Xymon's POV.
"Good Morning everyone!" masigla kong bati sa mga nagtatrabaho dito at kahit pasyente.
"Good Morning Miss Xy" yan yung sunod-sunod na bati saken ng staff, Kilalang kilala na ako dito kase nga alam na nilang ako yung anak ni Daddy, tapos ako din yung walang humpay na sunod ng sunod at kulit ng kulit sa pinaka gwapong soon to be doctor nila.
"Nagluto ako ng breakfast para sa inyong lahat! Who wants some pancake?!" tanong ko habang tinataas yung malaking backpack sa likod ko.
Lahat inabutan ko, kahit mga pasyente, Aba kasyang kasya to. Haha. Ang dami kaya nito, Hindi pa nga ako nakakatulog kase buong madaling araw akong nag mix at nagluto.
"Hmm, napakasarap naman nitong blueberry pancake mo Lianne" pagpuri saken ni Miss Romina.
"Naku, salamat po"
"Ayy, Oo nga pala Lianne, kung okay lang, kunin kitang bridesmaid ko sa kasal namin ni Fred?"
"Po? Ikakasal na po kayo ni Doctor Mariano? Congratulation po, It will be my honor to be your bridesmaid!" masaya kong sabi.
"Talaga ah, Anyway, partner kayo ni Doc Crush mo, sya kase best man ni Fred, It turns out na matagal na pala silang magkakilala, Sige magra rounds na muna ako ah" paalam nya saken.
Kahit nakaalis na si Miss Romina, hindi maalis ang ngiti sa mukha ko, Hahaha. Partner kami, Ano ba yan, nakakakilig. Sana kami rin, ikasal ni Reese.
Hindi ko pa nakikita si Reese, sabi nila nasa Operating room daw, at nanonood ng isang major surgery. But I will just wait for him in his office, for sure gutom yun paglabas at magugustuhan nya tong special pancake ko.
I went in to his office.
Kahit dito na ko tumira e, Haha basta araw araw at minu minuto ko syang kasama
NAPAKASAYA ko na nun.
Nakita ko yung suit nya na nakasabit
Dahan dahan akong lumapit.
At inamoy ko yun.
Reese na Reese ang amoy! Haha, naku naman napakagwapo ng amoy, pwede bang akin na lang to, kahit ito lang katabi ko muna sa pagtulog hanggang di pa kami kinakasal.
Haha, Ano ba tong naiisip ko, napaka assuming ko na sobra. Ano ba yan Reese!
Sobrang kinikilig ako pag naiisip ko na naglalakad ako patungo sa altar, palapit sa kanya.
Just that thought, Jusko, namumula na talaga ako. Hinawakan ko yung pisngi ko para pigilan ang sarili ko.
At sa aktong yun, pumasok ng opisina nya si Reese
Spell kahihiyan?
X-Y-M-O-N !
Alex's POV.
Pagkapasok ko sa opisina ko ay napatawa ako ng malakas dahil sa ginagawa ni Xymon, ewan ko ba napaka cute nya.
Sinabi ko ba yun, Just erase that :3
"Hmm, nakakahiya!" sabi nya habang nag cross arm sa isang gilid.
"Haha, Ano ba kasing ginagawa mo?" tanong ko.
"Ha? Wala no! Hindi kita ini imagine ha?!" napatakip sya sa bunganga nya
"WAHAHAHAHA! Bakit may sinabi ba kong ganun, Siguro nga totoo" pang aasar ko sa kanya.
"Ewan ko sayo Reese, O! Ito nga pala, pinagluto kita ng blueberry pancake" sabi nya sabay abot sa akin ng tupperware na may pancake.
"Hmm. Mukhang masarap, Amoy na amoy to dun sa ER at hallway ah, mukhang di lang ako ang pinagluto mo" sabi ko.
Oo, dahil puring puri ng mga staff namin dito at patients yung pancake nya na pina breakfast daw nya ngayon.
"Ayy, Oo! I thought na mas okay pag madami akong binigyan"
"Eh di ang dami mo palang niluto, Buti natapos mo lahat yan within this morning lang"
"Actually, I didnt get any sleep yet, Buong magdamag ko kaseng niluto lahat yan" sabi nya habang nahihiyang ngumiti.
Nalunok ko ng buo yung kapirasong pancake na kinakain ko, Ganito sya ka effort kase gusto nya? Hindi man lang ba sya magpapakita ng pagsuko.
"Hmm. Impressive, pero dapat matulog ka, baka mag collapse ka nyan e" sabi ko, Syempre nag aalala ako dahil baka pag may nangyari kay Xymon patay ako kay Sir George, mawala pa tong dream hospital ko.
"Hindi, Okay lang ako atsaka masaya akong gawin to para sayo"
Huminga ako ng malalim, I don't know what to say. Nakakatuwa lang kase yung effort nya.
"Hmm, Xymon? Gusto mo ba kong samahan mag rounds? I could use a little help" pagyaya ko sa kanya.
Agad agad naman nag brighten ang eyes nya at sunod sunod na tumango.
------
Patapos na kami sa pagra rounds e napaka bibo pa rin ni Xymon, Masigla nyang kinakausap at kinukwentuhan ang lahat habang kumukuha ng mga vitals buti marunont sya, mapa matanda o bata ay naaaliw sa kanya.
"Ate Xymon, alam mo mas maganda ka kung mag aayos ka e, Hindi yung para kang babae, pano ka magiging crush ni Doc Pogi nyan?" sabi nung isang bata.
Kumamot ng ulo si Xymon, "Oo nga no, kaso ang sarap kase ng ganitong porma" lumapit sya ng konti para bumulong sa bata pero rinig na rinig ko naman "sa tingin mo ba pag nagpaganda ako, magiging crush ako ni Doc pogi mo?"
Sunod sunod ang pagtangong ginawa nung bata habang nakangiti.
Hindi ko rin kase masabi kung maganda si Xymon, hindi kase pala ayos. Mukhang ang payat payat nya, halatang simple pero may dating naman kahit papaano.
"Doc, girlfriend mo ba itong dalagang ire?" nagulat ako sa tanong ng matanda, "Kung ganun, napaka swerte mo, Ingatan mo sya, napaka masayahin at mapag alaga nya"
"P-po? Hindi ko po sya girlfriend" mabilis kong pagtanggi.
"Soon to be pa lang po Lola" biglang pag epal ni Xymon.
Tinitigan ko sya ng masama pero nag peace sign sya, tinawanan ko na lang dahil ang cute nya, ay ano ba to! Hindi para maiwasan lang ang mahabang diskusyon.
Xymonette Lianne! You're already getting on my nerves!