CHAPTER 8

2189 Words
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Halos hindi ko makumbinsi ang sarili na narinig ko ang bagay na iyon— mang-aagaw? Iyon din ang salitang minsan kong kinamuhian. Pagak akong natawa nang mapagtantong tila naulit ang nangyari sa amin noon ni Elsa. Ang kaibahan nga lang ngayon, ako na iyong masama. Ako iyong babaeng pumagitna sa dalawang taong nagmamahalan. Wala sa sarili nang mapabuntong hininga ako. Naninikip ang dibdib ko at halos kapusin ng hangin ang dibdib ko. Parang hindi ko matanggap na kung kailan ko gustong sumaya ay ganito pa ang nangyari. Bakit? Ano bang mayroon at bakit parang pinuputulan ako ng kaligayahan? Bakit palaging mailap sa akin ang kasiyahan? "Mang-aagaw ang babaeng 'yon, Calvin!" sigaw ni Bianca sa labas, hindi ko siya makita ngunit kung ibabase sa boses niya ang emosyon nito ay alam kong galit na galit siya. Nandito ako sa loob ng munisipyo. Pinapasok ako rito nina Ma'am Darlene kanina, marahil para iiwas na kay Bianca na nangagalaiti. O baka dahil hindi naman talaga kailangan ang presensya ko roon? May punto rin naman si Bianca; salta lang ako rito. Kaya sino ba naman ako? "Tama nga ang sabi-sabi nila rito, nilalandi ka niya! Inaagaw ka niya sa akin!" "Bianca, stop!" singhal pabalik ni Calvin. "Paanong inaagaw? Naging tayo ba?" "Ano pala, Calvin? Ano lang pala tayo kung gano'n? Sobrang close natin... ang sweet mo! Caring! Ang effort mong magpunta sa bahay namin para lang bisitahin ako!" Hirap akong napalunok habang tahimik na pinakikinggan ang lahat. Tantya ko pa ay saglit na napahinto ang kasiyahan sa labas dahil sa kaninang nangyari. May ganito pang eksena at pareho silang nagsisigawan. Sa totoo lang, sa ngayon ay wala pa akong maramdaman. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang unang mararamdaman ko. Nandoon na ako sa puntong nakakadismaya, may parte ring nagagalit na hindi ko alam kung kanino ko ibubuntong. Gulung-gulo ang isipan ko. Nakikisali pa iyong nakaraan ko na siyang nauungkat ngayon dahil sa nangyari. Hindi ako makapag-decide. Masyado rin yata akong namanhid na pati ang pagtíbok ng puso ko ay hindi ko na maramdaman. "Friends do that, don't they? We're friend, Bianca. Nothing special." Friends, huh? Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Una rin kaming naging ganiyan, o ewan ko nga kung kaibigan na bang matatawag 'yon. Basta ang alam ko, lahat ng ginagawa sa akin ni Calvin ay siyang ginawa na rin niya kay Bianca. Ibig sabihin ay wala ring special sa akin? Na kaya namang gawin lahat iyon ni Calvin sa lahat ng babaeng kaibigan niya. Ang malala, umaabot din hanggang kama. Umaabot din sa kasukdulan dahil gusto ko naman. "In the first place, hindi ko naman nilinaw sa 'yo na nililigawan kita. Ikaw lang ang nag-assume," dagdag ni Calvin. Halos magdugo na ang labi ko sa sobrang pagkakakagat ko roon. Kung hindi lang siguro ako nakaupo ay baka kanina pa ako natumba dahil sa sobrang panginginig ng dalawang tuhod ko. Sana pala ay hindi na lang ako dumalo rito sa munisipyo. Mukhang ako pa ang nakasira sa mood nilang lahat. Ako pa ang dahilan kung bakit nahinto ang kasiyahan nila. Kung alam ko lang, sana pala ay nanatili na lang ako sa bahay at hindi na lumabas pa. Ang dami kong pinagsisisihan. Una na roon ang pagpunta ko rito sa Isla Mercedes. Nakakatawa, iyong gusto ko lang namang mag-move on, pero panibagong sakit na naman iyong ipinaranas sa akin. Hindi pa man ako sumasaya, panibagong lungkot ulit ang ipapadama sa akin. Panibagong takot na naman iyong mararamdam ko, takot na baka lahat na lang ng gawin ko ay mali. Kahit saan siguro ako magpunta ay hahabulin pa rin ako ng kamalasan. Wala na akong ginawang tama. Sa samu't-saring nararamdaman ko ay halos mapuno ako. Bandang huli ay napaluha na lamang ako. Kaagad ko rin namang pinunasan ang pisngi at pinilit ang sarili na huwag umiyak. Tumingala ako para hindi na masundan ang luha kong iyon. Hindi ito ang tamang lugar para umiyak. Ayoko nang kaawaan ako. Ayokong may mag-obliga na alagaan ako at pasayahin, katulad ng dating ginawa ni Calvin. Nakita niyang umiiyak ako, nakita niyang mahina ako, na kailangan ko ng kasama, kaya sinamantala niya iyon. "Calvin!" Dinig kong sigaw sa labas, mayamaya lang nang halos mapapitlag ako nang biglang pumasok si Calvin sa loob. Tiningala ko ito at saglit na pinasadahan ng tingin. Ang mukha niya ay animo'y hirap na hirap, pagod siguro sa pakikipagtalo kay Bianca. Naabutan ko pa ang galit sa mga mata nito, pero madali ring lumamyos nang magkatinginan kaming dalawa. Wala pang pag-aalinlangan nang lumapit siya sa gawi ko. Lumuhod siya sa harapan ko, ang isang tuhod ay nakatukod sa sahig. Habang ang dalawang kamay niya ay inilagay nito sa magkabilaang arm rest ng kinauupuan kong swivel chair. Ipinirmi niya ako sa pagkakaharap ko sa kaniya. Napakurap-kurap ako nang makita ang naninimbang niyang paninitig. Kalaunan nang damhin niya ang pisngi kong napuruhan kanina ni Bianca. "Masakit ba?" pauna niyang tanong ngunit nananatili akong nakatulala sa mukha niya. "I'm sorry, Verra. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. I'm sorry... sorry." "Gusto ko nang— umuwi. Rito ka na lang at ako na lang ang mag-isang uuwi." Tumayo ako na kaagad niyang hinarangan, tumayo rin siya at ngayon ay hawak naman niya ako sa dalawang braso ko. "No. Kung gusto mong umuwi ay sasama ako. Kung gusto mong manatili ay dito lang din ako," mabilis niyang pahayag. Umiling-iling ako rito. "Tingin mo ba ay may kapal pa ako ng mukha na maihaharap sa kanila, Calvin? Nakakahiya sa mga katrabaho ko at sa lahat ng mga taong nakakita at nakarinig ng mga paratang ni Bianca." "Pero wala naman iyong katotohanan. Bakit ka magpapaapekto? Nilinaw ko na sa kanilang lahat, walang kami kaya walang agawan na nangyari." "Kaibigan mo siya, hindi ba?" malumanay kong tanong, iniiwasan na may makarinig pa kahit kaming dalawa lang namang ang nasa loob. "Kaibigan mo si Bianca." "Oo, hanggang doon lang naman iyon, Verra. Hindi ko siya gusto." Ang boses ni Calvin ay animo'y nagsusumamo, parang nagmamakaawa na paniwalaan ko siya. "At kaibigan mo rin ako," segunda ko. Saglit siyang tumigil. Maang niya akong dinungaw na para bang iniisip pa niya kung ano ang tamang sagot doon. O sadyang hindi lang din siya makapaniwala na sobrang kalmado ko, kahit pa gustung-gustong nang sumabog ng dibdib ko. "Tapatin mo nga ako, Calvin, may nangyari na rin ba sa inyo—" "What the fúck, Verra?" palatak niya na siyang ikinagulat ko kung kaya ay hindi ko na rin naituloy ang gusto ko pang sabihin. "Nagtatanong lang naman—" "Wala, Verra," maagap niyang sabat. "Hindi ako ganoong klase ng lalaki. Yes, we had séx, that's because I want you. And I still want to pursue you because I like you." Nahigit ko ang hininga ko. Hindi na ako nagsalita pa dahil wala na akong masabi. Kumawala ako kay Calvin sa kagustuhan kong umuwi na. Wala pa man akong nauumpisahan sa gabing iyon ay pakiramdam kong pagod na pagod ako. Mabuti ay hindi na rin pumalag si Calvin. Iyon nga lang ay nananatiling hawak niya ako at sinusundan ang bawat paghakbang ko. Habang naglalakad pa ay hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. May iilang ulo ang nakasunod sa galaw ko ngunit hindi ko na iyon pinansin. Hinanap ng mga mata ko si Bianca sa kabuuan ng covered court, pero maski anino niya ay hindi ko mahagilap. Hindi ko na nagawang makapagpaalam pa kina Mayor at Ma'am Darlene dahil dere-deretso na akong sumakay ng motor ko. Of course, si Calvin pa rin ang magmamaneho dahil hindi naman siya papayag na mag-isa akong uuwi. Sa buong biyahe namin ay wala akong imik. Tahimik lang din si Calvin na alam kong nakikiramdam lang sa akin. Sobrang bagal pa niya kung mag-drive, kaya para akong hinihele ng malamig na hangin. Kung gaano kadilim ang kalangitan ay ganoon din ang saloobin ko, wala akong makapa kung kaya ay wala rin akong maramdaman. Nagmukha akong lantang gulay na nakahilig ang katawan sa likod ni Calvin, ang mga mata ay nakapikit. Ilang minuto ang nakalipas, naramdaman kong huminto ang motor dahilan para unti-unti akong magmulat. Mabilis din akong bumaba at hinarap si Calvin. Nakaabang na kaagad ang mga mata niya sa akin. "Gamitin mo muna 'yang motor ko. Baka wala ka nang masakyang tricycle sa labas. Bukas mo na lang isauli sa pagpasok ko sa munisipyo," seryosong pahayag ko at tumalikod na rin. "Verra," masuyong pagtawag sa akin ni Calvin. "Alam ko na hindi ka naniniwala sa akin. Siguro ay iniisip mo nang niloloko lang kita, pero nagkakamali ka. Simula umpisa ay naging totoo ako sa 'yo, totoo rin ang sinabi kong gusto kita. Gustung-gustong kita." Lumanghap ako ng hangin. Kumibot ang labi ko para sa isang mapait na ngiti. Bumuntong hininga ako at imbes na lingunin pa si Calvin ay wala ng sabi-sabing naglakad ako hanggang sa makapasok ako sa bahay. Ayoko na munang mag-isip dahil literal ding sumasakit ang ulo ko. Kaya pagkahiga ko ay mariin kong ipinikit ang mga mata. Pinilit ko ang sarili na makatulog kahit pa binabagabag ako ng mga nangyari. Ano man ding pilit ko ay sadyang mulat na mulat ako sa katotohanan. Tumihaya ako at saka pa nagdilat. Napalatak na lamang ako sa hangin, kasunod nang maanghang kong pagtawa na animo'y isang baliw na nakatakas sa Mental Institution. Ewan ko, naiipit ako sa maraming sitwasyon kung kaya ay lalo akong naguguluhan. Maliit lang sana na bagay iyong nangyari kanina, kung hindi lang din naikonekta sa nakaraan ko. Kung hindi lang din bumabalik sa alaala ko kung bakit nga ba ako nandito sa isla. Ngayon ko masasabi na sobrang miss na miss ko na sina Elsa at Chloe. Nangungulila ako sa pinagsamahan namin, sa pagkakaibigan namin. Feeling ko ay ako iyong failure sa aming tatlo, na nakakahiya kung magpapakita pa ako sa kanila. Nanghihinayang ako sa pagkakaibigan naming tatlo kahit pa saglit lang naman kaming nagkasama noon, pero iyong bonding namin ay walang kapantay, hindi matutumbasan ng kahit ano. Gusto ko silang yakapin dahil masyado akong nalulugmok. Alam ko na sila lang din ang makakaintindi sa akin ngayon. Gusto kong umiyak sa balikat nila at humagulhol sa labis kong pagka-miss sa kanilang dalawa. Noong umalis ako ng Manila at napadpad dito sa Isla Mercedes ay hirap din ako na hindi sila kasama at nakakausap. Pakiramdam ko kasi ay hindi buo ang araw ko kapag hindi ko sila nakikita. Masyado akong napalagay na hindi kami magkakahiwalay, na kahit pagtanda namin ay kami-kami pa rin ang magkakaibigan. Kaya grabe iyong paghahanap ko sa presensya nila. Except kay Andrew dahil hanggang ngayon ay may natitira pa ring galit sa puso ko para sa kaniya. Honestly, kay Andrew talaga ako galit. Naintindihan ko na iyong part ng kwento ni Elsa— na kailangan niyang umalis at magpakalayu-layo para sa sarili, para hindi na lalong masaktan si Andrew. Ngunit hindi ko maintindihan si Andrew kung bakit sa tinagal naming magkasama ay kailangan niyang iparamdam sa akin na kaya niya akong mahalin? Intention man o hindi, pero nagkaroon ako ng pag-asa. At ito ngayon, parang bumaligtad ang mundo at ako naman iyong nasa sitwasyon noon ni Elsa Adsuara. Ako iyong kinamumuhian dahil sa mang-aagaw ako. Kahit pa nilinaw na lahat ni Calvin kanina ay hindi pa rin ako makampante. Hindi ko alam kung gusto ko pa bang ituloy ang pagnanais sa sarili kong kasiyahan, o magpapaubaya na lang. Ayoko nang makapanakit ng tao. Ayoko na ring dagdagan iyong problema sa buhay ko. Ilang oras pa ang nagdaan, nakatulugan ko na lang ang malalim na pag-iisip. Kinaumagahan ay maaga rin akong nagising para maghanda sa pagpasok. Nahihiya man din ay kailangan kong pumasok. Mas lalong nakakahiya kung liliban ako, lalo ko lang din mapapatunayan na tama nga ang sinabi ni Bianca dahil guilty ako. Pagkatapos kong kumain at mag-ayos ay lumabas na rin ako ng bahay. Dagli pa akong napahinto nang makita si Calvin, sakay siya ng motor ko. Pareho kaming nagkatitigan at nang hindi makayanan ang naninimbang niyang mga mata ay kaagad akong nag-iwas ng tingin. Ganoon pa man ay nilapitan ko siya. "Hindi ba't sinabi kong sa munisipyo mo na lang ito iwan?" palatak ko. "Isasabay na kita para makatipid ka sa pamasahe," malumanay niyang sambit habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Wala ka bang pasok? Parang ilang araw ka nang hindi pumapasok. "Naka-leave ako, Verra," ani Calvin na pilit hinahahilap ang mga mata ko. Bumuntong hininga ako. "Huwag na muna tayong magkita, Calvin. Ayoko na muna ng gulo. Pahupain muna natin ang nangyari kagabi." "Tapos ano?" Dahan-dahan kong tiningala si Calvin. Nang makita ang mga mata niya ay para akong sinasaksak sa dibdib, ramdam ko ang pagpiga sa puso ko. Ayoko mang gawin ito, pero ito ang naging desisyon ko kagabi. "Kung humupa man ang nangyari kagabi ay babalik ka ba sa akin? Kung hahayaan kita ng ilang araw at hindi magpapakita sa 'yo, tingin mo ba ay kaya ko iyong gawin?" sunud-sunod niyang pagtatanong. "Nasanay na ako sa 'yo, Verra. Araw-araw ay gusto kitang makita, kaya kapag pinilit mo akong lumayo sa 'yo ay mas lalo lang akong mababaliw at maghahabol sa 'yo. Gusto mo ba 'yon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD