Chapter 20

1470 Words
Matapos ko’ng malaman na fated pair ko si Louie ay naging curious na `ko lalo sa fated pairs. Nag-research ako sa internet tungkol sa fated pairs at nakakita ng iba’t-ibang mga stories at legends tungkol sa mga soul mates na alpha at omega na hinahamak ang lahat, makasama lang ang isa’t-isa! Ang sweet nila! May nabasa ako’ng comics tungkol sa alpha na bad boy na naging good person para sa beloved omega n’ya. Ang daming mga short stories sa net, kaya lang, inantok na `ko nang alas-onse, kaya natulog na ko after mabasa `yung comics. Kinabukasan, ikinuwento ko kay Yaya yung mga nabasa ko. Natawa s’ya at natuwa, kaya lang, nawala ang good mood namin nang sa pagdating namin sa school ay isang katutak na cinnamon pastries ang naghihintay sa akin! “A-ano `to?” tanong ko sa dalawang lalaki na nag-uunahang mag-abot sa `kin ng bitbit nilang mga kahon. “This is for you, Joshua! I would like to formally court you, as a marriage prospect,” sabi ng isa. “No, I was here first, I beg of you to hear my proposal first!” sabi ng isang lalaki, pareho ko naman sila’ng `di kilala. “Anong proposal ang sinasabi n’yo?” tanong ko habang pilit lumalapit sa kotse namin ang iba pa. “Boys, back off, or I will be forced to use force,” Sabi ni Yaya na nakatipa ang mga kamay at humaharang sa kanila. “Joshua, I am from the Leopold family!” sabi ng unang lalaki na pula ang buhok at dilaw ang mga mata, “Please accept my proposal! I swear to be faithful to you for as long as I live!” “Y-you... bastard!” may sumigaw na babae sa likod, at may narinig ko’ng umiyak. “I said back off!” muling nagbabala si Yaya na naglakad na papuntang main building habang akay ako sa tabi niya. “Ano ba sinasabi nila, Yaya?” tanong ko. “Haay... tingin ko, mas mabuti pa, puntahan natin ang principal mo, magrereklamo na ako!” Papasok na kami ng building nang may tumawag sa likod. “Joshua!” Napalingon agad ako nang marinig ko ang pamilyar na malamig na boses na `yun. “Louie!” Nakita ko s’yang lumabas sa maroon na SUV, may kasunod s’yang dalawang babae na kasing lalaki ni Yaya. Nagbulungan ang mga tao sa paligid, lalo na nang magmadali ako’ng pumunta sa tabi ni Louie na tinulungan ng dalawang babae para makalapit sa `kin. “Louie! Good morning!” tinalon ko s’ya at niyakap. Narinig ko ang gulat na singhap ng mga tao sa paligid namin. “Ah...” Tinanggal ni Louie ang kamay ko sa kan'yang leeg at marahan ako’ng tinulak. “I am here to talk to your principal, remember?” Ngumiti s’ya sa `kin. Ang gwapo-gwapo n’ya talaga! “At saka, ikinuha na rin kita ng two additional bodyguards para dito sa school.” Tumingin s’ya kay Yaya, “Kinausap ako ni Mrs. Diaz kagabi, at sinabi n’ya na kailangan mo na nga ng bodyguards, aside from your Yaya, kaya pinahanap n’ya ako ng mga tao’ng mapagkakatiwalaan.” “Okay.” Kumapit ako sa braso ni Louie. “Punta na tayo sa principal’s office?” “Joshua,” lumapit nanaman sa akin si Leopold. ”Who is this old man?” “Old?” sumimangot ako sa kan’ya. “Hindi old si Louie, ha?!” “I am Louie Del Mirasol, Joshua Safiro’s lawyer,” sabi ni Louie na mukhang `di nainsulto sa sinabi ng lalaki. Nagbulungan nanaman ang mga etudyante, narinig ko’ng ulitin nila ang pangalan ni Atty. Del Mirasol. Napalayo sa amin ang iba sa kanila. “May I remind you, that my client values his privacy, and thus, would like you to refrain from forcing unnecessary gifts on him.” Humarap s’ya sa `kin at ngumiti `uli. “Halika, kausapin na natin ang principal ninyo.” Hindi masyadong nag-register sa utak ko ang pinag-usapan nina Louie. Nakatitig kasi ako buong oras na galit na mukha ni Louie! Ang pogi n’ya talaga! Ang gwapo-gwapo, kahit nakasimangot, hindi ko tuloy maalis ang mga mata ko sa kanya! Paglabas namin ng office ni Principal Villa, kinapitan n’ya `ko sa balikat at nginitian. “Ayan, okay na ang lahat, sabihin mo na lang ang mga teachers mo `pag may nangungulit pa rin sa iyo,” sabi niya. ”Also, from now on, kasama mo na sina Mira at Sol tuwing nasa campus kayo. Bubuntot din sila sa sasakyan n’yo sa tuwing lalabas kayo ng Yaya mo para sigurado’ng walang manghaharang sa inyo.” “Okay.” Ngumiti ako sa kan’ya. “So, from now on, tatlo na ang mag-aalaga sa `yo, okay?” “Lima!” ngumiti ako ay yumakap sa tiyan n’ya, “Kasama ka at saka si Beck!” “Ah, oo nga naman.” Hinimas n’ya ang ulo ko. “sige na, pumunta ka na sa klase mo.” “Okay, see you later, Louie!” “See you later.” “Ano? Si Atty. Del Mirasol ang fated pair mo?!” gulat na inulit ni Aveera habang kumakain kami sa canteen. Solo namin ang isang maliit na mesa, nakabantay kasi sina Mira at Sol sa isang tabi at pinalalayo ang lahat nang lumalapit sa amin na `di ko kilala. “Shh! `Wag ka’ng maingay, secret lang natin `to, ha? Ikaw pa lang saka si Yaya ang may-alam!” sabi ko. “Kilala mo rin ba s’ya?” “Sino ba’ng hindi nakakakilala sa kanya, eh, madalas lumabas si Atty. Del Mirasol sa TV, bilang abogado ng mga sikat na artista at politiko.” “Ganoon ba?” Mukhang lalo ako’ng humanga sa abogado ko! “Oo, pero ingat ka d’yan ha?” dagdag n’ya. “Ayon sa kasabihan, lawyers are liars daw.” “H-ha? Ganon ba `yun?” gulat ko’ng tanong. “Well, kasabihan lang naman,” sabi ni Aveera. “Anyways, na-realize na ba ni Louie na fated pairs kayo?” tanong ni Aveera na naki-Louie na rin sa akin. “`Di ko nga alam, eh, pero mukhang `di pa, kasi, `di pa n’ya `ko hinahalikan hanggang ngayon...” “Ha?” tinaasan n’ya ako ng kilay. “Ano naman ang connect?” “Kasi sa mga nabasa ko’ng stories tungkol sa fated pairs, laging hinahalikan ng mga alpha ang omega nila pag nalalaman nila na `yon ang fated pair nila!” Kinikilig ako habang ikinukwento `to sa kanya. “Ay, ang landi, kinikilig! Yiihii!” tumatawang kantyaw n Aveera. ”Malay mo naman, torpe lang s’ya kaya nahihiya’ng humalik sa `yo!” “Oo nga, `no?” Napaisip ako. ”Sa bagay, kahapon nang halikan ko s’ya, sobrang namula ang mukha n’ya!” “Ay, taray! Hinalikan mo na s’ya?!” lumalakas nanaman ang boses ni Aveera. “Oo, `wag ka’ng maingay!” lumapit pa ako sa kan’ya para bumulong. ”Nag-thank you ako sa kan’ya, tapos hinalikan ko s’ya sa pisngi, tingin mo ba magiging mas close na kami noon?” “Ano? Sa pisngi lang? Dapat sa lips!” “Eh... nakakahiya naman kung sa lips...” nag-init ang mukha ko. “Aba, nahiya ka pa! Bakit, hindi ka pa ba nakakakiss? Ever?” Napaisip ako. “Dati nang napaso ang dila ko, hinalikan ako ng Kuya ko...” “`Di counted ang mga kapatid at magulang!” sabat ni Aveera “G-ganoon ba?” Naku, buti na lang! “Gusto mo practice tayo?” tanong n’ya, sabay taas ng kilay sa akin na pang-asar. Muling nag-init ang mukha ko, habang `di matigil ang tawa ni Aveera. “A-ayoko... gusto ko, ang unang real kiss ko, si Louie!” Tinakpan ko ang mukha kong nag-init sa kilig. “Mukha nga!” “Sobra... ganito pala ang ma-in love, `no?” bulong ko. ”Biro mo, kahapon lang, iniisip ko, maging best friends lang kami, ang saya-saya ko na, pero ngayon, sabi ni Yaya, since s’ya ang fated pair ko, pwede ko s’yang pakasalan!” Kinilig nanaman ako. ”Ang saya no’n pag magkasama na kami! Tapos magkakaroon kami ng maraming babies! Ang saya-saya talaga `pag nangyari `yun!” `Yun ang iniisip ko buong araw – ang mapangasawa ko si Louie at magkaroon kami ng malaking pamilya. Gusto ko maraming anak, para masaya! At saka marami ring alagang aso at iba pang mga pets! Titira kami sa isang bahay na maraming halaman at magkasama lagi sa lahat nang bagay, lalo na sa pagkain! Ako ang magluluto para sa kanila, at magtatabaan kaming lahat sa sarap ng luto ko! Pagdating ng uwian, pilit nanaman akong nilapitan ng ilang mga schoolmates ko, pero hinarang silang lahat ni Yaya at nina ate Sol at Mira. Dumiretso na `ko sa office ni Louie para magpatulong sa assignment ko, at s’yempre, para makasilay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD