Dumaan kami ni Yaya Inez sa drive through bago umuwi para bumili ng ilang pagkain para ma-celebrate ang pagbalik niya. Pagdating naman namin sa hotel ay may nakita kaming kumpulan ng mga tao sa tapat ng concierge.
“Ano’ng meron doon, Kuya Lon?” tanong ko sa isang security guard.
“May pilit po’ng pumapasok sa hotel, Sir Josh,” sagot n’ya.
“Halika na, Josh,” tawag sa `kin ni Yaya, bitbit ang mga pinamili naming burgers at fried chicken. “Hayaan mo na’ng ang security ang umayos d’yan.”
Binigyan ko ng isang burger meal si Kuya at tutuloy na sana sa elevators nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
“Joshua! Anak! Si Mama ito!”
Napahukot ang likod ko nang marinig ang boses ni Mama!
Sa paglingon ko, nakita ko s’ya na nakikipag tulakan sa mga guards para makalapit sa `kin! S’yemper naman lumapit agad ako sa Mama ko!
“Ma, bakit ka po nandito?” tanong ko sa kan’ya. “`Wag n’yo po s’yang pigilan, kuya!” tawag ko naman sa mga guards.
“Are you sure about this, sir Safiro?” tanong ng head of security namin na si Kuya Sherwyn.
“Opo, Kuya, ako na po bahala sa kan’ya.”
“Hmph! Sino ba’ng nag-utos sa mga `yan na harangin ako? `Yun ba’ng abogado mo’ng mayabang? Ano’ng karapatan n’yang ipagbawal ang pagpunta ko rito?!” galit na sabi ni Mama na ang lakas ng boses.
“Ako po nag-utos, Ma,” sabi ko na lang para matigil s’ya.
“Ano?!” pinandilatan ako ni Mama ng mga mata, “Ipinapataboy mo ang sarili mo’ng ina?!”
“Ma, paki-hinaan naman po ang boses, nakakahiya po sa ibang mga tao,” sabi ko nang magtinginan sa amin ang ilang guests sa hotel.
“Aba, at sabihin mo nga, tama ba ang ginawa mo’ng pagpapa-harang sa `kin?!”
Napahinga na lang ako ng malalim at dumiretso sa express elevator kung saan patuloy si Mama sa pagsermon sa `kin.
“Matapos kita’ng palakihin mag-isa! Ito pa ang igaganti mo sa `kin? Walang modo! Walang utang na loob!”
“At bakit mo naman ako inaalok kung kani-kanino?!” naiinis ko’ng sagot sa kan’ya nang mapuno na ako! “Isang bagay lang ba `ko para sa `yo na pwede mo’ng ipamigay? `Yun lang ba ang silbe ko sa buhay, Ma?”
“Ginagawa ko ito para sa `yo!” pilit n’ya.
“Para sa `kin? O para lalong lumago ang business mo?” sumbat ko. “Si Gio Chua na nagsu-supply sa `yo ng mga tela? Si dad na leading supplier ng accessories sa bansa? Si Norman na tagapagmana ng French clothing line? Bakit, Ma? Sigurado ka ba na sasaya ako sa mga taong `yun?”
“Eh, ano’ng gusto mo? Sa abogado mo na mukhang wala namang gusto sa `yo?!” sigaw ni Mama.
Parang ang tagal naming umabot sa floor ko.
Nang bumukas ang pinto, lumabas agad ako at huminga ng malalim, nagpipigil ng galit.
“Ma, mahal namin ni Louie ang isa’t-isa. S’ya ang fated pair ko. Mas gusto mo ba `yung tulad ni Norman na tinira ako ng pheromones n’ya?”
“S’yempre, hindi! Wala na ko’ng balak makipag-usap pa sa panig ng mga `yun after nang ginawa nila sa `yo!”
“O, `yun naman pala, eh, bakit parang kontra ka pa rin kay Louie?”
“Basta’t ayoko sa kan’ya.”
“Bakit? Dahil lumaban s’ya sa `yo? Dahil sinabi n’yang mali ang mga pinapagawa mo sa `kin?”
“Hindi lang `yun!” pilit ni Mama. ”Obvios naman na `di ka n’ya talaga gusto, kita mo nga at wala pa ring nangyayari sa inyo!”
“Ma.” Tinitigan ko s’ya ng masama. ”Hindi porket nirerespeto n’ya ko, eh, `di na n’ya ko gusto. Ano ba’ng gusto mong gawin ko? Magpabuntis agad para may panghawakan ako kay Louie? Bakit, gumana ba `yun sa Papa ko?”
Natigilan si Mama.
Nanlalaki ang mga mata n’ya na titig na titig sa akin. Tinaas n’ya ang kana’ng kamay n’ya at umambang sasampal sa `kin, pero kinapitan ni Yaya ang braso n’ya mula sa likod.
“B-bastos na bata!” sigaw n’ya.
Hinatak n’ya ang braso n’ya palayo kay Yaya at biglang nagsituluan ang malalaking luha pababa ng kan'yang mukha.
Sobra, biglang kumirot ang dibdib ko!
Hindi ko kayang makitang umiiyak si Mama, kahit pa galit ako sa kan’ya!
“S-sorry po, Mama...” agad ko’ng bawi. “Hindi ko po sinasadyang sabihin `yun, pero... kasi... ba’t mo ba kami pinaglalayo ni Louie? Alam mo naman na mahal ko si Louie! Ayokong humiwalay sa kan’ya!”
Ayan, naiyak na rin tuloy ako!
Lumapit ako kay Mama na nagpupunas ng luha, niyakap n’ya naman ako nang mahigpit. “Mama kasi, parang tinataboy mo na ko, tapos dun pa sa mga ayaw ko! Basta ayoko sa iba, si Louie lang ang gusto ko! At hindi mo na mababago pa ang isip ko!”
“G-gusto ko lang naman maging masaya ka...” sabi ni Mama na may kasamang hikbi, “Ayoko lang na matulad ka sa `kin dati...”
“Hindi naman ako matutulad sa `yo, eh... wala nanamang asawa si Louie, `di ba?”
“Oo, pero, tinuruan ka n’yang lumaban sa akin!” pag-amin n’ya.
“Mali naman talaga `yung pinagawa mo sa `kin, eh!”
“Oo, pero...”
“Ma, hindi mo ko p’wedeng diktahan habambuhay. Alam mo `yan, `di ba? Hindi p’wedeng sunod-sunuran lang ako sa `yo lagi. `Di ba, sabi mo dati, may sarili ka nang buhay at happiness? Well, ako rin ganon! At happiness ko si Louie, so, please, Ma?”
Suminghot si Mama at tumingala sa kin.
“Ang laki mo na talaga.” Hinimas n’ya ang buhok ko. ”Parang kahapon lang, bitbit pa kita sa paglalako ng paninda sa palengke...”
“Dati `yun, Ma, ngayon, pustahan, kaya na kita’ng pasanin!”
“`Wag na, at baka pareho pa tayo’ng matumba.” Nangiti si Mama.
“Hindi ka na galit sa `kin?” tanong ko sa kan’ya.
“Hindi ko naman kayang magalit sa `yo nang matagal, eh,” sagot ni Mama. “Pumunta ako rito dahil alalang-alala na `ko at naospital ka dahil sa hindot na Norman na `yun!”
“T-talaga, Mama?”
“Of course! Alam mo naman na mahal na mahal ka ni Mama!” Piningot n’ya ang ilong ko.
“I love you too, Mama!”
Muli namang tumulo ang luha ko. Salamat at wala na kami’ng tampuhan ni Mama.
“Basta, siguraduhin mo’ng aalagaan ka nang mabuti n’yang Louie mo na `yan, ha?” sabi pa n’ya. ”Baka mamaya biglang umatras `yan!”
“Ikaw nga, Ma, hindi inatrasan, eh, ibang tao pa kaya?” nakangisi ko’ng sabi.
“May punto ka.”
Ayan, tumawa na nang malakas si Mama!
Piningot n’ya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa lips nang matagal.
“Ang baby ko, hindi na baby, pero ikaw pa rin ang number one treasure ko!”
“Dahil ako ang goodluck charm mo?” tanong ko sa kan’ya.
Nangiti naman si Mama sa `kin, isang ngiti na puno ng pag-intindi at pagmamahal.
“Hindi,” sagot n’ya. “Mahal kita dahil napakabuti mo’ng anak. Kahit kanino ka pa mapunta, siguradong puro swerte ang dadalhin mo, dahil napaka bait mong tao, maganda ang karma mo!” muli s’yang natawa. “Napaka s’werto ni Louie, anak,” dagdag n’ya, “dahil s’ya ang pinili mo.”