Matapos maligo, lumabas kami at nakitang nasa kama na ang pamalit ko’ng damit. Mukhang dumating na sina Ate Mira. Nagbihis na ako at pinahatid ni Louie pauwi sa bahay.
“Magpahinga ka na lang sa bahay, bukas ka na pumasok, itanong mo na lang kay Aveera kung ano ang exam n’yo bukas.”
“Naku! Oo nga pala, quiz day bukas!” bigla ko’ng naalala.
“Kaya nga magpahinga ka na lang at mag-aral sa bahay.”
“Eh, ikaw?”
“May work pa `ko, late nanaman nga ako, eh...” napatingin s’ya sa relo n’ya. “Sige na, at kailangan ko pa’ng umuwi sa bahay para magpalit.”
“Okay, Louie, babay na...” inabot ko s’ya at hinalikan sa pisngi.
Bigla namang napatingin si Louie sa paligid at sa dalawa ko’ng bantay na parehas malayo ang tingin.
“Sana umuwi na si Nathan,” sabi ko rin sa kan’ya.
“Don’t worry, he always comes home,” sagot ni Louie na ginulo ang buhok ko. “Sige, mag-ingat kayo `pag uwi.”
Hinintay ako ni Louie sumakay sa kotse, at nang paalis na kami ay saka lang s’ya umalis papunta sa sasakyan n’ya. Lumuhod pa ko sa upuan para matanaw ko s’ya sa likod hanggang sa lumiko ang sasakyan namin.
“Sir, pakisuot po nang maayos ang seatbelt,” paalala ni Ate Sol.
Umayos naman ako ng upo at sinunod ang utos n’ya. Napahinga ako ng malalim, `di maalis ang ngiti sa mukha ko, dahil kagabi, nag-s*x na kami ni Louie! May nangyari na sa amin! Naka home base na ako! Kaya ngayon, may relationship na talaga kami!
Kaya lang, ano kaya `yung sinabi n’ya na ’matigas ang ulo ni Nathan lalo na ngayon’?
Ano kayang ibig n’yang sabihin doon?
Dahil kaya `yun sa nalaman n’yang may relationship kami ng Papa n’ya kaya s’ya nagrerebelde? Dahil kaya, may papalit na sa kanilang Papa Jonas?
Hindi naman siguro?
Ang bait-bait nga n’ya sa `kin tuwing nagkikita kami, eh!
Pero... sabi ni Louie, sa labas lang s’ya mukhang anghel... at sa loob...
May tinatago kaya s’yang sama ng loob sa `kin dahil balak kong palitan ang omega Mama nila?
Iyan ang iniisip ko buong biyahe, hanggang sa makauwi kami sa hotel.
Buwiset! Bakit ba natuto pa ako’ng mag-isip?!
Pag-uwi naman ay sinalubong ako ng aking Bhebhe Beck.
“Baby ko! Na miss mo ba `ko?” niyakap ko s’ya at naligo sa kan'yang laway, umiingit si Beck, mukhang alalang-alala sa `kin! “Don’t worry, bhebhe, okay lang si mommy, thank you at iniligtas n’yo ako ni Daddy sa salbaheng alpha na `yun!”
“Sir, nakapag lunch na ba kayo?” tanong ni Ate Vin sa akin.
“Opo, kumain kami ni Louie bago umalis ng ospital,” sagot ko. “Kayo, kumain na rin ba?”
“Opo sir, pinadalhan na kami ni chef ng lunch,” nakangiting sagot ni Ate. “May kailangan pa po ba kayo?”
“Wala naman, doon lang ako sa kuwarto, mag-aaral.”
Nagpunta na nga kami ni Beck sa room ko kung saan agad ako’ng naglabas ng mga libro. Kailangan ko’ng mag-aral, at baka mamaya, bumaba ang grades ko, papuntahin ako ni Mrs. Villa sa 10th grade ng `di oras!
Pagdating naman ng alas-kuwatro ay nag video call ako kay Aveera para tanungin ang mga pinag-aralan nang araw na ‘yun.
“Ano ba’ng nangyari at nag-absent ka nanaman?” tanong sa `kin ng best friend ko.
“Ay nako, Aveera, nakakaloka! Akalain mo ba naman, pinauwi ako ng Mama ko sa bahay nila, tapos hulaan mo kung sino nakita ko doon?!”
“Sino?”
“Si Norman!” sabi ko. “Balak daw nila’ng makipag-engage sa akin!”
“Ano kamo? `Yung antipatiko’ng matapobre na ex-fiancè ni Rome?”
“Mismo!” sagot ko. “Buti na nga lang, andoon si Louie! Biro mo ba naman, bigla ako’ng tinira ng pheromones n’ya! Nag-estrus tuloy ako! Buti na lang mas malakas sa kan’ya ang Louie ko, bagsak s`ya! Walang ibinuga! Tapos dinala ako ni Louie sa ospital, and guess what?” kinikilig ko’ng tanong .
“What?”
“Nag-home base na kami!” patili ko’ng sinabi.
Lumayo si Aveera sa cell n’ya.
“Anong home base?” tanong nito.
“Eh, `di `yung susunod sa 3rd base!”
Kumunot ang noo ni Aveerah, tapos ay naliwanagan, tapos namula.
“Loka-loka! Ibig mong sabihin, nag-home-run na si Louie?!”
“Ah, home run ba yun? Oo! Home run nga! Nag-s*x na kami kagabi!”
“Damn... kaya pala hindi ka nakapasok ngayon... kamusta naman katawan mo? Baka bukas iika-ika ka pa rin.”
“Ha? Ba’t naman ako iika-ika? Ano ako, crab?” Natawa naman ako sa sinabi ng kaibigan ko!
”Eh, s’yempre, after you have s*x for the first time, masakit `yun, hindi ka ba nasugatan?” tanong niya. “Gaano ba kalaki ang kay Louie at parang `di ka naapektuhan?”
“Ay! Ang laki, as in! Natakot nga ako nang una, eh! Inisip ko nga, hindi `yun magkakasya sa `kin! Biro mo, kasing kapal s’ya ng bote ng softdrinks!”
“Ouch!” napangiwi si Aveerah, ”Ano naman feeling?” bulong n’ya sa phone.
“Super nakakakilig! Kaya lang, nawalan ako ng malay mid-way kaya hindi ko na-feel nang ipasok n’ya `yun sa `kin...”
“Ha?” kumunot ang noo ni Aveerah. “Akala ko sabi mo nag s*x na kayo?!”
“Oo nga,” paliwanag ko sa kan’ya, kinikilig. “Pinasok n’ya `yung fingers n’ya hanggang sa labasan ako, noon ako hinimatay sa sarap!”
“Ugh... Josh, that’s not s*x!” tumirik ang mga mata ni Aveera. “Fingering lang ang tawag doon!”
“Ha?”
“Part pa rin ng 3rd base ang fingering, kasama ng petting! Kapantay nito ang oral s*x!”
“Ano `yung oral s*x?” tanong ko sa kaibigan ko na napabuntong hininga.
“Oral s*x, blow job, hada, chupa... `yung pagsubo ng etits ng partner mo!”
“Ha? `Yun ba tawag doon?” napakamot ako ng ulo.
“Kaya naman pala makulit ka pa rin, akala ko naman, isinuko mo na ang Bataan!”
“Ba’t ko naman isususko ang Bataan?” nagtaka nanaman ako.
“Ibig sabihin noon, ibinigay mo na ang virginity mo kay Louie,” paliwanag ni Aveera.
“Ah... isuko ang Bataan...” ulit ko. “Hindi ko pa naisusuko ang Bataan!” sabi ko, malakas. “Si Louie talaga! `Di pa nilusob ang Bataan ko!”
“Loka-loka!” sigaw ni Aveera sa kabilang linya. “Pasalamat ka nga at `di ka tinuluyan, dahil sa description mo ng breadth ng ari ni Louie, sigurado, wasak ka pag pinasok ka noon! Baka sa Isang lingo ka pa makapaglakad!”
“H-ha? Ganon ba `yun?!” kinabahan naman ako sa sinabi ni Aveera! “Eh... bakit `yung mga pinapanood ko’ng videos, hindi naman sila nasasaktan! Sarap na sarap pa nga sila, eh! Kaya lang, nagalit si Louie nang pinakita ko sa kan’ya ang mga videos ko...”
Napa-face palm si Aveera sa video call.
“Hay nako, Josh, s’yempre naman, pelikula lang ang mga `yun, eh! At sanay na ang mga lumalabas doon! At teka... pinakita mo pa talaga sa partner mo ang collectio mo ng porno!?”
“S’yempre, gusto ko magkasama kaming manood, para may gagayahin kami!” nakanguso ko’ng sinabi.
“Josh. Makinig ka sa `kin nang mabuti, ha?” sabi ni Aveera.
Tumango naman ako sa kan’ya.
“Si Louie ay conservative type. Ang gusto n’ya sa partner, eh, inosente. Kaya `wag ka’ng magmadali, at hayaan mo lang s’ya na mag-lead sa `yo.”
“Pano mo naman nalaman?” tanong ko.
“Basta, just trust me on this,” sabi ni Aveera. “Kita mo nga, nagkagusto s’ya sa `yo?”
Napaisip ako.
“Hmm... oo nga, ano?”
“Kaya nga, just be yourself,” dagdadg ni Aveera. “He loves you just the way you are, and since fated pairs pa kayo, ay wala s’yang choice but to love you even more!”
“You really think so?” nag-init naman ang mukha ko sa tuwa!
“Oo, kaya tama na `yang mga kalokohan mo, ha?”
“Okay, best friend! Magiging good boy na ako mula ngayon!”
“Good, ngayon, kumuha ka ng papel at ilista mo ang mga kailangan mo’ng i-review para bukas.”