot at sinabunutan ko ang sarili kong buhok. Nakamasid lang siya sa akin at sa buong kwarto iniwan niya ako para masdan ang itsura ng kwarto. "Ang daming nagbago sa'yo," narinig kong sabi niya nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Anong sabi mo?" tanong ko tinignan naman niya ako. "Wala," sagot niya at lumayo siya sa tabi ko. Anong ibig niyang sabihin na maraming nagbago sa akin hindi naman kami naging close nang magkasama kami sa movie. "Parang may narinig kasi ako sinabi mo," banggit ko nang lapitan ko siya pagkatapos na tumayo. "Wala akong sinasabi tahimik lang ako dito hmm..pwede ko ba makuha ang cellphone number mo?" tukoy niya sa akin at binigay ko naman. "Sige, heto oh.." sagot ko sa kanya pinakita ang cellphone number ko. Kinuha niya ang cellphone number ko tina-type na lang para ma-save sa sariling cellphone niya ganoon din ang ginawa ko kinuha ko ang cellphone number niya para may kontak kami sa isa't-isa kung magpa-panggap pala kaming dalawa. Nahiga agad siya sa kama nang ilapag niya sa ibabaw ng table ang cellphone. Nakatingin lang ako sa kanya natutulog na siya sa kama ng kapatid ko sa sofa na lang ako mahihiga. Maganda siya kakaiba ang tingin ko at tama kaya ang naiisip ko na pwede ko sa kanya ibaling ang pagmamahal ko kay Mariella mabait siya madali ko siya mahalin ng dahan-dahan. — Naka-dikit ang tenga ko sa pintuan hindi soundproof ang kwarto ko may kumalabit sa akin dahilan para lumingon ako. "May maingay na ba, ate?" bulong ni Eula sa akin sinaway siya ni Xiero. "Shh...baka marinig ka nila." sabi ni Xiero. "Sorry," sabi ni Eula at tumahimik na lang siya bigla. "Ang tahimik nila," tugon ni Xiero wala kami naririnig na kahit ano sa loob. "Baka nagsisimula na," mahinang kwento ni Eula sa amin nag-sshhh kami ni Xiero. "Shhh..." sabi naming dalawa ni Xiero. Nang makalipas ng ilang minuto pumunta na kaming tatlo sa guest room nang wala kami narinig na ingay sa loob ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD