Chapter 4

1373 Words
"Class, last reminder half day tayo sa monday" "yes sir" "bye class..maglinis na yung mga naka-assign" "yes sir...goodbye sir" umalis na rin si sir....naglinis  na yung mga on duty,kasama na rin dun sina faye at dayle...so solo flight ang drama  ko ngayon. Mabilis akong nag ayos ng mga gamit.   "Annica . . “ naka ngiti kong nilingon ang gwapong boses na tumawag sa akin. “ Uy, Adrian bakit?” kunyari shock si Mars "May kasabay ka na bang umuwi?" parang tumigil ang mundo sa tanong nya. Hindi lang ang mundo ko pati ang heartbeat ko.   Sa likod ni Adrian kitang-kita kong napatigil si Faye at Dayle sa ginagawa nila at napatingin sa akin. Actually hindi lang sila pati ang ibang nasa room pa.   Saglit kong dinama ang dibdib ko, ng naramdaman kong tumitibok pa naman ang puso ako, pumikit ako at nag pa salama sa Dios sa lahat ng biyaya nya.   “uhh, ayos ka lang?” nag aalalang tanong ni Adrian.   “Ayos lang tinginan ko lang kung may heartbeat pa ba ako” natatawa kumunot ang noo nya “Anyway, wala akong kasabay, mag isa lang akong uuwi, actually kung hindi mo naitatanong mag isa nalang din ako, as in single ganoon” nakakahiya kong dugtong.   Tumawa si Adrian, alam kong nakakahiya ako pero kung mga ngiti nya naman ang kapalit, aba! Sige lang! Come at me! Ipahiya nyo ko! "Pwede ba akong sumabay sayo?” may pa kamot pa sya ng braso at umiwas ng tingin.   BAKIT ANG POGI? At bakit parang nahihiya ka? Wag ka mahiya, mahal naman kita!   “Pwedeng pwede! Gusto mo kahit sabay pa tayong tumanda eh . . .” syempre hindi ko sinabi yan. Tama na ang ilang kahihiyan. Bukas ulit.   “Sige, sabay na tayo. Aayusin ko lang ang gamit ko”   “Okay. Hihintayin kita sa labas “ sabi nya at nakangiting umalis. Nung sure na akong nakalabas na sya ng pinto ay nag simula na akong mag tatatalon.   “Eto na! Eto na ba yun Lord?” at tumili pa ako habang natalon.   "Hoy bruha,nababaliw ka na naman, bilisan mo na baka iwan ka panun" sabay tapik nya sa braso ko. “Oh my god!” Sigaw ko ulit at pinaypayan ang sarili ko “ Dayle!” tawag sa kanya na nag bubura sa blackboard. Nilingon nya ako.   “Paki tignan nga baka naapakan mo buhok ko” natatawa nalang syang nag roll eyes sa akin.   Mabilisan kong inayos ang gamit ko at tumakbo sa may pintuan bago nag paalam ulit sa kanila.   “Paalam mga walang love life! Mauuna na ang mag kaka love life!” Masaya akong naglakad hanggang makarating sa may gate kung saan parang model na sandal si Adrian habang may kinakalikot sa phone. Napansin nya atang papalapit na ako kaya hinarap nya ako at kumaway.   Masaya ako ng nag simula na kaming sabay mag lakad pero habang tumatagal ay nagiging kabado na ako. Halos Limang minute na kaming naglalakad pero hindi sya nag sasalita. Walang nag sasalita sa aming dalawa.   What Is this Awkwardness?   “Nagka boyfriend ka na?” biglang tanong nya sa akin na ikinagulat ko. Wala man lang pasintabi, diretso ganoon nalang?   Pero alam ko na ang mga linyahan na yan.   “Hindi pa “ pero baka ikaw ang mauna   “ Sa ganda mong yan?” Adrian!Adrian!Adrian! Napaka korni ng line pero isa pa at i-uuntog ko na talaga tong ulo ko sa poste sobrang kilig..... Bakit pag galing sa taong gusto mo yang ganyang linya nakakakilig? "ewan ko nga ehh...mga bulag siguro sila" "anung top mo nung 1st year...." "top 6 sa classroom at sa buong school" "eh nung 2nd yr. & 4th yr?" "top 8 nung 2nd yr. at 6 nung 3rd year' "matalino ka pala" anu ba naman yan adrian,ayusin ang tanung ahh...boring ehh..di talaga sya mag sasalita?nung nasa tapat na kami ng bahay naming, pareho kaming huminto "dito ka nakatira?" "oo bakit?" "madalas kasi akong mapadaan dito dati..." syempre bahay yan ng future mo kaya ganun. "sige mauna na ako,sa monday ulit' paalam nya. Tapos umalis na sya. Hinatid nya naman ako pero bakit parang disappointed pa rin ako—wait! Tama baa ng narinig ko?Sa Monday ulit? Ibig sabihin uulit pa kami?   Nag simula akong tumawa ng mahina hanggang sa naging pang bruha nan a tawa. “Mwahahaha! “Unti-unti na ring natutupad ang aking mga pangarap!   Excited na ako para sa Monday! Sana umulan tapos papayungan nya ako tapos may dadaang car tapos yayakapin nya ako tapos magkaka-tinginan kami tapos,tapos—Muli na naman akong tumawa "ma bakit po natawa at natalon mag-isa yung ate?" "wag mo syang pansinin anak...baka habulin pa tayo nyan” "HOY! Di ako baliw no!” sigaw ko "bilis anak takbo!” ABA’T!         Dayle's POV..     Nandito ako ngayon sa cafe masallo,tambayan namin tong tatlo,pinapunta ako ni faye dito dahil sa di malamang kadahilanan. From: Faye: DAYLE! EMERGENCY! CAFÉ MASALLO NOW! Nakaka trigger talaga ng anxiety itong si Faye— "DAYLE!!!!” hindi pa ako nakakalingon sa sigaw nya ay pabagsak na syang umupo sa harap ko at hinakawan ako sa mag kabilang braso "bruha may chismis ako!!" " Hindi ako interesado sa—“ "SI ADRIAN" nangunot ang noo ko. "Oh? wag mong sabihing inlove ka na dun?” "Eww, gago ka,dont say bad words..." "anu ba kasi yun?" "nakita ko si adrian sa mall!” "nakita mo si adrian sa mall?" "oo" "oh ngayon?masama na ba na makita sya sa mall ngayon?" "with a GIRL at holding hands pa sila...as in HOLDING HANDS..yung ginagawa ng mag bf-gf..." "hmmmm..." "grabe sya...kahahatid nya lang kay annica wala pang ilang oras ibang babae na agad ang kasama nya" tuloy-tuloy lang ang dakdak ni Faye. Hindi ko na pinakinggan. Ang pinaka chismis lang naman ay yung una nyang sinabi, ang mga sumunod personal na opinion na nya sa nangyayari. Pero si Adrian, the almost perfect guy. Kind, handsome and gentleman sabi ni Annica. Ang gustong sabihin ni Faye ay nakikipag flirt si Adrian kay Annica habang may girlfriend ito.   Actually for me that news is not new, marami na kasing rumors na lumalabas na si adrian daw ay playboy like michael. 90% of our school population says that its not true While the other 10% says its 101% true... kahit nga ako nalilito na rin eh...from 1st yr. up to now 5 palang yung nagiging gf nya na kilala ng campus, kumbaga parang official..sa school..pero may mga nag sasabi pa rin na every week may ib pa syang girls na kasama... para sakin mahirap paniwalaan yun kasi never ko pa syang nakita na umasta tulad ni michael...yung talagang lantaran makipag flirt sa mga girls.... sa kanilang tatlo si zeke ang pinaka wala akong alam...one time i asked him kung anung fav color nya sabi nya: 'bibigyan mo ba ako ng bagong ipad pag sinabi ko?' nag tatanong lang ako Ipad na agad ang gusto and believe it or not 24 lang ang sss friends nya and 100+ friend request...pano ko nalaman?? Itanung nyo kay annica..sya lang naman ang may hobby na mang hack ng kung anu-ano...name,age,magaling mag drum,kumanta,parating tulog at half american yan lang ang alam ko kay ezekiel williams... Micah, ang dakilang playboy, walang pinipili, basta kinausap mo sya wala pang 1 araw kayo na. He even has the nickname of "micassanova" kay andrea naman ,a.k.a the asungot as the other girls call her,para syang girl version of michael and zeke smash into one,tahimik sya pero nasa loob ang kulo,man-hater daw sya pero halos ata lahat ng guy na sa school namin naging bf nya eh. "hoy dayle are you even listening??" "ha?anu bang sinasabi mo?" "sabi ko yung kapit-bahay namin bwiset talaga....pa-epal eh" yan na naman ung kapit bahay nila 10x a day nya ata kung i-kwento sakin yun eh "hoy makinig ka naman" napaka weird talaga ng mga heartthrobs ng school namin, may tahimik na once in a bluemoon mo lang makikitang magsalita,may 100x flirt,may pa mysterious effect at mapagpanggap pero mas weird ang mga student ng school namin nagustuhan nila yung nga heartthrobs na yun.. "hoy makinig ka naman kasi,asarrrrrrrr!!!!!!!,,napakaweird naman ng mga friends ko...ikaw di ka nakikinig si annica naman madulas ang dila..hayyyyyyyyyyya ibon nalang ako mag ku-kwento"-faye  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD