“Mukhang close agad kayo ni Atty. Del Mirasol, ha?” tanong sa `kin ni Yaya nang pauwi na kami.
“Si Louie po?” napangisi ako sa tuwa. ”Ang gwapo n’ya, `no? Ang bait-bait pa!? Alam mo ba, alpha pala s’ya?”
”Mm, alpha pala s’ya...”
”Opo, Yaya, at saka ang bango-bango n’ya! Amoy cinnamon rolls! Ang sarap-sarap n’yang amuyin! Pati nga si Beck, love na rin s’ya, eh! `Di ba, bhebhe Beck?”
“`Wag mo’ng sabihing inamoy mo s’ya?” tanong ni Yaya na bahagyang natawa.
“Opo! Napaka bango n’ya talaga! Gusto ko nga s’yang kainin, eh! Pero mas gusto ko s’yang i-hug nang mahigpit na mahigpit hanggang sa matabunan ako ng amoy n’ya!”
Natahimik si Yaya.
“Alam mo po ba, may tatlong anak na raw s’ya, `yung dalawa mas matanda pa sa `kin, pero matagal nang patay `yung asawa n’yang omega, at 14 years na s’yang walang kasama! Kawawa naman s’ya `di ba?”
“Mm,” sagot ni Yaya na busy sa pagmamaneho.
“Ang tagal nun, `di po ba? 14 years? Feeling ko, `di s’ya maka-get-over sa asawa n’ya, pano kaya kung ligawan ko s’ya, tingin mo po ba, Yaya, sasagutin n’ya ko?”
Natahimik `uli si Yaya.
“`Di ba s’ya masyadong matanda para sa `yo?”
“`Di naman, Yaya, 10 years lang!”
“Twenty.”
“Ha?”
Nagbilang ako sa daliri ko.
“Aba, oo nga po, ano... pero, age doesn’t matter naman, `di ba, Yaya?”
“Hay, hijo, it matters `pag malaki masyado ang agwat ninyo.”
“Sino naman po nagsabi?” nginusuan ko si Yaya.
“Isa na ang Mama mo. Sigurado magrereklamo `yun.”
“Hmph! Ni `di nga s’ya nagpakita sa birthday ko kanina, eh,” nagmumukmok ko’ng sinabi.
“Eh, si Atty. Del Mirasol, sa tingin mo ba papayag s’yang magpaligaw sa bata’ng tulad mo?”
Natigilan ako doon.
“Eh... hindi naman po s’ya nagreklamo kanina nang niyakap ko s’ya, eh...”
“Ahh... talaga?”
“Saka, alam mo po ba, Yaya, nang una kaming nagkita, `di ko na maalis ang mga mata ko sa kan’ya? Para bang... na love at first sight ako! Tapos, nang nagkamayan kami, para akong nakuryente! Tapos nagtitigan kami, parang ayaw na namin tumingin sa iba! Tapos ang lamig pa ng boses n’ya at ang bango-bango n’ya, at ang init pa ng mga kapit n’ya sa `kin! Tapos kanina’ng magkayakap kami, bumilis `yung t***k ng puso ko, tapos hiningal ako, tapos parang gusto ko s’yang talunin! Bad trip nga `to’ng si Beck, eh, biglang tumakbo! `Di ko tuloy nahalikan si Louie!”
“Hmm... nakuryente ka?”
“Yaya naman, `yun lang po ba ang naalala mo sa kwento ko?” Sumimangot ako sa kan’ya.
“At sabi mo mabango s’ya?”
“Opo, Yaya! Amoy cinnamon ang pabango n’ya! Lagi tuloy ako’ng ginugutom pag malapit s’ya sa `kin! Parang ang yummy-yummy n’ya!”
Ayan nanaman si Yaya, nanahimik nanaman.
“Yaya, ano po’ng say mo?” tanong ko sa kan’ya nang `di na s’ya nagsalita. “Bagay po kami `di ba?”
“Mukha nga,” sagot ni Yaya. “Kailangan malaman `to ng Mama mo.”
Hindi ko alam kung anong napag-usapan nina Yaya at Mama, pag-uwi kasi pinagpahinga na agad ako at pinatulog ni Yaya after kong uminom ang mga gamot ko. Nang Sabado at Linggo naman, eh, busy na si Mama at `di ko nanaman naabutan.
Pagdating ng Lunes, maaga ako’ng ginising ni Yaya dahil medyo malayo ang bago kong school.
Pinagbihis n’ya `ko sa bago ko’ng uniporme.
Ang cute nito! Checkered na navy blue ang pantalon, tapos may coat at gray vest pa, with matching checkered necktie! Buti nga at malakas ang aircon sa kotse namin, kaya `di ako pinawisan.
Nasa Taft ang campus ng Erminguard International School, `di kalayuan sa law firm nina Atorni. Pagdating namin sa campus, iniwan namin si Beck sa kotse nang bukas ang bintana, at nagpunta na sa lobby kung saan naghihintay sa amin ang Louie ko!
Ay, ano ba `yan, ba’t ko ba nasabing Louie ‘ko’?
A-ha-ha, hindi ko pa nga pala s’ya pag-aari...
“Good morning! Mukhang excited ka na sa bago mo’ng school, ha?” bati n’ya sa `kin. Actually, mas excited ako’ng makita s’ya!
Pinigilan ko talaga ang sarili ko na talunin si attorney!
“G-good morning Louie!” Nag-init ang mukha ko, dalawang araw lang kami `di nagkita, parang miss na miss ko na agad s’ya.
“Halika at ipapakilala kita sa school principal at sa magiging class adviser mo.”
Bahagya n’yang tinaas ang kamay n’ya patungo sa school building. Inabot ko naman `to at kinapitan ng dalawang kamay.
“Bye Yaya! Ikaw na po muna bahala kay Beck!”
Pagkasabi no’n ay kumapit ako sa braso ni Louie at sininghot siya.
“Amoy cinnamon ka nanaman!” sabi ko. “Mm! Dinalhan mo ko ng cinnamon, ano?” masaya ko’ng tanong.
“As a matter of fact, I did.” May inabot s’ya sa akin na maliit na kahon na may laman na tatlong cinnamon rolls!
“Wow! Thank you Louie!” Sa tuwa ko, `di ko na napigil na yakapin s’ya!
“Ah... o-okay... bahagya n’ya `ko’ng tinulak palayo at naglakad papasok ng building. “Halika, dito ang principal’s office, si Ms. Villa ang principal dito, s’ya ang bunsong kapatid ni Mrs. Safiro na yumaong asawa ng father mo.” Kinain ko ang isang cinnamon roll habang nagkukuwento s’ya. “Now, I know that you might feel awkward around her, since isa s’ya sa naghahabol sa properties ng late father mo, but you can rest assured that she is also a very competent person who is well known for her integrity. She would never mix personal matters with her responsibilities as the head of this school.” Tumingin s’ya sa `kin at naglabas ng panyo. “But if ever may gawin s’ya sa `yo na sa tingin mo ay hindi tama, `wag ka’ng mahihiya’ng magsabi sa akin, okay?”
Pinunasan n’ya ang pisngi ko.
Ang bango ng panyo n’ya! Amoy cinnamon din, tulad n’ya!
“Okay!” sagot ko habang hinihimod ang mga daliri ko’ng malagkit.
Napatitig sa `kin si Louie na parang nawala sa sinasabi n’ya. Inabot n’ya `umi sa `kin ang panyo nya, tumingin pababa, at bahagyang umiling.
”S-so... here we are...” Kumatok s’ya sa pinto na binuksan ng isang payat na babae.
Matangkad s’ya, na lalo pa pinatangkad ng nakapusod n’yang buhok. Napatingin s’ya nang pababa sa akin.
“Good morning, Mrs. Villa, nand’yan po ba si Ms. Villa?” bati rito ni Louie.
“Good morning Atty. Del Mirasol. We’ve been expecting you.”
Pinapasok niya kami sa loob. May mesa doon sa dulo, at may nakaupong matabang babae sa likod nito, nasa 60’s na siguro s’ya at mukhang intimidating.
“Good morning Atty. Del Mirasol, and this must be young master Safiro.” Ngumiti s’ya sa `kin na para bang goma ang maninipis n’yang labi na hinatak sa magkabilang dulo.
“Good morning po!” Ngumiti rin ako pagbati sa kan’ya, mukhang mabait naman pala sila. “Kayo po ba ang mga tita ko?”
Bahagyang nawala ang ngiti n’ya, narinig ko pa’ng masamid si Mrs. Villa sa likod ko. Palingon na sana ako sa kan’ya nang magsalita `uli si Ms. Villa.
“Actually, we are not related in any way,” sabi nito, “but you can call me tita outside campus, if you wish, although in this school, you shall refer to me as Principal Villa, and this will be your homeroom teacher, Mrs. Villa.”
“Hello po Ma’am Villa,” ulit ko. Mukhang mababait nga sila!
“I see you came from St. Davies’ School for Young Omegas,” binasa ito ni Principal Villa mula sa isang folder sa kan'yang mesa. “A good school for omegas, unfortunately, St. Davies’ is notorious for its ‘backward education’. Masyado’ng makaluma ang mga turo nila, kaya ang mga estudyante nila ay ’backwards’ din mag-isip.”
“On the contrary, Principal Villa, students from St. Davies’ are well known for their purity and grace. Maraming tanyag na mga pamilya ang pumipili ng mga graduates nila bilang partners ng kanilang mga anak na alpha,” sabi ni Louie.
“Exactly,” sagot ni Principal Villa. “They are being brought up as obedient wives for rich alphas. Here in Erminguard International School, on the other hand, we teach our students how to be outstanding members of society who can stand up for themselves. May they be female, alphas, betas or omegas, they are all treated equally here,” napatingin s’ya sa `kin. “Too bad, I could only train you for four months.”
“I’m sure that’s enough for Joshua to learn all he can from your school.” Ngumiti sa `kin si Louie.
“Yes!” agad ko’ng sagot, kahit pa nawala na `ko sa usapan nila.
“I sure hope so,” sagot ni Principal Villa. “I understand you were held back before and repeated a grade?”
“O-opo,” sagot ko, “Nag-repeat po ako ng grade 7 nang lumipat ako sa St. Davids, sabi po kasi ni teacher, I need to undergo the full program to instill into me the St. Davies’ way of life.”
“Hmph. Ganoon sila ka seryoso sa pag-hubog ng kanilang mga omegas?” napasimangot ni Principal Villa. “Well, for now, you will be given a diagnostic exam to determine your strengths and weaknesses,” patuloy n’ya.
“M-mag-e-exam po ako?” napaharap ako kay Louie. “Naku, `di pa naman ako nakapag-aral!
“`Wag ka’ng mag-alala, hijo, simple’ng test lang ito, general knowledge,” sabi ni Mrs. Villa sa tabi ko.
Lagot, wala kaming subject na General Knowledge!
Tungkol saan kaya `yun?
“Sumunod ka na sa `kin para makapag-exam ka na,” sabi ni Mrs. Villa.
“O-okay po.” Tumingin akong muli kay Louie na ngumiti sa akin.
“Good luck, kayang-kaya mo `yan.”
“Um!” Tumango ako sa kan’ya at nabuhayan ng loob.
Sinundan ko si Mrs. Villa papunta sa isang classroom kung saan inabutan n’ya `ko ng tatlong pirasong papel.
Ayos! Multiple choice!
Madali lang pala ang General Knowledge, pinagsama-sama lang ang iba’t-ibang subjects na English, Science at History! Medyo nahirapan nga lang ako sa Math, buti na lang naaalala ko pa `yung mga turo ni Kuya Win sa `kin.
Isinulat ko ang table ng seven, eight at nine sa gilid ng test paper ko at siniguradong tama ang mga sagot ko.
“Finished!” Pagmamalaki ko’ng itinaas ang aking papel bago pa matapos ang isang oras.
“Okay, hand me your paper. You can step out to take a break. Be back at the Principal’s office at 10 am sharp,” sabi ni Mrs. Villa.
“Thank you, Ma’am!”
Bitbit ang aking backpack, lumabas ako ng examination room at tumingin-tingin sa paligid. Nakita ko si Louie na nakaupo sa bench at masayang lumapit sa kan’ya.
“Tapos na `ko!” Umupo ako sa tabi n’ya at sumandal sa kan’yang balikat. ”Ang dali lang pala ng General knowledge! Akala ko mahirap, multiple choice lang pala `yun!”
“Good,” ngumiti sa `kin si Louie. ”halika, mag merienda na muna tayo sa canteen.”
Bumalik kami sa principal’s office ng 10 am sharp para sa result ng exam ko.
“Mr. Joshua Safiro,” `di ko mapigil ang ngiti nang tumayo si Principal Villa. “Your score for your diagnostic exam is 38.”
“Out of 50?” nakangisi ko’ng tanong.
“No. The total score is 100,” sagot niya.
“E-eh?”
Nawala ang ngisi ko.
“P-pero... sigurado po ako sa mga sagot ko!”
“You answered, ‘The current president of the United States’ is ‘A’, Pres. Velasguez.”
“Hindi po ba?”
“The answer is ‘D’, Pres. Velasquez.”
“H-ha? Hindi ko po napansin yung spelling!”
“This exam not only tests your IQ, but your EQ as well. It seems hindi mo binabasa nang maayos ang mga sagot mo, at basta pinipili na lang ang una mong nakikita, kahit pa may mas tamang sagot sa ibang choices.”
“Ah... oo nga po...” napakamot ako ng ulo.
“So far, ang pinaka mataas mo’ng section, ay sa Mathematics, pero, bakit nakalista ang tables mo sa gilid ng test paper?” kumunot ang noo ni Principal Villa.
“Para sigurado po’ng tama ang bilang ko!” masaya ko’ng sagot.
“Kaya lang, mali ang sinulat mo’ng table of 7.”
Itinuro nya’ ang isinulat ko, mula 32, naging 37 ito, and so on.
“Ay! Nakakahiya naman!” napatakip ako ng bibig.
“According to this result, I can’t put you together with our 12 graders, I suggest you repeat 10th grade and go from there.”
“E-eh?”
Napatanga ako sa sinabi n’ya! Mukhang matatagalan pa ko mag-aral!
“Kailangan ko po talagang ulitin ang senior high?”
“I’m afraid so. I also recommend that you stay behind to have some supplemental lessons from 3 to 4 in the afternoon, so as to catch up with the rest of the class,” patuloy niya, “Our lessons are much more advanced compared to other schools, at kahit sa 10th grade, baka hindi mo makayang humabol.”
“G-ganon po?” napakamot `uli ako ng ulo, “Kung ganon...”
“May I see his exam, Principal Villa?”
Napatingin si Principal Villa kay Louie at saka inabot ang exam ko sa kan’ya.
“Hmm... it seems to me he answered the majority of the questions correctly, mali nga lang ang spelling ng mga napili n’yang sagot. Also, almost all of his math questions were answered perfectly. If you ask me, mukhang ang problema lang ni Josh, ay ang `di pagbasa ng maayos sa mga choices niya.”
“Be that as it may, he still won’t be able to catch up with the rest of his class, kung ganyan ang study habits niya.”
“Then, aminado ka na study habits lang niya ang may problema?” Ngumiti si Louie kay Principal Villa. “If that’s the case, kailangan lang ni Josh i-improve ang kan'yang study habits.”
“T-tama po, Principal Villa, `wag n’yo lang po ako ibalik sa grade 10!” pagsusumamo ko sa kan’ya.
“Paano kung hindi mo kayanin ang classes mo?” Tinaasan niya ako ng kilay.
“Ganito na lang po,” sabi `uli ni Louie. “If he doesn’t improve in two months, saka mo s’ya ibalik sa 10th grade!”
“Two months is too long...”
“A month then,” sabi ni Louie, “I assure you, he will excell in a span of 4 weeks.”
“Three,” tawad ni Principal Villa sa tabi ko, “In time for the midterm examination on mid March. He needs to get a passing grade in all his subjects if he wants to stay in 12th grade.“
“E-eh?” napatingin ako sa teacher ko.
“Okay, three weeks then.”
“Ha?!” pinandilatan ko si Louie na nakipagkamay kay Principal Villa.
”Don’t worry,” ngumiti s’ya sa akin. ”I promise you will get better, even if I have to teach you myself!”