Chapter 50

1969 Words
Pagdating sa kotse, pinangunahan agad ako ng sermon ni Louie. “Tandaan mo, ayoko nang may istorbo habang nagmamaneho ako. Naiintindihan mo ba?!” tanong niya, at sa galit na tono ng pananalita n’ya, ay wala ako’ng nagawa kung `di tumango. “Bawal lumampas sa upuan mo ang kamay mo, naiintindihan mo ba?” tango `uli. “`Pag `yan lumampas, pipitpitin ko `yan at pabababain kita ng kotse, maliwanag ba?” “Opo.” Binuhay na n’ya ang makina at inilabas ang kotse. “Pano mo nga pala nalaman kung saan ako nakatira?” tanong ni Louie. “Tinanong ko kina Ate Sol!” masaya ko’ng sagot, akala ko kasi `di na ako kakausapin ni Louie buong byahe. “Ah, ganon? `Yan talagang mga bantay mo, puros mga kunsintidor!” sabi n’ya na mukhang galit. “A-ay... hindi naman... actually, pinilit ko sila’ng sabihin sa `kin ku’ng san ka nakatira!” agad ko’ng bawi. ”A-ayaw nilang sabihin nang una! Pero pinilit ko talaga sila!” “Hmph. Hindi pa rin nila dapat sinabi kung saan ang bahay ko. Private information `yun. At kung pupunta ka man, dapat nagpaalam ka muna sa may bahay!” “Opo... sorry na po...” nahihiya ko’ng sagot. “Gusto lang naman kitang gulatin, eh...” “Isa pa `yang Mama mo!” dagdag ni Louie na mukhang naglalabas ng galit. ”Ano ba’ng pumasok sa utak n’ya at sinabihan ka’ng gapangin ako?!” “Kasi, sabi ni Mama, ang bagal mo raw, baka raw may ibang maunang kumagat sa `kin...” sagot ko. “Haay...” napailing si Louei. “Kung anu-ano talaga pumapasok sa ulo ninyong mag-ina. At ano naman kung may makakagat sa `yo, kung hindi ka naman in heat!? “ Napalingon ako kay Louie. “Gusto mo’ng may ibang makakagat sa `kin?!” gulat ko’ng tanong! “H-Hindi, s’yempre... pero... `di ka naman in heat, `di ba?!” tanong n’ya. “Kahit may kumagat sa `yo, hindi `yun magiging permanent!” “Oo, pero, makakagat pa rin nila `ko!” katwiran ko. “Tapos `pag nakagat ako ng ibang alpha, sigurado, lalayuan mo na `ko!” Nabasag ang boses ko sa pagsabi nito. Kung ngayon pa nga lang, nilalayuan na ko ni Louie, pano pa kaya `pag may ibang alpha na kumagat sa `kin? “Sino naman nagsabi n’on?” kumunot ang noo ni Louie. “`Di ba? Ang mga alpha, ayaw sa mga omega na nagalaw na nang iba? P-pano kung ma-rape ako? Pano kung kagatin ako ng iba?” “Hindi nga maiiwan ang marka kung `di ka in heat!” ulit ni Louie na mukhang naiirita na sa `kin. “Kaya nga kita pinag-iingat, para `di ka mapahamak, kaya dapat lagi mo’ng kasama ang mga bodyguards mo!”patuloy n’ya, “Besides, wala namang maiiba kahit makagat ka ng ibang alpha outside your heat, ikaw pa rin ang Josh ko at hinding-hindi kita i – “ Natigilan si Louie. Tinitigan ko s’ya, hinihintay ang karugtong ng sasabihin n’ya. “Ako pa rin ang Josh mo na hindi... ano?” tanong ko nang `di na s’ya nagsalita. Pinanood kong mamula ang mukha ni Louie, pati na ang taenga n’ya. Ngumisi ako sa kan’ya na patuloy na nag-drive. “Hindi mo `ko itataboy? Hindi mo `ko iiwan? Hindi mo `ko ipagpapalit sa iba?” lumaki lalo ang ngisi ko. “Pili ka ng isa, o pwede ring all of the above!” “Pagdating nga natin sa inyo, kakausapin ko ang Mama mo!” “Ay, iniba ang usapan!” Natawa ako at pinigilan ang sarili na yakapin ang Louie ko. Mahirap na, baka mamaya tototohanin n’ya ang banta n’ya kanina. “Ba’t nga ba parang desperado ang Mama mo na may mangyari sa `tin?” tanong n’ya. “Pati nang tawagan ko s’ya kagabi, parang pinagtutulakan ka na n’ya sa `kin!” Ako naman ang nanahimik, patay malisya, at baka mabisto n’ya na planado namin ni Mama ang lahat kagabi. “Well, come to think of it, pinasok ka n’ya sa school ng mga omega para maging perfect bride, at pilit ka pa n’yang ipina-partner sa mga mayayamang alpha,” patuloy n’ya. “In fact, hindi ako magtataka kung may usapan talaga sila ng step dad mo na ipakasal ka sa isa sa kan'yang mga anak, that would explain why she insisted that you keep your surname. I bet, kaya sila nag-away ng step dad mo, ay dahil umatras s’ya bigla sa kanilang usapan,” dagdag pa n’ya. “At ngayon na may mas magandang prospect s’ya para sa `yo, minamadali n’ya naman tayong mag-mate!” Napatitig ako kay Louie. “Actually, ayoko na nga lang isipin `yan, eh,” pilit ako’ng tumawa. “Feeling ko nga, isa lang ako’ng investment ni Mama... isang charm na magdadala sa kan’ya ng swerte...” “Exactly!” patuloy ni Louie. “Anong klaseng nanay ba `yan na kulang na lang, eh, ipasubasta ka to the highest bidder? Para s’yang bugaw na naghahanap ng alpha na kukuha sa `yo! And to think, that she would have probably given you to one of her step sons kung `di agad namatay ang Papa mo at pinamanahan ka ng trillion!” Nanatili ako’ng nakaupo at tahimik. Napansin n’ya ata na wala akong imik, kaya nilingon n’ya `ko sandali at nakita’ng nagpipigil ako ng luha. “O, okay ka lang?” Tumango ako. “Sorry, did I say too much? That was uncalled for... It’s a bad habit of lawyers to read between the lines and jump to conclusions... `Wag mo na lang iyon isipin.” Muli n’ya ako’ng nilingon. “Hey, are you okay?” tanong `uli n’ya. “Well... tingin ko naman, ginawa lang `yun ng Mama mo para makasigurado s’ya sa future mo... I’m sure, masyado lang s’yang nag-aalala sa `yo!” pilit n’ya sa `kin. “A-alam mo ba... sabi n’ya sa `kin... dapat daw maghanap ako ng matalinong alpha na mapapangasawa...” mahina ko’ng sabi, pilit pa rin nagpipigil ng mga luha. “Kasi daw, m-malulugi lang daw ang negosyo namin `pag ako ang humawak dito!” Naku! Ayan na nga ang mga luha, `di ko na napigilan! Nagsituluan na sila, sinabayan pa ng malagkit na uhog na taas-baba sa bawat singhot ko! “Tapos... sabi pa n’ya, dapat daw ikaw makatuluyan ko,”dagdag ko pa. “Kasi magaling ka raw na lawyer, matatakot daw mga tao na lokohin ako, kasi idedemanda mo sila!” Nagbuntong hininga si Louie. Napatingin s’ya sa kanan kung saan may paradahan, at iniliko doon ang sasakyan n’ya. Pinatay n’ya ang makina at humarap sa `kin. “Hayaan mo na `yang Mama mo, ang nakasanayan kasi n’ya, `yung dating Josh na mahina ulo, kaya nasabi n’ya yun,” sabi ni Louie habang inaamo ako. “Hindi nanaman mahina ang ulo mo, `di ba?” “A-alam mo ba, nang sabihin ko kay Mama na `yung mga gamot ko ang nagpapabobo sa `kin, s-sabi ba naman n’ya, m-mas mabuti na raw `yun kesa ma-rape ako ng mga alpha!” “See? Nag-aalala lang s’ya masyado sa `yo...” “P-pero, feeling ko, s-sinadya n’ya talaga `yun para susunod lang ako lagi sa gusto n’ya!” “Well, at least ngayon, kaya mo nang mag-isip para sa sarili mo, hindi ka na dapat sunud-sunuran sa lahat nang sinasabi ng Mama mo. Dapat isipin mo’ng mabuti kung tama ba ang pinagagawa n’ya sa `yo, o hindi.” Lalo lang ako’ng naiyak sa sinabi n’ya. “S-sobra, Louie... ang hirap palang mag-isip!” ngawa ko. “Ang sakit... ang daming pumapasok na nega sa utak ko na wala naman noon... minsan tuloy, iniisip ko, mas mabuti pa `yung dating nabobobo ako sa gamot... at least noon, inaalagaan lang ako nina Yaya, at least noon, susunod lang ako sa kanila, hindi na ko mahihirapan magdisisyon, hindi ko naiisip na pinagsasamantalahan lang ako ng mga tao sa paligid ko!” “Masaya ka sa ganon?” tanong ni Louie. “`Yung pinagsasamantalahan ka?” “...hindi...” sagot ko. “Pero... hindi naman ako lulungkot, kung hindi ko alam na pinagsasamantalahan nila ako, `di ba?” Inalis ni Louie ang seatbelt ko. “Halika nga rito,” sabi n’ya. “H-hindi mo ko pipitpitin?” Natawa s’ya, “Hindi. Gusto lang kitang i-hug.” S’yempre, agad akong lumapit at yumakap kay Louie! “Masarap ba ako’ng ka-hug?” tanong n’ya. “S’yempre!” lalo ko pa s’yang niyakap at pinanggigilan. “Bakit ako masarap ka-hug?” “S’yempre kasi love kita!” matic ko’ng sagot. “Bilang frend, o bilang tito?” Tinignan ko s’ya ng masama. “S’yempre bilang pair ko!” “Pero p’wede namang friends lang tayo, `di ba? Tulad nina Rome, or parang Kuya lang, tulad ng step brothers mo.” “A-ayoko nga!” nginusuan ko s’ya.. “Gusto ko mates! Kahit `di fated pair, basta, mates tayo!” pilit ko. “So, you don’t want to settle on anything less?” “S’yempre! Dahil mahal kita!” “Now, tingin mo ba, malalaman mo ang pagkakaiba ng friends and relatives sa lovers kung hindi mo tinigil ang gamot mo?” tanong niya. “Makikilala mo ba si Aveera kung `di ka lumipat ng school? At papayag ka bang ipili ka ng ibang mate ng Mama mo kung sakaling may makita s’yang alpha na mas lamang sa akin?” “S’yempre hindi!” “Kung ganon, magpasalamat ka at may sarili ka na’ng isip at desisyon at `di na umaasa sa dinidikta ng mga nasa paligid mo, dahil `di ka magiging tunay na masaya kung `di mo alam ang tunay mo’ng gusto.” “Ang lalim naman n’yan, Louie!” natawa ako. “Bakit, hindi mo ba naintindihan?” tanong n’ya na parang hamon sa `kin. “Naintindihan, s’yempre.” sagot ko, “Ang dami ko ngang bagong natututunan ngayon, eh, at ang dami ko pang gustong malaman, at alam ko, `di ko madidiskubre lahat nang `yun kung mananatili lang ako sa maliit ko’ng mundo.” “Very good!” at hinalikan ako ni Louie sa noo! Niyakap ko naman s’ya `uli at ikinuskos ang mukha ko sa matigas n’yang dibdib. Kasyang-kasya talaga ako sa lugar na `yun! Para talagang sukat na sukat kami. “O, ginawa mo nang singahan ang suit ko!” “`Uy! H-hindi, ha!” agad ako’ng humiwalay sa kan’ya. “Ayan o, may trail nanaman ng uhog mula sa ilong mo!” natatawang sabi ni Louie. Agad ko itong pinunasan habang nag-iinit ang mukha ko. ”Ayan wala na!” Suminghot ako, habang patuloy pa rin si Louie sa pagtawa. ”Sige tawa pa!” naiirita ko’ng sabi. Bigla n’ya naman ako’ng niyakap at pinanggigilan. “Hilig mo kasi’ng umiyak, eh!” “Lagi mo kasi ako’ng pinaiiyak!” balik ko sa kan’ya. “Sorry na, sige, tumahan ka na, ha? At mamaya kakausapin ko ang Mama mo.” “`W-wag na!” pigil ko sa kan’ya. “Baka magalit si Mama! Saka... gusto ko rin naman talagang makipag mate sa `yo, eh, `di ba `yun ang kasunod ng kissing?” Nagbuntong hininga si Louie na hinawakan ako sa balikat. “Sabi rin ba `yan ng Mama mo?” tanong n’ya na kunot ang noo. “Hindi, nakita ko `yun sa mga alpha and omega mating guides na ni-research ko sa net!” Lalong kumunot ang noo ni Louie, tapos unti-unting lumaki ang mga mata sa mukha n’yang namula at napa-face palm pa. “Josh... mamaya, titignan ko ang laptop mo, ha.” “Okay!” masaya ko’ng sagot, “Sama tayong manuod ng mating videos!” Yayakap sana ako `uli sa kan’ya, kaya lang, tinulak na n’ya ko pabalik sa upuan ko at pinagsuot ng seatbelt. “Umayos ka na,” sabi n’ya, “magmamaneho na ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD