Alex's POV.
"Ayan na po yung mga statistics ng mga pasyente na hawak ko, Na fill up-an ko na po lahat" masayang sabi ko sa isa sa mga doktor dito.
"Sige, salamat, Napaka hardworking mo talaga Alex, kahit kakasimula mo pa lang. Keep it up" nakangiti nyang sabi bago umalis.
Napangiti ako sa sinabi nya, Aba! Talagang pinagbubuti ko ang trabaho ko. Mahirap ng may masabi. Anyway, magtu 2 weeks na kong nagte train dito at ang masasabi ko lang napakasaya sa pakiramdam.
Yung anak naman ni Sir George e hindi naman nagpaparamdam I haven't met her. Pero hayaan sya. Makikilala ko rin yun.
Pumunta na ko dun sa table ko sa may E.R. ako kase sumasalubong sa mga bagong dating na pasyente.
Booooggggggssssshhhhh
Napatayo ako sa gulat sa malakas na pagbukas ng pinto ng Entrance para sa ER.
"Tulong, Tulong, Tulungan nyo kami" sigaw nung babaeng may karga kargang nasa edad 10 pababa na batang babae.
Agad agad akong lumapit sa kanila, Hiniga yung batang babae sa stretcher at chineck na nung mga nurse namin dito yung vitals ng bata.
"Anong nangyari sa kanya miss?" tanong ko.
Humarap yung babae
Pero ewan ko kung anong nangyari, naka jaw drop sya at nakatulala saken.
Ano ba to? Baliw lang?
Tiningnan ko sya from head to toe, Babae ba talaga to o tibo? ang dirty at walang kaayos ayos man lang.
"Miss? Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya sabay pitik ng daliri ko sa harapan nya para bumalik sya sa realidad, nagulat naman sya.
"Ha?! Ah. Alam ko sumabog ang appendix nya, Appendicitis yan at lumalala na baka malason sya ng tuluyan, Tingnan mo yung labi nya at daliri nagba violet na" sabi nya habang pinapakita saken yung mga daliri ng bata.
"Sige, Sige, Anong pangalan nya?" tanong ko. Dahil kumuha na ako ng patient's form.
"Ha? Hindi ko alam e" sabi nya habang nagkakamot ng ulo, Ano ba to may kuto?
"Ha? Panong di mo alam? Eh ikaw ang kasama?"
"Hindi, tinulungan ko lang yung lola nya ata yun na kargahin sya kase matanda na yung tao at kailangan ng madala dito" sagot nya saken.
Mga ilang saglit lang ay dumating na nga yung lola nung bata at yung nurse na yung kumuha ng info sa matanda.
Appendicitis nga ang sakit nung bata kaya agaran syang inasikaso ng espesyalistang doktor doon.
Nakita ko pa din yung babaeng nagdala sa bata na nakatayo lang sa isang tabi.
Xymon's POV.
Naku naman, nakakahiya yung ginawa ko kanina, tinitigan ko sya ng husto. Sinasabi ko yan sa isip ko habang tinatapik yung noo ko.
Naghanda pa naman ako sa pagkikita namin na to, Epic fail talaga pero okay na yun, Atleast nakatulong ako sa iba.
"Hi, I would just like to tell you na nakakabilib yung ginawa mong pagtulong sa kanila, Sabi nung matanda malayo layo ang bahay nila dito pero itinakbo mo yung bata from there to here, so technically living good samaritan ka pala"
Ohmygassshhh
Baka maihi ako nito,
Kinakausap ba talaga ako ng crush ko na ito?!
Alexander Reese Smith
I smiled
"So good samaritan pala ang tingin mo saken Reese?" natatawang tanong ko sa kanya.
Medyo nagulat sya,
"How did you know my name?" tanong nya.
"Ayy sorry, Di pa pala ako nagpapakilala, Ako si Xymon" sabi ko sabay lahad ng kamay
"Xymon? Panglalaki yun diba?" tinanggap nya yung kamay ko at shinakehands..
"Hayy naku, No choice, Kaya Xymon short for Xymonette Lianne Sebastian, Anak ako ni George, yung may ari nito"
"Oooohhh! So ikaw pala yung kinukwento saken ni Sir, It's my pleasure to meet you Xymonette"
"Xymon na lang"
"Okay, So Xymon you want to have some coffee in my office?"
Ano to? Ano to?
Ohmygaaaassshhh
Niyaya nya kong magkape.
Agad agad akong tumango.
We went to his office, Hindi masyadong malaki, di katulad ng office ni daddy pero well organized at malinis.
Maya maya lang ay nilapagan nya ko ng isang tasang kape.
And para saken yun ang pinakamasarap na kape!
"How old are you Xymon?"
"21"
"Parehas lang pala tayo"
"Oo, alam ko"
Bigla syang natawa, "Nag research ka ba about saken?" tanong nya.
Nginitian ko sya,
At dahan dahan na tumango.
Huminga ako ng malalim.
"Okay fine, Alam ko naman na hinayag na ako ni Daddy, Alam ko na alam mong may gusto ako sayo diba?" tanong ko.
Tumango sya.
"So, Hindi ka magagalit kahit na magtanong ako about sayo?"
"Nope, Hindi Xymon, Go ahead magtanong ka, Malamang marami kang tanong para saken na it took you this long para lang magpakilala saken"
"Oo na, Obvious namang kinakabahan ako, So? Uhm bakla ka talaga? Walang pag aalinlangan?"
"Yes" confident nyang sagot.
Medyo nalungkot ako, pero alam ko na yun. Pero hindi ako susuko, Nagsisimula pa lang ako. Maiinlove ka saken Alexander Reese Smith.
"Sa favorites mo ah, Uhm favorite color?"
"Navy Blue"
"Food?"
"Anything spicy, pero favorite ko sinigang"
"Actor?"
"Brad Pitt"
Oohh! Ang manly ng favorite actor nya, sana pinaborito nya na din ang pagiging lalaki. Hayys.
"Actress?"
"Angelina Jolie and Sandra Bullock"
"Ows? Talaga? Parehas tayo ng paborito! Favorite ko yung Tomb Raider at Salt ni Angelina tapos Ms. Congeniality at The Blind Side ni Sandra Bullock"
"Favorite ko rin yung The Blind Side" sabi nya sabay ngiti. Naku naman, napaka gwapo!
"Hobby mo?"
"Matulog, Manood ng Movies, Discovery, Magbasa ng libro"
"Singer?"
"Madami e, Haha. Baka bukas pa tayo matapos nyan"
Alex's POV.
Tiningnan kong maigi ang sarili ko sa salamin, Bakit kase ang gwapo ko pero gwapo din ang gusto ko.
Haha. Pero wala naman kayong magagawa dito ako masaya.
Nag bathroom break muna ako. Past 11pm na pala, Ang dami naming napag usapan ni Xymon, Ang dami nyang tanong pero, napakasaya nyang kausap. May sense of humor. Madaling pakisamahan gaya ng ini expect ko. Pero sigurado ba talagang gusto nya ko. Para kaseng hindi. Mukha kase syang tomboy.
Kababaeng tao kase naka cap, naka pusod ang buhok naka skinny jeans at sperry tapos ang luwag ng t-shirt as in walang ayos. Napaka puti nya lang yun lang ata nagpababae sa kanya.
Babalik na nga ako sa opisina ko at aayain ko ng umuwi si Xymon gabi na din.
Pagpasok ko sa opisina ay bumungad saken ang natutulog na Xymon sa desk ko.
Dahan dahan akong lumapit. She must've had a tiring day, Yung ginawa nya para sa bata nakaka impress talaga.
"Xymon, wag ka ng magka gusto saken, Inuubos mo lang ang oras mo sa isang bakla" sabi ko.
Buti na lang hindi sya nagising. Himbing na himbing syang natutulog dito sa mesa ko e.