Mas umayos ang pakiramdam ko matapos ko’ng maligo, siguro k’se nakasingaw `yung sobrang init sa katawan ko. Naglaro kami ni Yaya ng video games, tapos ay bumaba kami para mag lunch, kasama sina Ate Mira at Sol.
Bumili rin kami ng groceries at mga personal na gamit sa bahay. Binilhan ko sina Yaya ng mga bagong damit, at bagong leash naman para kay Beck. May nakita pa ako’ng mga lovebirds at bumili rin ng tatlong pares at malaking kulungan para sa kanila.
Kasing taas ko `yung hawla!
Bago bumalik sa taas, nagmerienda na rin kami at bumili naman ako ng mga potted plants sa plant nursery. Ang babango ng dahon ng mga halaman nila doon, at pwede pa raw itong kainin!
Alas kuwatro na kami natapos. Pataas na sana kami, bitbit ang mga pinamili namin, nang may naamoy ako’ng pamilyar na cinnamon scent!
“Louie!” patakbo ako’ng pumunta sa mga elevators, kasunod si Beck.
Nakatayo roon si Louie, may dalang fruit basket na may kasamang chocolates!
“Wooow! Akin ba `yan?!” pinigilan ko ang sarili na tumalon sa kan’ya.
“Oo, I’m glad to see that you’re feeling better, balak ko sanang iwan ito kina Yaya Inez.”
“Ah! Maayos na pakiramdam ko!” kumapit ako sa isang braso n’ya. “`Wag kang aalis agad! Dito ka na matulog!”
“Ha-ha, parang puwede... anyway, I just wanted to see if you were doing okay...”
“Okay na okay!” pasimple ko’ng sininghot ang bango niya. Tamang-tama at kaiinom ko lang ng gamot ko kani-kanina kaya maliksi ako ngayon!
“I can see that... so, I guess I should leave now...”
“Ay, sandali, `wag ka muna umalis, Louie!” hinigpitan ko ang kapit sa braso n’ya. “Akyat ka muna... tulungan mo ako sa school work ko!” palusot ko.
“School work? Pinadalhan ka ng assignment ng teachers mo?”
“Oo!” agad ko’ng sagot, “Tulungan mo naman ako mag-aral, please?”
Nginitian ko si Louie, napatitig naman s’ya sa `kin na parang `di malaman ang gagawin.
“Andito na ang elevator,” tawag ni Yaya sa special elevator na naghahatid diretso sa top floors.
“Haay, okay, pero sandali lang ako, ha?” ginulo n’ya ang buhok ko.
“Yehey!” hinatak ko s’ya papasok ng elevator.
Agad ako’ng nag-text kay Aveera para matanong kung ano ang assignment namin sa araw na yun.
“Buti at hindi ka na nanlalambot ngayon, mukhang ang dami pa ninyong pinamili?” tanong ni Louie pagpasok namin ng elevator.
“Opo, namili kami ng snacks, saka bumili rin ako ng halaman, at new pets na lovebirds para mas mukhang bahay ang unit namin. Dadalhin sila mamaya, ilalagay ko sa dining room para may huni ng mga ibon habang kumakain tayo.”
“Good, at least nalilibang ka.” Hinimas `uli ni Louie ang buhok ko.
Paglabas namin sa elevator ay hinatak ko naman s’ya sa study room kung saan nandoon ang mga gamit ko sa school.
“Sabi ni Aveera, may sinagutan daw silang pages sa libro...” napalingon ako kay Louie at nakitang katatago lang n’ya ng bote ng gamot n’ya. “Uminom ka nanaman?” sinimangutan ko s’ya. “Okay lang ba `yan? `Di ba masama `pag na-overdose ka sa suppressants??”
“`Wag ka’ng mag-alala, ayos lang `to... ano ba’ng sasagutan natin?” lumapit s’ya at umupo sa tabi ko.
“Patingin nga sandali ang gamot mo.”
“Gawin muna natin ang school work mo.”
Nginusuan ko siya, at walang pasabi, ay niyakap s’ya at inabot ang bote sa loob ng coat pocket n’ya.
“`Uy!” pilit ito’ng hinablot pabalik ni Louie, pero inilayo ko `to sa kan’ya, tumalikod, at binasa ang description sa likod.
“Alpha pheromone suppressants, take one every morning before breakfast...” Tumingin ako nang masama kay Louie. “Eh, bakit dala-dalawa iniinom mo tuwing nagkikita tayo sa hapon?!”
“Ganon talaga...” Muli n’yang inabot ang bote. Inilayo ko `to at napansin na maalog na ang loob.
Lumayo ako at binuksa ang bote. Tatatlo na lang ang laman nito!
Muli ito’ng inabot ni Louie. Inilayo ko ang kamay ko, pero mas mahaba ang galamay n’ya, at hinablot n’ya to gamit ang magkabilang braso, napayakap tuloy s’ya sa `kin!
Tuwang-tuwa naman ako na umikot at niyakap din s’ya pabalik.
Nanigas si Louie.
Nahulog ang bote at kumalat ang tatlong pirasong gamot sa lapag.
“Ikaw talaga, Louie! Bad ka! Ginagawa mo’ng candy ang gamot mo! Masama `yan sa katawan!” sermon ko. “Mula ngayon, bawal ka nang uminom ng sobra! Ico-confiscate ko gamot mo tuwing nagkikita tayo! Hindi ka na pwedeng uminom ng more than one every morning!”
“`Pag ginawa ko `yun, `di na ko makakalapit sa `yo!”
Nabigla ako nang yumakap nang tuluyan sa `kin si Louie. Ang higpit ng hug n’ya! Dama ko ang paghinga n’ya na pabilis nang pabilis.
”Josh... you’re driving me crazy!” nanggigigil n’yang sinabi.
S’yempre, tuwang-tuwa naman ako! Pilit ko s’yang tiningala, pero lalo lang humigpit ang kapit n’ya sa `kin.
Nag-init ang katawan ko, lalo na nang singhutin n’ya ang amoy ko at ikuskos ang mukha n’ya sa kanto ng leeg ko at balikat.
Naaamoy ko nanaman ang kakaibang bango mula kay Louie. `Yung bango na nakakaadik at nakakabaliw.
“Louie...” hinihingal kong sabi, “Louie... I love you.”
Kinilig ang katawan ni Louie.
Ang lungkot ng mukha niya nang tumingin s’ya sa `kin, pero kitang-kita ko na gusto n’ya rin ako, at nadama ko `yun nang magdikit ang mga labi namin.
Lalong nag-init ang katawan ko.
Kakaibang kuryente ang dumaloy sa `king katawan nang himasin n’ya ang leeg ko. Hinimas ko naman ang dibdib n’ya pabalik. Hinatak ko pababa ang coat n’ya para tanggalin ito, pero pinigilan n’ya `ko.
“Sorry...” muli nanaman s’yang umatras! “I don’t think I can stay here today...” lalayo na sana s’ya nang hatakin ko s’ya pabalik.
“B-bakit? Aalis ka na agad? Bakit ba lagi mo ako’ng iniiwasan?” Muli ako’ng yumakap sa kanyan. “Hindi mo pa rin ba matanggap na mahal mo ko? Na fated pairs tayo?”
“You know I can’t stay here right now!” pilit n’yang inalis ang mga braso ko’ng nakapulupot sa kan’ya. “Hindi natin masasabi kung ano’ng p’wedeng mangyari kung magtatagal pa `ko rito... you’re still in heat, kung `di nga lang ako dominant, baka kanina pa kita inatake!”
“Eh? Dominant ka?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n’ya. “Eh, ba’t hindi ka mabaho na tulad ng mga dominant alphas sa school?”
Natatawang ginulo ni Louie ang buhok ko.
“Ewan ko d’yan sa ilong mo,” sabi niya, “and yes, I’m dominant, same as my son, which, by the way, is currently having problems in his school. Kaya kailangan ko’ng makauwi nang maaga mula ngayon para bantayan s’ya...”
“May problema anak mo?” napaisip ako. “Eh, `di ba college na `yung anak mo’ng alpha?”
“Oo, at napakalaking sakit sa ulo. Just last week, nagkaroon s’ya ng kaso sa school concerning an omega. Ewan ko nga kung saan nagmana ang isang `yun eh... palibhasa busy ako lagi sa work kaya lumaking sira-ulo...”
“Hindi naman siguro? Baka pilyo lang?” Umupo ako sa silya at naisipang chikahin pa si Louie para `di agad s’ya umalis. “Kwentuhan mo naman ako tungkol sa mga anak mo, Louie?”
Nagbuntong hininga si Louie. Nanatili s’yang nakatayo, nakakunot ang noo at ayaw tumingin sa `kin, pero sumagot s’ya sa tanong ko.
“Bente-kuwatro na ang panganay ko na si Blessing. Patapos na siya sa kurso niyang nursing. Si Nathan naman, ang second ko, ay 2nd year college at kumukuha ng management. He’s turning 20 this year, habang 14 naman ang bunso ko’ng si Mercy.”
“Wow, medicine at management! Mukhang puros bigatin ang kurso ng mga anak mo, ha?”
“Oo, at si Mercy naman, balak sumunod sa akin bilang abugado.” Nangiti si Louie na hinatak ang upuan n’ya at muling umupo. “Matatalino silang lahat, mana sa amin ni Jonas. Ewan ko lang talaga kung saan nakuha ni Nathan ang ugali niya’ng pasaway.”
“Jonas?”
“Ang pangalan ng asawa ko...”
Natahimik si Louie, at nakita ko sa mga mata n’ya kung gaano pa nga n’ya kamahal ang kan'yang asawa.
Nanikip ang dibdib ko.
Talaga ba’ng hindi ako matatanggap ni Louie dahil hindi n’ya malimutan ang asawa n’yang si Jonas?
Pero kung `yun ang kaso, bakit n’ya ko hinahalikan? Bakit n’ya ko pinagtya-tyagaang turuan at ipagtanggol at intindihin kahit pa napaka bobo ko?
“Louie, mahal na mahal mo pa rin ba s’ya?” tanong ko sa kan’ya.
Napatingin s’ya sa `kin at muling umiwas.
“We were thirteen,” sabi niya. “We were so young when he got his estrus. Nawalan ako ng control noon, at si Blessing ang naging bunga. I never really forgave myself for doing that. Pero minahal pa rin ako ni Jonas, he told me not to blame myself, since fated pairs naman kami, at mahal na namin ang isa’t-isa, bago pa man namin natuklasan ang tungkol sa secondary genders.”
Muling tumingin sa `kin si Louie. Eto nanaman ang napakalungkot na tingin s’ya na para bang gusto n’yang mag-sorry sa `kin, at pati na rin sa sarili n’ya.
“Josh,” sabi niya, “imposibleng fated pairs tayo, dahil si Jonas ang fated pair ko. Ayon sa sabi-sabi, iisa lang ang fated pair ng isang tao sa tanang buhay niya. Hindi man scientifically proven ang exhistance ng fated pairs, alam ko’ng si Jonas lang ang para sa akin. Kaya nga hindi na ko naghanap pa ng kapalit niya, eh. Kaya wala ako’ng balak maghahanap pa ng iba.”
“Kung ganon... ano’ng tawag sa nararamdaman natin?” tanong ko sa kan’ya. “Bakit kakaiba ang amoy natin sa isa’t-isa? Bakit ako nakukuryente tuwing nagdidikit tayo?” tumayo ako at lumapit sa kan’ya. “Bakit mahal na mahal na kita? At mahal mo rin ako, `di ba?”
Hindi s’ya sumagot, pero buti at hindi rin s’ya lumayo sa `kin.
Lumuhod ako sa harap ni Louie at kinapitan ang mga kamay niya. Idinikit ko `yun sa mukha ko at tumingala sa kan’ya.
“I love you Louie. Kahit hindi ka naghahanap, nahanap pa rin kita. Kung hindi mo ko love, kaya mo bang sabihin sa `kin ng diretso na hate mo ako?”
“Josh... like I said, you’re driving me crazy...” yumuko s’ya at hinalikan ako sa noo, tapos ay hinatak n’ya ako patayo. “Tomorrow’s Friday. Quiz day ninyo, hindi ba?”
Iniba n’ya nanaman ang usapan.
“Gagawa ako ng excuse letter para bigyan ka nila ng time to review. Next week naman ay midterm week na ninyo, at kailangan maipasa mo lahat ng inyong exams para hindi ka ibalik ni Mrs. Villa sa 10th grade.”
Kumuha si Louie ng papel sa mesa. Nagsimula na s’yang magsulat ng letter.
“On Saturday, your estrus should be gone. Pupunta ako rito nang maaga para tulungan ka’ng mag-aral, pero I need to get home before six para makipag bonding sa anak ko’ng sutil, kaya by 5 pm, dapat makaalis na `ko.”
“Ha?! Ang aga naman noon!”
“And since exam week next week, off limits ka muna sa office. I want you to go straight home para mag-aral. No distractions. No monkey business.”
“Ha?! Pano tayo mag-kikita?!”
“Saka na tayo magkita after ng exams mo,” sagot niya, “Next Monday, after the exams, you can come to the office again, pero hanggang 6 ka lang p’wedeng mag-stay.”
“Sobra naman `yun!” nginusuan ko si Louie na pumirma sa excuse letter niya.
“Here. Kung ganyan ka na kalakas ngayon, bukas, kaya mo nang pumasok. Ibigay mo to sa teacher mo para bigyan ka ng consideration.” Nakasimangot ko `tong kinuha sa kan’ya. “Ngayon, since naitanong mo na sa kaklase mo ang mga kailangan mo’ng pag-aralan, I suggest you start your self study...”
“Self study?!”
“Yup.” Tumingin s’ya sa kan'yang mamahaling Lorex watch, “It’s already past 5, kailangan ko nang umalis.”