“Bad trip talaga si Mercy,” tampo ko sa paghiga sa kama. “Akala ko pa naman, bati na kami, `yun pala s’ya pa rin ang pinaka malaking balakid sa pagmamahalan namin ni Louie!”
Pumailalim na ko sa kumot at pinatay ang ilaw.
Tapos binuksan ko `uli iyon at napatingin sa dulo ng kuwarto, sa may bintana. Akala ko may nakatayo doon, coat rack lang pala.
Iniwan ko na lang bukas ang lamp sa tabi ko at niyakap ang isang unan sa single bed na hinihigaan ko. Ilang beses pa ko umikot-ikot sa kama.
Hirap sa nasanay sa laging aircon, parang ang init kahit tutok na sa `kin ang electric fan, kung aalisin ko naman ang kumot, giginawin ang binti ko.
Haay... alala ko pa ang mga panahon na magkasama kami ni Mama at nagkakasya sa isang folding bed. Pinapaypayan pa ko ni Mama buong gabi dahil parang ihip lang ang fan namin kahit pa nakatodo na `to! Tapos paggising ko, si Mama, nakatagilid na sa dulo at konting galaw lang ay mahuhulog na!
Nangiti ako.
Ang simple lang ng buhay namin noon, isang kahig-isang tuka, ang perang kinikita, umiikot lang, minsan kulang pa sa dami ng utang. Buti nga na-establish na ni Mama `yung patahian namin pag-abot ko nang 12 years old at nang nalaman naming omega ako. Tapos noon, ipinasok na `ko ni Mama sa St. Davids, at natanggap naman ako as scholar.
Teka... pano nga ba ako nakapasang scholar noon?
Pagkaalala ko lang, may talent exam sila, at nakuha ako dahil magaling ako’ng mag-drawing at sumayaw, tapos binigyan nila ako ng full body check-up at excelent ang naging result ko. Hanggang ngayon nga, `di ko alam kung ano’ng konek noon, eh, pero pansin ko lang sa Davids, flawless ang lahat ng estudyante.
Umikot `uli ako sa kama at bahagyang inilabas sa kumot ang isang binti ko.
Napatingin ako sa madilim na dulo ng kama at ibinalik muli ito sa ilalim.
Bad trip, kung bakit kasi nanood pa kami ng horror kanina, eh! Feeling ko tuloy may slightly decayed arm na lilitaw sa dulo ng kama at gagapang papunta sa `kin!
Nako! Ano ba `tong iniisip ko! Kung kailan pa gabi at mag-isa ako sa kuwarto!
Kung bakit kasi wala si Beck, eh! Sa susunod nga, isasama ko dito si Beck, sigurado, matutuwa sa kan’ya sina Ate Bless!
Kung nandito si Beck, walang makakalapit na zombie sa akin! Kakainin silang lahat ng bhebhe Beck ko! Ubos pati buto-buto nila!
Ah! Kaya lang, baka maging zombie rin s’ya `pag kinain n’ya `yung mga zombie!
Anong gagawin ko pag nangyari `yun?
Anong gagawin ko pag nakagat din ako? Tapos unti-unti akong magiging zombie, tapos…
Biglang may gumalaw sa may pader.
Nanigas ang buong katawan ko.
Tinitigan ko’ng mabuti `yung isang sulok ng kuwarto, handa na’ng ihagis ang nag-iisang sandata na malapit sa `kin – ang hawak ko’ng unan, nang mapansin ko na anino lang pala `yun ng puno sa labas.
Lumalakas ang hangin, mukhang uulan, at lalo ako’ng kinilabutan nang lumagitlit ang puno sa tabi ng bintana ko.
“Waa! Nakakatakot naman dito!”
Agad ko’ng inabot ang cell sa katabi ko’ng mesa at nag-message kay Louie.
‘Louie, anong puno ba nasa labas ng bintana ko? Napaka creepy!’
Matagal s’yang nagrerelpy, kaya naisip ko na baka tulog na s’ya at `di na `to napansin, kaya muntik ko na’ng maihagis ang cell ko nang nag-vibrate ito sa kamay ko!
‘Duhat yan. Bakit naging creepy?’
Buti na lang gising pa s’ya!
‘Lumalagitlit tuwing humahangin.’ reply ko, ‘Wala ba’ng nakatira d’yan?’
‘Sino naman ang titira d’yan?’ naglagay ng tumatawang emoji si Louie.
‘Malay mo may kapre? Kakaiba tunog, eh, pati `yung anino ng mga dahon pag humahangin, nakakakilabot makita!’
‘Wala naman. Sa 21 years na nakatira kami rito, wala pa ako’ng nakikitang kapre. Tikbalang meron.’
Wah! Ito’ng si Louie, nanakot pa lalo! Napataklob tuloy ako ng kumot.
‘Joke!’ agad n’yang habol.
‘Hay, nako! Lalo ako’ng `di makakatulog nito!’ sagot ko sa kan’ya na may kasamang angry emoji. ‘Kasalanan mo `pag napuyat ako!’
‘Okay, sorry na, gusto mo kwentuhan na lang kita?’
‘Tungkol saan?’
‘Tungkol sa nagbabantay sa bahay na `to.’
‘Ano ba `yan! Nananakot ka nanaman eh!’ sabi ko habang nagpipigil ng kilig at tawa sa ilalim ng kumot ko.
‘Seryoso `to, pero `wag kang mag-alala, mabait s’ya, mahilig lang s’ya magparamdam sa mga bagong dayo. Sinisigurado n’ya na comfortable ang mga bumibisita sa `min.’
‘Talaga? Anong itsura n’ya?’ tanong ko.
‘Walang may alam, dahil `di naman s’ya nakikita. Basta tahimik lang s’ya nagmamasid sa paligid, gumagala tuwing gabi. Sinisilip n’ya lahat ng mga kuwarto, sinisigurado na tulog na ang lahat, at pag may nakita s’yang gising...’
‘Ano?’ tanong ko nang matagalan ang reply ni Louie.
‘Ano mangyayari pag may gi - ’
“BOO!”
Biglang may tumalon sa likod ko!
Sa sobrang gulat ko at takot, ni `di ko nagawang sumigaw! Nagwala lang ako sa ilalim ng kumot kung saan ako nakadapa at pilit kumawala sa nakapulupot sa `kin!
Sa wakas, lumabas din sa kumot ang mukha ko at isinigaw ko ang pangalan ng mahal ko!
“L-Louie! Sak-!”
May tumakip sa bibig ko.
“Shh!”
Nanlaki ang mga mata ko na napatitig sa nakangising mukha ni Louie!
Bigla ako’ng naiyak sa takot at inis! Nawala naman ang ngisi ni Louie na hinimas ang likod ko.
“Naku, mukhang masyado ka’ng nagulat!” sabi n’ya pabulong, “Sorry, natakot ba kita?”
“Nagtanong ka pa!” sigaw ko.
Muling tinakpan ni Louie ang bibig ko.
“Shh! Tulog na sina Mercy,” sabi n’ya.
“K-kasalanan mo `to! Nananakot ka kasi, eh!” ihinampas ko sa mukha n’ya ang yakap ko’ng unan. “A-akala ko, m-minumulto na `ko ng m-mumu n’yo sa bahay!”
Talagang natawa pa s’ya sa sinabi ko!
Pinaghahampas ko nga `uli s’ya ng unan!
“Salbahe! Galit ako sa `yo! Salbahe ka!”
“Sorry na nga, eh, sinilip ko lang naman kung okay ka pa rito.”
“Hindi ako okay!” singhap ko, “May salbahing nanakot sa `kin! A-ayan tuloy,” pinakita ko sa kan’ya ang hinihigaan ko na kasalukuyang basa. “N-na-naihi tuloy ako sa takot!”
Tuluyan na ako’ng naiyak noon.
Nakakahiya kay Louie!
Lalo ako’ng mamaliitin ni Mercy nito, para ako’ng batang ihiin dahil sa sobrang matatakutin! Ayan tuloy, nadumihan ko ang sapin at kama sa guestroom nila!
“Sigurado mumultuhin ako ng bantay n’yo k’se naihi ako sa kama!” ngawa ko kay Louie. “Ikaw kasi, eh, nananakot ka pa, alam mo naman na mahina ako sa horror!”
“Sorry talaga, Josh, that was all my fault, `wag kang mag-alala, `di ako magagalit...”
“Eh, pano `yung bantay n’yo? Baka multuhin na `ko n’on tuwing magpupunta ako rito!”
“Walang bantay, ako lang `yun. Ako ang lumiligid sa bahay namin sa gabi para siguraduhin na maayos ang lahat.”
“Kita mo, talaga’ng tinakot mo lang ako!” muli nanaman ako’ng naiyak. “Salbahi ka talaga!”
“O, sorry na nga, eh!” hinawakan ako ni Louie at hinalikan sa noo. “Sige na, what can I do to make it up to you?” hinalikan n’ya ako sa pisngi.
“Galit pa rin ako!” tampo ko.
Hinalikan naman ni Louie ang nanunulis ko’ng nguso.
“Sorry na talaga, `wag ka nang magalit...” Ilang beses pa n’ya ako’ng hinalikan, “ayan, ang dami ko nang kiss, ha? Bati na tayo?”
“Kulang pa rin!”
Nangiti si Louie, at muli ako’ng pinaghahalikan sa mukha. Hinalikan n’ya ang kilay ko, ang ilong ko, ang panga, ang talukap ng mga mata ko, at sa huli ay ang labi ko, kung saan `di ko na s’ya pinakawalan.
Mukhang wala na rin balak kumawala sa `kin si Louie. Dumiin ang halik n’ya, nagpumasok ang dila n’ya sa bibig ko, at masaya ako’ng nakipaglaro rito. Tumulak pa s’ya sa `kin, hanggang sa mapahiga kami sa kama.
“Ah, Louie, basa!” reklamo ko sa kan’ya.
Tumingin si Louie sa kama, tapos ay umupo s’ya sa tuktok ko at hinatak ako patayo.
“Halika,” bulong n’ya sa `kin, “doon tayo sa kuwarto ko.”