“Mmm... ang sarap nga ng luto mo!” sabi ni Louie na subo-subo ang kapit ko’ng kutsara.
“S’yempre, para sa mahal ko, the best!”
“Pero gutom pa rin ako...” lumapit sa `kin si Louie na may pilyo’ng ngiti sa mukha, “I want to taste the main dish!”
Kinapitan n’ya ako sa balakang at hinatak ako palapit.
“Ah!” singhap ko sa pagbaba ng kamay n’ya sa pigi ko na kan'yang pinisil-pisil.
“Ang sarap mo’ng tignan sa apron na `yan.” sabi n’ya.
Napatingin ako pababa, sa hubad ko’ng katawan na apron lang ang takip, at sa topless na katawan ni Louie. Sisilipin ko sana ang lower half n’ya, pero hinalikan n’ya ko sa labi at wala na `kong nagawa kung `di pumikit.
“Papapakin kita hanggang walang matira sa `yo!” sabi ni Louie na inangat ang isa ko’ng binti.
Dinala n’ya ako sa kama, at doon ako hinagis.
Agad n’yang naalis ang apron ko!
“Akin ka na ngayon!” sabi n’ya habang dinidilaan ang mukha ko!
“Ah! Louie! Iyong-iyo lang talaga ako!” sagot ko sa kan’ya.
Pinagpatuloy naman n’ya ang pag dila sa `king mukha. Napuno na ko ng malagkit n’yang laway habang hinihimas ko ang balbon n’yang balikat.
Sandali...
Balbon?
Napailing ako, at sa pagbukas ng mata ko, ay nakaharap ko si Beck na dinidilaan ako sa mukha!
“P’we!” agad ko s’yang binitawan. “Beck naman, eh! Ba’t mo `ko ginising agad? Ang ganda-ganda ng panaginip ko, eh!”
Muli ako’ng dinilaan ni Beck at imingit.
“Bakit? Nawiwiwi ka ba? Sarado ba ang banyo?”
Lumapit si Beck sa malalaking bintana sa tabi ko at kinagat ang makapal na kurtina rito para hatakin. Nasilaw ako sa taas ng sinag ng araw sa labas!
“Naku! Anong oras na?!”
Agad ako’ng bumangon sa kama at nagpuntang banyo! Alas nueve na pala! Napasarap ang tulog ko! Ang ganda kasi ng panaginip ko, eh, dala na rin siguro ng happiness ko kagabi dahil bati na `uli kami ni Mama!
Nagmadali ako’ng magsipilyo, sabay ligo na at bihis. Sa paglabas ko, andoon sina Yaya sa kusina, nakikipag-chikahan sa mga kasambahay namin.
“Yaya naman! Ba’t `di mo ko ginising!?” reklamo ko sa kan’ya.
“Aba, eh, ang sarap ng tulog mo, eh, ang ganda pa ng ngisi mo habang nakapulupot ka sa mahaba mo’ng unan!” tumatawa n’yang sinabi.
“Eh, pupunta pa ko kina Louie ngayon! Baka hinihintay na `ko ni Ate Bless!” Kinuha ko ang cell ko at nag-message na medyo male-late ako. “Balak pa naman naming magluto ng lunch para kay Louie!”
“Sige, mag breakfast ka na para makaalis na tayo.”
“Sandali lang po, sir, magpapaluto pa ako ng breakfast kay chef...” sabi ni Vangie na tumayo ng mesa kasabay nina Ate Vin at Val!
“`Uy! Sandali lang, umupo muna kayo `uli!” agad ko’ng sabi sa tatlo, `wag muna kayo mag-urong ng pinggan! Baka `di na ko makasal n’yan! Marami pa naman itong pagkain sa mesa, at saka nagmamadali na `ko...”
Natawa sila at bumalik sa pagkakaupo.
”Eto talagang amo natin, masyadong mapamahiin!” sabi nila sa `kin.
”S’yempre po, iba na sigurado, wala namang mawawala kung sumunod ako, eh,” nakangisi kong sagot.
Kumuha na `ko ng hot cakes na may mixed berries at nagmamadaling kumain. Pinagtimpla naman ako ni Ate Vin ng hot milk at nilagyan pa ito ng cinnamon sugar!
“Sige, kumain ka ng marami, sir, para lalo ka’ng pumogi!” natutuwang sabi ni Ate Val habang pinanggigigilan ang pisngi ko.
Napaka-close na talaga namin, mula nang sabihan ko sila na dapat sama-sama kami laging kumakain na parang isang pamilya.
“Mmm!” tumango ako at lumunok. “Oo nga pala, balak ko `uli mag-overnight kina Louie, kaya `wag n’yo na `ko paghanda ng dinner, ha? Kayo na lang ang kumain.”
“Okay, sir, good luck sa inyo ni Atorni!” kinikilig na sabi ni Ate Van.
Tinungga ko na ang gatas ko at hinatak si Yaya Inez paalis.
Dumating kami kina Louie nang ten-thirty. Palapit pa lang ako sa doorbell, bumukas na ang gate at sinalubong ako ng mahal ko!
“Good morning, Louie!” bati ko sa kan’ya. “Na miss kita, sobra!”
“Good morning, halika tuloy kayo,” tawag n’ya sa `min ni Yaya.
“Hindi na po, ihinatid ko lang iyang alaga ko, at ilalakad ko pa itong si Beck.” Tinuro n’ya ang bhebhe ko na balak n’yang dalin sa suki naming groomer. “Paki ingatan na lang po nang mabuti si Josh.”
“S’yemepre naman po, Yaya Inez,” nakangiting sabi ni Louie habang nakaakbay sa `kin. “Mag-ingat kayo ni Beck.”
Pinanood namin si Yaya magmaniobra at umalis kasama si Beck, tapos ay pumasok na kami, at sa pagkasarang-pagkasara n’ya ng gate, ay bigla na lang si Louie yumakap sa `kin!
Woah!
As in, ang gulat ko!
At s’yempre ang saya-saya!
“Louie! Miss mo rin ako, `no?” tumingkayad ako at kumapit sa batok niya.
“Sobra...” sabi ni Louie habang ikinukuskos ang mukha n’ya sa balikat ko. “I can’t believe dalawang araw lang tayo nagkahiwalay... parang sampung taon tayo’ng `di nagkita!”
“Kasi naman, ayaw mo pang makipag-meet kahapon, eh!”
“Sorry...”
“Dapat everyday tayo nagkikita!”
“At least every other day,” hirit ni Louie, “Kailangan ko rin s’yempre mag work...”
“Eh, kung pumunta na lang ako sa office mo tulad dati?”
“Haay... since pinasa ko na ang case mo sa iba, wala nang reason para pumunta ka pa doon... what’s more, inirereklamo na `ko ni Ivy...”
“Eh?” napabitaw ako kay Louie nang bahagya, “Bakit ka inireklamo?”
“Hay, it’s a long story...” hinawi ni Louie ang buhok ko at tinitigan ako nang may maamo’ng ngiti sa mukha.
“E-hem.”
Napatingin kaming sabay sa may front door nila kung saan nakatayo si Mercy at nakapamewang.
“Baka gusto n’yong pumasok sa loob bago kayo mapag-tsismisan ng mga kapitbahay sa labas?” sabi n’ya.
Agad naman ako’ng napatingin sa maliit na gap sa gitna ng mataas na gate nina Louie.
“Ay... m-may tao ba sa labas?” tanong ko.
“Halika na, sa loob na tayo mag-usap,” sabi ni Louie na nangiti sa akin.
Ang talim ng tingin ni Mercy habang papalapit kami sa kan’ya!
“Papa,” sabi nito nang nasa tapat na n’ya kami. “Kanina pa ni Ate hinihintay `yang si Josh.” Kinapitan n’ya `ko sa braso pagkasabi nito. ”Halika na Josh, sa kusina na tayo!”
At hinatak n’ya `ko palayo kay Louie.
“At ikaw, Pa, `di ba’t may aayusin ka pa’ng papeles? Umakyat ka na sa study mo!”
“Ah, sandali...” napatingin ako sa Louie ko na napailing na lang sa bunso n’ya.
“It’s okay, mamaya na lang tayo mag-usap,” sabi ni Louie sa `kin.
Iniwan namin si Louie sa front hall. Pumasok na kami ng living room at kumaliwa papuntang dining at kitchen. Nang malayo-layo na kami ay humarap sa `kin si Mercy at tinignan ako mula ulo hanggang paa, tapos ay nagpamewang ito at ngumuso sa `kin.
“Look, didiretsuhin kita,” sabi niya. ”I don’t like you.”
Natameme naman ako at `di malaman kung paano mag re-react.
“Ayoko’ng may ibang pumalit kay Papa Jonas! At lalo namang ayokong ikaw ang pumalit sa kan’ya!” patuloy nya. “Masyado ka’ng bata para kay Papa! Matanda pa sa `yo sina Kuya Nathan at Ate Blessing! `Di ka ba nahihiya sa sasabihin ng mga tao `pag naging mates kayo? Mapagkakamalan lang kayong mag-ama n’yan!”
“Well... age doesn’t matter naman...” mahina ko’ng sagot.
“It does when the public’s eyes are on you!” bara sa `kin ni Mercy. “Sikat na abogado si Papa! Kinakalaban n’ya ang mga rapist at pedophiles sa korte! Tapos ang magiging partner n’ya, isang maingay na bata’ng tulad mo? Mapapahiya lang si Papa `pag nalaman ng mga tao na ikaw ang partner n’ya!”
“Sinabi ba ni Louie iyon?” tanong ko sa kan’ya.
“Hindi, pero malamang `yun ang mangyari!” patuloy n’ya.
“Kahit naman mangyari `yun, tingin ko, wala naman kaming magagawa,” mahinahon ko’ng sagot sa kan’ya. “Kung `yun ang iisipin ng mga tao, hindi naman namin sila mapipigilan. Pero,” ngumiti ako kay Mercy, “alam mo, ang saya-saya ni Louie kanina nang nagkita `uli kami after two days,” sabi ko sa kan’ya. “Tulad ko, ang saya-saya ko rin, dahil nakita ko na `uli ang mahal ko, at tingin ko, `yun ang importante, hindi ba?”
“Hindi mo ba na gets ang mga sinabi ko?” nakasimangot na sabi ni Mercy.
“Oo, naintindihan ko. Alam ko naman talaga na maraming tao ang mag-iingay `pag nalaman nila ang tungkol sa relasyon namin, eh,” paliwanag ko. “Pero `yun lang naman ang kaya nila’ng gawin, eh, ang mag-ingay. Tulad ng mga schoolmates ko na nagalit sa `kin nang ireklamo ko yung harem game sa school... pakielamera daw ako dahil sinira ko ang tradision nila, pero, wala naman silang magagawa dahil mali naman talagang gumawa ng harem ng mga omega, `di ba?”
“H-ha?” mukhang naguluhan si Mercy, “Anong pinagsasasabi mo? At ano naman ang konek noon sa inyo ni Papa?” tanong niya.
“Kasi, hanggang ingay lang naman ang kaya nilang gawin, `di ba?” paliwanag ko. “Wala naman kaming ginagawang masama ni Louie, legal age na `ko, at bumitaw na rin s’ya sa kaso ko, so sa makatwid, wala na kaming kaso.”