Chapter 16

1287 Words
Ang galing talaga ni Atty. Louie! Napapayag n’ya sina Principal Villa na isama ako sa grade 12 kahit pa mababa ang score ko sa exam! Matapos doon ay sinama ako ni Mrs. Villa sa class namin kung saan pinakilala n’ya ako sa mga magiging kaklase ko for the rest of the school year. “Good afternoon, class, I would like to introduce to you a new classmate, this is Mr. Joshua Safiro who will be joining us for the rest of the school year.” Nagbulungan ang mga kaklase ko. Co-ed ang school, kaya for the first time, may mga kaklase ako’ng babae at malamang, pati na mga beta at alpha! “Mr. Safiro, would you like to introduce yourself?” “Yes, Ma’am!” Humarap ako sa mga kaklase ko at ngumiti. “Hello, nice to meet you all, I am Joshua Bernard Leonides Safiro, but you can call me Josh, I’m from St. Davies’ Academy, and I am now I9 years old, and taking up the Arts and Design strand.” “St. Davies’? That makes you an omega then,” sabi ng blond na lalaki na nakaupo sa may gitna ng classroom. “Yes, I’m an omega,” masaya ko’ng sagot, “This is my first time in a co-ed school. I’m really excited to be friends with you all.” “I’d rather be more than just friends,” may nagsabi, at nagtawanan ang ilan sa mga kaklase ko. Nakitawa ako sa kanila. Mukhang marami nga ako’ng magiging best friends dito! “Class, settle down,” sabi ni Mrs. Villa, “Mr. Safiro, I have already requested for an extra seat for you.” Tinuro n’ya ang bakanteng upuan malapit sa dulo. “Take your seat so we can start our class.” “Hello,” Nginitian ko ang lalaking magiging seatmate ko for 4 months, “Anong pangalan mo?” Hindi ako nito pinansin. Tinignan ko ang katabi ko’ng babae sa kaliwa. “Hi.” Ngumiti s’ya ng bahagya sa `kin. “Take out your Philosophy textbooks and open it to page 186. Mr. Safiro, your textbooks are inside your desk.” Itinaas ko ang tuktok ng desk at nakita’ng puno ito ng mga bagong libro at notebooks, may case din dito na may laman na mga ballpen at iba pang gamit. “Wow, kumpleto na pala `to!” Ngumiti `uli ako sa katabi ko’ng babae na hindi na ako pinansin. “Mr. Safiro, please read and explain the first paragraph.” Binuksan ko ang Philosophy book ko at binasa ito. “There is nothing I detect so much as the controlled of these great time-and-lip servings, these affordable dependers of meaningless embracers, these obliging uttering of empty words, who view every one civilians.” Natawa ang clase namin. Ngumiti ako sa teacher. “Ms. Levistre, please read it again.” Tumayo ang babae sa harap ko. “There is nothing I ‘detest’ so much as the ‘contortions’ of these great time-and-lip ‘servers’, these ‘affable’ ‘dispensers’ of meaningless ‘embraces’, these obliging ‘utterers’ of empty words, who view every one in ‘civilities’” “Thank you Ms. Levistre, you may sit down. Mr. Safiro, remain standing.” May tumawa `uli. Hinintay ko’ng pagbasahin `uli ako ni Mrs. Villa, pero may tinawag na s’ya’ng iba. Pinakinggan ko na lang `yung mga binabasa ng mga kaklase ko hanggang sa matapos namin `yung buong chapter. “Okay class, study the next chapter and prepare for a quiz tomorrow.” Lumabas na si Ma’am ng classroom. “Hey, `don’t you plan to sit down?” tanong ng katabi ko’ng babae. “Ah, oo nga pala,” umupo ako at ngumiti sa kan’ya, “ano nga pala pangalan mo?” “Aveera Pinol,” sabi n’ya habang nag-aayos ng gamit. “Lunch break na.” Tumayo siya at ako’y napatulala. “Wow! Ang tangkad mo!” “Oo, at hindi ako modelo, hindi rin ako nag-ba-basketball,” pinangunahan n’ya `ko. “Buti ka pa, ako `di nabinyayahan ng tangkad! Tamang-tama, pag namunga yung avocado namin sa bahay, punta ka ha? `Di kasi namin maabot `yung tuktok, kahit may panungkit kami ni Yaya!” napatitig sa `kin si Aveera na biglang natawa. “Talaga lang ha? Pagsusungkitin mo ako? “Ah! M-magpapatulong lang naman!” agad ko’ng sinabi. “Bibigyan kita ng kalahati ng bunga! Promise!” lalong natawa si Aveera. “Ano nga ba ang height mo?” tanong ko. Tumayo ako sa tabi n’ya. Sa height ko’ng 5 feet, Hanggang sikmura n’ya lang ako! “Six feet, five inches,” sagot niya, “Ano, `di ka ba gutom?” “Ah, sige, sabay na tayong bumaba, Aveera.” Tinignan n’ya ko at napahinga ng malalim, pero bago pa s’ya makapagsalita `uli, eh, lumapit sa `kin ang iba naming mga kaklase. “So, Josh, what made you transfer this late in the school year?” tanong nila. “Are you really a Safiro? How are you related to the school’s founder?” tanong ng iba. “Do you have a fiancè yet?” tanong naman ng mga lalaki. “My parents introduced me to omegas from your school before, do you have a partner yet?” “Ah... I don’t have a partner, I’m too young for that...” sagot ko. “What? Some omegas are being paired as soon as they reach puberty, aren’t you 19 already?” “Hey, how about becoming my pair?” Napaatras ang ibang mga kaklase namin nang lumapit `yung lalaking blond na nagsalita kanina. Natahimik sila nang kumapit sa mesa ko `yung lalaki. “I’m Juan Carlos Monterevallo III. Wanna be mates?” Ngumiti s’ya ng tagilid. Matangkad s’ya at tisoy, kulay blue rin ang mga mata at blond ang buhok na naka-brush up. Pero mas guwapo si Louie sa kan’ya, at saka parang masama ang tingin n’ya sa `kin, `di tulad ni Louie na laging nakangiti at maamo ang mukha. Isa pa, hindi ko gusto amoy n’ya. Kanina pa nga ako may napapansin na amoy sa buong kuwarto. Parang matapang na amoy `to na nakakahatsing, sobrang bango na nakakasakit na sa ilong. “No thanks,” sagot ko, “may gusto na ako’ng iba.” Wow, nakakahiya pala’ng aminin `yun! Nag-init ang mukha ko pagkasabi nito, `di ko tuloy mapigil ngumisi habang naaalala ang bango ni Louie. “Halika, baba na tayo sa canteen?” sabi ko sa mga kaklase ko na natahimik lahat. “Ha. As if an omega has a right to choose!” sabi ni Carlos na nawala ang ngiti. “Well, if you refuse to be my mate, I guess you don’t need to associate with the rest of the class.” Tumingin s’ya sa mga kaklase namin. “Isn’t that right?” tahimik pa rin ang buong klase at isa-isang naglabasan ng classroom. “Have fun in class,” tinignan n’ya ko mula ulo hanggang paa, “Joshua.” “Eh? Bakit parang nagalit s’ya?” Napatingin ako sa classroom. Wala nang ibang natira sa loob nito. Nanikip ang dibdib ko. Ganito rin ang nangyari nang last day ko sa school namin, nang nagalit sa `kin sina Finn! Pero bakit first day pa lang, galit na sila sa `kin? May ginawa ba ako’ng masama?! Pumikit ako nang ilang beses para `di tumulo ang mga luha ko. Huminga rin ako nang malalim nang ilang beses at dahan-dahang umupo `uli sa silya. Balak ko sanang manatili na lang sa pinagkakaupuan ko nang may tumawag sa `kin. “Hey, Josh.” Napatingin ako sa pintuan sa likod at nakitang nakatayo roon si Aveera. ”Are you coming to the canteen or what?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD