Chapter 58

1513 Words
Narinig ko’ng magbuntong hininga si Louie. Nakiramdam ako, balak na sanang idilat ang isang mata, nang lumundo ang kama. Nadama ko ang malamig na kamay ni Louie sa noo ko. Hinimas nito ang buhok ko at tapos ay naramdaman ko ang mamasa-masa n’yang labi na humalik sa `kin. Sa sobrang tuwa ay nag-init ang mukha ko! “Aha! Gising ka na pala, ha?” sabi ni Louie na piningot ang ilong ko. “Nakinig ka nanaman sa usapan namin, ano?” Nagbukas ako ng isang mata at nakita ang nakasimangot na mukha ni Louie. Nasa loob pa rin kami ng ospital, at nakasuot na s’ya ng kan'yang polo at pantalon, habang ako... Napatingin ako sa katawan ko’ng natatakpan lang ng kumot. “Ah! Hubad pa `ko?” namula ang mukha ni Louie. “N-Nadumihan ang uniform mo, kaya nagpadala ako kina Sol ng pamalit mo’ng damit,” sagot n’ya. Bumangon ako at pilit umupo sa harap n’ya, pero sa paggalaw ko ay nahulog `din ako `uli sa kama. “Aray... bakit parang nanglalambot ako?” reklamo ko. “Sorry... dahil siguro sa pwesto natin kagabi... masakit ba?” hinimas n’ya ang balakang ko sa ilalim ng kumot at minasahe ito. “Ang sarap naman n’yan, pa hug na rin!” inabot ko ang balikat n’ya. “H-hug?” react ni Louie, “Matapos nang ginawa natin kagabi, gusto mo pa umulit ngayon?!” “Hug lang naman, ha?” sinimangutan ko s’ya. “Sabi mo, `di ba, tayo na?” “A-anong tayo na?!” deny pa niya. “Sabi mo, may relasyon na tayo, pero secret na muna!” Namula lalo ang mukha ni Louie. “So, nakikinig ka nga sa usapan namin!” kumunot lalo ang noo n’ya. “Okay lang naman sa `kin, eh, basta, akin ka na, at iyo na `ko!” Ngumiti ako sa kan’ya. Lalong namula ang mukha ni Louie. “A-anyway, kailangan na nating umuwi, kagabi ka pa raw hinahanap ng Mama mo,” sabi n’ya. “Tungkol naman sa Norman na `yun, `wag kang mag-alala at naipa-blotter ko na s’ya. Pinaalam ko na rin sa school ang nangyari, hinihintay ko na lang ang desisyon nila, since hindi biro ang ginawa ng tarantado’ng `yun sa `yo!” Obvious na galit ang tinig ni Louie. Hinawakan ko ang tuhod n’ya para pakalmahin s’ya. “Thank you, Louie, ha?” sabi ko. “Buti na lang nandoon ka... kaya lang... si Mama... sigurado galit na galit s’ya sa `kin!” “Malamang nagalit nga s’ya dahil hindi ka sumunod sa gusto n’ya,” sagot ni Louie. “Pero, karapatan mo’ng umayaw sa mga bagay na `di mo gusto, at `di ka p’wedeng pilitin ng sinuman, kahit pa ng sarili mong ina.” “Tingin mo ba mapapatawad pa n’ya ko?” tanong ko `uli. “S’yempre. Anak ka n’ya, hindi ka naman n’ya matitiis,” nakangiti’ng sagot ni Louie. “Siguro, kailangan n’ya lang ng kaunting panahon para matanggap na kaya mo nang pamunuan ang sarili mo’ng buhay.” Nangiti ako sa sinabi ni Louie. “Ang galing mo talaga mag-payo, Atorni, sana kasing understanding mo si Mama! Siguro, kung may ’parent of the year’ award, hinakot mo na awards doon taon-taon!” “Ha-ha, if only...” napabuntong hininga si Louie, ”Kung alam mo lang, kahit ako, namo-mroblema rin.” “Talaga? Saan?” tanong ko kay Louie. “Actually, malaki ang problema ko kay Nathan. Kahapon raw, hindi nanaman umuwi ng bahay ang isang `yun, ayon kay Blessing.’ “Si Nathan? Bakit? Baka may project s’ya sa school?” “Sana nga, sa school...” napailing si Louie. “May pagkasutil ang anak kong `yun, actually,” patuloy n’ya. ”Just weeks ago, may inatake s’yang omega in heat sa university grounds, buti na lang at napigilan siya ng isang professor.” “T-talaga?” ang gulat ko sa kan'yang sinabi. “Eh, ang bait-bait naman ni Nathan, ha?” “Haay, don’t let him fool you, mukhang anghel man `yun sa labas, napaka tarantado naman ang ugali. Noon pa man, marami nang kalokohan `yun sa katawan, lalo na noong tumuntong s’ya ng senior high school. Nabarkada kasi ang isang `yun sa mga eletistang alpha na naghahari-harian sa school nila. I guess it went to his head, kaya ganoon na lang n’yang tratuhin ang mga omegas, pati na rin ang mga babae...” “Bakit?” tanong ko. “Paano n’ya tratuhin ang mga omega at babae?” Napabuntong hininga lang si Louie at napailing. “Let’s just say... he likes to take advantage of people, kaya `wag ka’ng basta magpapaniwala sa anak ko’ng `yun. In fact, s’ya ang dahilan kung bakit gusto kong magkaroon kami ng family time para mapangaralan ko s’ya, pero, matigas talaga ang ulo nang isang `yun, lalo na ngayon...” “Ngayon?” tanong ko nang matahimik si Louie. “Never mind, it’s nothing...” hinimas n’ya `uli ang ulo ko, “Why don’t you sleep some more? Maaga-aga pa, at sobra ka’ng napagod kagabi.” “Hindi na `ko inaantok, gusto ko lang maligo at naglalagkit ang katawan ko.” “Sorry, `di kita masyadong nalinis nang maayos dahil ayaw mo’ng bumitaw sa `kin nang nakatulog ka kagabi,” sabi ni Louie na namumula ang mukha. Itinaas ko naman ang kumot para silipin ang hubad ko’ng katawan. “Wa! B-ba’t ang daming pasa sa dibdib ko!” gula’t ko’ng sinabi. “A-ano...” hinatak `uli ni Louie pataas ang kumot, “H-hindi `yan pasa...” namula ang mukha n’ya. “Eh, ano `to? May sakit ba ako?! Side-effects nang tirahin ako ni Norman ng pheromones n’ya?! Permanent na ba ang mga spots na `to?!” Hinatak ako palapit ni Louie at niyakap nang mahigpit. “Sorry...” bulong n’ya sa `kin, “Sorry, ako may gawa n’yan...” “Ha?!” “They are called kiss marks.” Nag-init ang mukha ko. “Masyado lang ako’ng nanggigil sa `yo kagabi...” “O-oo nga! A-ang sakit ng kagat mo!” kinapitan ko ang balikat ko, noon ko napansin na may nakasuot na collar sa leeg ko. “Inilagay ko `yan kagabi,” paliwanag ni Louie nang mapatingin ako sa kan’ya. “Buti na lang at may nakahanda rito sa ospital, kung hindi... baka...” “Okay lang naman sa `kin kahit kagatin mo na `ko, eh,” sabi ko. “Saka, `di ba, sabi mo naman, hindi magiging permanent ang bite mark kung hindi naman araw ng estrus ko?” “You were in heat,” sabi n’ya. “Iba na `yung sigurado.” “So, totoo nga na pwedeng maging permanent ang mark, as long as na trigger ang heat ng isang omega?” tanong ko kay Louie. “Well, it’s not 100% confirmed, ayon kay Eric,” sagot n’ya. “Pero may mga cases nga na ganoon, kaya dapat mag-ingat tayo.” “Bakit nga ba ang daming alam ni Sir Eric tungkol sa mga omegas?” tanong ko, “Bakit s’ya lagi tinatawagan mo kahit hindi naman daw s’ya doctor?” “S’ya kasi ang lead researcher ng Universal Laboratories,” sagot ni Louie. “Kaya sa kan’ya ako dumidiretso.” “Talaga? `Di ba `yung Universal Labs ang leading supplier ng alpha and omega suppressants sa buong mundo?!” agad ako’ng humanga kay Sir Eric na laging t-shirt at karsonsilyo lang ang suot tuwing nakikita ko! “Oo, kaya napaka yabang din n’ya,” naiiritang sagot ni Louie. “Sige na, may banyo d’yan, isuot mo na muna ang hospital gown habang wala pa ang mga bantay mo.” “Hindi pa ko makagalaw, Louie,” inarte ko, sabay taas ng mga braso para buhatin n’ya `ko. Napailing si Louie sa `kin. “Ikaw talaga!” pero binuhat n’ya pa rin ako at sinama sa banyo. “Kumapit ka sa railing habang pinaliliguan kita – teka, anong ginagawa mo?” Pinigilan ako ni Louie sa pagtanggal ng mga butones sa suot n’yang polo. “S’yempre inaalis ang damit mo!” “Ikaw lang ang maliligo. Tapos na ako!” “`Di mo `ko hinintay?!” “T-tulog ka pa kanina!” Isinara n’ya `uli isa-isa ang mga botones na binuksan ko. ”Dali na, umayos ka na.” “Eh, `pano `pag nabasa ang polo mo, may pamalit ka ba?” “Hindi mababasa ang polo ko kung `di mo ko – “ Itinapat ko ang shower sa kan’ya. “Ayan, maghubad ka na!” “Josh!” Inalis na nga ni Louie ang polo n’ya bago pa `to lalong mabasa. Tuwang-tawa naman ako’ng tumalon payakap sa kan’ya, at dahil sa nangangatog na tuhod ay muntik nang dumulas sa basang tiles ng banyo! “Mag-ingat ka nga!” sermon sa `kin ni Louie na hinalikan ko sa pisngi. “Okay, bhe, sabayan mo na ko maligo,” kumapit ako sa braso n’ya. “Mag-alis ka na rin ng pantalon.” “Josh.” Galit na ang salita n’ya. “Ito naman, `di na nabiro!” binelat ko s’ya at hinayaan na s’yang magpaligo sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD