C hapter 23

1925 Words
“O, mukhang ang laki ng ngiti mo ngayon, ha?” tanong sa `kin ni Yaya pagsakay ko ng kotse. “Opo, Yaya! Alam mo ba, halos lahat pala ng mga kaklase ko, mahilig sa Pilapil Fashions?! Hanga’ng-hanga sila sa mga designs namin ni Mama!” “O, eh, `di bida ka nanaman sa inyo?” ngumisi sa `kin si Yaya. “Hindi nga, eh, hindi ko nasabi agad na si Mama ang may-ari ng Pilapil Fashions, kaya nahiya na `ko’ng sabihin sa huli.” “Okay lang `yan hijo, mas maganda nga maging humble. Hayaan mo’ng sila na lang ang makaalam.” “Oo nga po, Yaya, para surprise! `Di ba, Beck?” dinilaan ako ni Beck sa mukha. “Kamusta naman ang remedial class mo?” “Mas madali po ang pinag-aralan namin kanina, mas naintindihan ko na, saka `di nagalit si Mrs. Villa nang nagtanong ako sa kan’ya!” “Sabi ko naman sa `yo, eh, magtanong ka lang kung may `di ka naiintindihan.” “At saka Yaya, inuwi ko lahat ng books ko ngayon, kahapon kasi, `di ako makatulog, kaya nagbasa ako ng books ko, kaya siguro mas naintindihan ko `yung class namin kanina.” “Very good, that way, hindi mo na kakailanganing kulitin si Atty. Louie para turuan ka.” “Ah!” Natigilan ako. “Oo nga pala...” “Mas may time ka na ngayon makipag-usap na lang sa kan’ya,” dagdag ni Yaya. “Tama!” Bumalik ang ngiti ko. Pagdating nga sa office ni Louie ay dumiretso na `ko sa kuwarto n’ya, ang laki ng ngiti ko sa pagbukas ng pinto, habang nagpaiwan sa labas sina Yaya at Beck. “Louie!” bati ko sa pagpasok. “Oh, Josh! What are you doing here?” Napatitig ako kay Atty. Ivy na may dalang mga papeles. Nasa likod s’ya ni Louie at nakakapit sa balikat nito, habang nakaupo si Louie at may kapit ding papeles sa kan’yang mesa. “Good afternoon po.” Parang nawala ang good mood ko. “Good afternoon, Josh, umupo ka muna at may tinatapos pa kami ni Ivy.” Umupo ako sa tapat ng mesa ni Louie para maghintay. “Here’s the last one,” sabi ni Ivy kay Louie. “You can sign over here.” Yumuko s’ya at may tinuro sa papeles. Kailangan ba n’yang lumapit kay Louie nang ganoon?! Hmph. Porket may itsura lang s’ya. Halatang fake naman ang pilik-mata! Ang pula-pula pa ng lipstick, parang bampira! Balak pa n’ya ata’ng kagatin ang Louie ko! Wala pa ba’ng asawa `to? Ano s’ya, old maid? Wala siguro’ng magkamali! Talagang kung makakapit kay Louie parang pag-aari na n’ya! “Okay, that’s the last of it,” sabi ni Louie na inayos ang mga papeles at inabot iyon kay Ivy. “Thanks, I’ll see you in court tomorrow, then?” tumawa si Ivy at hinimas si Louie sa likod. Nakakairita ang bruha kung makahalakhak! “Okay, don’t forget to file them in time,” sagot ni Louie na nakitawa sa bruha. “Josh, I’ll see you – ” natigilan s’ya nang mapatingin sa `kin. “Oh, is there something wrong?” tanong niya. “Parang bad mood ka ata ngayon?” “Wala lang po,” sagot ko. “Paalis na po ba kayo?” “Oo, pasensya na, `di ako p’wedeng magtagal, I still need to file all of these documents.” Ngumiti s’ya sa `kin. Halatang peke. “I’ll see you next time.” muli s’yang tumingin kay Louie. “See you tomorrow, Lou.” Lou? Hinintay ko’ng lumabas si Ivy ng silid. “Louie, may something ba sa inyo ni Ivy?” tanong ko, nakanguso. “Si Atty. Ivy? We’re just colleagues.” Tumawa s’ya at may kinuhang bote sa loob ng coat n’ya. “Gusto mo ba ng cinnamon rolls? Hindi pa ako nagpapabili sa secretary ko.” Kumuha s’ya ng plue pill mula rito at ininom iyon. “Hindi pa po ako gutom. Bakit po parang ang close n’ya sa `yo?” “Ganoon lang talaga si Ivy, malambing, we’ve been good friends since I joined this firm.” “Wala ba s’yang boyfriend o ka-live in?” Natawa nanaman si Louie. “Wala, although, I think may boy friend siya dati. Bakit mo natanong?” “Hmph. Wala nang nanligaw sa kan’ya?” “Yeah, I think she’s still hung-up on her ex.” “O baka naman hinihintay ka?” bulong ko. “Hm?” Lumapit sa `kin si Louie. “May sinabi ka?” “Wala.” “Kamusta naman ang bago mo’ng gamot?” “Okay naman, wala naman ako’ng napapansin na kakaiba, pero `di ko pa masabi, since wala pa naman ang heat ko.” “At least wala kang nararamdaman na masama.” Ngumiti sa `kin si Louie at unti-unti’ng nawala ang inis ko. “Louie, bukas may quiz kami sa lahat ng subjects namin,” sabi ko sa kan’ya. “P’wede mo ba `kong turuan?” “Hindi ba’t iyon naman talaga ang reason kung bakit ka nandito?” natawa s’ya nang bahagya. “Ano ang gusto mo’ng unahin?” Kinuha ko ang book ko sa Physics at Chemistry at umikot ng mesa, hatak ang swivel chair na upuan ko. “Aba, dalawang mabigat!” “`Yun nga eh, tapos may quiz na agad kami bukas! `Di naman ganito kabibigat ang subjects ko sa St. Davies’!” “Well, sa Physics, kailangan mo lang kabisaduhin at intindihin ang formulas, sa Chemistry naman, chemical symbols ang kakabisaduhin mo...” “Okay.” Inilapit ko ng mabuti ang upuan ko sa kan’ya at sininghot ang cinnamon scent n’ya. Umatras nang bahagya si Louie. “Nasa Kepler’s law na pala kayo?” “Opo! Nag-aral ako kagabi, nag-practice pa kami kanina sa remedials ko!” “Okay, gagawa ako ng sample problems.” `Yun nga ang ginawa namin. Habang sinasagutan ko ang physics problems na bigay sa `kin ni Louie, nag-search naman s’ya sa internet ng mga reviewer para sa chemistry. After ko’ng sagutan ang mga `to ay magkasama namin iyon sinagutan. “Ay! Sayang may tatlong mali ako sa chemistry!” nanghihinayang ko’ng sinabi, “Pero ang physics na perfect ko!” “Oo nga, mukhang ready ka na para sa quiz mo bukas!” sabi ni Louie na tuwang-tuwa rin para sa `kin. “Kung ganon,” tumayo ako at tumalon sa kandungan n’ya. “May isa ako’ng kiss!” “H-ha?!” ang gulat ni Louie na napakapit sa magkabilang hawakan ng silya n’ya. “`Di ba, promise mo, every time na may perfect ako, p’wede kita’ng i-kiss?” “O-oo, pero sa school dapat `yun!” Kinapitan n’ya `ko sa balikat. “Bumalik ka na sa upuan mo.” “Eh? Gusto mo ko halikan sa school?” Nag-init ang mukha ko, `di ko akalain na ganon pala ka-bold si Louie! “O-okay lang... pero...” “No! I meant, school work!” paglilinaw n’ya. “Perfect ka dapat sa quiz and exams mo sa school!” “Ay, ang daya naman! Usapan natin, basta may perfect ako, `di ba?” “Oo, pero ako lang ang nagbigay n’yan, so it doesn’t count, since simple sample problems lang ang binigay ko sa `yo!” “Perfect pa rin!” nginusuan ko s’ya, “Dapat kiss pa rin!” “Ay, `wag nang makulit, Josh, sige na, baba ka na. Saka, ang usapan natin, pisngi lang ang halik, `di ba?” Tumingin s’ya sa `kin na parang nakikipag-usap sa bata, parang bigla tuloy ako’ng nainis. “Sige, bigyan mo pa ko nang isang mahirap na physics problem, sasagutan ko!” sabi ko sa kan’ya. Tinitigan ako ni Louie, tapos napabuntong hininga s’ya. “Okay, baba muna.” Bumalik ako sa upuan ko, naghanap naman ng question si Louie sa internet at ipinrint ito para sa `kin. Ang hirap nga nito! Pero inisip ko, si Louie ang araw at ako ang planeta na umiikot sa kan’ya, at madali ko’ng nahanap ang aking binding energy, ang gravitational potential energy namin, at ang gravitational pull ni Louie sa akin! ”Finished!” Inabot ko ang papel ko kay Louie na nagulat pa nang mabilis ako natapos. Agad n’ya `to chineck at napabuntong hininga. “Okay, tama...” “Yey!” muli ako’ng tumalon sa kan’ya, sabay yakap para `di na n’ya `ko matulak palayo. “Ngayon, pwede na kita i-kiss!” “Sa pisngi lang!” kinapitan n’ya ko sa magkapilang pisngi. “Bakit pisngi lang? Gusto ko sa lips!” “Bawal sa lips. Sinabi ko naman sa `yo kahapon kung bakit, `di ba?” Tumingin ako sa paligid. “Wala namang ibang tao, eh, walang makakaalam!” “Kahit na, besides, magagalit ang Mama mo `pag nalaman n’ya ang ginagawa natin!” “Okay lang si Mama! Sabi ni Yaya kinilig daw s’ya nang sinabi ko na ikaw ang mate ko!” “M-mate?! Josh, you’re my client!” pilit ni Louie na pinipisil-pisil ang mga pisngi ko. “Louie, `di mo ba `ko naaamoy?” “Anong amoy?” “Ang bango mo, amoy cinnamon ka pa rin kahit wala kang biniling cinnamon ngayon!” sabi ko sa kan’ya. “Ako, ano’ng amoy ko?” Napasimangot ni Louie na hinihimas na ang buhok ko ngayon. “Wala.” “Sigurado ka wala?” Kumunot ang noo n’ya. “May... amoy vanila...” mahina n’yang sinabi. “Talaga? Amoy vanilla ako?” Napalaki ang ngisi ko at bahagyang napabitaw siya sa mukha ko. Muli ko naman s’yang niyakap at inamoy ang mabangong cinnamon sa leeg n’ya. “Ikaw naman amoy napakabango’ng cinnamon! Kita mo! May naaamoy tayo’ng kakaiba sa isa’t-isa! Ibig sabihin fated pairs tayo!” Ikinuskos ko’ng muli ang mukha ko sa leeg n’ya at naramdaman s’yang kiligin. “I-imposible `yan Josh!” pilit pa rin n’ya, “M-may asawa’t anak ako! Mas matanda ako sa `yo! H-hindi p’wedeng maging pair tayo!” “Pero matagal nang wala ang misis mo, `di ba? Fated pair mo ba s’ya? Saka since wala na s’ya, baka pwedeng – “ Tinulak ako ni Louie palayo. Hindi s’ya makatingin sa `kin. “Siya ang fated pair ko,” sabi n’ya. “Wala nang iba kung hindi siya.” Pinababa n’ya `ko sa kandungan n’ya at tumayo na rin. “Josh, you’re just 19. I’m almost 40, I’m halfway through this life. `Wag mo’ng sayangin ang buhay mo sa akin.” “P-pero... ikaw lang ang gusto ko...” Nanikip ang dibdib ko. “Sa `yo lang ako nakaramdan nang ganito... at saka, age doesn’t matter naman, `di ba?” “Alam mo ba na favorite line `yan ng mga pedophiles?” sagot n’ya sa `kin. “Pedo?” napatitig ako sa kan’ya, ”Eh, hindi pa na naman ako matanda, ha?” Napatunganga sa `kin si Louie. “Pero, nineteen na `ko! Alam ko na ang ginagawa ko!” “Are you sure?” tanong niya sa `kin, “Just this Sunday, ang lakas ng ngawa mo dahil `di nakapunta ang Mama mo sa birthday party mo.” Nag-init ang mukha ko. “Mag-aral ka na lang muna nang mabuti, Josh, alamin mo lahat ng pwede mo’ng alamin, maghanap ka na rin ng ibang magiging partner, because I’m sorry, but I can’t be your mate.” Kinapitan n’ya `uli ako sa mukha at hinalikan sa noo. “There, your reward for today,” sabi n’ya. “Now, if there won’t be anything else, I suggest you go home with your Yaya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD