Chapter 19

2607 Words
“Louie, ano `uli `yung sinabi mo kanina? `Yung kasunod ng sale’s plan?” “Operation,” sagot ni Louie na nakaupo sa silya n’ya. “Matapos mong isulat ang plano mo, isulat mo naman kung paano mo balak i-operate ang business.” “Okay, alam ko na!” kumagat ako sa pinabili n’yang burger sa secretarya nya at muling nagsulat. Pinalipat ako ni Louie sa harap ng desk n’ya kung saan ako nakapuwesto ngayon. Ang dami n’yang pinabago sa `kin! Pinahabaan n’ya ang sentences ko, tapos pinatama pa `yung mga maling spelling. Naka-ilang revisions na ko nang kumalam ang tiyan ko at magpabili s’ya ng burgers. “Ayan! Tapos na!” Umikot ako sa mesa n’ya at iniabot sa kan’ya ang aking papel. “Hmm, patingin muna...” kinuha n’ya ito at binasa iyon nang mabuti. Umupo naman ako sa hawakan ng chair n’ya. Buti na lang magaan ako. “Um... kunin mo na lang yung isang upuan para`di ka mahirapan...” bahagya s’yang lumayo sa `kin. “Okay.” Umikot `uli ako at hinatak ang upuan ko. Habang kinukuha `ko `to, napansin ko na may kinuha s’yang maliit na lalagyan sa loob ng coat n’ya at magsubo ng maliit na blue na capsule. “Ano `yan?” tanong ko sa pag-inom n’ya ng iced tea. “Ah, wala lang... anyway, may mali kang spelling dito...” “Ah, mali nanaman...” yumuko ako para makita `to nang mabuti. Bahagyang napa-atras nanaman si Louie. “Aba! Oo nga! He-he...” binulugan ko ito ng red ballpen para maitama mamaya. “Ang galing mo talaga, Louie! Nakikita mo lahat! Walang nakakatakas sa `yo!” “Masyado ka lang nagmamadali kaya `di mo napapansin `yung ibang errors.” Hinimas n’ya ang buhok ko. “Sa susunod, basahin mo’ng mabuti ang ginagawa mo para `di mo sila ma-miss, okay?” “Okay.” Tumingin ako sa kan’ya. Ang bait-bait nang tingin n’ya sa `kin. Hinimas pa n’ya ang mukha ko at ipinatong ang kamay n’ya sa balikat ko. Ang amo talaga ng mga mata n’ya! Hinimas din n’ya ang balikat ko, tapos parang lumalapit ang mga mata n’ya. Umatras ako ng konti para mas makita ko ang pogi n’yang mukha. Lumapit pa `uli s’ya ng konti. Umatras `uli ako nang konti, eh, nasa may dulo na pala `ko ng upuan, kaya napakapit ako sa mesa n’ya. Pagkapit ko doon, nabunggo ko `yung back-pack ko, nahulog tuloy yung isang bote ko sa loob ng bukas na zipper nito. “Ay! Ang gamot ko!” napatingin ako sa baba, “Buti na lang nakasara pa rin ito!” Pinulot ko `to sa lapag. Pag-angat ko, nakaupo na nang tuwid si Louie at binabasa ang ginawa ko. “Ah... ano... p-para saan naman `yang gamot na `yan?” tanong niya habang chine-check ang papel ko. “Inhibitor ko po ito.” Inilabas ko ang isa pang bote at pinakita sa kan’ya ang dalawa. “Ito naman suppressant ko. Iinom ako ng gamot mamayang 7 pm.” “Huh? Dalawang gamot ang iniinom mo?” tanong ni Louie. “Opo, sabi kasi ni Mama, iba na raw ang sigurado, kaya tatlo ang iniinom ko. “Tatlo?!” parang nagulat si Louie. “Nasaan ang ika-tatlo?” “Nasa bahay po, para lang `yun `pag may estrus ako, para sigurado!” “Josh, ganoon ba kalakas ang estrus mo?” “Hmm?” napaisip ako, ”Siguro po... hindi ko masabi, hindi pa naman kasi ako inaatake, effective kasi talaga mga gamot ko.” “Are you saying, never ka pa nakadama ng estrus?” mukhang nag-aalala s’ya, ”Eh, paano mo nalaman na omega ka?” “Dati kasi nang 12 ako, nilagnat ako bigla, parang ang init-init ng katawan ko, kaya sinama ako ni Mama sa ospital, tapos sabi nga ng doktor, omega raw ako. Mula nu’n niresetahan na `ko ni Doc, tapos `di na ko nilagnat `uli!” “At umiinom ka ng inhibitor at suppressants?” “Opo.” Nginitian ko s’ya. “Mahal na mahal kasi ako ni Mama, kaya ayaw n’yang magkasakit `uli ako!” Kinuha ni Louie ang mga bote at binasa ito. “Ang tataas naman ng mga dosage nito! Pang adult ang mga gamot na `to, ha? Ilang taon mo na `to iniinom?” “Mula nang 12 ako,” sagot ko. “Nakakaantok nga `yung mga gamot ko noong una, eh, para ako’ng laging lutang, dati pa nga madalas nakatitig lang ako sa kawalan! Sabi pa ng mga kaibigan ko, bangag daw ako palagi!” Natawa ako. “Buti nga, nasanay din ako matapos ang ilang taon, lalo na nung taon na nagpakasal `uli si Mama... siguro kasi parehong alpha sina Kuya Win at War kaya parang nag-mature na rin ako, pati amoy nila naaamoy ko na rin!” “Naaamoy mo pheromones nila?” tanong ni Louie. “Eh... ako? Naaamoy mo ba ako?” ”Opo!” Lumapit ako at kumandong sa binti n’ya. Napapitlag si Louie na nanlaki ang mga mata. “Ang bango-bango mo nga, eh!” sabi ko sa kan’ya. “`Di tulad nina Kuya na ang tapang ng amoy, at saka nung kaklase ko’ng alpha, `di ko gusto amoy nila, parang ang sakit sa ilong, pero `yung sa`yo, tama lang, lalo na `yung pabango mo na amoy cinnamon...” “Cinnamon?” “Opo, ano po ba’ng gamit mo?” “Hmm... baka naaamoy mo lang `yung cinnamon kanina.” Dahan-dahan n’ya `ko’ng tinulak patayo. “Anyway, since umiinom ka ng inhibitor, dapat `di mo maaamoy ang mga alpha sa paligid mo...” Binuksan n’ya ang isang bote at tinitigan ang mga dilaw na tabletas sa loob nito. “Ganon ba `yun?” Napakamot ako ng ulo. “Oo, hindi ba `yun pinaliwanag sa `yo ng doctor mo or ng mommy mo?” “Si Mama ang kumakausap kay Doc , eh, saka pag nag-uusap sila, inaantok ako palagi, kaya `di ko na lang iniintindi...” Inamoy ni Louie ang bukas na bote at kumunot ang noo. “Parang matamis ang amoy... may bumukas ata’ng capsule sa loob...” Tinaktak n’ya ang bote. Lumabas ang walong piraso na laman nito. Kailangan ko na talaga magpabili kay Mama ng bagong stocks ng gamot, at paubos na ang one year supply ko. Isa sa mga capsules ay nakabukas, may mga butil tuloy ng gamot na kumalat sa mesa nya. Puti ito, parang asukal. Tinitigan ito ni Louie at dinutdot ng daliri, tapos sinubo ito. “Matamis ba talaga `to?” tanong n’ya na kinapitan `uli ang puting powder. Kinapitan ko ang kamay n’ya at tinikman ang kan'yang daliri. “Oo nga `no?” Napakunot ang noo ko. “Dati naman nang malusaw `yung capsule sa bibig ko, hindi naman matamis! Kaya nga nagmamadali ako’ng uminom ng tubig tuwing umiinom ako n’yan, eh, sobrang pait kasi!” Tinignan ko ang bote at hinanap ang best before date nito. ”Hindi pa nanaman s’ya expired!” Napatingin ako kay Louie dahil nananahimik ito. Namumula ang mukha n’ya at nanlalaki ang mga mata na nakatitig sa `kin. “May problema ba, Louie?” tanong ko sa kan’ya. “W-wala...” muli n’yang kinuha ang bote sa coat pocket n’ya at uminom `uli ng blue pill. “P-pahingi lang ako ng isang piraso, ha, may kakilala ako’ng doktor, maitanong kung may mairereseta s’ya sa `yo na ibang gamot.” “Ha? Reseta? May doctor na ako!” “Oo, pero tingin ko, mas mainam, humingi tayo ng second opinion. Pag matapang ang gender pills, naaapektuhan nito ang daily life at learning ability ng bata, nagiging droggy sila at nahihirapan mag-concentrate, bumabagal din ang reflexes nila kaya marami sa kanila ang nagiging lampa, at nas-stunt din ang growth, meaning, hindi mo ma r-reach ang full potential growth ng iyong katawan.” Kumuha rin s’ya ng capsule mula sa kabilang bote. “Malapit na ba ang heat mo?” tanong niya. Napakagat ako sa labi ko. Sabi ni Mama, `wag na `wag daw ipapaalam sa iba kung kailan ang heat ko! Lalo na sa mga alpha! Ilang beses n’yang pinaalala sa `kin `to matapos mangyari yung kay kuya War. Umiling na lang ako kay Louie. “`Wag ka’ng mag-alala, hindi mo kailangan sabihin kung kailan.” Ngumiti s’ya sa `kin at naglabas ng cellphone para makunan ng litrato ang mga bote ko. “Tama `yan, `wag mo’ng ipapaalam sa iba kung kailan ang heat mo,” sabi n’ya na hinimas `uli ang ulo ko, “Basta, mag-iingat ka lagi, ha?” tumango ako. Inabot n’ya sa `kin ang dalawang bote matapos kunan ito at tinapos na basahin ang business plan ko. “O, ayos na rin ito, isulat mo na lang nang maayos pag-uwi mo sa bahay.” Napatingin s’ya sa pinto, “Bakit nga ba ang tagal bumalik ng Yaya mo?” “Oo nga, ano?” napatingin ako sa relo ko, pasado alas-siete na! Lumabas kami ng office ni Louie para hanapin si Yaya, nang makita namin s’yang nakaupo sa harap ng mesa ng secretarya ni Louie at nakikipag kwentuhan. ‘Woof!’ bati sa `kin ni Beck na mukhang nagrereklamo dahil sa tagal ko’ng lumabas. “Yaya! Andito na pala kayo, `di ka nagsasabi!” angal ko rito. “Ayoko kasing makaistorbo sa pag-aaral n’yo.” Ngumisi sa amin si Yaya, ”Natapos mo na ba ang assignment mo?” “Opo, Yaya! Ang galing-galing ni Louie! Ang tyaga pa n’yang i-check ng ilang ulit ang work ko!” ”Ganoon ba? Salamat po, Atty. Del Mirasol, ako pa naman, eh, walang t’yagang magturo.” ”Okay lang po, since nasabi ko rin naman na tuturuan ko si Josh para makahabol siya sa klase niya.” ”Talaga, po?! Ikaw mismo magtuturo sa `kin?!” nagningning ang mukha ko, ”So, kapag kailangan ko ng tulong, okay lang po ba pumunta rito?!” ”O-oo naman, pipilitin ko rin matapos ng maaga ang ibang meetings ko, para pagdating ng 4 pm ay nakabalik na `ko rito.” ”Yey!” sa sobrang saya ko, ay tinalon ko si Louie at sumabit sa leeg n’ya! ”Sinabi mo `yan ha?! Pupunta ako dito araw-araw para magpaturo sa `yo!” ”H-ha?!” ”Tamang-tama! Minsan nga, `di ko maintindihan `yung tinuturo sa `kin ng teacher ko sa remedial class!” ”Teka...” ”At least ikaw magaling mag-explain, hindi ka pa nakasimangot lagi! Sa `yo ko na lang itatanong `yung ibang mga `di ko maintindihan, ha?!” tumingala ako at ngumiti sa kan’ya. Nanlalaki ang mga mata ni Louie, pero napapikit na lang s’ya at nagbuntong hininga. ”Okay,” kumapit s’ya sa likod ko at ngumiti, “you’re my responsibility after all.” Ang ganda-ganda ng ngiti n’ya, kaya napatanga na lang ako sa kan’ya. Nagtitigan lang kami nang ganon ng ilang segundo hanggang sa tumikhim si Yaya. “Ah... sige na, at baka hinihintay ka nang umuwi ng Mama mo!” Ibinaba n’ya ako sa lapag. Ayoko pa sanang humiwalay sa kan’ya, pero naghihintay na rin sina Yaya. “Okay, bukas `uli ha?” Hinatak ko ang kuwelyo n’ya pababa at hinalikan s’ya sa pisngi. “Bye-bye!” Binasa ko ang business plan ko kay Yaya pag-uwi namin. Pati s’ya natuwa sa gawa ko! Magaling kasi talaga’ng magturo si Louie! Niyakap ko si Beck habang inaalala `yung itsura n’ya nang halikan ko s’ya kanina. Ang pula ng mukha n’ya! Kaya lang, pinagalitan n’ya ko, `wag daw ako’ng mangyayakap at manghahalik basta-basta ng ibang tao. Kaya mula ngayon, si Louie na lang ang hahalikan ko, saka si Mama at saka si Yaya at saka si Beck! Wala nang iba! Pinanggigilan ko si Beck na dinilaan ako sa mukha nang halikan ko s’ya. “Mukhang ang saya-saya mo, ha?” tanong ni Yaya na nangingiti sa akin. “Opo, Yaya! Nakakatuwa kasi talaga si Louie, `pag kasama ko s’ya, parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko lagi! Ang sarap pa n’yang yakapin! Ang bango-bango n’ya at saka kasyang-kasya ako sa dibdib n’ya!” Sinamid si Yaya. “Okay ka lang, Yaya?” “Okay lang... so... niyakap ka ni Atorni?” “Hindi nga po, eh... ako lang lagi yumayakap sa kan’ya... tingin mo ba, Yaya, ayaw n’ya sa `kin?” Na-depressed ako sa sarili ko’ng tanong. “May nakita ako’ng picture sa mesa n’ya, kasama n’ya `yung asawa n’yang omega, ang ganda-ganda n’ya, mukhang ang hinhin-hinhin! Ang laki pa ng mga mata na golden brown... Siguro `di n’ya type `yung mga tisoy na tulad ko, ano?” “Malay mo naman... `di ba sabi mo, matagal nang wala ang misis n’ya?” “Opo... pero, tuwing niyayakap ko s’ya tinutulak n’ya `ko palayo...” “Ganon talaga, hijo, malaki kasi ang agwat sa `yo ni Atorni, kaya umiiwas s’ya sa `yo, lalo na’t baka magalit ang Mama mo.” “Bakit naman magagalit si Mama?” Tinignan ko nang diretso si Yaya. ”Ayaw ba ni Mama maging kaibigan ko si Louie?” Natawa si Yaya. “Naku, kung alam mo lang, pati Mama mo, kilig na kilig kay Atty. Del Mirasol! Lalo na nang i-kwento ko sa kan’ya na nababanguhan ka kay Atorni!” Parang may kumirot sa dibdib ko nang sabihin n’ya `yun. “Gusto rin n’ya si Louie?” “Gustong-gusto!” pagtatama ni Yaya. “Hindi pwede!” Napataas ang boses ko. “Sa akin lang si Louie! Kay Dad na si Mama! Wala na nga s’yang panahon sa `kin, eh! Tapos pati si Louie balak pa n’yang kunin sa kin?! Para sa `kin lang si Louie! Sa `kin lang! Sa `kin!” `Di ko malaman kung ba’t ako biglang nainis. Nagulat na lang ako nang dilaan ni Beck ang mukha ko. `Di ko napansin na naluha na pala ako sa galit. Pero `di ko malaman kung bakit? Itinigil ni Yaya ang sasakyan sa tabi ng kalsada at liningon ako sa likod. “Joshua, `wag ka’ng mag-alala, walang aagaw kay Atty. Louie sa `yo.” Inabot n’ya ang tuhod ko at hinimas ito. ”Ang ibig ko’ng sabihin, pati si Mama mo, boto kay Atorni, gusto rin n’ya na magkatuluyan kayong dalawa.” “T-talaga?” humikbi ako ng ilang ulit. “Oo, hijo, sayo’ng-sayo na si Louie,” sabi ni Yaya, “Walang ibang makakaagaw sa kan’ya, dahil para lang kayo sa isa’t-isa.” Ngumiti s’ya sa `kin. ”Kaya `wag ka’ng mag-alala, sa `yo lang ang Louie mo.” “Sa tingin mo, Yaya... p-pwede kaya kaming maging pair ni Louie?” tanong ko sa kan’ya. “Naaalala mo pa ba ang mga kwento ko sa `yo dati tungkol sa mga fated pairs?” Tumango ako. “Naaalala mo pa ba kung ano ang mga clues para mahanap mo s’ya?” “Y-yung, napaka bango’ng amoy... tapos titigil ang mundo, saka... `yung tatamaan ka ng kidlat...” Bigla ako’ng natigilan. “`Di ba’t sabi mo nang una kayo’ng nagkita ni Atorni, para kang kinuryente nang magkadikit ang kamay n’yo?” Tumango `uli ako at napakapit sa `king bibig. “At anong naaamoy mo tuwing malapit s’ya?” “Cinnamon rolls...” sagot ko. ”Ang pinakamasarap na cinnamon rolls!” Itinakip ko sa mukha ko ang dalawa ko’ng kamay. “Kung ganon, Yaya... ibig sabihin...” “Oo...” “Cinnamon ang pinaka mabango’ng amoy sa buong mundo!” patuloy ko. “Sabi ko na nga ba, eh! Ayaw pa’ng maniwala ni Kuya War sa `kin dati!” “Josh.” Tinitigan ako ni Yaya. “Opo, Yaya...” Nag-init ang mukha ko at `di ko mapigil ngumiti. “Ibig sabihin, si Louie ang fated pair ko!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD