Nanigas ang katawan ni Louie, ni hindi s’ya huminga.
Nakita ko pa ang mga mata niya’ng nanlalaki.
Ang lambot nga ng mga labi n’ya!
Lumubog ito nang ipatong ko ang mga labi ko rito, at sa paghiwalay ko, parang sumunod pa ito sa `kin.
“Mmm... isa pa...” aabutin ko sana s’ya `uli, pero tinakpan n’ya ang bibig ko.
“B-ba-ba-bakit sa labi?!?” sigaw ni Louie! “Sabi mo sa pisngi lang?!?”
“Kahapon sha pishngi, ngayong gushcho ko yabi nyaman,” sabi ko habang kapit n’ya ang bunganga ko. Inalis ko ang kamay n’ya at sumimangot. “Bakit? `Di mo gusto?”
“H-hindi!”
“Okay,” hinalikan ko s’ya sa pisngi. “Ayan, ha, pisngi na lang!”
“Joshua!” dumiretso s’ya ng tayo. “Alam mo ba na p’wede tayo’ng mapahamak dahil dito?!”
“Bakit?” Tinitigan ko s’ya. “Dahil pinilit kita?”
“Hindi!”
“So, hindi ka napipilitan?” Lumaki ang ngisi ko.
“No... mas bata ka sa `kin...!”
“Nineteen na ko! Ako na nga ang nagsa-sign ng mga papeles ko, `di ba?” paalala ko sa kanya. “At saka, `di ba may batas sa mga omega, na ang age of consent namin ay nags-start sa una naming heat? Kaya hindi ka makakasuhan ng statutory rape! At saka, ako naman ang hahalik sa `yo, eh!”
“B-ba’t alam mo `yan?” Napasimangot s’ya sa `kin, “Pero ang tables mo sa Math, `di mo makabisado!”
“Si Louie naman, naalala pa `yun!” nag-init ang mukha ko. ”Tinuro sa `min `yun ng teacher namin sa St. Davies’! Kaya raw pag nakita namin ang pair namin, p’wede na kaming makipag mate, as long as we like them too!”
“Josh... really... Tama nga si Mrs. Villa, backward talaga ang turo sa St. Davies’! Gusto ata nila kayong gawing mga...” sandaling natigilan si Louie na pulang-pula na ang mukha, “...mga omega breeders...” patuloy nya.
“Breeders? Ano `yung breeders?” tanong ko sa kan’ya.
“Basta... ewan ko ba kung ba’t doon ka ipinasok ng Mama mo...” natahimik `uli siya at sumimangot. “And what makes you think that I am your pair? Do you even know what mate means?” tanong ni Louie. “
“Mate, `yung gagawa ng baby! Sabi ni teacher, `yun ang highest and most glorious achievement for an omega!” Inikutan ko ang upuan ni Louie na umikot din para iwasan ako. “At saka alam ko na ikaw ang pair ko!”
Sumampa ako sa upuan sa aming pagitan at tinalon siya. Nanlaki ang mga mata ni Louie na sinalo ako sa ere.
“Ikaw ang fated pair ko, Louie,” yumakap ako nang mahigpit sa leeg n’ya at sininghot ang kan'yang bango. “Kaya hinding-hindi na kita pakakawalan pa!”
Nanigas nanaman ang katawan ni Louie.
Inilubog ko naman ang mukha ko sa gilid ng leeg n’ya at kinuskos ang ilong ko rito.
“Ang bango-bango mo talaga, my cinnamon bun!” sabi ko sa kan’ya. “Ako, ano ang amoy mo sa `kin?”
Hindi pa rin s’ya umiimik.
Sa wakas, kumapit din ang mga kamay n‘ya sa `kin.
Niyakap n’ya `ko nang mahigpit, at narinig ko’ng singhutin din n’ya ako, pero pumunta ang mga kamay n’ya sa magkabila ko’ng balikat at tinulak ako palayo.
“Wala.”
“Ha?”
“Wala ako’ng maamoy!”
Umiwas s’ya ng tingin sa `kin at biglang nag-iba ng usapan.
“Hindi ka pa umiinom ng gamot, `di ba? Iminom ka na ngayon, dali!”
“Hindi ako nagdala ngayon,” sagot ko.
“Ha?! Bakit?”
“Eh, `di ba sabi mo nabobobo ako sa mga gamot ko? `Di nga rin ako uminom kagabi, eh!”
“Hindi naman pwedeng basta ka na lang titigil!”
“Wala pa naman ang heat ko, eh, at saka, regular naman ako lagi, at saka... natakot ako sa sinabi mo kanina na `di ako makapag-aral dahil doon... ayoko ngang bumalit sa grade 10!”
“Well, how do you feel right now?” tanong n’ya sa `kin.
“Gusto `uli kitang halikan!” Dinilaan ko ang labi ko habang nakangisi.
“Hindi pwede! Dapat `yun sa pisngi lang, besides, wala ka pa namang perfect score, ha?”
“Ha! `Yan ang akala mo!”
Pinagmamalaki ko’ng inilabas mula sa bulsa ang nakatupi’ng report na ginawa namin kahapon. “Perfect score!”
Napatanga rito si Louie. Sinamantala ko naman `yun at idinikit `uli ang labi ko sa mga labi n’ya!
“Mmm... Josh!” sumimangot s’ya sa `kin.
“Ang sarap mo’ng halikan, Louie... lasang cinnamon ka...”
“Y-you’re just tasting the cinnamon you ate earlier!”
“`Di kaya!”
“`Wag ka’ng makulit!” Binuhat n’ya ako at iniupo sa silya n’ya. “Josh, if you don’t behave, I will be forced to drop your case!”
“Drop my case?” ulit ko. “Anong case?”
“Abogado mo ako, Josh, ako ang may hawak ng kaso mo. It would be unprofessional of me kung magkakaroon ako ng relasyon sa client ko. Bawal `yun. It would be a conflict of interest! Gusto mo ba na mawalan ka ng abogado?”
Natahimik ako.
“G-ganon ba `yun?” tanong ko sa kan’ya.
“Oo, kaya hindi tayo pwede’ng magkaroon ng relasyon!” pilit niya. “Kung malalaman `to ng kabilang panig, pwede’ng mabaliwala ang kaso mo, pwede `rin ako’ng mawalan ng license `pag nalaman `to ng ibang tao!”
“G-ganon na ba kasamang maghalikan ngayon...?” tanong ko `uli.
Napahinga si Louie ng malalim.
“Oo.” Sabi n’ya. “So please, behave, or else, mapipilitan ako’ng layuan ka.”
Hindi ako masaya nang umuwi kami.
Matapos kasi ako’ng tulungan ni Louie sa assignment ko, ay sinama n’ya `ko sa kakilala n’yang doctor. Matapos naman ako’ng i-check-up at resetahan nito ay pinauwi na kami ni Louie sa bahay.
“Hmph. Alas-siete pa lang, ang aga tayong pinauwi ni Louie! Gusto ko pa sana s’yang makasama,” reklamo ko kay Yaya habang tinititigan ang bagong bote ko ng gamot.
“Baka may aasikasuhin pa si Atorni para sa kaso mo,” sabi ni Yaya. “Kamusta naman `yang bago mo’ng gamot? Nasa `yo ba `yung reseta? Naalala mo ba ang mga sinabi ni Doc?”
“Opo,” sagot ko. “Once a day during breakfast, itapon ko na raw ang iba ko’ng mga gamot.” Ipinasok ko na ito sa bag ko. “Tingin mo ba Yaya, sapat na sa `kin ang isa lang? Parang nakakatakot, na kahit `pag estrus ko, ito rin lang ang iinumin ko.”
“Basta’t sundin na lang natin ang sinabi ni Doc , okay?”
“Okay.”
“`Wag ka nang uminom ng gamot mo ngayong gabi, ha?”
“Okay.”
At dahil doon, eto ako ngayon, tulala at `di makatulog.
Ngayon ko lang naisip na kaya pala ang bilis ko matulog lagi, eh, dahil nakakaantok ang mga gamot ko.
Umikot-ikot ako sa kama at muling nag-isip.
Bakit nga kaya ang dami-daming pinapainom sa `king gamot si Mama?
Nabanggit n’ya na s’ya mismo, napapansin na humina ulo ko mula nang uminom ako ng mga gamot para sa aking estrus.
Sa bagay, akala n’ya bahagi `to ng pagiging omega.
Pero, bakit tatlo-tatlo pinaiinom n’ya sa `kin, eh, pwede naman palang isa lang?
Hmm... mahal na mahal talaga ako ni Mama, masyado s’ya’ng over-protective sa `kin, kaya over din s’ya mag-aalala. Buti na lang talaga napansin ni Louie `yung side effects nito. Sana nga maging matalino na `ko ngayong isang gamot na lang ang iniinom ko! At `pag matalino na `ko, makakapag-aral na ko nang mabuti! At pag nakapag-aral ako nang mabuti, tataas ang mga grades ko at lagi na ako’ng magiging perfect sa exam ko!
Napangisi ako sa dilim.
`Pag marami akong perfect, maraming beses ko rin mahahalikan si Louie!
“Hi-hi-hi! `Di na `ko makapaghintay maging matalino!”
Umikot ako sa kama.
Since `di pa rin ako inaantok, naisipan ko’ng magbasa na lang ng libro namin sa school.
“Good morning Josh!” bati ng mga kakalse ko pagpasok ko kinabukasan. Ganito sila ka-friendly sa `kin!
“Good morning!” Nginitian ko sila. ”Kamusta na kayo?”
“Great, Josh, bukas, Friday, club activity day from 3 in the afternoon, may napili ka na ba’ng club na sasalihan?” tanong ni Sara.
“Club?” Napaisip ako. “Ano-anong clubs ba meron kayo?” tanong ko. “`Wag lang sports club, ha? Lampa kasi ako, eh...” Bahagya silang natawa.
“Maraming clubs dito aside from sports clubs,” sagot ni Edna, “May academic clubs, music, hobbies and arts clubs.”
“And since sa Arts and Design ang strand natin, ba’t `di ka sumama sa Fashionista Club?” sabi ni Bell, “We’re all members, at puro bonafide Fashionistas lang ang welcome dito.”
“Yeah, Josh, we get to wear branded clothes all day! Alam mo ba, member namin ang anak ng CEO ng Blue Ridges?”
“Talaga? Kasama n’yo si Gino?”
Napatingin sa `kin sina Sara.
“Gino?”
“Yung anak ni Mr. Chu, yung may-ari ng Blue Ridges?”
“Ah, si Kuya Giovanni?! Nag-graduate na s’ya last year, si Jerome Chu ang member namin, omega rin s’ya tulad mo...”
“Ah, si Rome?” nangiti ako, “Baby brother s’ya ni Gino, dito rin s’ya nag-aaral?”
“Oo, kakilala mo sila?” Mukhang nagulat sila. ”Tamang-tama, sumali ka na sa club namin...”
”Aveera!” tawag ko sa kaibigan ko. ”Kasali ka rin ba sa Fashionista Club?”
”Hindi,” sagot nito na busy magbasa ng libro. ”Puros rampa lang ginagawa ng mga members ng club na `yun. Sa Design Club ako kasali.”
“Ha! A no-name club!” sabi ni Edna, “Puros mga rejects ng Fashionista Club ang kasali doon, ang babaduy kasi ng mga style!”
“Josh, walang ginawa ang club na `yun `kun `di mag-design ng mga damit na `di naman nila maisusuot in public dahil sa sobrang weird!” sabi ni Edna.
“It’s called self expression,” sagot ni Aveera na masama ang tingin sa kanila.
“Oo nga, Josh, sa Fashionista Club, may sponsors kami every month! We can wear them every Fridays, tuwing laundry day, and guess what? This month, ‘Pilapil Fashion Wear’ ang sponsor namin!”
“Talaga?” Natuwa ako nang marinig ang fashion line ni Mama! “Sino nag-sponsor sa inyo?” tanong ko.
“Yung isang member namin anak ng kaibigan ng head designer herself – si Ms. Pilapil!”
“Diaz na s’ya ngayon,” singit `uli ni Aveera. “Isang taon na s’yang kasal sa may-ari ng Diaz Accessories.”
Lumaki ang ngiti ko, mukhang updated si Aveera kay mama!
“Oo, at...”
“Oo, pero Ms. Pilapil made her name even before she married Mr. Diaz.” bara ni Sara, hindi tuloy ako nakasingit.
“At bakit ka ba nakikisabat sa usapan namin? Si Josh ang nire-recruit namin, hindi ikaw!”
“Malamang, inaya ako ng kaibigan ko, eh.” Tumayo si Aveera nang diretso. Tumingala ang tatlo sa kan’ya, si Aveera kasi ata ang pinaka matangkad sa klase namin, boys included. Tinitigan n’ya ang tatlo at nagpamewang. “May angal ba kayo?”
Mukhang s’ya rin ang pinaka nakakatakot awayin.
“Hmph!” Ini-snub s’ya ni Sara na hanggang balikat lang n’ya.
“Ano, Josh, sumali ka na sa `min!” pilit ni Bell.
Napatingala ako `uli kay Aveera na nakahalukipkip at nakikipag titigan kay Edna.
Bakit kaya ayaw nila pasalihin si Aveera? Eh, sa ganda ng katawan ng kaibigan ko, eh, pang modeling material talaga s’ya, at saka, totoo kaya na puro rampa lang ginagawa nila?
“Sorry, pero, mas gusto ko’ng mag-design, eh, so.... baka sa Design club na lang ako sumali... pasensya na, ha?”
“Haa?” nginusuan ako ng tatlo. “Josh naman, `wag mo’ng sayangin ang looks mo! Ang cute-cute mo pa naman! Bagay na bagay sa `yo ang Pilapil designs!”
“Oo nga, Josh! Sumali ka na!” kinapitan ni Edna ang isang braso ko.
“A-actually, puro Pilapil talaga damit ko k’se...”
“Kita mo, favorite mo rin ang Pilipil!” Kinapitan ni Bell ang kabila ko’ng braso.
“Oo, kasi...”
“Please, Josh, sumali ka na sa amin!” pagmamakaawa ni Sara.
“Ehem.” Napatingin sila sa likod, kay Ate Mira na nakatingin pababa sa kanila. “Josh, kinukulit ka ba ng tatlong `to?” agad bumitaw sa `kin ang dalawa.
“Ah, hindi naman po, Ate Mira!” sabi ko sa bodyguard ko na kadalasan, eh, nakaupo lang sa labas ng classroom. ”Nag-uusap lang po kami.”
“Okay.” Muling tinignan ni Ate Mira ang tatlo. ”I’ll be watching.” Tinaas n’ya ang bitbit n’yang tablet at tinuro ang mga CCTV cameras sa dalawang sulok ng classroom bago lumabas ng kuwarto.
“Halika na, Josh, upo na tayo.” Inakay ako ni Aveera papunta sa pwesto namin.
“Pano ako makakasali sa club n’yo?” tanong ko sa kan’ya. “Ano usually ang ginagawa n’yo?”
“Nagde-design ng mga damit, nagtatahi...”
“Kayo gumagawa ng sarili n’yong damit?!” napapalakpak ako sa tuwa! “Ako kasi, hindi pinapayagan manahi ni Mama, dati kasi natusok ako ng needle!”
Natawa si Aveera.
“Natusok ka lang, pinagbawalan ka na manahi? Sobrang protective naman ng Mama mo! Kaya pala ganyan ka ka-naive, eh!”
“Oo nga! Limang beses lang naman ako natahi! At saka, hindi naman palagi!”
“Teka... natahi? Saang needle ka ba natusok?”
“Sa makina!” Tinaas ko kaliwang kamay ko, “Yung una sa kuko ng pointer ko, `yung pangalawa, `yung balat sa gitna ng thumb at pointer, yung pangatlo, yung pointer at middle finger ko...” itataas ko sana ang kabila ko’ng kamay nang kapitan ito ni Aveera.
“Mukhang tama ang nanay mo nang pigilan ka n’yang magtahi,” sabi n’ya.
“Ha?”
“Sabi mo nagde-design ka, `di ba? “Nakita ko nga `yung ibang drawing mo, ang galing mo’ng mag-isip ng design, parang inspired ng Pilapil, favorite fashion line mo ba `yun?”
”Oo, s’yempre!” Lumaki ang ngisi ko. Balak ko na sanang sabihin sa kan’ya na si Mama si Mrs. Pilapil, nang biglang magningning ang mukha ni Aveera at magkaroon ng isang napaka gandang ngiti.
“Ako rin! Favorite ko ang line nila!” sabi n’ya. “Second fave ko ’Less Melencholy’, ang LM kasi, more on omega fashion, eh.”
“Oo, ang cute din ng LM! Kaya lang mahilig sila sa leather, madalas tuloy mainit.”
“Oo nga, mas masarap isuot ang Pilapil, very cozy ang designs nila, kaya `yun talaga ang paborito ko.”
Nadala na ko ng usapan namin.
Natigil lang kami nang pumasok si Mrs. Villa pasa sa aming klase.
Saka ko na lang sasabihin kay Aveera ang tungkol sa amin ni Mama, sa ngayon, masaya ako at kaibigan ko s’ya. Kahit pa `di n’ya alam na si Mrs. Pilapil ang aking Mama.