Chapter 3

1437 Words
Annica's POV       Hello big old tree, kamusta naman ang buhay mo dyan? Nag eenjoy ka ba? Kasi ako Oo eh, super nag eenjoy ako sa buhay ko. Alam mo ba kahapon sinabihan ako ni Adrian na energetic and lively?Si Adrian! Ang pinaka gwapo sa buong school na ito. Energetic at Lively daw ako, eh paano pa kaya kung kami na?   Hahagikhik n asana ako ng biglang may librong lumagapak sa lamesa ko. "Hoy!nababaliw ka na naman! May patawa-tawa ka pang mag isa dyan “ isang simangot ang binigay ko kay Faye. Palibhasa walang love life ito eh, ang mas masaklap? Walang crush man lang! Imagine the horror, kakatamad pumasok pag ganun.   "Tara nagugutom na ako" biglang yaya naman ni Dayle sa amin.   Sinamahan ko sila kahit wala naman akong bibilhin doon. Lagi kasi akong may baong lunch, mahal ako ng mama ko eh tapos darating din ng panahon na mamahalin din ako ni Adrian hihi.     Dahil mabuti akong kaibigan, sinamahan ko sila hanggang sa pila para bumili.   “Ang sarap naman ng pa lunch ng canteen ngayon” puri ko sa dalang pagkain nilang dalawa. "Saan tayo uupo?wala ng space" ani Faye habang iniikot ang paningin sa buong paligid.   Ganoon din ang ginawa ko. Mukhang wala ngang upuan.   “Bumalik nalang siguro tay—“   “Annica!” naputol ang sasabihin ko ng may tumawag sa akin. Luminga ako sa paligid para hanapin.   “Annica! Over here!” naka ngiti kong hanap ang tumawag sa akin pero napawi din ang ngiti ko noong nakita kong si Adrian iyon.   Nandoon sya sa table nila at naka ngiting kumakaway sa akin. Sa saya ko excited ko ding kinaway kamay ko.   “Dito na kayo sa amin!” Sigaw nya na halos marinig ng buong canteen.   Halos sabay-sabay na nag lingunan ang mga students sa amin na nasa loob. Syempre sa pogi ni Adrian, hindi lang naman ako ang may gusto sa kanya.   “May silbi din pala ang pa love life mo” natatawang sabi ni Faye, at nag simula ng mag lakad, sumunod naman kami ni Dayle.   “Wag ako ang tignan nyo hindi ako ang tinawag” saway ni Faye sa masasama ang tingin sa kanya.   "Aba, ngayon ka na lang ata ulit nang imbita ng ibang tao para umupo dito narinig ko galing kay Michael ng makalapit kami. Naniningkit ang tingin kay Adrian na para bang nang aasar   Tumawa si Adrian “Wala kasi silang maupuan eh"   Gwapo na mabait pa tapos talented pa. Sino kaya ang mga magulang nito ng mapasalamatan ko man lang?Thank you mama at papa . . . ni Adrian syempre   Umupo na kami sa, kahit naman crush ko si Adrian at medyo makapal ang mukha ko, madalas lang akong ganoon sa mga kaibigan ko. Kaya habang kumakain inobserbahan ko muna sila. Si michael lang ang dakdak ng dakdak kung anung pinag sasabi nya kay dayle. Si dayle naman dedma to the highest level wala naman paki yan sa lovelife nya. Si adrian naman sakto lang...si zeke? Tahimik, hindi nag sasalita at nakikinig lang ng music. Ganyan ba talaga sya?O baka naman nahihiya lang sya mag salita?   tinitigan ko sya. Magsasalita kaya sya pag kinausap ko? Baka na o-op lang sya.Sige na nga kausapin ko na. Binuka ko ang biig ko para mag salita pero naunahan nya ako.   "Dont bother “   Kumunot ang noo ko sa kanya. Mahina at malinaw ang pagkakasabi pero parang guni-guni ko lang dahil wala man lang dumaang emotion sa mukha nya. The next day PE kami kaya kahit masaya ang nakaraang araw ko, malungkot pa din akong pumasok. Hindi ako sporty na tao kaya ayaw ko sa PE. "class soccer tayo ngayon..kumuha kayo ng ball at try nyong sumipa sa goal” panimula ng PE teacher naming habang nasa field kami. Gusto kong mag palamig lang sa bleachers pero kumuha parin ako ng bola......naglaro ako magisa dun sa may goal...wala akong kasama si faye kasi nakipag laro sa iba si dayle naman nakatingin lang.... Bumuwelo ako para masipa ng malakas ng bola ng sumablay ako at hindi ito na natamaan.   “s**t!” I hissed.   Sa lakas ng bwelo ko ay natumba ako. Kinagat ko ng mariin ang bibig ko. ANG SAKIT NG BALAKANG KO! Gustong-gusto kong isigaw. Umupo lang ako dahil hindi ko kayang tumayo.   May narinig akong tumawa sa likod ko. “Okay ka lang??"   “Ikaw okay ka lang? Mukha bang okay lang itong lagay ko sayo?” galit kong sinabi sabay lingon sa nag salita.     Sabay nanlaki ang mata namin. Nanlaki ang mata ko dahil si Adrian lang naman ang sinungitan ko at paniguradong nanlaki ang mata nya sa pag susungit ko sa kanya.   “Joke lang ha-ha. Akala mo galit ako no? “ bawi ko sa sinabi ko. Tumagilid ang ulo nya bago lumapit sakin at inabot ang kamay.   “halika tulungan kita" tinitigan ko ang kamay nya. “Sure kang iaabot mo yan sa akin? Baka hindi ko na mabitawan yan?” joke lang syempre hindi ko sinabi yan.   "Okay lang ako, salamat ah” inabot ko sa kanya ang kamay ko at hinatak nya akong patayo.   Ng nakatayo na ako tinignan nya ako, nakangiti ko rin syang tinignan. Bakit naramdaman mo rin baa ng sparks?   “Ah yung kamay ko Annica—“ “Ahh! Sorry, feeling ko kasi ma out of balance ako bigla “ tatawa tawa kong sagot sa kanya.   "Sure kang ok ka lang? Gusto mo bang dalhin kita sa Clinic?” umiling nalang ako habang naka ngiti sa kanya. Nakakahiya ka Annica.   Ngitinitian nya din ako "halika turuan nalang kita, para di kana madulas next time..." ay sure why not basta ikaw....    That was the happiest day of my life! Ang sakit sakit ng balakang ko at gusto kong mag pahinga pero dahil tinuturuan ako ni Adrian gora lang! Ngayon pa talaga ako mag papatalo?   Friday Came at ito ang araw na may music class kami. Kung gaano ko ka hate ang PE ganoon ko naman kamahal ang music. Piano is a big part of my life. Eversince a child nag ppiano na ako   "Oh! Nice to see you again Miss Rivera, halika tugtuginn mo ito.” Pambungad sa akin ni Ms. Gomez pag pasok palang ng music room. She’s a piano player as well, at hindi pa ako nag aaral sa Silva madalas na kaming mag kita sa mga piano competition, minsan kasama nya student nya na kalaban ko noon. Kaya ngayon ako ang favorite nya. Nangamot ako ng batok. Noong una masaya pa akong tumugtog kada request nya, kaso ngayon nakakatamad na. Nilingon ko ang pwesto nila Faye para tulungan akong tumanggi pero nakita kong naka tingin si Adrian sa akin. Mukhang nag tataka sa pinag uusapan namin ni Ms. Gomez.   Mehehe. Oo nga pala. Mag kaklase na kami ngayon, at ito ang unang music class naming magkakasama. Pagkakataon ko na para mag pa impress. “Ikaw pa ba Ms. Gomez? G lang!” lumapit ako sa piano, watch and be in love with me Adrian. Tinignan ko ang music sheet na nasa piano, “concert etude no.6 “pastorale” op. 40. Apaka haba naman ng pangalan.   Ngiting ngiti nag simulang tumugtog. Isa din sa mga dahilan kung bakit hindi ako sumasali sa mga banda or tulad nga ng sinabi nila Faye mag audition noon sa banda nila Adrian ay dahil mas nag eenjoy ako sa classic performances. Mahirap sa akin sabayan ang energy na kailangan sa isang band performance.   Pumapalakpak ng malakas si Ms. Gomez kasama ng mga kaklase ko pero mas malakas yung kanya. Nag lakad na ako pabalik sa pwesto nila Dayle at kitang kita ko ang shock na expression ni Adrian.   Nakangiti ako sa panlabas pero gusto kong maiyak sa loob ko. Nagustuhan mo ba Adrian? Kung sasagutin mo ako araw araw kitang tutugtugan   “May magaling pala tayong pianist sa school” bati nya sa akin.   “Mas magaling ka mag pafall” wala sa sarili kong sabi.   “ha?” tanong nya ng nakatagilid ang ulo.   “Ha?” palusot ko din. Rinig na rinig ko ang hagikhik ni Faye sa gilid.   “I didn’t hear what you said” nag tatakang tanong ni Adrian.   “AH hindi ko rin narinig—I mean I love you—ay thank you ha-ha” pilit kong tawa at kitang kita ko panginginig ng balikat ni Faye. Natatawa nalang na umiling si Adrian sa akin. Baon-baon ko ang lahat ng ngiti ni Adrian sa akin hanggang uwian. Paniguradong matutuwa ang Nanay ko dahil nasa mood akong mag hugas ng pinggan. Sabihin mo mama salamat anak.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD