CHAPTER 11

1240 Words
Nililibot nang tingin ni Uno ang loob ng bahay. Taas-baba ang kanyang dibdib dahil sa kanyang paghingal. Kakatapos lamang niya kasing mag-ayos ng mga gamit dito sa loob. Napangiti si Uno. Nagustuhan niya ang bagong bahay niya na ito na nabili niya sa medyo mababang halaga. Mabuti na lamang at nalaman niya kaagad na ibinebenta na ito at hindi na siya nagdalawang-isip pa na kausapin ang may-ari at bilhin ito. Dalawang palapag ang bahay na nabili niya. Hindi ito masyadong malaki pero sapat na ang laki nito para tirhan ng nag-iisa sa buhay na gaya niya. Dinala niya dito ang ilang gamit niya sa dating bahay. Sa labas ng bahay ay may maliit na bakuran na may mga halaman at nahaharangan ng medyo mababang gate. Gawa sa bato ang bahay at sa harapan nito, sa ikalawang palapag ay may veranda. Sa unang palapag naman ay naroon ang sala, banyo at ang kusina na sapat lamang ang mga laki at hinahati ng mga pader. Naglakad si Uno papunta sa hagdanan at umakyat. Pumunta siya sa veranda saka siya tumayo doon. Lumanghap ng sariwang hangin si Uno. Nilibot niya nang tingin ang paligid hanggang dumako ang tingin niya sa katapat na bahay na nasa kabilang gilid ng kalye. Napangiti siya. Ang bahay na tinitingnan ni Uno ay ang bahay nila Timothy. Ito ang isa sa mga plano niya, ang tumira sa lugar na malapit lamang sa anak. Gusto niya itong makita ng madalas kahit sa malayo lang at mukhang pinagbibigyan siya ng tadhana dahil saktong-sakto at for sale ang nabili niyang bahay. Humawak si Uno sa handrail. Huminga muli siya ng malalim. Samantala… Papunta si Lyndon sa kwarto ni Timothy nang huminto siya sa paglalakad at mapatingin sa labas. Kumunot ang noo niya dahil may napansin siyang nakatayo sa veranda ng katapat na bahay. “May nakalipat na kaagad?” nagtatakang tanong niya. Sa pagkakaalam niya kasi, ibinebenta na ni Aling Marta ang bahay nito na katapat nga lamang ng bahay nila. No’ng isang araw lamang niya iyon nalaman at ngayon ay mukhang may nakabili na nga. Tiningnan mabuti ni Lyndon ang nakatayo sa veranda ng katapat na bahay. Mas lalong kumunot ang kanyang noo. “Lalaki pala ang nakabili,” sambit niya saka tumango-tango. Napansin ni Lyndon na nakatingin ang lalaki sa bahay niya. Mas lalo tuloy kumunot ang noo nito. “Nakikita niya ba ako?” nagtatakang tanong ni Lyndon. Nagkibit-balikat si Lyndon. “Teka… parang nakita ko na siya. Saan nga ba iyon?” tanong niya saka nag-isip. Pamaya-maya ay muling nagkibit-balikat na lamang si Lyndon dahil hindi niya maalala kung saan nga ba niya nakita ang lalaki. Sa tingin ni Lyndon ay nalalapit lamang ang edad nila ng lalaki na bago nilang kapit-bahay. Masasabi niyang maganda itong lalaki at matangkad. Nangungusap ang mga mata nito, may katangusan ang ilong at medyo manipis ang natural na mapula nitong labi. Maganda ang pangangatawan na pansin na pansin niya dahil walang suot na t-shirt o sando man lang ang lalaki at nakasuot lamang ito ng pantalon sa pang-ibaba. Para nga itong modelo ng isang jeans apparel. Malapad ang balikat, malaman ang mga braso at maumbok ang dibdib. May abs din ito at masasabi niyang bukod sa halatang alagang-alaga nito ang katawan ay malinis din ang pangangatawan ng binata. Napakamot na lamang sa ulo si Lyndon. Kung ano-anong napapansin niya. Napailing-iling si Lyndon saka umiwas nang tingin at tumuloy na sa kwarto ni Timothy. Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Uno. Nakita niya kasi si Lyndon na nakatingin sa kanya kanina. Ewan ba niya kung bakit napangiti siya dahil lamang sa pagtingin nito. Nagkibit-balikat na lamang siya. -------------------------------------------- Nakapaghanda na si Uno ng kanyang kakainin ngayong hapunan at nakahain na ito sa mesa. Napangiti siya. Tinanggal ni Uno ang suot niyang apron at isinabit iyon sa gilid ng refrigerator. Muling lumitaw ang maganda niyang pangangatawan na walang suot na damit at may butil ng pawis. Naupo na si Uno sa upuan saka inamoy ang mga pagkaing nakahain. “Hindi ka pa rin pumapalya Uno. Amoy pa lang, masasarap na ang pagkaing niluto mo,” natutuwa niyang sambit. Nagsimula na si Uno na lagyan ng kanin ang plato niya pero napatigil siya at mabilis na napatingin sa pintuan ng bahay nang marinig niya ang sunod-sunod na pagkatok. Kumunot ang kanyang noo dahil sa pagtataka dahil wala naman siyang inaasahang bisita ngayong gabi. Nagkibit-balikat na lamang si Uno saka tumayo at pinuntahan ang pintuan na tuloy-tuloy na kinakatok. Sa pagbukas ni Uno ng pintuan ay nagulat pa siya dahil si Lyndon pala ang nasa labas. May hawak itong isang tupperware na hindi niya alam kung ano ang laman. Nakatingin naman si Lyndon kay Uno. Tipid itong ngumiti. “Ikaw pala ang bagong kapitbahay namin,” wika ni Lyndon. “Uh… oo,” sagot ni Uno. Ewan ba niya kung bakit bigla-bigla ay kumakabog ang kanyang dibdib. Napangiti si Lyndon. “Anyway, I’m Lyndon… Lyndon Esguerra,” pagpapakilala niya sa sarili. “Uno, Uno Kwatro Olvidado,” pagpapakilala naman ni Uno sa sarili niya. Bigla namang natawa si Lyndon. Kumunot ang noo ni Uno. Napansin ni Lyndon ang tingin sa kanya at pagkunot ng noo ni Uno. Pinilit nitong tumigil sa pagtawa. Kinagat nito ang ibabang labi saka ngumiti siya. “Sorry. Bihira ko lang kasi marinig ‘yung pangalan mo.” Napatango-tango si Uno. “January 14 kasi ang birthday ko. Base sa numero ng birthday ko ang pangalan ko.” “Ahhhh,” ang nasabi na lamang ni Lyndon. “Oo nga pala, may dala akong ulam para sayo. Welcome gift,” saad na lamang ni Lyndon saka pinakita kay Uno ang dala niya. Tiningnan ni Uno ang dala ni Lyndon. Tipid itong ngumiti saka kinuha mula kay Lyndon ang tupperware. “Salamat,” pagpapasalamat ni Uno. “Siguradong bukas ay may mga iba pang kapit-bahay na magbibigay sayo ng mga pagkain bilang welcome gift. Ganito kasi sa lugar namin kapag may bagong kapit-bahay,” wika ni Lyndon. Napatango-tango si Uno. “Uh… mababait pala kayo dito,” ani ni Uno saka ngumiti. Napangiti si Lyndon. “Gusto mo bang pumasok muna?” alok ni Uno kay Lyndon. Umiling-iling si Lyndon. “Hindi na. Kakain na rin kasi kami ng anak ko,” magalang na pagtanggi nito. “Sige at aalis na ako,” dugtong pa niya. Napatango-tango si Uno. “Ibabalik ko na lang itong tupperware mo.” Napangiti na lamang muli si Lyndon. Tinalikuran na ni Lyndon si Uno saka naglakad na palayo. Nakasunod naman ang tingin ni Uno kay Lyndon hanggang sa makalabas ito sa bakuran niya at makatawid sa kabilang kalsada papunta sa bahay nito. Tipid na napangiti si Uno. Tiningnan niya ang ibinigay sa kanya ni Lyndon saka iyon binuksan. “Wow! Kalderetang manok,” natutuwang sabi ni Uno. Isa ito sa mga paborito niyang ulam. Inamoy-amoy ni Uno ang ulam saka siya tumango-tango. “Mukhang masarap,” natutuwang sabi ni Uno. Nasarapan na kasi siya sa amoy pa lang ng ulam. Pumasok na muli si Uno sa loob ng kanyang bahay. Samantala… Malapit na si Lyndon sa pintuan ng kanyang bahay nang huminto ito sa paglalakad. Nilingon niya ang katapat na bahay. Napangiti ito. “Tama! Naaalala ko na. Siya ‘yung lalaki sa supermarket,” saad ni Lyndon nang makaalala na siya. Natawa siya dahil muli niyang naalala ‘yung muntikan na niyang pang-aagaw sa chocolate spread na paborito namang palaman sa tinapay ni Timothy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD