Kung may ipasasalamat man ako, `yun ay dahil sa kinaya na ng gamot ko ang effects ng heat ko. Uminom ako nito 3 times a day, at salamat dahil hindi na `ko nagising ng madaling araw na naghahanap kay Louie.
Tama si Louie, nagawa ko na nga’ng pumasok kinabukasan, pero mali ang sinabi ni Aveera na malilimutan din agad ng mga kaklase namin ang tungkol sa harem, dahil sa pagpasok ko ng classroom ay may naghihintay na sa `kin.
“Wow, Josh!” bati ni Sara sa pagpasok ko, “May mukha ka pa palang ipapakita sa school?”
Nagtawanan ang tatlong magkakaibigan.
“Alam mo, kung ako sa `yo, nagbakasyon na ako nang isang buwan, tutal, malakas ka naman sa admin, `di ba? In fact, `wag ka na lang bumalik!” sabi naman ni Bell na masama ang tingin sa akin.
Teka lang.
Are they being sarcastic?
“`Oy, anong problema n’yong tatlo?” agad lumapit sa `min si Aveera. “Kung wala kayong magawa, mag-aral na lang kayo, ha? `Wag n’yong hatakin ang overall grade ng klase sa mga score ninyong puro itlog!”
“Hoy, excuse mo, ha!?” react ni Edna. ”Wala pa ako’ng bagsak na grade!”
“Oo, puro pasang-awa naman.” balik ni Aveera.
“Wow, ang yabang porket top s’ya! Eh, `di ikaw na matalino!” bara naman sa kanyan ni Bell. “Pareho kayo n’yang Josh na `yan na porket Safiro, masyado nang umasta na parang pag-aari n’ya ang school!”
“Bakit, hindi ba?” sagot ni Aveerah.
“Aveera, tama na,” pigil ko sa kaibigan ko, “halika, mag-aral na lang tayo. Ituro mo naman sa `kin ang pinag-aralan n’yo kahapon.”
Hindi pa rin naalis ang matalim na tingin ni Aveera sa tatlo.
“Sige na, Aveera, tulungan mo ako’ng maka perfect score.”
Sa wakas, tumalikod din ang kaibigan ko kina Belle na nagbulungan.
“Halika na, marami-rami ang na miss mo kahapon.”
Sumunod ako kay Aveera, pabalik na kami sa upuan, nang mapansin ko’ng tumaas ang braso ni Sara na may inihagis kay Aveera! Buti na lang at nasalo ko ang bakal na pencil case na ibinato n’ya! Muntik na `to tumama sa likod ni Aveera!
Agad ako’ng lumapit at kinapitan ang braso ni Sara na may kapit namang libro ngayon na balak din ibato sa `min.
“Aray! Ano ba?” reklamo n’ya.
“Mananakit ka? Portek wala ka nang maisip isagot kaya literal na patalikod ka na lang titira?” tanong ko.
Tamang-tama naman ang pasok si Ate Mira na lumapit sa `min.
“Josh, okay lang ba lahat dito?” tanong niya.
“Okay lang, Ate Mira.”
Binitawan ko ang kamay ni Sara na agad umatras papunta sa mga kaibigan n’ya.
Umupo na kami ni Aveera sa pwesto namin.
“Okay ka lang, ba?” tanong ko sa kaibigan ko.
“Oo, thanks,” sagot n’ya. “Minsan nalilimutan ko na lalaki ka pa rin pala.”
“Ha?” natawa ako, “Ano’ng ibig mo’ng sabihin? Actually, nagulat nga rin ako, eh! Ang bilis ng reflex ko ngayon! Nasalo ko yung pencil case! Dati, lagi ako’ng nasusupalpal ng bola sa mukha tuwing PE!”
Natawa ang kaibigan ko.
“Sige, ilabas mo na ang notes mo, at baka dumating na si Mrs. Villa.”
Wala kaming ginawa ni Aveera buong araw kun `di mag-aral. Pagdating ng lunch, nag-stay lang kami sa classroom at nag-aral habang kumakain, buti nga at may baon din si Aveera, binigyan ko pa s’ya ng luto ni chef, pero, pagdating ng alas-dos, bagsak na ko sa upuan at nanlalambot sa sobrang dami ng bagay na isinaksak sa utak ko!
“O, kaya pa?” biro sa `kin ni Aveera na ni hindi pinawisan sa mga exam.
“Kakayanin... para sa future namin ni Louie...” dumiretso ako sa pagkakaupo at nagbunto’ng hininga. “Bad trip nga, eh, sabi n’ya, bawal ako’ng bumisita sa kan’ya during exams, kaya patulong ako `uli sa pag-review ko, ha?”
“Sige ba,” sagot ni Aveera, “in exchange, dalan mo `ko ng luto ng chef mo araw-araw.”
“Talaga?” lumaki ang ngiti ko. “Call! Ang dami nga lagi magluto ni chef, eh! Ang sasarap, `di ba? Gusto ko nga magpaturo sa kan’ya, eh, kaya lang, busy s’ya lagi, at pumupunta lang sa amin para magdala ng pagkain, usually, nasa baba s’ya, sa main kitchen ng hotel.”
“Wow. Ikaw na mayaman.” Sarkastiko’ng sabi ni Aveera. “Kaya pala ang sarap lagi ng baon mo. Sana lahat may chef!” Natawa ako sa biro n’ya. ”Halika na at pumunta na tayo sa clubroom para makapag-relax naman tayo.”
Itinabi ko na ang mga gamit ko at ipinasok sa bag ang mga ito para pag-aralan over the weekend.
“So, ano’ng nangyari at bigla kang off limits kay Louie?” tanong n’ya sa paglabas namin ng classroom.
“Masyado raw ako’ng nadi-distract sa kan’ya,” nakanguso ko’ng sinabi. “Bukas na lang daw ang last na turo n’ya sa `kin, tapos ang next meeting namin ay after exams na!”
Natawa si Aveera. ”Masyado ka kasing malandi, eh!”
“Uy, `di naman, slight lang! Saka, kasalanan ko ba kung talagang ang hot ni Louie? In heat pa naman ako noon...”
’Ahem’
Natigilan kami ni Aveera nang may tumikhim sa likuran namin.
Sa paglingon ko, nakita ko doon si Rome. Nakatingin s’ya sa baba, nagkukuskos ng mga kamay, at mukhang nahihiya sa `min.
“Rome!” Agad ko s’yang nilapitan. “Sasabay ka ba sa `min papuntang Design club?”
Tumango s’ya. ”S-sorry... Kuya Josh... nung sa isang araw...”
“Okay lang `yun!” Inakbayan ko s’ya at sinama papunta kay Aveera na naghihintay sa `min.
“O, nabuhay ka?” tanong ni Aveera.
“Sorry, Ate, nagpapasama kasi sa `kin kumain si Norman...” tumingin s’ya sa `kin. “Kuya, bakit ka nag-absent kahapon? Dahil ba sa nangyari sa canteen?”
“Hindi naman, sobrang sama lang ng pakiramdam ko nang nagka-estrus ako. Nagpalit kasi ako ng gamot, eh, ayun tuloy, nanibago ako,” kwento ko sa dalawa. “Sobra, akala ko, mamamatay na ko! First time ko `yun atakihin nang ganon kasama, `di tuloy ako nakapasok! Buti nga dinalaw ako ni Louie, medyo gumaan ang pakiramdam ko nang nakita ko s’ya...”
“Sino’ng Louie?” tanong ni Rome.
“S’ya `yung fated pair ko!” kinikilig ko’ng sinabi. “Alam mo ba, dominant alpha rin pala s’ya?”
“Talaga?” napataas ang isang kilay ni Aveera. “Pano mo nalaman?” tumingin s’ya sa `kin nang mapanghusga.
“Sinabi n’ya sa `kin kahapon,” sagot ko. “Kaya daw nakakaya n’ya ang pheromones ko, kasi dominant s’ya... bad trip nga, eh, gusto ko pa naman makipag-mate sa kan’ya, pero ayaw pa n’yang pumayag.”
“Loko.” Tinuktuhan ako ni Aveera sa ulo. “`Yan lang ba laman ng utak mo?”
“E-he-he, s’yempre, since nakita ko na ang fated pair ko, hindi ko na s’ya pakakawalan pa!”
“Buti ka pa, Kuya, sana, all, may fated pair...” bulong ni Rome na kinukuskos ang suot n’yang Pilapil fashion blouse.
“Bakit? `Di ba may fiancè ka na?” tanong ko sa kan’ya.
“Oo... pero... hindi naman s’ya ang fated pair ko... mabango s’ya, pero... feeling ko, hindi s’ya nababanguhan sa `kin...”
”Eh, okay lang naman `yun as long as you like him, `di ba?” sabi ko. ”Sabi nga ng teacher namin sa St. Davies’ dati, as long as you love your mate and make him happy, then happiness will follow!”
Pero lalo lang lumalim ang kunot sa noo ni Rome, at napangiwi naman sa `kin si Aveera.
“Anong kalokohang philisophy `yan?” sabi ni Aveera. “You can only gain happiness from mutual love and understanding!”
“`Yun din ang inisip ko...” sabi ni Rome. “I already like him naman, and he could learn to like me, too... Pero, alam mo ba, kahapon, sabi n’ya pag `di daw ako nakipag mate sa kan’ya, makikipag-break daw s’ya sa `kin...”
“Ha?” bulyaw ni Aveera na nakapamewang. “Pinilit ka n’yang makipag-s*x?!”
“O-oo... ang usapan pa naman namin nina dad, no s*x before graduation... pero mapilit s’ya... buti nga, hinarang kami ni Kuya Jun nang isasakay na n’ya ko ng car n’ya papuntang hotel...”
“Sinong Kuya Jun?”
Lumingon si Rome sa likod. Noon ko lang napansin na may lalaking nakasunod sa amin. Nakasoot s’ya ng uniform na gaya ng mga teachers ng Erminguard.
“Si Kuya Jun, bodyguard ko.”
Napatingin `uli ako sa lalaki. May kaedaran na s’ya, hindi s’ya kasing laki ni Yaya, pero mukhang siksik ang katawan n’ya.
“Hmph! Buti naman at `di natuloy! Tarantadong Norman `yun!” sabi ni Aveera na mukhang nanggigigil. “At may body guard ka pala? Bakit wala s’ya sa canteen noong tinulak ka ng fiancè mo’ng manyak?” malakas n’yang tanong, halatang nagpaparinig.
“Hindi na s’ya nakalapit, k’se pinagtanggol na ko ni Kuya Josh.” Kumapit sa `kin si Rome. “Sorry talaga, Kuya, ha? Natakot kasi ako’ng magalit si Norman... nagsinungaling tuloy ako...”
“Okay lang `yun!” ginulo ko ang buhok n’ya. “Alam mo naman, parang baby brother na kita.”
Ngumiti sa `kin si Rome.
“Alam mo Kuya, kung naging alpha ka lang sana, ikaw na pipiliin kong mate!”
Natawa ako sa sinabi nya. Sa totoo lang, `di ko alam kung ano’ng isasagot ko doon.
“Pero, pano na si Kuya kung may fated pair ka na pala?” habol n’ya.
“Si Kuya Gio mo?” tanong ko.
“Oo, `di ba, s’ya ang fiancè mo?”
“Ano kamo?” nanlaki naman ngayon ang mga mata ni Aveera.
“Uy! Hindi, ha? Sino naman nagsabi no’n?” agad ko’ng deny.
“Sabi nina Mama,” sagot ni Rome. ”Dati kasi, nagpunta sa `min si Mama mo, kinausap n’ya sina Papa para ireto kayo ni Kuya, tuwang-tuwa nga si Kuya, eh...”
Noon ko naalala ang nabanggit sa `kin ni Mama nang isang linggo.
“Ah! Parang may nasabi nga na ganon si Mama sa `kin... pero ang sabi n’ya, hindi daw pumayag ang parents n’yo...”
“Noon `yun!” sabi ni Rome. “Ngayon, ang sabi ni Mama, maghahanda na raw kami para sa engagement party n’yo ni Kuya! Hindi na nga makapaghintay si Kuya na makita ka `uli, eh, at namimili na si Mama ng mga alahas para pang-dowry sa `yo.”
“Ha?!” sabay kaming nagulat ni Aveera.
“Teka lang... pero sabi ni Mama, hindi na raw s’ya pumayag sa alok ng parents n’yo...”
“Wow... talagang alok, eh, noh? Paninda lang ang peg?” singit ni Aveera. “Buti na lang talaga, nouveau rich lang ang family ko.”
“Pero malabo talaga `yun, dahil may Louie na `ko,” dagdag ko, “at saka... parang kapatid rin lang ang tingin ko kay Kuya Gio, kaya `di ko ma-imagine na maging kami!”
“Well, kung may fated pair ka na, eh, wala na talagang pag-asa si Kuya,” sang-ayon ni Rome.
“At kung hindi tayo magmamadali, eh, `di na tayo makakapunta sa Design club,” paalala ni Aveera sa amin.
“Oo nga pala!” naglakad `uli kami.
“Pero, nakakainggit ka talaga, Kuya Josh!” sabi ni Rome nang nasa kalagitnaan na kami ng campus papuntang mga club buildings. “Ano feeling nang nakita mo ang fated pair mo?”
“Nako, para ako’ng tinamaan ng kidlat!” pagmamalaki ko. “Lalo na nang nag-kiss kami for the first time!”
“Ay! Taray! Nag-kiss na kayo?!” kinikilig na tili ni Rome.
“Oy, `wag ka’ng mag-eskandalo,” paalala ni Aveera.
“Tell me all about him, Kuya!” patuloy ni Rome sa mas mababang boses.
“Well, abogado ko s’ya, at matanda s’ya sa `kin ng 20 years...”
“Well, age doesn’t matter, lalo na sa `ting mga omega especially when it comes to our fated pairs!” mabilis na dagdag ni Rome.
“`Di ba?” tumatango ko’ng tugon. “Byudo na s’ya, may tatlong anak, and two of them are older than me...”
“Instant family!” singit ni Rome.
“Kaya lang, medyo nai-intimidate ako sa mga anak n’ya,” bahagya ako’ng natigilan. “Biro n’yo, `yung panganay n’ya, graduating sa medical course, `yung pangalawa nya, alpha rin at nag-aaral ng management, at yung bunso na 14 years old pa lang ay matalino rin daw tulag ng mga kapatid niya... Tapos ako... eto, pati Mama ko, aminadong bobo ako...”
“Ganon?” sumimangot si Aveerah sa `kin. “Naipakita mo na ba ang quiz results mo sa nanay mo?”
“Oo, natuwa nga s’ya, eh, ang galing kasi magturo ni Louie!”
“Tinuturuan ka ng fated pair mo?” tanong ni Rome.
“Oo, may usapan k’se kami dito sa Erminguard, na kailangan ko’ng maipasa lahat ng mid-term exams ko with 85% or above score, kung hindi, ibabagsak nila ako sa 10th grade para makahabol ako sa mga turo.”
“Nice! Magiging magka-batchmate tayo! Baka maging kaklase pa kita!” tumatawang biro ni Rome.
“Well, malabo nang mangyari `yun dahil matataas naman ang grades mo, at hindi lang `yun dahil sa remedials mo o turo ni Louie. Matalino ka talaga, hindi ka lang siguro nag-aaral ng maayos noon,” sabi naman ni Aveera.
“Thank you, Aveera, ha?” yumakap ako sa bewang n’ya dahil `di ko abot ang kan'yang leeg. “Best friend na talaga kita!”
“O, ayan nanaman ang skinship mo.” Bahagya n’ya ko’ng tinulak, slight lang.
“Sa totoo lang, gusto ko ma-meet ang mga anak ni Louie, para `di sila mabigla pag nagmate na kami ng Papa nila...”
“Ang bilis mo naman!” kinaltukan `uli ako ni Aveera sa ulo. “Baka naman p’wedeng magpakilala ka lang muna! Alam mo ba naman na bigla ka na lang sumulpot at sabihing mate ka ng tatay nila! Baka pagtabuyan ka ng mga `yun!?”
“Hmm... oo nga, `no?” napaisip ako. ”Pero... si Louie k’se, ayaw pa’ng makipag relationship sa `kin, eh...”
“Oh? Bakit naman?” usisa ni Rome.
“Kasi, since lawyer ko s’ya at may kaso kami, hindi s’ya p’wedeng makipag-relasyon sa akin as his client dahil unethical and unprofessional daw `yun.”
“Tama. Also, nag-aaral ka pa. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo,” dagdag ni Aveera. “Okay lang lumandi, pero hanggang dun lang dapat – sa paglalandi.”
Napatunganga kami ni Rome sa kan’ya.
“Pero, `di ba ang omega naman sa bahay lang, nag-aalaga ng mga bata? `Di naman namin kailangan mag-aral!” sabi ko. Tumango naman si Rome.
“Pareho kayong mga gunggong!” at pareho kaming tinuktukan ni Aveera na abot na abot ang bumbunan namin.
“Aray naman, Ate Aveera!” ngumuso si Rome sa kan’ya. “Mayaman naman kami, eh, we don’t need to work!”
“Eh, pano kung ma-bankrupt ang negosyo n’yo?” tanong n’ya. “Pano kung lokohin kayo ng mga asawa n’yo at mangaliwa? Sinong mag-aalaga sa inyo? Pano kayo kakayod? Sino’ng magpapakain sa mga anak ninyo?” tuloy-tuloy n’yang tanong.
“Josh, alam ko, pinalaki ka sa St. Davies’ bilang isang ‘perfect omega housewife’ na panganakan ng mga alpha, pero `yun lang ba ang gusto mo’ng mangyari sa buhay mo?” tanong n’ya sa `kin bago humarap kay Rome.
“At ikaw naman, Rome, shame on you! Straight Erminguardian ka pa naman! Wala ka ba’ng napulot sa Erminguard education mo? ‘Alphas, Betas, Females and Omegas hand in hand, are all equally important in building this nation!’, hindi ba’t `yan ang secondary motto ng school natin?” bumalik ang tingin n’ya sa `kin, “Millennial motto `yan ng school na ipinamana sa `yo ng tatay mo!”
“Tama ka...” nag-init ang mukha ko, may punto nga naman si Aveera. “Pati nga si Louie, sabi, importante ang pag-aaral...”
“Importante talaga!”
“Wala naman ako balak pabayaan ang pag-aaral ko, eh, pero... nakakaintimidate talaga isipin ang mga anak ni Louie na mas matatanda at mas matatalino sa `kin...”
“Hay nako, sa ganyan, just show them that you’re smart!” Payo ni Rome na mukhang nalimutan na agad ang sermon ni Aveera. “Speak to them in english!”
“Nag-english lang smart na?” Aveera said flatly.
“At hindi lang dapat smart-smart, dapat smart ka rin umasta at smart magbihis!” dagdag pa ni Rome. “`Yung tipong, hindi ka kakawawain dahil masyado kang mabait or naive ang dating!”
“Is that payo based on experience?” tanong `uli ni Aveera.
“Oo, ganon kami sa Fashionista Club nina Ate Sara, lalo na nang nandito pa `yung upper classmen namin last year, ang tataray ng mga `yun, walang say sina Ate Sara sa kanila.”
“Hmm... smart, smart and smart...”
“Kaya dapat pati style mo, smart din!” habol pa ni Rome, “Look,” tinuro n’ya ang stud earing sa kan'yang kaliwang taenga, “See? Stylish, right?”
“Ang cute nga n’yan, kaya lang, `di ba masakit `yan?”
“Hind! Isang baril lang `to! Gusto mo? Sama ko kayo sa favorite boutique ko?”
“Well... wala nanaman akong remedial mamaya, and bukas pa kami magkikita ni Louie para mag-aral...” humarap ako kay Aveera, ”Ano say mo, best? Pasyal tayo bago mag-exam?”
“Best? I think it would be best if you just be yourself,” sagot n’ya. “Halika na nga kayong dalawa! Nauubos ang club time natin sa kakachika ninyo!”