Nagmamadali akong umakyat sa second floor at pumunta sa kuwarto sa may kaliwa, kung saan nagmumula ang nakakatakam na cinnamon scent ng mahal ko.
Kumatok muna ako ng tatlong beses, at saka binuksan ang pinto.
isa ito’ng study na puros bookshelves ang mga pader. Sa dulo ng room ay may bay windows, at nakaupo sa likod ng malapad na mesa sa tapat nito, ay ang Louie ko. Nakatutok s’ya sa ilang mga papeles sa kan'yang mesa at may suot na gold rimmed na salamin.
”O, tapos na ba ang niluluto ninyo?” tanong n’ya nang mapatingin s’ya sa `kin.
Lumapit ako sa likod n’ya at yumapos sa kan'yang balikat na aking pinanggigilan.
“Oo, mahal, kakain na tayo!” kinikilig ko’ng sinabi, sabay halik sa pisngi n’ya.
“Okay, baba na tayo.”
Inalis ni Louie ang kan'yang salamin at patayo na sana nang pigilan ko s’ya.
“Sandali, pa kiss muna!” lambing ko sa kan’ya.
“Kakikiss mo lang `di ba?” natatawang sabi ni Louie.
“Ikaw naman, kiss mo rin ako!” kulit ko.
“Mamaya na, after kumain.”
“Eh? Ngayon na, habang walang tao! Dali, pampagana sa pagkain natin!”
“Ay, nako, Josh, makulit ka nanaman, ha?” sinimangutan ako ni Louie.
Hinalikan ko nga ang nanunulis n’yang nguso.
“Ayan, ikaw naman ang humalik sa `kin,” nakangisi ko’ng sinabi.
“Ikaw talaga...”
Inabot ni Louie ang mukha ko at hinalikan ako ng mabilis sa pisngi.
“Pisngi lang?”
Bigla n’ya naman ako’ng hinalikan sa lips!
“Ayan quits na!” nakangisi n’yang sabi habang nag-iinit ang mukha ko.
“Isa pa!” Hinalikan ko `uli s’ya sa labi.
Gumanti naman s’ya `uli sa `kin! At sa gantihan namin ay patagal na nang patagal ang aming mga halik, hanggang sa nakaupo na `ko sa kandungan n’ya at pareho na kaming hinihingal.
“Josh...” singit ni Louie nang sandali kaming maghiwalay. ”Baba na tayo...”
“Sandali...” muling nagdikit ang mga labi namin. ”Ang sarap mo...”
Yumakap ako sa kan’ya. Bumibilis na ang takbo ng puso ko, `sing bilis ng puso ni Louie na dama ko sa paghalik sa leeg n’ya.
“Josh, hinihintay nila tayo...”
“Konti pa...” pinasok ko ang kamay ko sa ilalim ng shirt n’ya at hinimas ang mala-monay n’yang abs... dito pa lang, busog na `ko!
“Josh!” ulit ni Louie na kinapitan ang magkabilang kamay ko. “Kailangan na nating bumaba,” madiin n’yang sinabi.
Muli ako’ng sumimangot sa kan’ya, pero `di na gumana `to.
Tinulak ako ni Louie at tumayo, tapos ay inayos n’ya ang buhok ko at damit, at saka inakay ako palabas ng kuwarto n’ya. Pagdaan namin sa isang silid ay kumatok s’ya rito.
“Mercy, labas na, kakain na tayo,” tawag n’ya.
Bumukas ang pinto at sinalubong kami ng cute na mukha ni Mercy, kahit pa nakasimangot ito. Nauna pa s’ya sa `min bumaba ng hagdan. Ako naman ay masayang kumapit sa braso ng Louie ko.
Nakahanda na ang lamesa nang bumaba kami. Tulad ng dati, pumwesto si Louie sa kabisera, sa right n’ya si Nathan, at sa left naman ay si Mercy na katabi si Ate Bless.
“O, tikman n’yo ang lengua estofado ni Josh!” ani Ate Bless pagbaba ng main dish sa mesa.
“Para sa `yo `yan, mahal!” humalik ako sa pisngi ni Louie bago pumwesto sa kabila ni Nathan.
“Ugh...” reklamo ni Mercy na tumirik ang mga mata, medyo nahiya tuloy ako.
Medyo lang!
Buti nga, hindi na s’ya nagalit.
Kumuha si Louie ng ulam. Pinanood ko s’yang hatiin ito gamit ang steak knife at sumubo ng maliit na piraso. Dahan-dahan n’ya `tong nginuya.
“Masarap ba?” `di ko mapigilan ngumiti dahil mukhang `di naman s’ya nasuka sa lasa ng unang luto ko!
“Mmm, masarap...”
“Yey! Pwede na bang mag-asawa?” masaya ko’ng tanong!
Namula ang mukha ni Louie, si Mercy naman ay napabuga ng pagkain sa bibig!
“Hoy! `Wag nga kayo’ng mag-landian sa hapag-kainan!” naiirita nito’ng sinabi.
“Ay, sorry, may bata nga pala tayo’ng kasama...” biro ko habang patuloy na tuwang-tuwa sa comment ni Louie!
Kaya lang, parang na-insulto si Mercy sa sinabi ko.
“Bakit? Tingin mo ba matanda ka na porket 19 ka na?!” bulyaw n’ya sa `kin. “If I know, wala ka pang experience! Aya ka pa nang aya sa Papa ko, eh, ni wala ka sa kalingkinan ni Papa Jonas!”
Nag-init ang mukha ko, hindi ko naisip na magagalit s’ya sa sinabi ko’ng `yun... nako, pano kung lalo s’yang mainis sa `kin?!
“S-sorry...” mahina ko’ng sinabi.
Dapat kasi, nanahimik na lang ako! Ikaw talaga, Josh, lalo kang nabobobo `pag natutuwa ka masyado!
Balak ko pa sana humingi `uli ng pasensya, pero naunahan ako’ng magsalita ni Nathan.
“Oy, Mercy,” tawag n’ya sa bunso nila. “Nalimutan mo ata, 13 lang sina Papa nang ginawa nila si Ate Bless.”
Si Louie naman ang napabuga ng pagkain!
“Ano ba `yang pinag-uusapan ninyo?!” sabi ni Ate na mukhang nainis na. “Ang sarap-sarap ng pagkain, nagtatalo kayo sa hapag kainan.”
“Sorry... `di ko sinasadya...” paumanhin ko. ”Sorry Mercy.”
“Hmph,” umismid s’ya sa `kin. “Pasalamat ka masarap ang luto mo!”
Agad bumalik ang ngiti sa mukha ko.
“Talaga, Mercy? Masarap talaga?” panigurado ako, at baka mali lang ako ng dinig.
“Sinabi ko na, may bayad na ang ulit!” mataray n’yang sagot.
“Ano ba ang favorite mo? `Yun naman ang lulutuin ko susunod!”
“Ayoko’ng sabihin!”
“Chicken cordon bleu,” sagot ni Nathan.
“Kuya!”
“Wow! Favorite ko rin `yun, lalo na `yung luto ng chef namin!” tumingin ako kay Ate Bless na nakangiti sa `kin, “Ate, susunod natin cordon bleu, ha?”
“Sige, kailan ba ang balik mo?”
“P’wede mamayang dinner?”
“Kailangan pa muna natin bumili ng ingredients.”
“Bukas! Lutuin natin bukas! Mag-o-overnight `uli ako ngayon!”
“Ano?” react ni Mercy.
Tumingin ako sa Louie ko.
“Okay lang ba, Louie?! Magpapaalam ako kay Mama!”
“Bati na kayo?”
Natigilan ako.
“Oo, pero surprise ko nga pala dapat sa `yo `yun!” natawa si Nathan sa tabi ko.
“Sige, magpaalam ka muna at baka kasuhan pa `ko noon ng kidnapping!” tumatawang sabi ni Louie habang nag-di-dial na ako ng number ni Mama.
‘Hello?’ sagot ni Mama pagkatapos ng dalawang ring.
“Ma! Mag-o-overnight ako kina Louie, ha?” diretso ko’ng sinabi rito.
‘Okay, padala mo na lang mga gamit mo r’yan.’
“Okay Ma!” sagot ko bago binaba ito. “Ayun! Pumayag na si Mama! Pwede na `ko’ng mag-overnight `uli!” masaya ko’ng sinabi habang nakatitig sina Louie sa `kin.
“Talagang napaka... linient ng Mama mo, ano?” tanong sa `kin ni Ate Bless.
“Ah, oo, malaki kasi tiwala ni Mama kay Louie, eh, kaya okay lang sa kan’ya na magkasama kami.”
Natawa si Louie sa sinabi ko. Napatingin sa kan’ya ang tatlo n’yang mga anak.
“Totoo ba `yan?” tanong n’ya. “Nang huling nagkita kami, ang lulutong ng mga mura n’ya sa `kin!”
Napatingin naman ang tatlo sa direksyon ko.
“Oo! Nag-usap kami ni Mama kahapon!” sabi ko. “Bati na `uli kami! Hindi na s’ya galit sa `tin! Dapat nga secret, eh, para mamaya surprise ko sa `yo, ba’t ko nga ba nasabi agad!”
“Okay lang, you’re cute like that,” tumatawang sabi ni Nathan na umakbay sa `kin.
“E-hem.”
Mukhang nasamid si Louie.
Bumitaw si Nathan sa `kin at pinagpatuloy ang pag-kain niya.
Noon ko lang nagawang sumubo ng pagkain.
Napapikit ako sa sarap!
As in!
Ang lasa ng niluto namin ni Ate Bless! Melt in your mouth pa ang lambot ng karne ng dila ng baka! Totoo pala’ng ang sarap ng luto namin!
Natahimik ang mesa hanggang sa matapos kaming lahat sa pagkain. Tapos noon, nagpresinta naman si Nathan na maghugas ng pinggan habang sinama ako nina Louie sa den para manuod ng mga pelikula sa kanilang home theatre.
S’yemrpre, tumabi agad ako kay Louie, kaya lang umupo si Mercy sa kabila’ng side n’ya, kaya `di ko s’ya masyadong malandi.
Okay lang, mag-oovernight naman ako, eh, marami pa kaming oras mamaya, pati bukas!
Maya-maya ay pumasok na sa den si Nathan na may dalang dalawang malaking bowls ng popcorn. Tumayo ako at kinuha ang isa sa kayna.
“Sana sinabi mo para nakatulong ako sa `yo!”
“Okay lang,” sabi n’ya. “Sandali, kukunin ko lang `yung drinks natin.”
“Ako na!” inunahan ko s’ya sa may pinto.
“Hindi na, umupo ka na lang,” sabi ni Nathan.
“Oo nga Josh, bisita ka namin dito, just sit down and relax.” sabi ni Ate Bless.
“O-okay.” bumalik ako sa tabi ni Louie na ngumiti sa `kin.
“Ano ba ang gusto mo’ng panuorin sa pay per view?” tanong sa kin ni Louie.
“Kahit ano, `wag lang horror, mahina ako sa katatakutan, eh.” sagot ko.
“Ganon ba?” sabi naman ni Mercy na may nakakatakot na ngiti sa mukha.
“Gyaaaaah!”
Thirthy minutes later, nagtatago na ko sa ilalim ng kili-kili ni Louie.
In fairness, ang bango n’ya!
“Ano ba `yan! May lumabas lang na pusa nagwala ka na!” sabi ni Mercy na nakakapit sa kaliwang braso ni Louie.
“P-pusa lang ba `yun?! Eh, ba’t kasi biglang tumalon sa mukha ng bida?!”
“Hinagis ng direktor,” singit ni Nathan na sunod-sunod ang subo ng popcorn.
“Bakit kasi horror pa ang pinili mo...” mangiyak-iyak ko’ng sabi kay Mercy.
“B-bakit? Hindi mo kaya! Ha-ha! Mahina ka pala, eh!”
“Ayan na `yung zombie,” sabi ni Nathan.
Sabay kaming napatili ni Mercy at nagtago sa kilikili ni Louie.
Humalakhak si Nathan.
“O, ba’t ka rin nagtatago?” tanong nito sa kapatid n’ya, ”`Di ba ikaw ang pumili n’yan?”
“Sabihin n’yo `pag wala nang zombie!” sabi ko naman.
“Zombie movie `yan, eh, malamang buong pelikula may zombies!” sabi ni Mercy na nakatitig sa `kin.
“Ayan wala na,” sabi ni Nathan.
Sabay naman kami ni Mercy na napatingin sa wide screen TV at nakita ang dalawang zombies na pinagpi-piyestahan ang lalaking bida!
“Wahh! Kuya talaga!” sabi ni Mercy na muling nagtago kay Louie na kanina pa tumatawa.
“Akala ko ba bida `yan!?” tanong ko kay Nathan.
“Kaya nga ang title, eh, ‘I Zombie’ dahil naging zombie s’ya.” paliwanag ni Nathan.
“Nagiging comedy naman ang palabas dahil sa inyo,” sabi ni Louie na umakbay sa amin ni Mercy.
“Gusto n’yo ba’ng palitan ang movie?” tanong ni Ate Bless na nakangisi sa amin.
“`W-wag na! Sayang `yung bayad, ‘pay per view’ `yan, eh!” sabi ni Mercy na nanunulis ang nguso.
Mukhang no choice ako kung `di tapusin ang pelikula.
Binalik ko ang mata ko sa screen, pinilit panoorin kung pano tinaga isa-isa ng bida ang mga ulo ng mga batang zombies na nakakagat sa kan’ya. Matapos noon ay halos gumapang na s’ya paalis sa gore scene. Lumabas s’ya sa sirang paaralan, at sa paglabas n’ya sa liwanag ay isang matabang zombie na nakasuot ng janitor suit ang tumalon sa kan’ya!
“Waaaa!” sigaw ko, sabay taob sa kandungan ni Louie! Napayakap pa ko sa bewang n’ya sa takot!
“Uy!” gulat din ni Louie nang yakapin ko s’ya! “Sandali, `wag ka d’yan!” hinatak n’ya ang braso ko.
“Ayoko! Mamaya na ko manonood `pag nakatakas na s’ya!” at lalo ko’ng inilubog ang mukha ko sa mga binti ni Louie.
Bigla namang nanigas ang katawan nya at naramdaman ko na may parang nakaumbok sa gitna nito. Ang bango nito! Amoy cinnamon! Kaya kiniskos ko ang mukha ko rito para mawala ang takot ko sa zombies, kaya lang, biglang napapitlag si Louie at kumapit sa `kin.
“Ayan, wala na `yung zombies!” sabi ni Mercy.
Tumingala ako at napatingin kay Mercy na nakatitig sa TV, at kay Louie na namumula ang mukha.
“S-sandali nga, mag c-cr lang ako.” Tumayo si Louie, tinulak kami pabalik ni Mercy, at nakayukong lumabas ng den.
Sinundan ko s’ya ng tingin, pero napalingon kay Nathan na malaki ang ngisi sa mukha.
“Ano, na-appreciate mo na ang horror movies?” tanong n’ya sa `kin.
“Hindi! Mahina talaga ako sa horror!” sagot ko. Natawa naman bigla si Nathan.
“Ayan na! Ayan na! Ayan na!” sigaw nanaman ni Mercy na biglang kumapit sa braso ko! Sa sobrang gulat tuloy ay napatalon ako at napayakap sa kan’ya! Agad akong nagtakip ng throw pillow sa mukha habang may mga babae’ng tumitili sa palabas!”
“Mama! Ayoko na!” ngawa ako!
“Kuya ibahin mo na palabas!” sabi ni Mercy na mukhang maiiyak na rin sa takot!
“Nathan, manood na nga lang tayo ng cartoons!” sabi naman ni Ate Bless.
“Ha-ha! Sige, pagbalik ni Papa, ililipat na natin.”
“O, ano nang nangyari?” tanong ni Louie sa bagbalik n’ya maya-maya.
Napatingin s’ya sa `min ni Mercy na magkayakap sa dulo ng sofa. Mukhang nahiya naman si Mercy na agad humiwalay sa `kin.
“Ayan, nand’yang na si Papa!” sabi ni Mercy, “Ibahin n’yo na ang pelikula!”