Nasa loob si Uno ng kanyang kwarto. Nakatayo siya sa tapat ng bintana kung saan nagkukubli siya sa gilid nito.
May hawak na binocular si Uno na nakatapat sa kanyang mga mata. Mula sa binocular, nakikita niya ang katapat na bahay, partikular sa isang kwarto na bukas ang bintana.
Hindi buong nakikita ni Uno ang kabuuan ng kwarto pero sa tingin niya ay maganda naman ito. Kulay sky blue at puti ang kulay ng pader at nakikita rin niya ang mangilan-ngilang gamit sa loob gaya ng mesa at ang mga gamit sa ibabaw nito. May nakita pa siyang bookshelf na puno ng mga libro. Napangiti si Uno.
Iniisip ni Uno na kwarto iyon ng anak niya na si Timothy. Gusto niya itong makita ngayong umaga.
Wala siyang nakikitang tao sa loob ng kwartong sinisilip niya. Matiyaga siyang naghihintay.
“Hay naku! Para naman akong stalker nito,” wika niya saka tinawanan ang sarili.
Napailing-iling na lamang si Uno at matiyaga pa ring naghintay.
Pamaya-maya ay nanlaki na lamang ang mga mata ni Uno nang makita niyang magbukas ang pintuan ng kwarto sa kabilang bahay. Umayos siya sa pagkakatayo at tiningnang mabuti ang loob nito.
Hanggang sa makaramdam nang pagkadismaya si Uno dahil hindi si Timothy ang pumasok sa loob ng kwarto kundi si Lyndon.
“Kwarto pala niya iyon,” naiinis na sambit ni Uno. Dismayado talaga siya.
Bumuntong-hininga si Uno. Patuloy niyang sinilip ang kwarto.
Nakita niyang isinara ni Lyndon ang pintuan ng kwarto saka tumayo sa gitna. Pamaya-maya ay nanlaki na lamang ang mga mata ni Uno nang makita niyang dahan-dahang hinuhubad ni Lyndon ang suot nitong t-shirt na kulay puti. Mas lalo tuloy gumulo ang messy na ayos ng buhok nito na tama lang ang kahabaan.
Tuluyang nakapag-hubad si Lyndon ng t-shirt. Kitang-kita ni Uno ang magandang pangangatawan nito.
Malapad ang mga balikat nito. Malaman ang mga braso. Maumbok ang dibdib na pinarisan ng may pagkakulay brown na u***g. May abs na sa bilang niya ay nasa apat. Hindi ito mabalbon dahil wala masyadong balahibo sa katawan.Pantay at makinis ang moreno nitong balat.
“Bakit biglang uminit?” nagtatakang tanong ni Uno. Napailing-iling pa siya dahil kung ano-ano kasi ang nararamdaman niyang kakaiba.
Pamaya-maya ay hinubad naman ni Lyndon ang suot nitong short na lalong ikinalaki ng mga mata ni Uno na hindi maintindihan ang sarili kung bakit hindi pa niya tinitigilan ang pagsilip. Lumitaw ang suot nitong boxer brief sa loob na kulay itim.
Malalaki at mahahaba ang mga hita at binti nito. Wala rin itong ganung buhok sa parteng iyon at kapantay ng kulay ng balat nito ang kulay din ng parte na iyon.
“Ano bang ginagawa mo, Uno?” naguguluhang tanong niya.
Kaagad na inalis ang binocular sa tapat ng mata at nagtago si Uno ng biglang magawi sa kinalulugaran niya ang tingin ni Lyndon. Hindi niya alam kung nakita siya gaya na lamang ng hindi niya pagkaka-alam kung bakit kabadong-kabado ang dibdib niya.
Marahas na napabuntong-hininga si Uno. Sunod-sunod itong lumunok saka umiling-iling.
“Hay! Nababaliw ka na Uno!” sermon niya sa sarili.
Sinandal ni Uno ng mabuti ang likod niya sa gilid ng bintana.
--------------------------------------
Nakapaghanda na ng kakainin niya sa tanghalian si Uno at nakaupo na rin siya sa mesa.
Ngunit hindi kumakain si Uno at sa halip ay pinaglalaruan lamang niya gamit ang hawak niyang kutsara ang pagkaing nasa plato niya at tulalang nakatitig dito.
Hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin sa kanyang isipan ang mga nakita niya at hindi niya alam kung paano ito maaalis. Nabwi-bwisit na nga siya.
Hindi naman kasi siya ganito. Wala namang epekto sa kanya kapag nakakakita siya ng hubad na lalaki pero bakit pagdating sa kinikilalang tatay ng anak niya, parang nag-iiba siya?
Napapalatak si Uno.
“Wala lang ito. Siguro nagulat lang ako saka dismayado na din kasi hindi pala kwarto ni Timothy ang nasilip ko,” pagkumbinsi ni Uno sa sarili. Napabuntong-hininga siya. Hindi dapat siya mag-isip ng kung ano-ano.
Pero aminado si Uno, maganda ang pangangatawan ni Lyndon at hindi iyon nalalayo sa kanya. Para ngang…
Napailing-iling si Uno sa bigla niyang naisip.
“Saan galing iyon?” tanong niya. Muli siyang napailing-iling.
Tunay na nababaliw na nga siya.
Napabuntong-hininga na lamang si Uno at inisip ‘yung kagabi. ‘Yung pagkaing ibinigay ni Lyndon sa kanya na kaldereta. Aminado siyang nasarapan doon.
“Hindi kaya dahil sa pagkaing iyon kaya ako nagkakaganito?” tanong ni Uno. “May nilagay ba siya dun?”
Biglang umiling-iling si Uno.
“Hindi naman siguro.”
Muling napapalatak si Uno.
“Hay Uno! Kung ano-anong iniisip mo!” mariing sermon niya sa sarili. Ginulo-gulo niya ang may kahabaan niyang buhok sa sobrang nararamdamang inis sa sarili.
------------------------------------------
Abala si Uno sa pagdidilig ng mga halaman sa kanyang bakuran. Napapangiti siya dahil ang gaganda ng mga ito at halatang hindi pinabayaan ng dating may-ari.
Mahilig si Uno sa nature kaya naman nagustuhan rin niya ang bahay na ito dahil na rin sa may sariling bakuran. Sa bahay nga ng mga magulang niya, dinidiligan rin niya ang mga halaman doon pero dahil madalas ay may pasok siya, ang hardinero ang siyang nag-aalaga sa mga iyon magpasahanggang ngayon. Ipinagbilin din kasi niya dito na bantayan din ang bahay kaya naman hindi na lamang ito hardinero ngayon kundi caretaker na rin.
Patuloy sa pagdidilig ng halaman si Uno ng bigla siyang mapatingin sa katapat na bahay. Bahagya pa siyang nagulat dahil nakita niyang lumabas sila Lyndon at Timothy. Mga nakabihis ang mga ito at halatang may pupuntahan.
Kaagad namang umiwas nang tingin si Uno sa mga ito ng mapansin niyang nagawi sa kanya ang tingin ng mga ito. Kunwari ay hindi niya napansin ang mag-ama.
“Papa, siya iyon!”
Napatingin si Lyndon sa anak na si Timothy. Nakatayo sila sa harapan ng gate nila.
“Ano ang ibig mong sabihin, Anak?” nagtatakang tanong ni Lyndon na nakakunot ang noo.
Tiningnan ni Timothy si Lyndon.
“Siya po. Siya po ‘yung nagligtas sa akin nung muntikan na po akong mabunggo,” sagot ni Timothy.
Napaisip si Lyndon. Hanggang sa muli siyang mapatingin kay Uno na patuloy sa ginagawang pagdidilig sa mga halaman.
“Siya?” hindi makapaniwalang tanong nito.
“Dito rin po pala siya nakatira?” hindi makapaniwalang tanong ni Timothy na nakatingin kay Uno.
Ramdam naman ni Uno na nakatingin pa rin sa kanya ang mag-ama. Kabadong-kabado siya.
Hanggang sa makita niya mula sa kanyang periphial vision na muling naglakad ang mga ito ng magkahawak kamay at tumawid ng kalsada papunta sa bahay niya. Mas lalong kinabahan si Uno.
‘Sh*t! Anong gagawin ko?’ sa isip-isip niyang tanong. Medyo natataranta na din siya.
“Pare!” pagtawag ni Lyndon kay Uno.
Napatigil naman si Uno. Hindi muna siya tumingin kaagad. Pamaya-maya ay bumuntong-hininga siya saka dahan-dahang tiningnan si Lyndon at Timothy na nasa labas ng bakuran niya.
“O, kayo pala,” wika ni Uno saka ngumiti.
Napangiti naman si Lyndon. Si Timothy ay nakatingin kay Uno.
“Hello po,” pagbati ni Timothy kay Uno.
Napatingin si Uno kay Timothy. Hindi nito napigilan ang pagngiti.
“Nasabi sa akin ni Timothy na iniligtas mo raw siya nung isang araw,” sabi ni Lyndon na ikinatingin ni Uno.
“Ha?” parang tanga na tanong ni Uno.
Napangiti naman si Lyndon.
“Salamat,” sincere na wika nito.
Nag-aalangang napangiti na lamang si Uno sa sinabi ni Lyndon.
“Anyway, gusto mo bang sumama sa amin?” tanong ni Lyndon na ikinagulat ni Uno.
“Ha?” tanong muli ni Uno.
“Mamamasyal kasi kami sa mall ng anak ko. Naisip ko na ilibre na din kita ng kahit anong gusto mo bilang pasasalamat sa kabutihang ginawa mo para sa anak ko,” saad ni Lyndon.
“Uh… huwag na lang siguro,” pagtanggi ni Uno saka umiling-iling. “Kahit naman sino ay gagawin ang ginawa ko at hindi naman ako naghihintay ng kapalit sa ginawa ko,” dugtong pa niya.
“I insist,” pamimilit ni Lyndon. “Hindi naman pwedeng wala din kaming mabuting magawa para sayo,” sabi pa nito.
Napangiti nang tipid si Uno. Gusto pa sana niyang tumanggi pero naisip niya, pagkakataon na niya ito para makasama ang anak niya sa pamamasyal.
“Ano? Sasama ka na?” pagtatanong muli ni Lyndon.
Tiningnan ni Uno si Timothy na nakangiting nakatingin sa kanya. Napangiti si Uno.
“Sige, magbibihis lang ako,” pagpayag ni Uno na ikinangiti ni Lyndon.