CHAPTER 18 AND 19

3435 Words
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa din dinadalaw ng antok si Uno. Nakahiga lamang siya sa malambot na kama na nasa loob ng kanyang kwarto na madilim at tanging ang sinag lamang na nanggagaling sa buwan sa labas na tumatagos sa bintana ang nagbibigay liwanag. Nakaunan ang dalawang kamay ni Uno sa kanyang ulo habang nakatitig sa kisame. Hanggang ngayon ay naiisip pa rin niya ang naging usapan nila ni Lyndon. Ngayon nagsink-in sa kanya na nasabi pala niya ang halos lahat ng hindi magandang nangyari sa buhay niya at hindi niya maintindihan kung bakit. Ngunit aminado si Uno na gumaan ang pakiramdam niya matapos niyang mailahad kay Lyndon ang lahat. Pakiramdam niya, tama lamang na nasabi niya ito pero may bahagi rin sa kanya na hindi. Napabuntong-hininga si Uno. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Naguguluhan siya. Muling dumilat ang mga mata ni Uno. Sumalubong muli sa kanyang tingin ang kisame. Napabuntong-hininga siya muli. Samantala… Nakatayo sa tapat ng bintana si Lyndon at nakatingin sa labas. Nakakabingi ang katahimikan ng gabi at wala na rin siyang taong nakikita sa paligid. Hindi makatulog si Lyndon kaya naisipan na lamang muna niya na tumayo sa tapat ng kanyang bintana sa loob ng kwarto. Tumatakbo sa kanyang isipan ang mga inilahad sa kanya ni Uno. Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Lyndon sa mga sinabi ni Uno sa kanya. Hindi niya maitatanggi na nakaramdam siya ng awa para rito ngunit may bahagi sa kanya na naiinis rin dahil sa ginawa nito sa anak. Kung siya ang nasa posisyon ni Uno, hindi niya ipapa-ampon ang bata kahit na anong mangyari at kahit anumang hirap ang pagdaanan nila. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang anak dahil dugo’t-laman niya ito. Hindi niya makakayang mawalay kahit isang segundo sa kanyang anak. Ngunit sino ba siya para manghusga? Narinig naman niya ang panig ni Uno. Maaga itong naging ama at ang binatilyo, minsan hindi na nakakapag-isip ng mabuti lalo na kung biglaang dumating ang responsibilidad. Isa pa, sobrang hirap ang pinagdaanan ni Uno at walang tumulong sa kanya. Kumbaga, wala ng choice si Uno kundi gawin ang isang bagay na hindi dapat kahit na labag sa loob nito. Napabuntong-hininga si Lyndon. Ngayon niya napatunayan na sa likod ng mga hindi magandang desisyon, may mga nakakubling malalim na dahilan na hindi dapat ipagsawalang-bahala kaya dapat, hindi basta-basta nanghuhusga at alamin kung ano ang puno kung bakit humantong sa hindi magandang resulta ang isang desisyon. “Nasaan na kaya ‘yung anak niya?” pagtatanong ni Lyndon sa hangin. Natitiyak niya na nahihirapan din si Uno lalo na at nawalay ang anak nito at hindi na alam kung nasaan. Mas lalo tuloy siyang nahabag sa kanyang kapitbahay. Muli siyang napabuntong-hininga. ------------------------------------------ Walang pasok sa trabaho si Uno kaya naman naisipan niyang mamasyal. Naglalakad siya ngayon sa loob ng mall at mag-isa lamang siya. Tipid na napapangiti si Uno kapag nakakakita siya ng mga pamilyang magkakasama na namamasyal. Hindi niya maitatanggi na namimiss niya ‘yung panahong ginagawa nila ito ng mga magulang niya no’ng bata pa siya. Naisip niya si Timothy. Kung hindi lang sana niya ito pina-ampon, sana kasama niya ito ngayon na namamasyal dito sa loob ng mall. Naglalaro sana silang dalawa sa may arcade. Kumakain sana sila sa paborito nitong fast-food chain. Naghaharutan at naglalambingan sana sila habang nakaupo sa may bench at nagpapahinga. Napabuntong-hininga na lamang si Uno. Ang dami niyang gustong gawin na kasama ang anak ngunit hindi niya alam kung magagawa pa ba niya iyon ng kasama ito. Patuloy na naglakad si Uno habang patingin-tingin sa paligid hanggang sa mapahinto siya sa paglalakad at nakatingin sa kina-pwepwestuhan ng sinehan. Napangiti si Uno at muli siyang naglakad at lumapit sa kinaroroonan ng sinehan. Tiningnan niya kung ano ang mga palabas ngayon sa sine hanggang sa may magustuhan siya. Mahilig siya sa action pero dahil may palabas ding animated film, ‘yun ang pinili niya dahil mas paborito niya iyon. Pumunta si Uno sa ticketing booth para bumili ng ticket. Pagkatapos niyang bumili ng ticket ay bumili na rin siya ng popcorn at softdrink sa snack station. Ilang minuto pa ang natitira bago magsimula ang palabas at magpapasok ng mga manunuod kaya naghintay na muna si Uno sa waiting area bitbit ang ticket at mga nabili niya. Naupo siya at pinatong sa mesa ang bowl ng popcorn at baso ng softdrink. Muling tiningnan ni Uno ang paligid. Napabuntong-hininga siya ng malalim. “Ang hirap talaga kapag nag-iisa,” pagkausap niya sa hangin. Simula ng mawala ang magulang niya ay lagi na lamang siyang mag-isa. Mag-isa sa bahay, mag-isang mamasyal, mag-isa sa lahat ng ginagawa niya. Para siyang nabuhay para mag-isa. Napangiti si Uno nang maalala niya ang pamamasyal nila ni Lyndon at Timothy. Doon na lamang muli siya na may nakasama sa pamamasyal at masaya siya na naranasan muli iyon. Pamaya-maya ay nakita ni Uno na nagpapapasok na sa loob ng sinehan kaya naman tumayo na siya at binitbit ang pagkain saka ang inumin niya saka pumasok na rin sa loob. Maliwanag pa sa loob ng sinehan dahil nakapatay pa ang malaking LED monitor sa harapan at hindi pa nagsisimula ang pelikula. Nilibot niya nang tingin ang kabuuan ng sinehan hanggang sa mapangiti siya dahil nakakita siya ng magandang pwesto at iyon ay sa bandang gitna. Pinuntahan kaagad ni Uno ang pwesto na napili niya. Binilisan niya ang paglalakad hanggang sa makarating siya doon. Sa dulo siya pumwesto. Inilapag ni Uno sa cup holder ang baso ng softdrink niya saka naupo. Pinatong naman niya sa hita niya ang bowl ng popcorn. Patuloy ang pasok ng mga tao sa loob ng sinehan hanggang sa mapansin niyang unti-unting nagkakamatay na ang mga ilaw dito sa loob at nag-on na ang malaking monitor sa harapan. Hindi ganoon karami ang mga nanunuod at napansin pa ni Uno na puro bata na may kasamang magulang. Napangiti siya. “Hindi naman masamang mag isip-bata paminsan-minsan,” wika ni Uno. “Oo naman.” Nanlaki ang mga mata ni Uno at napatingin sa biglang nagsalita na iyon. Gulat na gulat siya nang makita si Lyndon na nakangiti sa kanya at kasama nito si Timothy na nag-hi sa kanya. “Na-Nandito pala kayo,” ang nasambit na lamang ni Uno. Hindi siya makapaniwala. “Nag-aya kasi si Timothy na manuod ng sine at ito ang napili niya,” saad ni Lyndon. “Saktong nakita kita kaya dito na kami dumiretso.” Nag-aalangang napangiti na lamang si Uno. “Sakto at bakante pa dito sa tabi mo,” wika ni Lyndon at tiningnan ang bakanteng upuan na nasa tabi ni Uno. Bakante rin ang upuan na katabi nang sinasabi ni Lyndon. “Dito ka maupo, Anak,” sabi pa ni Lyndon. “Okay po,” sagot ni Timothy. Naupo si Timothy sa upuan na katabi ng kay Uno. Naupo naman si Lyndon sa katabi ng inuupuan ni Timothy. Bale, pinapagitnaan nila Uno at Lyndon si Timothy. Nakatingin si Uno kay Timothy. Hindi niya maitatanggi na natutuwa siya lalo na at muli na naman niya itong nakasama ngayon. Napatingin si Timothy kay Uno. Ngumiti ito. Napangiti na lamang si Uno. “Oh! Tumingin na kayo sa harapan at magsisimula na ang pelikula,” sambit ni Lyndon. Napatingin naman si Uno at Timothy sa harapan. Tuwang-tuwa si Timothy dahil nagsimula na ang pelikula. Muli namang tiningnan ni Uno si Timothy na tutok na tutok na sa panunuod habang kumakain ito ng popcorn na binili nila ni Lyndon kanina bago pumasok. Napangiti muli ito. Tiningnan din ni Uno si Lyndon. Katulad ni Timothy ay nakatingin na rin ito sa harapan at nanunuod. Mas lalong napangiti si Uno at muling tumingin sa harapan at nanuod ng pelikula. Tungkol sa isang aso ang animated film na pinapanuod nila. Musical ang tema na may touch ng drama dahil inapi ‘yung aso ng mga naging amo nito. Sa paglalayas, doon nagsimula ang extraordinary adventures nito kasama ng iba pang mga hayop sa kalye. Maganda ang takbo ng pelikulang gawa ng banyaga. Simple ang kwento pero may kurot sa puso. Maganda rin ang lapat ng musika at mga kantang ginamit. Tuwang-tuwa si Timothy dahil paborito niyang manuod ng mga animated films dahil sa makulay ang mga ito. Natutuwa siya sa mga drawing na gumagalaw. Muling napatingin si Uno kay Timothy. Hindi na naman niya napigilang mapangiti. Tiningnan rin niya si Lyndon at nakikita niya itong napapangiti habang nanunuod. Ibinalik muli ni Uno ang tingin niya sa harapan at nanuod. This time, si Lyndon naman ang napatingin kay Uno. Napangiti ito. Kahit sa dilim, tila nagliliwanag si Uno. Hindi maitatanggi ni Lyndon na magandang lalaki ang binata. Makinis, maputi, makapal ang itim na itim na kilay at may kahabaan ang pilik-mata. Perpekto ang hugis ng mukha at jawline. Maganda rin ang mga mata nito at matangos ang ilong. Napunta ang tingin ni Lyndon sa labi ni Uno. Natural na mapula ang labi nito. Napailing-iling bigla si Lyndon at umiwas nang tingin kay Uno. ‘Ano bang nangyayari sa akin?’ naguguluhang tanong niya. Muli siyang napailing-iling saka natawa. Iniisip niya na parang nababaliw na siya dahil tinitigan niya ang mukha ng isang lalaki. Nag-pokus na lamang muli si Lyndon sa panunuod. ----------------------------------------------- “Ano anak? Nag-enjoy ka ba sa panunuod?” pagtatanong ni Lyndon kay Timothy. Naglalakad na sila palayo sa sinehan. “Opo Papa! Ang ganda po!” natutuwang wika ni Timothy. Napangiti naman si Lyndon. Tiningnan nito si Uno na kasabay nila sa paglalakad. “Ikaw? Nagustuhan mo ba ‘yung pelikula at mag isip-bata?” birong tanong ni Lyndon. Mahina namang natawa si Uno saka tumango-tango. “Gusto ko, lalo na ‘yung mga kanta,” sagot ni Uno. “‘Yung isang kanta, hindi na nga maalis sa isip ko,” sabi pa nito. “Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Lyndon. Tumango-tango si Uno. Napangiti si Lyndon. “Sample naman diyan,” dugtong pa niyang request. “Huwag na!” mariing pagtanggi ni Uno saka ngumiti. Nahihiya din siya. “Sige na! Gusto ko lang malaman kung ano ‘yung kanta,” pamimilit ni Lyndon kay Uno. “Uhmmm…” sabi ni Uno. “I love you until the end of time… I love you forever…” kumanta siya. Napapangiti naman si Lyndon habang nakikinig sa pagkanta ni Uno. “Ayun! Ang ganda nung kanta, ‘di ba?” tanong ni Uno na hindi naman tinapos ‘yung kanta dahil medyo nahiya din siya. “Oo, at ang ganda rin ng boses mo,” pagpuri ni Lyndon. Mas lalo namang nakaramdam nang hiya si Uno. “Hindi naman,” pa-humble na sabi niya. “Totoo. Maganda ang timbre ng boses mo,” pagpuri muli ni Lyndon. Napailing-iling si Uno. “Pinakanta mo lang yata ako para asarin.” “Hindi,” wika ni Lyndon saka ngumiti. “Gusto ko lang din kasing malaman kung maganda ang boses mo.” Mahina na lamang natawa si Uno saka umiwas nang tingin kay Lyndon. Napangiti siya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit natutuwa siya sa papuri ni Lyndon sa kanya. “Oo nga pala, tara at kumain na muna tayo,” pag-aaya ni Lyndon. “I want chickenjoy!” sabat ni Timothy. Tiningnan ni Lyndon ang anak saka ito tumawa. “Sige, Anak,” pagpayag nito saka humigpit ang hawak sa kamay ng anak para hindi ito mahiwalay sa kanya. Tiningnan nito si Uno. “Ikaw, Uno? Kain tayo doon sa kinainan natin no’ng nakaraan,” pag-aaya pa ni Lyndon. Napatingin si Uno kay Lyndon. Napangiti ito saka tumango-tango. Napangiti na lamang din si Lyndon. Tuwang-tuwa ang kalooban niya at ganoon din si Uno. --- Lumipas na naman ang isang linggo sa buhay ni Uno. Wala namang masyadong nangyari sa kanya sa mga panahong iyon. Trabaho at mga gawain sa bahay lamang ang inatupag niya at hindi naman siya masyadong lumalabas para magliwaliw. Day-off muli ni Uno sa trabaho. Abala siya ngayon sa paglilinis ng kanyang bahay. Winawalis niya ang mga dumi at alikabok sa sahig. Huminto muna si Uno sa ginagawa at binitawan ang walis tambo na hawak saka pinunasan ang pawis niya sa noo gamit ang likuran ng kanang kamay niya. Maalinsangan ang panahon ngayon at dahil hindi naka-on ang electric fan niya dahil sa siya ay nagwawalis kaya mas lalo iyong nakadagdag sa init na nararamdaman niya. Huminga nang malalim si Uno saka muling hinawakan ang walis. Itutuloy na sana niya muli ang ginagawa pero napatingin siya sa pintuan ng kanyang bahay dahil sa sunod-sunod na pagkatok ng kung sino man mula sa labas. Kumunot ang noo at nagsalubong ang kilay ni Uno dahil sa pagtataka. “Sino kaya ‘yun?” nagtatakang tanong niya. Wala naman kasi siyang inaasahang bisita. Tuloy-tuloy pa rin ang pagkatok ng kung sino man sa kanyang pintuan kaya naman muli niyang binitawan ang walis saka nagkibit-balikat at pinuntahan kung sino man ang kumakatok. Sa pagbukas ng pintuan, bahagya pang nagulat si Uno nang makita si Lyndon at Timothy. Ngumiti si Lyndon at ganoon din si Timothy na may hawak na isang file case. “Kayo pala,” wika ni Uno saka ngumiti. “Naka-istorbo ba kami sayo?” pagtatanong ni Lyndon. Umiling-iling si Uno. “Tara at pasok muna kayo,” alok niya. Tumango-tango naman si Lyndon. Binigyang daan ni Uno ang mag-ama at pumasok na ang mga ito sa bahay niya. Inilibot nang tingin ni Lyndon at Timothy ang loob ng bahay ni Uno. Napangiti siya dahil maganda at kumpleto sa gamit ang bahay nito. Mabango at halatang malinis din. Nakita ni Lyndon ang walis at dustpan na gamit kanina ni Uno. “Naglilinis ka pala,” wika ni Lyndon. “Uh… oo,” sagot ni Uno. “Teka, ano bang meron at napapunta kayo dito?” nagtatakang tanong pa niya. Tiningnan ni Lyndon si Uno. Napangiti ito. “Pakikiusapan sana kita since na ikaw lang ‘yung sa tingin kong pwede.” Kumunot naman ang noo ni Uno. Nagtataka siya. “Hindi ka naman masyadong abala, ‘di ba?” pagtatanong muli ni Lyndon. “Hindi naman,” sagot ni Uno. “Day-off ko ngayon kaya wala masyadong ginagawa.” Napatango-tango naman si Lyndon sa sinabi ni Uno. Tiningnan nito si Timothy saka muli ring ibinalik ang tingin kay Uno. “Makikiusap sana ako na kung pwede dito muna sayo si Timothy,” sabi ni Lyndon na ikinagulat ni Uno. “Ha?” nagtatakang tanong ni Uno. Napangiti si Lyndon. “Aalis kasi ako at may pupuntahan. Mukhang matatagalan ako at wala namang maiiwan kay Timothy kaya naisip kong sayo ko na muna siya pabantayan. ‘Yun ay kung okay lang sayo.” Mabilis na napatango-tango si Uno. Kaagad ay pumayag siya. Tiningnan nito si Timothy saka ngumiti. Muli nitong tiningnan si Lyndon. Kaya pala bihis na bihis ito at nakasuot pa ng long-sleeve polo na kulay white at naka-tuck in sa semi-fit jeans nito. “Okay lang naman sa akin,” pagpayag ni Uno. Napangiti naman lalo si Lyndon. “Mabuti naman kung ganun,” sambit ni Lyndon na tuwang-tuwa. “Salamat,” sabi pa nito. Isa ito sa hirap na kinakaharap ng isang single dad. Ayaw din naman niyang kumuha ng mag-aalaga kay Timothy dahil hindi buo ang tiwala niya sa mga yaya. Napangiti si Uno. “Huwag ka nang mag-alala at akong bahala sa kanya,” saad ni Uno saka tiningnan si Timothy na nakangiting nakatingin naman sa kanya. Napatango-tango si Lyndon. Tiningnan nito si Timothy at bahagyang yumuko para magpantay ang mukha nila. “Dito ka muna kay Tito Uno. Babalikan din kita mamaya. Huwag kang masyadong magpapasaway, okay?” “Okay po, Papa,” sagot naman ni Timothy kay Lyndon. Napangiti naman ng tipid si Uno habang nakatingin sa dalawa. Napangiti si Lyndon. Hinimas niya sa ulo si Timothy at hinalikan rin ang tuktok nito. Tumayo nang maayos si Lyndon at muling tiningnan si Uno. Napangiti ito. “Pwede ko bang makuha ang cellphone number mo?” tanong ni Lyndon na ikinagulat naman ni Uno. “Ha?” gulat na tanong ni Uno. Pakiramdam niya, bigla na siyang nagiging tanga kapag kaharap si Lyndon at hindi niya maintindihan kung bakit. Ngumiti naman si Lyndon. “Para makontak kita para kumustahin kayo dito ng anak ko. Saka para makontak mo rin ako kung sakaling may mangyari.” “Ahhhh…” ang nasabi na lamang ni Uno. ‘Ano bang nangyayari sayo, Uno? Para kang tanga,’ sa isip-isip pa niya. Nilabas ni Lyndon mula sa bulsa ng suot niyang pants ang kanyang smartphone. Binuksan niya iyon saka inabot kay Uno. “Lagay mo na lang ‘yung number mo,” wika ni Lyndon kay Uno. Napatango-tango na lamang si Uno saka tipid na ngumiti. Kinuha mula kay Lyndon ang cellphone nito pero sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkadampi pa ang kamay nila. Napangiti na lamang si Lyndon. “Ito na,” sabi ni Uno matapos niyang ilagay ang kanyang numero at inabot na muli kay Lyndon ang phone nito. Napatango-tango naman si Lyndon saka kinuha kay Uno ang cellphone niya at tiningnan iyon. Sinave ni Lyndon ang numero ni Uno sa cellphone niya saka muli na iyong pinatay at ibinalik sa bulsa niya. Muling tiningnan ni Lyndon si Uno. “Salamat talaga. Utang na loob ko itong pabor na hiningi ko sayo.” Napangiti si Uno. “Wala iyon. Maliit na bagay lang naman ito,” wika niya. Tiningnan si Timothy at ningitian ito. Napangiti na lamang din si Lyndon. ----------------------------------------- Nasa sala sina Uno at Timothy. Naka-indian-sit sa pagkakaupo ang dalawa. Si Timothy ay abala sa pagguhit sa mesa habang nakatingin lamang si Uno sa kanya. Hindi maikakaila na mahusay si Timothy pagdating sa pagguhit at kapag mas lalo pa nitong hininang ang talento ay hindi malayong mas maging magaling pa ito pagdating ng araw. Napapangiti si Uno habang pinagmamasdan ang anak. Ang tagal niyang hinintay ang ganitong pagkakataon, iyong masolo niya itong makasama at matingnan. Hindi napigilan ni Uno ang sarili niya at hinaplos ang ulo ni Timothy. Napatigil naman si Timothy sa ginagawa at tiningnan si Uno. Kumunot ang noo nito nang makitang titig na titig sa kanya si Uno. “Okay lang po kayo?” nag-aalalang tanong ni Timothy. Bumalik sa sarili si Uno. Inalis niya ang kanyang kamay sa ulo ni Timothy at tipid na ngumiti. “Oo. Okay lang ako,” sagot ni Uno. “Huwag kang mag-alala.” Napangiti naman si Timothy. “Marunong po ba kayong mag-drawing?” pagtatanong nito. Napangiti si Uno. Tumango-tango ito. “Talaga?” tuwang-tuwa na tanong ng bata. “Oo,” sagot muli ni Uno. Abot-tenga ang naging ngiti ni Timothy. Umiwas ito nang tingin kay Uno saka kumuha ng isa pang drawing book at lapis at ibinigay iyon kay Uno. “Drawing po kayo,” request ni Timothy kay Uno. Napangiti naman si Uno. “Sige. Ido-drawing kita,” pagpayag nito. “Talaga po? Ako ang ido-drawing niyo?” tanong ni Timothy na hindi makapaniwala. Tumango-tango si Uno. Bahagya itong umusog palapit sa mesa at ipinatong doon ang drawing book. Nagsimulang gumuhit si Uno. Hindi man lang niya tinitingnan si Timothy pero naguguhit niya ang bawat detalye ng mukha nito dahil nakabisado na niya ito sa kanyang utak. Manghang-mangha naman si Timothy kay Uno habang pinapanuod niya ito. “Ang galing niyong mag-drawing,” puri ni Timothy. Bahagya pang nanlalaki ang mga mata nito dahil sa matinding paghanga. Sandaling tiningnan ni Uno si Timothy saka ngumiti ito. Muling tiningnan ang ginuguhit niya at nagpatuloy sa ginagawa. Lumipas ang halos sampung minuto at natapos din si Uno sa pagguhit. Ipinakita niya iyon kay Timothy at mas lalo itong namangha sa kinalabasan. “Wow! Kamukhang-kamukha ko po ito, ah,” tuwang-tuwa na sambit ni Timothy at tiningnan si Uno. Napangiti naman si Uno. “Salamat po, Tito,” masayang pasasalamat ni Timothy. Napatango-tango na lamang si Uno. Muling tininingnan ni Timothy ang ginuhit ni Uno. Tuwang-tuwa talaga ang bata habang pinagmamasdan ang magandang guhit ni Uno. Nakatingin lamang si Uno kay Timothy. “Sa susunod po turuan niyo din akong gumuhit ng ganito kaganda,” wika ni Timothy nang hindi nakatingin kay Uno. Aminado naman kasi si Timothy na hindi pa siya ganun kagaling dahil bata pa naman siya. “Oo naman,” sagot ni Uno bilang pagpayag. Tiningnan ni Timothy si Uno. Ngumiti ito ng abot-tenga. “Salamat po,” sabi nito. Napatango-tango na lamang si Uno. Muli namang tiningnan ni Timothy ang drawing ni Uno. ‘Salamat po at hinahayaan Niyong mas lalo akong mapalapit sa kanya.’ Labis ang pasasalamat ni Uno sa nasa Itaas dahil sa mas lalo siyang inilalapit nito sa kanyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD