CHAPTER 3

1032 Words
Nasa loob ng opisina ni Sister Ana si Uno. Nakaupo si Uno sa isang mahabang sofa habang sa single sofa naman ang madre. Nakakabingi ang katahimikan sa loob. Nakatingin lamang si Sister Ana kay Uno na bahagya namang nakayuko. Napangiti nang tipid si Sister Ana. “Kumusta ka na?” kalmadong tanong ni Sister Ana na pumutol sa nakakabinging katahimikan sa pagitan nila ni Uno. Nag-angat nang tingin si Uno. Tipid lamang itong ngumiti nang tingnan si Sister Ana. “Palagi kitang nakikita sa labas pero ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob para kausapin ka,” wika ni Sister Ana. Muling napayuko si Uno. Hindi niya maitatanggi sa kanyang sarili na nahihiya siya ngayong kaharap ang madre. “Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito?” kalmadong tanong ni Sister Ana kay Uno. Bitbit nito ang baby habang nakatingin sa ama nito. “Pwede mo pang pag-isipan mabuti.” Napayuko ang nahihiyang si Uno. Hindi niya sinagot ang tanong ng madre. Nanatiling nakatingin si Sister Ana kay Uno. Kitang-kita niya sa itsura ng binata ang hirap na dinaranas nito at hindi niya mapigilang maawa. Alam niya na may dahilan kung bakit ipinataw at ginawa nito ang isang mabigat na desisyon. Namayani ang nakakabinging katahimikan sa loob ng opisina ng madre. Tiningnan ni Sister Ana ang baby na napatulog na muli niya. Tipid itong napangiti. Ang cute ng bata sa paningin niya at kawangis ng ama nito. “Kayo na pong bahala sa kanya,” mahina ngunit rinig na rinig ni Sister Ana ang sinabi ni Uno. ‘Yun din ang pumutol sa nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Napatingin si Sister Ana kay Uno. Mas lalo siyang naawa nang makita itong nakatingin sa kanya at maluha-luha ang mga mata. Kitang-kita ng madre sa mukha ni Uno na ayaw nitong gawin ang bagay na iyon ngunit wala na itong mapagpipilian. Muling napayuko si Uno. Nakagat nito ang ibabang labi. “A-Alagaan niyo po siya at ingatan,” pakiusap ni Uno. “Ga-gawin niyo po ang mga bagay na hindi ko… hi-hindi ko magagawa sa-sa kanya,” garalgal na wika pa niya. “Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo?” kalmadong at hindi nanghuhusgang tanong ni Sister Ana. “Alam kong mahirap ngunit lahat naman ng pagsubok ay nalalagpasan basta manalig ka lang sa Kanya.” Hindi sumagot si Uno. Hinayaan niyang tumulo ang kanyang luha na kitang-kita ni Sister Ana. Mas lalo siyang nakaramdam ng awa para sa binatang ama. “Namimiss mo na ba siya?” tanong ni Sister Ana. Umangat ang mukha ni Uno at tiningnan ang madre. Napabuntong-hininga ang madre. “Kumusta na po siya?” lakas-loob na tanong ni Uno. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ng madre. “Napunta siya sa mabuti at mabait na magulang kaya alam kong nasa mabuti siyang kalagayan ngayon,” sagot ng madre. Napatango-tango si Uno. Nakahinga siya ng maluwag. Isang linggo ang lumipas nang bumalik si Uno sa bahay ampunan. Nagmamadali niyang pinuntahan si Sister Ana sa opisina nito. Gulat na gulat naman ang madre sa pagdating ni Uno. Tumayo ito mula sa inuupuang swivel chair at nilapitan ang binata. “Iho, bakit ka naparito?” kalmadong tanong ng madre. Kinalma na muna ni Uno ang sarili bago nagsalita. “Ang baby ko po?” tanong ni Uno. Nagulat ang madre. “Bakit?” nagtatakang tanong nito. Ngumiti si Uno. “Kukunin ko na po siya. Gusto ko na po siyang makasama ulit. Pangako, aalagaan ko siya kahit anong mangyari at hindi ko na siya isusuko kahit kailan,” wika nito na ikinalaki ng mga mata ni Sister Ana dahil sa gulat. Hindi ito kaagad nakapagsalita. Kumunot ang noo at nagsalubong ang makapal na kilay ni Uno dahil sa nakitang reaksyon sa madre. “Si-sister Ana,” pagtawag ni Uno sa madre. Bigla siyang kinabahan. Huminahon ang itsura ni Sister Ana. “Ang baby mo… ang baby mo…” nahihirapang sabi nito. Mas lalong kumunot ang noo ni Uno. “Nasaan na po siya?” tanong ni Uno na nagsimulang kumabog ang dibdib. Nakagat ng madre ang ibabang labi niya. “I’m sorry,” mahinang sambit ng madre. Mas lalong kumabog sa kaba ang dibdib ni Uno sa narinig mula sa madre. “Sister Ana,” nanghihinang pagtawag ni Uno. “Ilang beses kitang tinanong iho para masigurado ang desisyon mo. Baka kasi nabibigla ka lang nung gabing iyon ngunit nakapagpasya ka na. May mga pinirmahan ka ring dokumento na nagsasaad na sa amin mo na ipinagkakatiwala ang baby mo,” lahad ni Sister Ana. “At alam mo naman kung ano ang mga nangyayari sa mga batang napupunta dito sa bahay ampunan, ‘di ba?” dugtong pa nito. Nanlaki ang mga mata ni Uno. Pamaya-maya ay napailing-iling. Hindi siya makapaniwala. Isang linggo pa lamang ang lumilipas. “I’m sorry, Iho,” sincere na paghingi ng paumanhin ng madre. “Huwag kang mag-alala, siniguro ko na sa mga mabubuting tao napunta ang baby mo. Aalagaan nila siya at ibibigay ang magandang kinabukasan sa kanya gaya ng kagustuhan mo,” sabi pa nito. Tumulo ang luha ni Uno. Awang-awa naman ang madre habang nakatingin kay Uno. “Pwede po bang makiusap muli sa inyo?” tanong ni Uno sa Madre. Hindi sumagot ang Madre at nanatili lamang nakatingin kay Uno. Napabuntong-hininga naman si Uno bago magsalita. “Sabihin niyo na po sa akin kung sino sila,” pakiusap ni Uno. “Gusto ko pong makita ang anak ko.” “Ngunit Iho, alam mong may patakaran kami at hindi namin basta-basta ito pwedeng baliin,” wika ng Madre. Hindi nagsalita si Uno. Nanatiling nakatingin lamang siya sa Madre. Umiwas nang tingin si Sister Ana. Napabuntong-hininga ito. Sa muling pakikiusap sa kanya ni Uno ay nagdadalawang-isip na naman siya kung papayag na ba siya sa kagustuhan nito. --- Nakauwi na sa kanyang bahay si Uno. Dumiretso siya sa sala. Tinanggal niya sa pagkakabutones ang first two buttons ng suot niyang polo saka siya naupo sa sofa. Sinandal ni Uno ng mabuti ang likod niya sa sandalan ng sofa. Tumingala siya saka tumitig sa kisame. Huminga siya ng malalim. Naalala ni Uno ang naging usapan nila ng Madre.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD