Chapter 73

2760 Words
Pag-uwi sa bahay ay nagmamadali ako’ng dumiretso sa kuwarto at naligo. Dalawang beses ako naglibag at kinuskus ko pa nang mabuti ang parteng ‘iyon’, tapos nag-toothbrush pa `ko para minty fresh ang aking hininga! ‘Anong oras ka darating?’ message ko sa bhebhe ko nang lumabas ako ng banyo. ‘Might be a little late, may meeting pa ako’ng pinuntahan,’ reply ni Louie. ‘kumain ka na, might be over by 6.’ “Ay, ang tagal naman, mag aalas-singko pa lang, eh!.” Napasimangot ako sa aking phone at nakita ang reflection ko rito habang nakahiga ako sa kama at nakatapis ng tuwalya. May naisipan tuloy ako’ng gawin! Binuksan ko ang camera ko at nanguha ng selfie habang naka pose sa kama. Nilagyan ko pa `to ng mga effects, tapos ay isa-isa ko `to pinadala kay Louie at naghintay ng reply. ‘TING!’ Nagmamadali ko’ng tinignan ang sagot n’ya! ‘Humanda ka mamaya.’ Kinilabutan ako sa takot! O `di kaya sobrang kilig? Nagalit kaya s’ya? Baka nga naman nasa office pa s’ya ngayon! Naku! Pano kung nakita ng mga kasama n’ya `yung pics na pinadala ko?! Pero, puro cute pics lang naman `yun, eh, walang bastos! Alam ko naman na medyo conservative si Louie. ‘Hindi `yun galit! Baka ibang ‘handa’ ang ibig n’yang sabihin,’ sabi ko sa sarili. Well, nakapaghanda na naman ako, naligo na `ko at naglinis nang mabuti, pero since matatagalan pa s’ya, eh, mukhang kailangan ko na munang magbihis. Sinabihan ko pa naman sina Yaya na padiretsuhin si Louie sa kuwarto ko pagdating! “May kailangan pa ba ako’ng ihanda?” Napaisip ako. Ano nga ba ang ihinahanda bago mag-s*x? Kinuha ko nga ang laptop ko at nag-search ng mga dapat gawin bago makipag-mate sa iyong alpha. Kaya lang, dahil sa hinarang ni Louie ang mga videos ko, ay puro article ang naglabasan dito! Napilitan pa tuloy ako’ng magbasa. Pero, woah! Ganito pala dapat iyon! Kailangan pala nililinis ko rin `yung loob ko gamit ang enema?! Kaya naman pala nangyari `yung ‘accident’ dati sa kuwarto ni War! Pero, saan naman ako bibili noon? Pwede na kaya `yung bote ng ketsup sa kusina? Titig na titig ako sa laptop ko, engrossed sa binabasa ko’ng article, nang biglang may kumatok sa pinto ko. Mukhang pakakainin na `ko ni Yaya. Binuksan ko ang pinto at sasabihin sana na mauna na silang kumain, nang tumambad sa harap ko si Louie! “Ah!” napatunganga ako sa kan’ya. “Ba’t ang aga mo?!” “Kasalanan mo `to!” sagot n’ya, at sa pagsara ng pinto ko ay agad ako’ng hinalikan! Syet! S’yempre mega halik din ako pabalik sa Louie ko! “Ba’t `di ka pa bihis?” tanong n’ya. “Ah, may tinignan lang ako sa lapto – ” agad ko’ng pinutol ang sasabihin, pero huli na ang lahat. Pumunta si Louie sa kama ko at sinilip ang article na nakabukas doon, tamang-tama pa na naka tigil sa picture ng lalaki’ng gumagamit ng enema! “Ano nanaman `to?” tanong n’ya. “G-gusto ko lang naman malaman kung paano maghanda!” katwiran ko. “`Di ba sabi mo, humanda ako?” Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Louie. “Ikaw talaga...” lumapit s’ya sa `kin at nanggigigil ako’ng niyakap. “Hindi naman kailangan masyado mag-prepare ang omegas, since sumasara ang path papuntang intestines n’yo, once you’re arroused,” sabi n’ya. “P-pero, iba na `yung malinis, `di ba?” tanong ko sa kan’ya.’ “Well, you do have a point there,” sagot n’ya, “So... nag-prepare ka na ba?” tanong n’ya, namumula ang mukha. “Hindi pa, wala ako’ng gamit, eh, saan ba nakakabili ng mga `yun?” lalong namula si Louie. “S-sa mga drugstores meron...” nahihiya n’yang sagot. “Hayaan mo, next time ibibili kita... I should be the one taking care of you, after all...” “Bili na tayo ngayon!” kumawala ako sa kan’ya at nagmamadaling nagbihis. “Ha?” “May drugstore sa baba, `di ba? Tamang-tama, dine out tayo! Tapos pagbalik, turuan mo `ko kung paano gumamit nun, ha?” Hindi na nakasagot si Louie nang hatakin ko s’ya. Nagpaalam kami kina Ate Val na sa labas kami kakain at sinama sina Yaya. Inuna namin ang drugstore. Pinaghintay namin sina Yaya sa labas, at bumili ng enema kit. Silver hose ito na may maliit na nozzle sa dulo, `di tulad ng nakita kong parang bote ng ketsup! Tapos kumain kami ng dinner sa labas at naglakad-lakad pa para matunawan. Seven pm na kami naka-uwi, at dahil late na, ay hindi na nagtagal si Louie. ”Unfair naman!” reklamo ko. ”Pano na `yung apat na perfect scores ko?” “Ako ba ang nag-ayang mamasyal?” nakangising sagot ni Louie. “Pero, sige, eto na ang kiss mo.” Hinatak n’ya ako at hinalikan ng apat na beses sa bumbunan! “Balik nanaman tayo sa ganyang kiss?!” “Next time na `yung iba at gabi na, may pasok ka pa bukas.” “Hmph! Bukas dalaw ka `uli, ha?” nakanguso ko’ng sinabi. “May meeting `din kami bukas... at saka every other day ang usapan natin, `di ba?” paalala n’ya sa `kin. “`Di ako tatagal nang ganon!” yumakap ako sa kan’ya. “Ngayon pa, mahal na mahal na kita?” Muling natawa si Louie na ginulo ang buhok ko. “Hindi p’wede, Josh, kailangan may disiplina pa rin kahit may relationship na tayo. Besides, baka `di ka na makapag-concentrate n’yan sa pag-aaral mo.” “Hmph, sige na nga, sa Wednesday na! Tapos turuan mo na `ko mag ’prepare’, ha?” “I-ikaw talaga...” sumimangot s’ya, pero hinalikan din ako `uli sa noo. “Sige na, be good, ha? At matulog ka nang maaga para sa school mo bukas.” Napaka saya ko pagpasok kinabukasan, pero gaya nang sabi sa `kin ni Aveera, `di ko na pinaalam sa iba ang dahilan nito! At lunch time, pinag-usapan namin nina Rome ang tungkol sa design na ipapatahi nila kay Aveera. Kaya lang, nang ipinasa namin ang design sa club na nag-organize ng event, nalaman namin na `di pala ako p’wedeng sumali. “Sorry, Joshua Safiro, hindi ba, ikaw ang nag de-design ng ibang mga damit sa Pilapil fashions?” tanong sa akin ng isang club member nila. “Disqualified ka dahil para lang sa amatures ang contest na ito.” “Ah, ganon ba?” napakamot ako ng ulo. “Sorry, Josh, `di ko rin alam,” sabi ni Aveera. “Okay lang, unfair nga naman `yun kung sasali ako.” “Kami magpapasa rin,” sabi ni Jinn na kasunod si Rome sa likod. Tinignan ito ng babae na bahagyang napataas ang kilay, ang ganda kasi ng pagkaka-drawing ni Rome dito, pati ang mga kulay, buhay na buhay. “Okay, ang pag-pass ng finished product ay sa April 7,” sabi ng organizer. “You have two weeks to prepare, sa April 18 naman ang Fashion Show, during the School Foundation and activity week.” “Okay, thank you, Ate Mabel!” tawag dito ni Rome na mukhang kilala ata lahat ng tao sa campus. “Well, goodluck sa inyo!” bati ko sa kanila. “Sayang talaga, Kuya, hindi ka p’wedeng sumali! Pati tuloy si Ate Aveera nawalan ng partner.” ani Rome. “Oo nga, hindi naman porket designer ka na, eh, matatalo mo na kami!” sabi ni Jinn. Napatitig ng masama si Rome dito. “`Yun nga, eh,” sang-ayon ko, “sigurado naman may iba pang magagaling sa campus, `di ba?” “Okay lang, less work for me,” sabi ni Aveera, “that way mas makakapag concentrate ako sa pagtahi ng design ninyo.” “Tama, at makakapag concentrate tayo sa pag-aaral, at saka sa dance natin sa PE,” dagdag ko. “Ugh, pinaalala mo pa na kailangan ko nanaman mag-practice mamaya,” sabi ni Aveera na parang hindi masaya. “Feeling ata ng partner ko, eh, wala ako’ng kakayahang sumayaw.” Natawa na lang ako, sa totoo lang kasi, may pagka matigas talaga ang katawan ni Aveera, at wala sa tempo ang galaw n’ya. “Gusto mo turuan kita?” alok ni Rome. “Magaling din ako’ng sumayaw, just ask if you want to take lessons,” sabi naman ni Jinn na ayaw patalo. “Tama, mamaya tulungan namin kayo mag-practice!” presinta ko. Sa bagay, hindi naman dadalaw si Louie ngayon, kaya ok lang kahit mag stay ako sa school para tulungan ang best friend ko. Kaya nga pagdating ng uwian, ay apat kaming pumunta sa gym para samahang mag-practive si Aveera. Nakita agad namin doon ang dance partner n’yang si Kevin na kasama si Harold. “O, mag-practice na tayo,” sabi ni Aveera kay Kevin sa paglapit namin. “Pakibilisan at may sundo pa `ko.” “Okay, sandali ilo-loop ko lang ang tugtog natin sa cell ko,” sagot ni Kevin na mukhang mapagpasensya. “Josh! Buti nandito ka rin, p’wede rin tayong mag-practice,” sabi naman ni Harold na lumapit sa `kin. “Actually, nandito kami para i-cheer ang kaibigan ko,” nakangisi ko’ng sabi, “Pero since nandito ka rin pala, sige, mag-practice na rin tayo.” “Sinamahan ko kasi best buddy ko, at mukhang bestie mo rin ang partner n’ya?” tanong n’ya sa `kin.” “Oo, ang galing ng coincidence, ano?” Inalis ko ang coat at vest ko para `di ako masyadong pawisan. “Tapos, baliktad naman sitwasyon natin,” dagdag ko nang makitang magsimula ang dalawa. “ako mas marunong sumayaw, ikaw hindi masyado.” Nagpigil ng tawa si Harold habang pilit kumekembot si Aveera sa tugtog ng ‘Sway’ na version ni Michel Buble, si Kevin naman ay mukhang natatakot mag-comment. Mukhang mabait talaga s’ya, kaya natuwa ako dahil nadagdagan nanaman ang mga kaibigan ko sa campus. “Ate Aveera! Hindi ganyan!” Ayan na si Rome. “`Pag rumba, importante ang galaw ng katawan, lalo na ang hips!” “Ba’t nga ba Rumba ang pinili n’yo?” tanong naman ni Jinn. “Um... pinabunot kasi kami ng teacher namin...” sagot ni Kevin. “So, kasalanan ko?” tanong ni Aveera, “Sino ba nagpilit na ladies first? Eh, kung sa kanta mo ko pinabunot, eh, `di sana `di tayo namo-mroblema ngayon.” “Buti pa kami, foxtrot lang ang sayaw,” sabi ni Harold. “Talaga, Kuya Josh?” tanong ni Rome, “Sayang naman talent mo!” Humarap s’ya kina Aveera habang nakakapit sa braso ko. “Alam n’yo ba, nang 7th birthday ng pinsan ko, kasama si Josh sa 7 roses? Ang galing kaya n’yang sumayaw! Nakipagsayaw pa nga s’ya sa mga tita namin, eh!” “Talaga?” nangiti ni Harold. ”Ang swerte ko pala at ikaw ang naging partner ko!” “Hmph. Sige nga, kung talagang magaling ka – ” singit ni Jinn, pero binara s’ya ni Rome. “Halika, Kuya, let’s show them how to rumba!” sabi nito sa `kin. “H-ha? Sandali, wala akong practice!” sabi ko habang hatak ni Rome. “Ang huling sayaw ko nang rumba, bago ko pa nalaman na omega ako!” “Okay lang `yan, muscle memory, `di mo `yan malilimutan!” pilit n’ya. “Music please!” tawag n’ya kay Kevin na agad inihanda ang tugtog. “Kuya, ako ang female role!” Nagsimula na nga ang tugtog. From a couple of meters apart, ay nag-rumba kami palapit sa isa’t-isa, tapos ay umikot sa akin si Rome, kapit ang balikat ko. “Ate Aveera! Take note! Yung hips! Importante ang hips! Pati ang paa!” payo n’ya kay Aveera. Pinaikot ko s’ya, sabay salo sa pagbagsak n’ya. “Kuya Josh, hold me closer!” utos pa n’ya sa `kin. “Ang simple ng steps mo!” “S’yempre, ba’t pa natin ituturo `yung complicated moves?” tanong ko. “Para makita nila!” pilit n’ya, at sa steps na ginawa n’ya ay no choice ako kundi umayon sa kan’yang galaw. Sinasabi pa ni Rome ang bawat steps namin, from cross overs to breaks! Bigay na bigay si Rome sa pagsayaw, napatingin tuloy sa `min ang mga tao sa gym, maya-maya pa ay nakalibot na sila sa amin at masayang nanonood. Nasa kalagitnaan na kami ng pagsasayaw, nang biglang pumasok si Jinn at tinapik ang balikat ko. “May I?” tanong n’ya na tila masama ang tingin sa `kin. “Of course!” sagot ko, at pinasa sa kan’ya si Rome habang umiikot. “Kuya!” sumimangot sa `kin si Rome, pero `di nawala sa tempo ang galaw niya. “Kulang ako sa practice, hinihingal na `ko!” nakangisi ko’ng sabi. “Bakit? `Di mo ba kayang makipagsabayan sa `kin?” sabi naman ni Jinn kay Rome na may nakakalokong ngiti sa mukha. “Ha! As if!” sagot ni Rome na lalo pang ikinendeng ang balakang niya. “There is no way in hell, I’m gonna dance like that,” sabi ni Aveera na tumabi sa `kin. Kinukunan pala n’ya ng video ang sayaw namin. “Ha-ha, malabo talagang mangyari `yun, dahil nagsasayaw na `yang si Rome mula bata pa s’ya.” sagot ko, tumatawa. “Eh, ikaw?” tanong n’ya sa `kin. “Dance instructor ang lolo ko, kaya pare-parehas kami nina Mama na marunong magsayaw,” sagot ko. “Kaya nga namin nakilala sina Rome, kasi nakumbidahan nga kami sa birtday ng pinsan n’ya na supplier ni Mama, tapos nagpaturo na s’ya kay lolo magsayaw. Since then, sa kanila na kami kumukuha ng tela,” k’wento ko. “Sabi nga ni Mama noon, maganda raw secret weapon ang dancing talent namin, at lucrative pa, ewan ko lang kung para saan.” “Ah... okay...” sagot ni Aveera na mukhang walang gana. “`Wag kang mag-alala, ituturo ko sa `yo `yung simple steps mamaya,” sabi ko sa kanya. “Hayaan na lang muna nating magkatuwaan ang dalawa.” “How about we practice too?” tanong naman sa `kin ni Harold. “Ah, oo nga pala, gusto mo’ng lumayo ng konti para makapagpractice tayo ng maayos?” tanong ko. “Mabuti pa nga at dumadami na tao rito.” Dumami na nga ang nanonood kina Jinn. Pareho silang magaling, at ayaw magpatalo sa isa’t-isa. Pumunta kami sa isang side ng gym kung saan tahimik at pinatugtog na ni Harold ang ‘Fly Me To The Moon’ sa cell n’ya. Sinimulan ko na ang steps, kung saan sabay ang galaw namin habang nag s-snap ang mga daliri, pero pinigil ako ni Harold. “Um... okay lang ba kung gawin natin ang female steps?” tanong n’ya sa `kin. “Gusto mo’ng sayawin ang female version?” tanong ko sa kan’ya. “H-hindi...” namula ang mukha ni Harold, “I mean... I was hoping you would do the female part.... Mas maganda kasi tignan kung partners talaga tayo, `di ba?” dagdag n’ya. “Well, okay lang naman sa `kin, pero kabisado mo na ba ang male parts?” “Oo,” ngumiti s’ya sa `kin, “I practiced it at home.” “Okay then,” umayos ako ng p’westo at kinapitan ang kamay n’ya. “Puro lakad lang naman ang foxtrot, dadagdagan lang ng ikot kung may kapartner ka.” “Iikot tayo?” tanong n’ya. “Paiikutin mo `ko.” Inabot ko ang kamay n’ya. “Kunwari ikaw muna ang babae, ipapakita ko sa `yo ang steps, ha?” Ipinakita ko sa kan’ya ang simpleng steps para sa fox trot. Ang laki nga agad ng improvement n’ya, eh, mukhang nagpractice s’ya ng mabuti sa bahay! Mas malambot na ang katawan n’ya, at pati ang bagong steps na tinuro ko, nakabisado rin n’ya agad. Soon, pinapaikot-ikot na n’ya `ko ay niyayakap ng patalikod habang nagsasayaw. “Ayan, ngayon iikot mo `uli ako paharap sa `yo!” Ginawa nga iyon ni Harold, at nang magkatapat na kami, eh, nakangiti nanaman siya at ang pungay pa ng mga mata. Mukhang feel na feel n’ya ang sayaw! “Ang galing mo, ha, alam na alam mo na agad, dalawang practice lang!” “Napakagaling naman kasi ng instructor ko,” sabi n’ya na palapit sa `kin. “Buti na lang!” tinapik ko ang balikat n’ya at humiwalay. “Sige, tandaan mo `yung mga steps, ha, tutulungan ko lang si Aveera, at siguradong `yung mahihirap na steps ang ipipilit ni Rome sa kan’ya.” “Ha?” “Bukas na `uli tayo mag-practice, during PE!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD