Chapter 51

2124 Words
“Halika Louie, tuloy ka!” masaya ko’ng hinatak si Louie sa loob ng penthouse, “Ma?” tawag ko, ”Ma, nasaan ka?” “Good morning po, Sir Joshua,” si Ate Valerie ang sumagot sa `kin. “Wala po si Mama mo, Sir, sinundo s’ya kanina ng Daddy mo.” “Ha? Ganon ba?” “Pinapasabi po n’ya na babalik na s’ya sa bahay n’yo.” “Mukhang nagkaayos na sila ng dad mo,” sabi ni Louie sa tabi ko. Naku, buti naman, nakahinga ako ng maluwag dahil `di s’ya masesermonan ni Louie. “Sir, kakain po ba kayo? Ipapatawag ko po ba si Chef?” tanong ni Ate Valerie. “Ah, hindi na, tapos na kaming kumain, thank you na lang, Ate.” “Sige po, Sir, tawag lang po kayo kung may roon kayo’ng kailangan.” “Pano ba `yan, Louie, wala pala si Mama.” salamat at nabunutan ako ng tinik sa lalamunan! “That’s okay, matawagan na lang s’ya later when I get to my office...” tumingin s’ya sa relo n’ya at pabalik na sana sa elevator nang pigilan ko s’ya! “Ah, sandali!” hinatak ko ang braso n’ya, “`Di ba, sabi mo titignan mo ang laptop ko?” “Oo nga pala,” nakahinga ako nang malalim. At least hindi agad s’ya aalis! “Nasaan ba laptop mo?” “Nasa kuwarto ko!” “Ilabas mo dito – “ “Halika, doon na lang tayo sa kuwarto ko para mas private!” Hinatak ko si Louie bago pa s’ya makareklamo at dinala s’ya sa kuwarto ko kung saan nakapatong sa kama ang gamit ko’ng laptop. Kinuha ko `to at inabot kay Louie na nagpunta sa mesa. Pumunta s’ya sa browser ko at tinignan ang bookmarks doon, tapos ay may kung anu-ano pa s’yang ginawa na `di ko na nasundan. “Nasaan ang mga videos na sinasabi mo?” tanong n’ya sa `kin. Tumayo ako sa likod n’ya at tinuro ang isang folder sa desktop. “Nand’yan lahat ng favorites ko!” pagmamalaki ko sa kan’ya. “Maganda d’yan yung ‘Class Mates’ at saka `yung ‘Room Mate Lessons’, pero paborito ko `yung ‘Mating Season is in the Air’, kahawig mo kasi `yung alpha doon!” sabi ko habang tinitignan n’ya ang mga laman ng folder. “Kinumpleto ko lahat ng videos nung kamukha mo’ng teacher!” kinikilig ko pa’ng sabi. “Ah, nandito sila’ng lahat?” tanong ni Louie. “Oo, meron pa nga d’yang topic na ‘Group Mate’, sobra! Ang dami n’yang partners! Naalala ko tuloy `yung harem game sa school! May gumagawa pala talaga noon!” “Saan `yun dito?” Mukhang gusto rin itong mapanood ni Louie! Kumapit ako sa balikat n’ya at yumuko, tapos ay tinuro ko yung video sa loob ng folder. “Ayan, panoorin natin!” sabi ko habang nakayakap sa malapad n’yang balikat. “Okay.” sabi ni Louie na lumabas sa folder at ini-highlight ito, tapos ay pinindot n’ya ang ’Shift’ at ’Delete’ key nang sabay! Lumabas ang warning na made-delete ang buong collection ko! “Ay, `wag! Mabubura `yung files ko!” pigil ko sa kan’ya. “I know!” sabi ni Louie, sabay pindot ng ’Enter’. “Ah! Ang collection ko!” Isasalba ko pa sana ito, pero hinarang n’ya ang kamay ko at ini-empty pa ang ‘Recycle Bin’ ko! “Louie naman, eh! Bakit mo binura?!” “Alam mo ba kung ano ang pinapanood mo?” “Documentaries ng mating rituals!” sagot ko. “Ngayon, hahanapin ko nanaman isa-isa ang mga paborito ko!” “Josh, hindi documentaries `yan! ’Porno’ `yan!” sabi ni Louie na bumalik sa browser ko at binura rin pati ang mga bookmarks ko! “Anong porno?! Eh hindi naman `yan bastos! Pinapakita lang d’yan kung pano mag s*x ang mga alpha at omega!” “Ano pa nga ba?” sumimangot sa `kin si Louie. “Those are explicit s****l acts na dapat lang gawin in private! Hindi `yung papanoorin ng kung sinu-sino!” “Eh, `yun nga ang kinaganda ng explicit, eh! Para kitang-kita ang lahat ng anggulo! `Di tulad ng video namin sa school na nakaluhod lang yung alpha rabbit sa likod ng omega rabbit at natatakpan nang malaking puso ang gitna nila! Ano naman ang matututunan ko doon!” “Josh, ang mga bagay na `yan, matututunan mo rin pagdating nang panahon!” “Eh, kailan pa darating ang panahon na `yun?” ngumuso ako sa kan’ya. “Pa’no ko malalaman ang gagawin ko kung walang instructional video?” “Basta’t malalaman mo na lang `yun!” pilit ni Louie na mukhang galit na galit na, ang pula na kasi ng mukha n’ya! “Sige, `pag tayo nag mate at `di ko malaman kung pano pu-pwesto, ikaw ang sisisihin ko, ha?!” sumbat ko sa kan’ya. Lalong namula ang mukha ni Louie. Bahagya akong lumayo sa kan’ya, baka kasi masigawan nanaman ako! O kaya baka pitpitin n’ya kamay ko! “`Wag ka’ng mag-alala!” sigaw n’ya sa `kin. “When the time comes, ituturo ko sa `yo ang lahat nang gagawin mo!” Nanlaki ang mga mata ko. Nakasimangot pa rin sa `kin si Louie, hinihingal sa galit, nang biglang manlaki ang mga mata n’ya at mukhang matigilan. Mukhang noon lang n’ya na realize kung anong nasabi n’ya. “Okay...” sagot ko sa kan’ya. ”P’wede mo na ba `kong turuan ngayon?” Napa-face palm si Louie. Binaba n’ya ang screen ng laptop at tumayo. “I need to go, late na ko sa appointment ko...” Nagmamadali s’yang naglakad palabas ng kuwarto ko. “Sandali, sabi mo tuturuan mo `ko?” pigil ko sa kan’ya. “I said; ‘When the time comes’,” ulit n’ya. “Hindi ko sinabing ngayon!” “Ang daya mo naman! Eh, anong gagawin ko, in the mean time?” Hinatak ko at niyapos ang braso n’ya. “Mag-aral ka nang mabuti ng lessons mo sa school!” “Eh, ang lessons natin?!” Yumapos na ko sa likod n’ya, pero kinaladkad n’ya ko papuntang pinto. “You don’t need lessons anymore, midterms lang ang usapan, remember?” “Hindi `yung sa school! `Yung mating lessons natin!” Tumigil si Louei at nagbuntong hininga, tapos ay hinarap n’ya ko at binuhat na parang isang prinsesa! Sobra! Nag-init bigla ang mukha ko! Lalo na at ang hot ng tingin n’ya sa `kin! Dinala n’ya ko sa kama kung saan n’ya ako ihinagis! “Wah!” sigaw ko paghulog dito. Tinanggal ni Louie ang coat n’ya, tapos ay sumampa s’ya sa kama at pumaibabaw sa akin at bigla ako’ng hinalikan! Agad nag-init ang buo ko’ng takawan! Parang nagmarathon ang puso ko sa bilis nang takbo! Kusa namang umikot sa katawan n’ya ang mga binti ko na hinimas niya pataas sa `king balakang, kung saan, pumasok ito sa ilalim ng polo ko at hinimas ang naninigas ko na’ng n****e! “Ah! L-Louie!” ungol ko sa pagbaba ng mga halik n’ya sa leeg ko. “A-ang sarap d’yan...” “Masarap?” bulong n’ya. Inalis n’ya isa-isa ang mga butones sa polo ko at hinalikan ang dibdib ko, pababa sa `king tiyan. “Ah! Ahh! Ah...!” ungol ko sa bawal pagdampi ng mamasa-masa n’yang labi. “Nakakakiliti...!” Binuksan naman n’ya ngayon ang zipper ko, at nanglaki ang mga mata ko, in anticipation sa susunod n’yang gagawin. Hinatak n’ya pababa ang pantalon ko. Nakabakat na ang birdie ko na nagtatago sa loob ng aking clover briefs. Namamasa na ang parteng dulo nito. “You wan’t to know what happens next?” tanong sa `kin ni Louie na may mapang-akit na ngiti sa mukha. Tumango ako ng ilang ulit. “You want to know how alphas and omegas mate?” Hinimas n’ya ang hita ko at nadama ko ang kuryenteng dumaloy dito at umikot sa buo ko’ng atawan. Muli ako’ng tumango ng ilang ulit. “Then...” Kinapitan ni Louie ang garter ng briefs ko sa magkabila ko’ng hips. Muli s’yang ngumiti nang maloko sa akin. “Then kailangan mo’ng matutong maghintay.” Bigla n’ya ako’ng pinalo! “Aray!” ang lakas noon! Nagmarka tuloy ang kamay n’ya sa hita ko! “Mula ngayon, bawal ka nang manood ng porno, o ‘mating documentaries’ as you call it. `Pag nalaman ko’ng nanood ka `uli nito, hindi na `ko makikipag mate sa `yo.” “Ha?!” “I already blocked the porn sites from your PC,” patuloy n’ya habang isinusuot ang kan'yang coat, “ikinunekta rin kita sa Groogle family ko para malaman ko kung anu-anong sites ang pinupuntahan mo, kaya `wag ka nang magbalak pa!” “Louie! Ang daya mo naman!” reklamo ko. “Bakit, hindi mo ba kayang maghintay sa `kin?” tanong niya. Ako’y natameme. “Kung talagang mahal mo `ko, matuto ka’ng mag-hintay. Show me you can wait for me and make me fall for you too.” Nagkatitigan kami. Seryoso ang mga mata n’ya, at alam ko na matigas ang taong `to, lalo na pagdating sa kan'yang prinsipyo. “Sige ba!” sagot ko sa hamon n’ya. “Hindi na ko manoood ng educational videos. Hihintayin ko na lang na ituro mo sa `kin lahat-lahat ng mga nasa videos na pinanood ko.” Nginitian ko s’ya, at nauna s’yang pumikit. Actually, umiwas s’ya ng tingin dahil mukhang puputok na ang namumula n’yang mukha sa sobrang hiya. Natawa ako at patalon na yumakap sa kan’ya. “Promise `yan ha?” “Yeah, I promise.” “Okay, kiss na lang tayo `uli – ” Tinakpan n’ya ang mukha ko bago pa mag-abot ang mga nguso namin. “Maligo ka na, maasim ka na.” sabi n’ya, “At ako ay kanina pa late sa appointment ko.” “Hindi naman ha?!” pasimple ko’ng inamoy ang sarili. “Sige na. I’ll show myself out.” “Kailan tayo `uli magkikita?” habol ko pa sa kan’ya. “Next week.” “Punta ako sa office mo?” lumaki ang ngiti ko. “No. Ako ang pupunta sa school mo to see the results of your exam.” sabi n’ya. “Bawal ka nang pumunta sa opisina ko.” “Ganon? Eh, kailan na lang tayo p’wedeng magkita?!” “I’ll message you,” sagot n’ya. “For now, gusto kong mag-concentrate sa kaso mo.” “Ah! Tama! Sabi mo nga pala, ikukuha mo ko ng bagong lawyer!” “Oo, dahil masyado ka nang makulit!” dahilan n’ya. “`Kung ganon, `pag `di mo na `ko client, ibig sabihin, p’wede na tayo’ng magkarelasyon!” masaya ko’ng sinabi. Natigilan si Louie na buka ang bibig at nakatitig sa akin. “Thank you, mahal, ha?” nilapitan ko s’ya at sumandal sa dibdib n’ya. “Nang una, akala ko, ayaw mo na ako’ng maging kliente, pero matapos ko’ng mag-isip nang maayos, na-realize ko kung bakit napaka strikto mo sa `kin.” Ngumiti ako sa kan’ya. “Ayaw mo rin akong mapahamak, `di ba? Ayaw mo’ng magkaprobleam ang kaso ko, o ma-chismis nang ibang tao `pag nalaman nila na may relasyon tayo...” “K-kung alam mo na, then dapat magpakabait ka na rin!” sabi n’ya, namumula nanaman ang mukha. “Isa pa, starting today, hindi na kita pagbibigyan palagi, I’ll be treating you the way I treat everybody else.” Natawa ako. “Oo nga, napaka taklesa mo pala! Ang sakit ng mga sinabi mo kanina tungkol kay Mama!” “W-well, kailangan mo rin naman kasing marialize `yun, sooner or later...” nag-aalangan n’yang sinabi. “Oo nga, at napapansin ko na rin naman,” sagot ko. “`Wag kang mag-alala, mas mabuti nga na sinabi mo sa `kin ng diretso ang totoo, kesa mag-imbento ka pa ng kung anong dahilan . Alam ko naman, lalo lang ako’ng masasaktan kung hindi `ko s’ya haharapin agad.” “Good. Buti at na-realize mo rin iyon,” tumatango n’yang sinabi. “Oo... matagal ko na naman alam na... i-iniwan na ko ni Mama nang mag-isa, eh.” Ayan... nagbabadya nanaman ang mga luha ko. `Di na ko nagsalita. Nanatili na lang ako’ng nakasandal sa dibdib ni Louie na amoy cinnamon. “`Wag ka’ng mag-alala, marami pang ibang darating sa buhay mo, at mag-s-stay sa tabi mo habambuhay,” sabi ni Louie. “Nand’yan si Aveera, si Yaya Inez, sina Mira...” “Ikaw Louie... sana mag-stay ka rin.” “Of course. Eto na nga ako, `di ba?” “Promise?” Yumakap sa `kin ang mga braso n’ya nang mahigpit, at sapat na `yung sagot para sa `kin. Alam ko, totoo `yun, kahit pa abogado s’ya na sinungaling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD