Alex's POV.
Araw-araw nasa hospital si Xymonette, 3 Linggo na ata syang ganyan. Kapag may ginagawa ako e, Nandun lang sya at naglilibot pero kapag vacant ako ay nagkaka kwentuhan kami, pakiramdam ko ay nasabi ko na lahat sa kanya, Ganun din naman yata sya. Parang kilalang kilala ko na sya. Medyo nagiging komportable na ko sa kanya. Wag lang mabi bring up yung Idea na gusto nya ko.
Nag aayos ako ngayon dahil pupunta ako ng bahay namin, Himala ito pinapatawag ako ni Papa para sa family lunch e halos ang tagal ko na silang di nakakasabay kumain.
Nagmaneho na ako papunta sa Mansion namin. Diba nga, sabi ko sa inyo mayaman kami mali pala sila dahil nagsasariling buhay ako.
Pinagbuksan ako ng gate at pinto ng sandamakmak na katulong at butler nila mama.
Nang makapasok ako sa loob ng bahay namin ay sinabihan agad ako ng head butler namin na naghihintay na sila papa saken sa dining area.
"Good evening papa, mama, paopao" bati ko sa kanila habang palapit ako.
"Kuya! I missed you so much" tumayo agad si paopao para salubungin ako at yakapin.
I hugged her back, My one and only sibling.
"Na miss ka rin ni Kuya, Pao"
"Alexander, Pauline maupo na kayo, kakain na" tawag samin ni Mama Khristine.
Naupo na kami ni Pao at maya maya lang ay hinain na ang pagkain.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magsalita si Papa Henry.
"Kamusta ang pag aaral mo?" tanong ni Papa.
"Okay lang po, Nagte training na po ako dahil malapit na po akong grumaduate"
"Saan ka naman nagte training hijo?" tanong saken ni mama.
"Sa Sebastian's Hospital po"
Nag lighten up ang mukha nilang.lahat.
"Talaga, anak? Dun sa kung saan ko pinanganak si Pauline?" tanong ulit ni mama.
"Opo mama, Dun nga po"
"Mabuti naman at dun mo napili, Napakabuti ni George sa atin kaya tayo nakaahon sa hirap. Ikamusta mo ako sa kanya" sabi ni papa.
Tumango ako.
"Naku kuya, Ang gwapo mo siguro kapag naka doctor's attire ka?" masayang tanong ni Paopao.
Nginitian ko sya.
"Gwapo nga ang kuya mo, Eh ayaw naman maging lalaki, Alexander kailan ka ba titigil sa kahibangan mo na iyan?" Papa.
"Henry! Ano ka ba?" suway ni mama.
"Pinapunta nyo ho ba ako para dyan, Itinakwil nyo na po ako dahil dyan, Hindi na po mababago yun, bakla ako papa" matigas kong sabi kay papa.
"Bahala ka na, Ayoko ng pakielaman ka pa, Kung ganyan ka kadesidido hahayaan kita, Wag ka lang sana makatagpo ng babaeng babago ng pananaw mo" Papa.
"Imposible iyon papa, At kung meron wag kang mag alala ipapakilala ko ho agad sa inyo"
"Oo nga pala kuya, Bumalik ka na dito, dito ka na ulit tumira, kahit di aminin ni papa, namimiss ka nya" mapang asar na sabi ni Paopao
"Pauline! Manahimik ka!" sita ni papa.
------
Pinarada ko na ang kotse ko sa tapat ng ospital, napatagal ako sa bahay namin, Imbis na hanggang tanghali lang ako e. Ginabi na ako, Dun pa dapat ako maghahapunan pero sinabi ko na lang na dito na ako sa opisina kakain.
Wala naman talaga akong pasok, pero naiwan ko kase yung cellphone ko sa opisina ko kaya dumaan ako.
Papasok pa lang ako ng makasalubong ko ang dalawang hinayupak kong kaibigan.
"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko sa kanila
"Pare, after nung Miss Gay mo di na tayo nakapag bonding e" Eros.
"Atsaka isa pa gusto namin makita kung san ka nagtatrabaho" Lucas
"At higit sa lahat, Curious kami kay sino ba yun Luke?" tanong ni Eros.
"Kay Xymonette Lianne Sebastian" Lucas.
"Mga baliw talaga kayo, bakit kayo nagpunta ng walang pasabi, wala pa naman akong pasok ngayon buti may nakalimutan ako, tara sa loob" yaya ko sa kanila.
Nung pagpunta ko sa opisina ay may nakaupo sa labas nun.
"Xymon!" tawag ko sa kanya kaya lumingon at tumayo sya.
"Reese!" kumaway sya.
"Wuuuuyyy, Reese ang tawag sa kanya, Binata ka na ba ulit tol? Hahahahaha!" pang aasar ni Eros.
"Lul, manahimik ka nga dyan kupido!" saway ko sa kanya.
Nung makalapit na kami ay dun ko lang napansin na may hawak si Xymon na malaking tupperware.
"Para sayo yan, Sinigang, Niluto ko" sabay bigay nya saken ng hawak nya.
"Salamat, tinandaan mo talaga ang paborito ko ah" sabi ko.
Pasimple naman akong sinisiko ni Lucas habang ngumingiti.
"Oo nga pala, Guys ito si Xymonette Lianne Sebastian" pakilala ko sa kanya.
"Ano ba Reese? Xymon na lang diba?" sabi ni Xymon na bahagyang nahihiya.
"Hi, I'm Eros, Engineer ako" sabi ni Eros then nag shake hands sila.
Tapos lumapit si Eros kay Xymon sa bandang ulo. Medyo nagulat ako. "Hmmm. In fairness ang bango ng buhok nya at super puti mo, kahit titibo-tibo ka ah"
Ngumiti ng naiilang si Xymon kaya pinandilatan ko si Eros.
"Lucas, but I prefer Luke, Piloto ako" sabi nya sabay lahad ng kamay nakipag shakehands naman si Xymon "Wow, ang lambot ng kamay mo, Lianne, if you don't mind yan na lang ang itatawag ko sayo"
"Ako din" sabat ni Eros.
Tumango lang si Xymon.
"Tara Xymon? Kainan natin to dun sa office ko" yaya ko sa kanya.
"Hindi, Sige okay na hinintay lang kita para ibigay yan, Sige Eros, Luke, Reese, Uuwi na ko" sabi nya sabay takbo, mabilis syang nawala sa paningin namin.
"Wow, pare ang lakas ng tama nya sayo, I can feel it" Eros.
"Tara, kainin na naten yan, Amoy at mukhang masarap e" Luke.
------------
I must admit, napakasarap nung sinigang ni Xymon, kaso ang kakapal ng mukha ng kaibigan ko. Inubos e pero ayos lang at nakapag bonding kami,
Papasok na sana ako ng condo ko ng,
"Baby!" nagulat ako ng biglang may yumakap sa likod ko,
"Flynn! Ginulat mo naman ako!" sabi ko.
"I missed you na so much baby kaya pumunta na ko" sabi nya habang nagpa puppy eyes,
Oh, ang cute cute nya pag nagpa puppy eyes.
Nagulat ako ng bigla nya kong ikiss sa cheeks.
"Ano ka ba?" malandi ko syang hinampas.
"Namiss mo ba ko?" tanong nya.
"Syempre naman!" sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Lalo naman ako" Mas hinigpitan nya ang yakap.
Hindi rin naman nagtagal si Flynn, pinakain ko lang sya ng canned goods at umalis na sya. Sabi nya may party pa daw silang magbabarkada.