Laking pasalamat ko nang palitan ni Nathan ng cartoons ang pinapanood namin. Maya-maya ay napuno naman ng tawanan ang den, at tapos noon ay singhutan dahil may drama pala ito sa dulo.
Later, dumating sina Ate Sol dala ang isang malaking bag ng mga gamit ko.
As if naman isang linggo ako’ng titira kina Louie.
Kung p’wede lang sana!
Pagkaalis nila ay inaya naman ako ni Louie sa home office n’ya para pag-usapan ang kaso ko.
“May ilang papeles ako’ng kailangan papirmahan sa `yo,” sabi n’ya habang inililigpit ni Ate Bless ang pinagkainan naming popcorn at mga tsitsirya. “Samahan mo ko sandali sa taas.”
“Okay.”
Mega-kilig naman ako, s’yempre! Eto na ang alone time namin ng Louie ko! Agad ako’ng kumapit sa braso n’ya at magkasama kaming umakyat ng hagdan, pero sa pagbukas ni Louie ng pinto sa study n’ya ay may nauna pa sa aming pumasok sa loob!
“O, Mercy, `di mo ba tutulungan ang Ate mo sa baba?” tanong sa kan’ya ni Louie.
“Kaya na ni Ate `yun,” nakanguso’ng sinabi nito habang nakatingin ng masama sa mga braso naming magkapulupot. “Gusto ko’ng makibalita sa kaso ni Josh,” pumamewang pa s’ya sa pagsabi nito.
“Ah, kinukwento ba sa `yo ni Louie ang tungkol sa kaso ko?” tanong ko. Hindi ko akalain, concerned din pala si Mercy sa `kin!
“Of course not,” sagot naman ni Louie sa tabi ko. “That would be a breach of confidentiality.”
Napatanga ako kay Louie.
“Hindi ako p’wedeng maglabas ng mga confidential details about my client’s case. Bawal iyon,” paliwanag ni Louie.
“Alam ko nanaman ang ilang details, eh!” pilit ni Mercy.
“Just minor ones,” sagot ni Louie.
“Well, this is good practice for me para `pag nag-aaral na `ko ng law, saka, okay lang naman kay Josh kahit nandito ako, eh!” tumingin s’ya sa `kin at pinagmulatan ako ng mata. “`Di ba, Josh?”
“Ah... eh... okay lang...” Wala naman ako’ng choice, takot ko lang sa katarayan n’ya.
“Haay, well then, kung okay lang kay Josh...” Pumunta si Louie sa kan’ya’ng mesa at may kinuha na ilang papeles. “Mga papers ito para sa pagpalit mo ng abogado.” Inabot n’ya ito sa `kin. “May dumating din na petition mula sa distant relatives ng father mo, so panibagong case nanaman ito.” Napabuntong-hininga si Louie. “Don’t forget to read it before signing.”
“Okay.”
Umupo ako sa cushioned na upuan sa tapat ng mesa n’ya at nagsimula nang magbasa.
“Sino naman ang nakuha mong papalit sa `yo, pa?” tanong ni Mercy habang nagbabasa ako.
“Si Atty. Derejedo.” sagot ni Louie.
“Si Judge Dredd?” napatingin ako kay Mercy na tunog gulat.
“Hindi, `yung panganay n’ya lang, si ninong Florence mo. Katatapos lang ng isang kaso n’ya kaya may time na s’yang hawakan ang kaso ni Josh,” sagot ni Louie. “At `wag mo’ng tawaging Judge Dredd si Judge Derejedo, show some respect.”
“Swerte ka, magagaling na lawyers ang mga Derejedo,” sabi sa `kin ni Mercy. “Kilala silang number 1 prosecutors sa paghawak ng omega cases, at maraming defense lawyers ang umaatras dahil sa husay at tapang nila!”
“Talaga?”
“Oo, Josh,” sagot ni Louie, “kaya `wag ka’ng mag-alala, kahit `di na ako ang may kapit sa kaso mo, sisiguraduhin ko pa rin na you’re in good hands.”
“Okay,” ngumiti ako kay Louie, “alam ko naman na `di mo `ko pababayaan, eh,” At ngumiti naman sa `kin pabalik ang labs ko.
Nagtititigan pa kami nang tumikham si Mercy.
“So, kamusta naman `yung kaso, pa?” tanong nito. ”Pinagpipilitan pa rin ba nila `yung pekeng last will and testament nila?”
“Ibinasura na iyon ng korte kahapon,” sagot ni Louie. “Buti nga at dahil doon, ay puwede na rin ilipat sa pangalan ni Josh ang iba pang mga ari-arian ni Mr. Safiro dito sa Pilipinas, kaya lang, hinaharang pa rin ng ilang kamag-anak ni Mr. Safiro sa Australia ang legallity ng pagiging heir ni Josh.”
“Eto ba `yun? Etong subpo... subpue...”
“Subpoena.” sabay na pagtatama ng dalawa.
“Oo...” napakunot ang noo ni Louie. ”Hinaharang nila ang pagsalin ng Safiro fortune sa pangalan mo... dahil isa ka’ng omega.”
Tumitig ako kay Louie, naghihintay ng kasunod na dahilan kung bakit ayaw nila sa `kin. Nagkatitigan lang kaming tatlo.
“Tapos?”
“Tapos?” tanong ni Louie.
“Tapos, bakit ayaw nila sa `kin?” tanong ko.
”Dahil nga omega ka!” ulit ni Mercy.
“Ah... eh, ano naman kung omega ako?”
Nagkatinginan ang mag-ama. Napabuntong hininga si Mercy, kinapitan naman ako ni Louie sa balikat at ngumiti sa `kin.
“May ilang tao kasi na mababa ang tingin sa mga omega,” sagot n’ya, “Tingin nila, hindi kaya ng mga omega na mapantayan ang kakayahan ng mga alpha, o kahit pa ng mga beta, kaya hindi sila karapat-dapat humawak o mamuno sa malalaking kumpanya.”
“Ganon?” nagulat ako sa sinabi ni Louie! “Bakit naman nila nilalahat ang mga omega?” tanong ko. “Oo nga, at medyo slow ako, lampa rin ako at madalas tulala, pero hindi naman siguro lahat ng omega kasing hina ko!” katwiran ko. “At saka, ngayon naman nakakahabol na `ko sa mga classes namin, eh!
“Josh, hindi ka mahina, tandaan mo `yun!” agad sinabi ni Louie.
“Tama! Hindi mahina ang mga omega!” Nagulat ako nang magsalita si Mercy. “You have your own strengths! `Wag ka’ng papayag na may magsabi n’yan sa `yo!”
“T-tama!” nag-aalangan kong sagot.
Hindi ako makapaniwala na kinakampihan ako ni Mercy!
Kinuha n’ya ang papel na hawak ko at binasa ito.
“Aba! Ang kakapal ng mukha! Marami talaga’ng mga matapobreng alpha sa mundo!” nanggagaliiti n’yang sinabi. “At idadahilan pa nila na babagsak ang stocks ng Safiro conglomerate `pag pinamunuan ito ng omega?! `Yun lang ang argument nila?! Ang babaw, ha! At ang stupid!”
“Well, may mga tao talagang ganon, and we have no choice but to face them head on,” pinisil ni Louie ang balikat ko. “But don’t worry, Josh, they are just wasting time and resources, walang mapapala ang kaso na `yan, iniisiip nga namin ni Atty. Derejedo na puros delaying tactics lang ang mga kaso nila. Mukhang may ginagawa sila’ng patago, kaya kung anu-anong kaso ang binabato nila sa atin. Pero huwag ka’ng mag-alala dahil matagal nang naka-freeze ang lahat ng assets ng late father mo, at ngayon ay pinabantayan na rin namin ang mga properties niya here and abroad. In fact, in some companies, napag-alaman namin na patago nilang ibinibenta ang mga equipments. Buti at naharang namin sila bago pa tuluyang masimot ang loob ng mga pabrika mo.”
“Okay...” tumango ako, kahit hindi ko na-gets ang lahat nang sinabi niya.
“Hmph! Naku, Papa, sayang wala ka na sa kaso, gusto ko sana ikaw mismo ang lumampaso sa mga bwiset na alpha na `yan!” humarap sa `kin si Mercy at inabot pabalik ang papel. “Ikaw naman, you need to prove them wrong!” sabi n’ya na puno ng passion ang mga mata, “Alam mo ba na ako ang president ng Omega Rights Organization sa School namin? Matagal na naming pinaglalaban ang equality para sa mga tulad mo’ng Omegas! Kaya’t `wag ka’ng mag-alala kahit slow ka, nandito kami ni Papa! Kami ang bahala sa `yo!”
Sobrang nagningning ang mundo ko sa sinabi ni Mercy!
Sa wakas, mukhang tanggap na n’ya ako!
Sa wakas, pwede na kaming maging one big happy family!
Sa sobrang saya ay kinapitan ko ang magkabilang kamay nya at yinugyog ang mga ito.
“Thank you Mercy!” maluha-luha ako sa tuwa. “Thank you at sa wakas, tanggap mo na ako, anak!”
Biglang napangiwi si Mercy.
“Sinong anak mo? Loko!” pinagpag n’ya paalis ang mga kamay ko.
“Ah! Hindi pa pala, pero soon!”
Hindi natinag ang ligaya ko, niyakap ko pa s’ya ng mahigpit kahit na nagpupumiglas s’ya sa `kin!
“`Oy! Bitaw! Ano ba?!” reklamo ni Mercy.
“Oo nga, magseselos na `ko n’yan.”
Napatingin kami kay Louie na nakasimangot sa `min.
“Louie naman! Pati anak natin pinagseselosan mo!” sabi ko, sabay lipat sa mahal ko para `di s’ya magtampo.
“Ugh! Ayan nanaman kayo! Nakakaumay!” reklamo ni Mercy na kinilabutan sa landian namin. “Basahin mo na nga `yang mga pipirmahan mo, Josh! Dali, at magluluto pa tayo ni Ate!” sabi n’ya habang pinaghihiwalay kami ng Papa n’ya.
“Ah! Oo nga pala! Tuturuan ako ni Ate Bless gumawa ng lengua cookies! Bukas naman magluluto tayo ng cordon bleu! Buti na lang overnight `uli ako dito sa inyo!”
“Buti at pinayagan ka ng Mama mo,” sabi ni Louie.
“Oo, mahal, kinausap ko nang masinsinan si Mama at pinaliwanag sa kan’ya na ikaw lang ang gusto ko’ng maging mate, at wala nang iba! Nag-iyakan pa nga kami kahapon, eh, pero at least sa huli, pumawag na rin s’ya sa wakas. Hindi na raw s’ya magpipilit sa `kin ng ibang fiancè!” paliwanag ko kay Louie.
“Mabuti naman kung ganon.” Muling ngumiti sa `kin si Louie, at kita ko sa mga mata n’ya na parang nakahinga s’ya ng malalim.
“Ang papeles, basahin na, dali!” ulit ni Mercy na pumagitna nanaman sa `min at nag-abot sa `kin ng ballpen. “Bilisan mo na, para makababa na tayo!”
Tinuruan nga ako nina Ate Bless mag-bake!
Nangamoy vanilla ang kitchen, tuwang-tuwa nga si Louie na nanood sa pag-bake na `min. Lalo pang bumango ang buong bahay nang maluto na ang ginawa naming lengua de gato! Nagluto pa kami ng ginataang mais for merienda.
Ang sarap nito, napaso pa nga ang dila ako, nagmamadali kasi ako’ng tikman ang luto namin.
Matapos mag merienda at magkwentuhan, ay tinuruan naman ako ni Ate Bless magluto ng adobo! Gumawa pa kami ng veggie salad na may sliced fruits! Ang saya namin! At ang dami ko’ng natutunan sa kanila!
Kaya lang, malungkot, kasi, wala kaming time alone ni Louie.
Okay lang, since tapos na ang lahat ng gawain namin, pwede na kaming maglandian ng mahal ko! Hi-hi-hi!
“O Josh, ayos na ang guest room, gusto mo ba’ng maligo?” tanong sa `kin ni Ate Bless matapos kumain.
“Oo sana, maya-maya `pag `di na ko masyadong busog, ang dami ko’ng nakain, eh!”
“Okay, doon mo ba gusto maligo sa baba para malapit sa room mo, o sa taas para may bath tub?”
“Dito na lang sa baba, Ate.”
Gusto ko’ng maligo ng mabilis para makapag bonding na kami ni Louie agad.
“Tapos laro tayo ng board games!” sabi naman ni Mercy na kanina pa kami pinaghihiwalay ng Louie ko. “Marunong ka ba mag-chess?”
“Hindi, eh, hindi ko maalala `yung moves nila.” Napakamot ako ng ulo.
“Paturo ka kay Papa, wala pa sa `min nakakatalo d’yan ni minsan,” sabi ni Nathan.
“Talaga?” napatingin ako kay Louie na may mayabang na ngiti sa mukha.
“Of course, pano kayo matututo kung pagbibigyan ko kayo?” sabi n’ya.
“Sige, after ko maligo turuan mo ko ha?!”
And so, naubos ang gabi sa paglaro namin ng chess.
Well, at least natalo ko si Mercy once, at si Ate Bless nang dalawang beses, pero si Nathan at si Louie, hindi ko matalo!
Pagdating ng ten ay itinabi na namin ang chess board at nag-aya nang matulog si Ate Bless
“Bukas chess `uli tayo,” sabi ni Mercy habang humihikab paakyat ng hagdan.
“Sige ba! Tatalunin `uli kita!” ngumisi ako rito.
“Ha! Tsamba lang `yun kanina!” habol pa n’ya.
“Sige na, umakyat na kayo at matulog,” sabi ni Louie na nakatayo sa tabi ko.
“Goodnight Pa,” tawag ni Nathan na nauna na paakyat.
“I’ll leave the hall light on, para kung pupunta ka sa banyo in the middle of the night,” sabi naman ni Bless.
“Thank you Ate Bless! Goodnight sa inyo!” kumaway ako sa kanila.
“So, okay na ba kuwarto mo?” tanong sa `kin ni Louie nang makaakyat na sina Ate Bless. “Does it look comfortable?”
“S’yempre naman!” kumapit ako sa kamay n’ya, “Pero, mas comfortable kung kasama kita...”
Pahapyaw ako’ng tumingin pataas kay Louie na ang amo ng ngiti sa `kin. Kinapitan ko ang isa pa n’yang kamay.
“Louie, `di pa `ko inaantok, k’wentuhan muna tayo?”
“Tungkol saan?” pinisil din n’ya ang kamay ko, hinimas pa n’ya ang braso ko pataas. Sobra, kinilig tuloy ako!
“Kahit saan...” isinandal ko ulo ko sa dibdib n’ya. “Basta `wag lang horror ha, alam mo’ng mahina ako doon.”
Natawa si Louie.
Umikot ang mga braso n’ya sa likod ko at yumuko para halikan ako sa bumbunan. Tumingala `uli ako sa kan’ya, at tila naghatakan ang mga mata namin. Palapit nang palapit ang mukha n’ya sa mukha ko, at nang maghalikan kami ay napapikit ako at naramdaman ang nakakakilig na kuryente na dumaloy sa katawan namin.
Muli s’yang tumingin sa `kin, tapos ay sa pinto ng guestroom. Hinatak ko naman ang kamay n’ya papunta rito, kaya lang, nang papasok na kami ng kuwarto, eh, biglang may narinig kaming mga yabag na nagmamadali pababa ng hagdan!
Agad lumayo sa `kin si Louie!
“Pa! Ba’t ang tagal mo’ng umakyat?!” tanong ni Mercy, nakasimangot at nakapamewang!
“Sandali, nag gu-goodnight lang ako kay Josh,” natatawang sagot ni Louie, habang ako naman ay sobrang disapointed at bitin.
“Halika na, akyat ka na! Good night na Josh!” sabi nito.
“Sige, sige, aakyat na `ko!” Humarap sa `kin si Louie, napailing, at humalik sa pisngi ko. “Sige, goodnight na. I’ll see you tomorrow.”