Annica's POV
"Ang Daya nyo!bat di nyo ako sinama??" reklamo ko sa dalawa kong kaibigan.
Ah hindi, mga traydor pala. Ang dalawang traydor na nag punta sa tambayan na hindi man lang ako sinama.
"next time na lang ann" alu ni Faye sa akin “ Emergency kasi yun at alam kong hindi ka naman pwede sa biglaang lakad.”
Hindi ko sya pinansin, naka simangot akong naka tingin sa ibang lugar.
"treat ko"
"okay upo na tayo" sinong traydor?Wala akong kaibigang traydor.
“ Uy Ann, pakopya naman ng assignment mo sa physics “ ani faye na hindi ko masyadong narinig dahil sa tilian sa labas, mukhang nandyan na ang Day after tomorrow.
Hindi muna ako sisilay dahil quota pa ako sa moments namin ni Adrian last time.
"wait,hanapin ko lang" hinanap ko sa bag ko ang assignment ko na wala pala doon
"s**t, naiwan ko sa locker.....puntahan ko muna" sadinami-dami ng pwedeng iwan eh.
Bago ko pa mabuksan ang Locker ko ay nakita ko na si Dayle. Mukhang na late sya ng pasok ah
“Goodmorning Dayle!” Bati ko.
"ahh,annica, goodmorning”
"ngayon ka lang?"
"oo...anung hinahanap mo?"
"yung assignment ko...naiwan nasa paper kasi ehh" pinag kukuha ko ang mga gamit ko doon para mahanap ang pape ng may biglang nahulog na papel.
"for you” basa ko
"its a letter" naka tingin na din si Dayle sa hawak ko
"para kanino?sayo o sakin?"
"malamang sayo,sa locker mo ng galing ehh"
Naka tingin kami ni Dayle. Isa ba itong secret admirer? Maraming salamat sa feelings nya pero loyal ako sa isa.
"dear suzy" basa naming pareho ni Dayle. “ Aba puta, sino kaya itong hayop na to “mura ko. Hindi ko talaga gustong tinawatag ako sa second name ko.
Narinig ko ang hagikhik ni Dayle sa tabi ko.
"basahin mo,100% mawawala galit mo"
dear suzy
It's me adrian, sorry for calling you suzy,i kind of like that name
Hala, gusto ko din naman ang Suzy na pangalan, ewan ko ba kung anong nakain ko ngayong umaga.
sorry kung boring yung napag-usapan nating nung friday,para naman makabawi ako,sabay ulit tayong umuwi mamaya ok?....bawal tumanggi ahh,sa backgate kita hihintayin,baka kasi ma chismis ka,kasalanan ko pa
from:adrian
Bigla akong tumawa mag isa na ikinagulat ni Dayle.
"are you ok?bakit mo inuuntog yung ulo mo sa locker?" napatigil ako sa ginagawa ko sa sinabi ni Dayle. Hindi na napansin ang ginagawa ko.
"ha?wala to,makati lang yung ulo ko,hehehe"
Hinatak ko sya at masaya kaming pumunta ng Classroom. Hanggang recess time ay masayang masaya ako.
“Gusto ko lang ipaalam sa inyo na hindi ako sasabay kasi Ihahatid ako ni Adrian mamayang uwian” nakangiti kong sabi kay faye.
Tinaasan ako ng Kilay ni Faye.
Dayle's POV
“Gusto ko lang ipaalam sa inyo na hindi ako sasabay kasi Ihahatid ako ni Adrian mamayang uwian” nakita kong nag mamadaling nag hanap ng inumin si Faye para siguro malunok ang kinakain nya
"speaking of adrian,nakita ko sya sa mall nung friday with another girl"
" ayan na namang chismis na yan,di totoo yan” naka simangot na sagot ni Annica
"pero—“
"stop...basta sabay kami ni adrian"
tinignan ako ni faye ng do-something-look,pero nag kibit balikat nalang ako.
Minsan kahit anong sabihin mo sa isang tao, o kahit anong advice mo at the end of the day kung ano ang mag papasaya sa kanila, yun ang gaawin nila.
I ust want her to be happy,and she is right now,and if we stop her may posibility pa nag mag away-away kami.
Annica's POV
5 mins before uwian umulan pa, gusto kong mainis pero naalala ko yung scenario na pinag planuhan ko last Friday. Mukhang mag kakatotoo ah!
“Sabihin mo Annica salamat lord” natatawa kong bulong sa sarili ko.
Pero ng mag uwian na nag aalangan akong pumunta a backgate,umuulan kasi eh,baka wala sya dun,
"bilisan mo na pumunta ka na dun" sabi ni Faye sa akin.
"baka wala sya dun eh, wag na siguro?”
"pumunta ka na or else pag babawalan ka naming kausapin sya" ani Faye. Dahil sa nakita nya sa mall.
"Oo na oo na! mauna na ako sa inyo,ingat sa pag uwi"
Nag lakad ako papuntang Back gate at nakitang wala nga sya doon. Bumuntong hininga ako. Sana nag pasama nalang ako sa kanila dito—
"Annica!” napatingin ako dun sa may tindahan sa likod ng school.
Agad na gumuhit ang ngiti sa akin ng makita ko kung sinong nandoon. Naka silong sya sa may tindahan. Buti nalang may paying ako. Lumapit ako sa kanya
"kala ko di ka na darating"
"akala ko kasi di ka pupunta"
" marami talagang namamatay sa maling akala"
"yas.tama ka,tara na?"
"tara"
habang naglalakad kami,nagdadasal ako na sana may dumaang sasakyan,Lord ......sasakyan......padaanin nyo...
"ah,annica,can i call you suzy?"
"haha...suzy?bakit?...dont you like annica??"
alam mo adrian kahit na gwapo ka pa,basta tinawag mo akong suzy ipapa salvage pa rin kita...pero syempre de joke lang,papa-resbakan na lang kita
"wala kasing tumatawag sayo ng suzy"
malamang....ayaw pa kasi nilang mawala sa mundong ibabaw
"naisip ko kasi pag nag agree ka na tawagin kitang suzy,parang may special connection tayo.
Jusko special connection lang pala ang gusto mo! Bakit hindi mo ako sagutin ngayon ng magka special connection tayo?
"special connection??" pabebe kong tanong.
malapit na kami sa bahay......nasan na yung car??pag walang dumaang car di nya ako mayayakap,di kami mag kakatitigan at higit sa lahat di kami,,,di kami kiss, joke lang.
"ok lang ba?"
'ahh,,,ha?"
"natawagin kitang suzy?"
"ah,,haha..sure"
"sige mauna na ako,ito na yung house nyo"
"ahh,dalhin mo na tong payong ko,para di ka mabasa" sabi ko habang napasok sa gate
"naku wag na"
"sige na baka mag kasakit ka pa"
"ok"
kukuhain nya na sana yung payong kaya lang biglang may dumaang sasakyan. Sa Gulat ko hinigit ko si Adrian dahil malapit lang sa kanya halos. Korni naman lord bakit naman ako ang humigit kay Adrian?
"are you ok adrian?" muntikan na talagang mabunggo ang pinaka-magandang nilalang sa mundo. Ng hindi sya sumagot nilingon ko sya.
Doon ko lang na realize na ma higpit pala ang yakap ko sa kanya. Oo yakap! Usapan higit lang Annica bakit mo niyakap? Bibitaw na sana ako pero naramdaman ko ang kamay nya sa baywang ko.
Shit! Is this it? It this really is it?Lahat ba ng predictions ko ay magkakatotoo?
Saglit kaming nagkatitigan, nakita ko rin ang mata nyang bumaba ang tingin sa labi ko. Unconsciously koi tong kinagat at naramdaman ko ang mabagal nyang pag lapit.
Sabihin mo Annica salamat lord.
Ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang kumidlat ng napakalakas.
“Ahh!” Sigaw ko sabay tulak kay Adrian.
Gulat kaming nagkatinginan ni Adrian.
"are you ok?” tanong nya. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nababasa sya.
“Oh my god! Sorry! Nabasa ka tuloy” lumapit ako sa kanya at pinayungan sya.
“Okay lang” simple nyang sagot pero nakita ko ang bahagya nyang pamumula.
Adrian is more pale than the rest of the girls, dahil na rin siguro sa lahi nya kaya madaling makita kapag namumula sya. His skin is also softer, ang mukha nya ay napaka kinis.
Dahil sa pamumula nya, pati tuloy ako nahiya na din.
"Uh, ito na yung payong oh.."
binigay ko na sa kanya yung payong,,tatakbuhin ko na sana yung door namin kaya lang pinigilan nya ako..
"ah,bakit??"
“I want to tell you something.” Agad akong kinabahan sa sinabi nya. Kaba at halong saya ang naramdaman ko.
“Alam kong mabilis ito para sayo at mabilis din naman para sa akin. It’s just, you always me laugh and I’m always comfortable around you. Napakagaan ng loob ko sayo”
Napakagat ako sa labi ko sa sinasabi nya. s**t. Eto na ba Lord?
“It doesn’t help that, aside from your outgoing and bubbly personality. You’re very pretty as well. I think Any guy would be lucky to have you.” Humigpit ang hawak nya sa kamay ko.
“I want to be that guy Annica. Gusto kita. Gustong- gusto” nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Gamit ang kamay ko na hindi nya hawak, hinawakan ko ang dibdib ko.
Parang sasamain ako sa sobrang saya.
“Annica? Okay lang ba?” nag aalala nyang tanong at mas lumapit sa akin. Hindi pa din binibitawan yung kamay ko.
“Ayos lang ako. Hindi lang ako makapaniwala—I mean, ikaw, si Adrian tapos ako ang gusto mo?” natatawa kong sabi.
Nakita kong napalunok sya at biglang namula.
"ok lang ba sayo kung yayain kitang mag date minsan??" halos malaglag ang panga ko sa sinabi nya.
Lord! Thank you! Pero teka, wag muna ako papahalata, baka bigla mag back out ito.
“Okay lang ba?”
“Ah, Pwede bang pag isipan ko muna?” ngumiti sya sa sagot ko bago tumango.
“Oo naman, hihintayin kita kung kailan ka papayag” mas lalo syang ngumiti at mas lalo lang akong nahulog.
Adrian is so kind and such a gentleman.
“uh, heto ang paying, umuwi ka nab aka lumakas lang yung ulan” paalala ko sa kanya.
Naka ngiti syang tumango at umalis na. At tumakbo na ako..pumasok ako ng bahay tapos dumirecho ako sa room ko...sinilip ko muna sa window kung nandun pa i Adrian at nung nakita kong wala na sya. Nag tatatalon na ako mag isa
“THANK YOU LORD!” sigaw ko. tumakbo ako sa kama at nag tata-talon....
YES!!!sa wakas!!!na realize nya na rin na ako ang type nya!!!!!!!
"Woohoo! magde-date kami!im sooooooooo happy!!!"
"HOY!!! annica ang ingay mo!!!wag kang tumalon,mamaya bumagsak tong 2nd floor!!" ahh si anje yun ahh,ate ko,nandito na pala sya
Sorry sis!