Nagising ako sa masamang panaginip.
Bigla ako’ng napaupo sa kama at napatingin sa madilim na paligid.
“Louie!” tawag ko. ”Louie nasan ka?!”
Ang gulat ko nang may kumapit sa kamay ko! Basa ito at malamig, at matagal bago ko na-realize na ilong pala ito ni Beck!
Niyakap ko nang mahigpit ang alaga ko, tapos ay kinapa ko ang lamp sa tabi ng kama at binuksan ito.
Nasa bahay na ako, sa sarili ko’ng kama. Maya-maya ay may narinig ako’ng kumatok sa pinto na bahagyang nakabukas.
“Sir, okay lang po ba pakiramdam ninyo?” tanong ni Ate Sol na sumilip mula rito.
“O-opo... nanaginip lang ako nang masama...”
“Gusto n’yo po bang kumain? Iminom ng hot milk?”
“Hindi na,” sagot ko. “Gusto ko pang bumalik sa pagtulog.”
“Okay, sir, tawag lang po kayo kung may roon kayo’ng kailangan.”
“Okay, Ate Sol, thank you.”
Iniwan `uli ni Ate Sol na nakabukas nang bahagya ang pinto sa pag-alis n’ya. Humiga `uli ako at kinuha ang aking cell phone at tinignan ang oras. Mag-aalas singko na. Pero balisa pa rin ako.
Nag message na lang ako kay Louie. Isang simpleng ’Good morning’ at ’I miss you’ lang. Hindi na ko umasa na sasagot pa s’ya, pero maya-maya lang ay nag-ring ang phone ko.
“Hello? Louie?” sagot ko rito.
’Kamusta? Kagigising mo lang ba?’ tanong n’ya.
“Oo...” sabi ko sa kan’ya. “Nagising ba kita?” tanong ko.
’Hindi naman... pagising na rin ako.’ Narinig ko s’yang maghikab. ’Kamusta pakiramdam mo? Wala bang masakit sa `yo?’
“Wala... nanaginip lang ako nang nakakatakot kaya bigla ako’ng nagising.”
’Tungkol saan?’
“`Di ko na maalala... basta... may humahabol daw sa `kin, tapos `di kita makita...” kinilabutan ako nang maalala ang panaginip ko.
‘Baka naman kung anu-ano nanaman ang pinapanood mo?’
“Uy, hindi ha!” agad ko’ng deny. “Mahina ako sa horror kaya ayoko talagang nanonood noon!”
Narinig ko’ng matawa si Louie.
’Nakapag-aral ka na ba para sa test n’yo mamaya?’ pag-iiba n’ya ng usapan.
“Oo, buti nga konti pa lang ang topics, kakatapos pa lang kasi ng midterm namin. `Pag naka-perfect ako, kiss `uli kita sa Monday, ha?” Natawa `uli si Louie. “Uy, usapan natin `yun! P’wera bawi!” dagdag ko pa.
’Okay, basta’t kiss lang, ha?’
“P’wedeng more than a Kiss? Mag-on nanaman tayo, eh!”
‘Kiss lang ang usapan `di ba?’ sagot ni Louie, pero narinig ko nanaman s’yang matawa sa background. ‘Sige, mag-ayos ka na at baka ma-late ka pa sa school.’
“Okay, bhebhe Louie, see you later?”
‘Anong later? Magpahinga ka,’ sabi nito. ‘Sa Sabado na lang tayo magkita.’
“Eh? Sabado?” napaisip ako at biglang nagningning! “Tama! Tuturuan nga pala ako ni Ate Bless magluto sa Sabado!” masaya ko’ng sabi.
“O, nalimutan mo na ata, eh...”
“H-hindi, ha!” agad ko’ng singit, “Sabado! Sabado dapat may kiss na ako!”
’Aba? At Ba’t napaaga!?’
“S’yempre dapat may colateral!” pilit ko habang namimilipit sa kilig sa kama.
’Hay, bahala ka, basta dapat masarap ang lulutuin ninyo.’
Lalo ako’ng nangisay sa kama.
“Of course, bhe, para sa `yo! Ang pinaka masarap sa luto sa mundo!” natawa si Louie at napabuntong hininga. Ang sarap pakinggan ng mga tunog galing sa kan’ya.
’Sige na, mag-ayos ka na.’
“Kiss mo muna ako!” habol ko, ”Mwa-mwa-mwa!”
’Sige na, ibababa ko na ang phone...’
“Nooo! Kiss mo muna ako! Gusto ko three kisses din para ’I love you’!”
‘Hay... Josh...’
“Please, mahal? Sige na, para mawala na ang bangungot ko.”
Nagbuntong hininga si Louie, pero sumagot din siya!
‘Mwa-mwa-mwa... o ayan, ha – ‘
‘Dad, what are you doing?’
Narinig ko sa background ang matining na boses ni Mercy!
‘Sige na, bye!’ nagmamadaling ibinaba ni Louie ang phone, at ako ay napakapit sa nagliliyab ko’ng mukha!
“AAAAAYYYYYY!!! Ang sweet talaga ng bhebhe ko!!!” tili ko sa kama, si Beck naman ay umingit at nagtakip ng mukha habang nakahiga sa lapag.
“Don’t worry, bhebhe Beck, mahal din kita! At ngayon, may Papa Louie ka na!”
Nag-ayos na nga ako at naligo para pumasok sa school. Pagdating ko, laking pasalamat ko at wala na masyadong tumitingin sa `kin. Wala na rin ako’ng narinig na bulung-bulungan. Mukhang nagkatotoo na nga ang sabi ni Aveera na lilipas din ang galit ng mga kaklase ko.
Kaya lang, pagpasok ko sa classroom, wala pa ring bumati o pumansin sa `kin, pero okay lang, dahil nakita ko na ang best friend ko’ng nakaupo sa seat n’ya.
“Aveera!” masaya ko’ng tawag dito, “Kamusta na?” agad ako’ng lumapit at yumakap sa kanya.
“Parang `di tayo nag-usap kagabi, ha?” sinimangutan n’ya `ko, “Masyado ka ata’ng hyper ngayon?”
“Oo, nagbatian kasi kami ng good morning ng Louie ko kaninang umaga,” bulong ko sa kan’ya habang kinikilig.
“Kaya pala,” napaismid si Aveera. “Nag-aral ka na ba para sa mga quiz natin?”
“Of course!” inilabas ko ang notebook ko na may reviewer, “Kailangan ko pa rin maka perfect para sa rewards ko!”
“Can you be a bit more quiet?” napalingon ako sa kanan, kay Glen na kunot ang noo habang nagbabasa ng kan'yang notes.
“Ah, sorry...” hininaan ko nga ang boses ko. “Good luck sa exams, Glen!” bati ko sa kan’ya, pero `di na n’ya `ko pinansin. Titig na titig s’ya sa notes n’ya.
“Okay class, get ready for your quiz,” sabi ni Mrs. Villa sa pagpasok n’ya ng classroom.
Well, nasagutan ko naman lahat ng questions sa quizes namin, and hopefully marami ako’ng mape-perfec sa kanila!
Pagdating ng lunch ay nagkita-kita kami nina Rome sa canteen at nag hati-hati sa Korean barbeque na request ni Aveera nang isang araw.
“Ang laki na ng baunan mo ha?” sabi ni Jinn na nanguna sa ulam.
“Pano nagpumilit ka’ng maki salo sa `min,” sagot ni Aveera na kumukuha ng toge.
“Okay lang, sina Ate Sol naman ang nagbibitbit nito, eh,” sagot ko. “Saka natuwa si chef dahil gustong-gusto n’yo ang mga luto n’ya!”
“Speaking of chef, `di papatalo ang cook namin!” nilabas ni Rome ang ulam n’ya na breaded pork chop. “Nagdala ako ng extra para sa inyo ni Ate Aveera, Kuya – ah!“
Natigilan si Rome nang kumuha si Jinn ng isang malaking piraso mula sa baunan niya!
“Thanks!” agad nito’ng kinagat ang pork chop. “Sana balang araw matuto ka rin magluto,” sabi nito, namumulunan.
“Ahh! Hindi `yan para sa `yo!” naiiritang dinuro ni Rome ang katapat n’ya. “Ibalik mo `yan!”
Tinitigan s’ya ni Jinn nang pang-asar, tapos ay dinilaan nito ang pirasong pork chop.
“Make me!” ngumiti s’ya kay Rome, nanghahamon.
“Ah! Ikaw talaga, kahit kailan, buwisit ka sa buhay ko!” nanggigigil na inambaan ni Rome si Jinn na parang sasakalin, natawa naman kami ni Aveera sa kanila.
“Ang sweet n’yo talagang dalawa!” biro pa ni Aveera. “Gaanong katagal na ba kayo magkakilala?”
Napatingin sa kan’ya si Rome, mukhang nandiri, at kinilabutan pa!
“Ate Aveera, bite your tongue!”
“Matagal na, actually,” sagot naman ni Jinn. “Nang una pa nga kaming ipakilala ng parents namin, umiyak pa `yang si Rome dahil ang baho ko raw!” sabi nito na parang nagtatampo. “And to think that he was already 10 back then! Napaka iyakin, hanggang ngayon!”
“Mabaho ka naman talaga, eh!” sabi ni Rome.
“Bakit, anong amoy n’ya?” cuirios ko’ng tanong.
“Amoy abnoy!”
“Ano `yung abnoy?” tanong ko.
“Puto `yun na gawa sa bugok na itlog ng ducks,” sagot ni Aveera.
“May ganon?” nanlaki ang mga mata ko.
“May dala kasi kaming abnoy mula sa Laguna, since request `yun ng Papa n’ya!” paliwanag ni Jinn na humarap `uli kay Rome. “Kunwari ka pa, eh, `pag nagdadala ng abnoy ang dad ko sa inyo, ikaw lang halos ang umuubos!”
“`Yung puto naman pala `yung naamoy mo, eh!” natatawa ko’ng sinabi.
“Exactly, kita mo ngayon, may naaamoy ka pa ba?”
Hindi sumagot si Rome na ini-snub si Jinn.
“Hmph. Basta ayoko sa mga playboy na puro yabang!”
Sandaling sumama ang tingin ni Jinn kay Rome, pero ngumisi `uli s’ya nang pang-asar sa amin.
“Speaking of mayayabang na playboys, alam n’yo na ba ang balita?” tanong n’ya.
“Ano?” naintriga naman ako.
“`Yun lang namang mayabang na Norman na ex ng isa d’yan, suspended daw ng tatlong araw starting next week.”
“Ha?!” nagulat ako.
Bakit tatlong araw lang?
`Di ba, dapat mas matagal? Like, isang linggo, o isang buwan!
“May inatake raw na omega outside campus ang loko, gamit ang dominant pheromones niya,” kuwento ni Jinn. “Eh, may rule sa school na dapat umiinom ng special supressants ang mga dominant alphas para `di magamit ang pheromones nila sa ibang students, out man sila o hindi!”
“Out o hindi?” tanong ko.
“May ibang alphas kasi na ayaw ipaalam na alpha sila, ganon din mga omega na tinatago ang 2nd gender nila,” paliwanag ni Aveera.
“True, at sa totoo lang, `di ko maintindihan kung bakit may mga alpha na tinataga ang gender nila, they should be proud that they are alphas, like me!” patuloy ni Jinn.
“Hay...” umikot ang mata ni Rome, “ayan nanaman s’ya...”
“Anyways, anong masasabi mo sa taong lagi mong binubuntutan noon?” tanong n’ya kay Rome na may hint of sarcasm. “Isa lang pala s’yang s*x offender, `di na nakuntento sa harem n’ya!”
“Ano naman paki ko dun, eh, break na nga kami, and good riddance!”
“Hmph. Balita ko nga, estudyante rin ng Erminguard ang inatake n’ya!” dagdag pa ni Jinn.
Nagkatinginan kami ni Aveera.
Sabihin ko kaya sa kanila ang nangyari? Ipaalam ko kaya ang totoo?
Kaya lang, kung ipapaalam ko ito, baka kumalat nanaman ang balita, at sisihin naman ako ng mga schoolmates ko sa pagkaka-suspend ni Norman.
Isa pa, anong iisipin ni Rome kung sasabihin ko sa kan’ya na nakipag-break sa kan’ya ng engagement si Norman para umakyat ng ligaw sa `kin? Hindi kaya ma-hurt s’ya? Hindi kaya sumama ang loob n’ya sa `kin?
Naku... eto nanaman ako! Ba’t ba ang dami ko’ng iniisip?
Bakit `di ko na lang sabihin ang totoo sa kanila, tulad nang ginagawa ko noon?
Ang hirap talaga nang nag-iisip! Napaka gulo!
“O, Kuya Josh, bakit parang tulala ka?” kinapitan ni Rome ang balikat ko.
“Ah, wala, n-naisip ko lang... nakakaawa naman `yung omega na inatake ni Norman...”
“Oo nga, Kuya, sabi nila, mababaliw ka raw pag tinira ka ng pheromones ng dominant alpha,” sabi ni Rome. “Buti na lang, `di `yun ginamit sa `kin ni Norman noong mag-fiancè pa kami...”
“Subukan lang n’ya, takot lang n’ya sa pamilyang Chu, at pati na rin sa mga Gunn!” pasok ni Jinn na mukhang galit. “Kung `di nga lang ako pinadala sa Benguete para sa shooting ng commercial ni mommy, nakatikim na sa `kin ang loko’ng `yun! Noon pa man, tutol na ko sa pagkaka-engage mo sa sira-ulo na `yun!” Kumuha `uli s’ya ng porkchop sa baunan ni Rome.
“Ahh! Kay Kuya Josh `yan!” galit na sigaw ni Rome.
“Okay lang, may ulam pa naman ako,” pigil ko sa kan’ya.
“Dapat `di ka na lang bumalik! Stay ka na lang sa Benguet kasama ng mga Igorot!” singhal ni Rome.
“Bilisan n’yo at matatapos na lunch break,” singit naman ni Aveera na nakaubos ng kalahati ng binaon ko.
Nag-asaran pa ang dalawang kasama namin hanggang sa tumunog ang 1st bell. Pumanik na kami ni Aveera sa building namin, and as soon as humiwalay sa `min si Jinn ay kinalabit ako ng best friend ko.
“Are you okay with that?” tanong n’ya sa `kin. “Wala ka bang balak ipaalam kay Rome ang nangyari?”
“...may balak naman... kaya lang, `di ko alam kung paano... at saka, mahirap magsalita nang nandoon si Jinn, hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko s’ya...”
Bigla akong niyakap ni Aveera.
“Ang alaga ko, nagma-mature na...” sabi n’ya bago ako bitawan. “Buti at nag-iisip ka na, baka nga maging topic ka nanaman ng buong school `pag may nakaalam noon,” patuloy ni Aveera. “Mukha namang walang balak ipaalam ng kampo ni Norman ang totoo.”
“Malamang, kahihiyan n’ya kaya `yun, biro mo, busted na s’ya, bumagsak pa!”
“Oo nga,” natawa si Aveera. “Pero mas maganda kung maipaalam mo rin kay Rome kung ano ang nangyari, kahit `wag na kay Jinn.”
“Speaking of Jinn,” bulong ko sa kaibigan, “may napapansin ka ba sa kanila ni Rome?” nakangisi ko’ng tanong.
“Oo, mukhang si Rome ang dahilan kung ba’t sumali rin si Jinn sa Design Club.” Maloko ang ngisi ni Aveera. “Akala pa natin noon, nagpapa-cute lang s’ya sa `yo.”
“Oo, at saka, pansin mo, parang bali-wala lang sa kan’ya nang nalaman n’ya na may partner na ako!”
“Oo, feeling ko nga, inaasar lang n’ya talaga si Rome para mapansin s’ya nito...”
“Kaya lang, napaka manhid ni Rome! Napaka taray pa! Parang laging kumukulo ang dugo n’ya `pag nilalapitan s’ya ni Jinn!”
“`Yun lang.”
“Isip ko nga, kailangan nila ng intervention!” sabi ko na may malaking ngisi sa mukha.
“Ugh... Josh, hayaan mo na lang sila.”
“Kahit konting push?”
“`Wag na, at baka lalo lang magsakalan ang dalawa.”
“Hay... eh, ikaw, Aveera, wala ka bang crush? Gusto mo ihanap kita?” ngumisi ako sa kaibigan ko na sumama ang tingin sa akin.
“Ba’t naman pati ako idadamay mo?”
“Eh, s’yempre, since masaya ako, gusto ko masaya rin lahat ng friends ko!”
“Please. Wala akong panahon d’yan. Bigyan mo na lang ako ng food.”
Natawa ako sa sinabi n’ya.
“Sige, sa Monday, anong gusto mo’ng ulam?”
At nag-dictate na lang si Aveera ng mga gusto n’yang kainin.