Agad ako’ng nangiti.
`Di ko napigilang tumulo ang isang luha ko.
“Y-yes, please, Aveera!” tumakbo ako papalapit sa kan’ya at kumapit sa kan'yang braso, “A-akala ko, galit kayo’ng lahat sa `kin!”
“Ugh! What’s your problem?!” Tumitig sa `kin nang masama ang mga mata n’yang kulay pine green. “Don’t be so clingy! At bakit ka umiiyak?!”
“S-sorry...” Bumitaw ako sa kan’ya at suminghot. “B-bigla kasi silang nagalit sa `kin...”
“They’re just following the dominant alpha in the class,” sabi n’ya.
“Dominant alpha?” napatingin ako sa kan’ya, “Si teacher Villa?”
“Idiot!” pinitik n’ya `ko sa noo.
“Ow!”
“Since when did a female become an alpha? I meant Carlos, of course!”
“Si Juan Carlos? Alpha s’ya?”
“Wow, ang galing, napansin mo rin?”
Tinitigan ako ni Aveera na tumaas ang isang kilay.
“Hindi nga, eh, bakit parang ang tapang ng pabango n’ya? Ang sakit sa ilong!”
Natawa si Aveera, tapos ay kumapit s’ya sa balikat ko.
“Josh, kung gusto mo ng tahimik na buhay, I suggest you keep that to yourself,” sabi n’ya, “Babae ako, kaya `di ko alam kung anong naaamoy n’yo, pero ingat ka dun kay Carlos, mayabang `yun dahil dominant s’ya. As if naman may paki kaming mga babae sa kan’ya. Eighty percent of the students here are either betas or females. We’re the majority. Nasa 500 students lang ang mga alpha sa buong highschool campus, at wala pang 40 ang mga omega. Most parents don’t bother sending their omega kids to prestigious schools after all. `Yun ang dahilan kung bakit nila kayo tinatarget.”
“Tinatarget? Bakit?” tanong ko `uli.
“Karangalan ng mga alpha rito ang magkaroon ng omega harem. `Yun ang sukatan nila ng kayabangan.”
Tiningala ko s’ya. Tumingin s’ya sa `kin pababa.
“You didn’t get what I just said, didn’t you?”
Umiling ako.
“Haay... I’m starting to believe that omegas are inferior to all genders.”
“Uy, hindi, ha!” reklamo ko.
“At least `yun naintindihan mo.” Natawa si Aveeta, pati na rin ako. ”At first akala ko isa ka nanamang snob, pero matapos mong basted-in si Carlos, I guess okay ka...”
“Teka... binasted ko si Carlos? Kailan?! Kaya ba s’ya nagalit sa `kin?”
Natawa nanaman si Aveena.
“`Wag mo nang problemahin `yun,” sabi n’ya. “At `wag ka rin mag-alala, pareho tayo’ng outcasts, since nouveau riche lang ang pamilya ko. Basta, `wag ka na lang lalapit sa mga alpha. Ako nang bahala sa `yo.”
“Ano `yung ‘nuvow rish’?”
“Ibig-sabihin, dating galing sa hirap, hindi old family.”
“Old family?”
“Mga kilalang pamilya na matagal nang mayaman.”
“Ah... kung ganon, pareho tayo, novu rich!” kumapit ako sa kamay n’ya habang naglalakad kami, “Last year, kinasal si Mama kay Dad, at ngayon, nakatira na kami sa mansion nila...”
“Ha? So, hindi ka connected sa mga Safiro ng Erminguard International School?”
“Ah, si Papa lang, great grand mother daw niya `yung founder ng...”
“Eh, `di great, great, grandmother mo rin `yun!” hinatak n’ya palayo ang kamay n’ya. “At bakit ba ang hilig mo’ng kumapit?”
“Ah, oo nga no?” natawa ako. “Actually, ngayon ko lang nalaman ang tungkol kay Papa, namatay kasi s’ya last week, tapos sabi n’ya gusto daw n’ya ako’ng magtapos dito, kaya eto, napalipat ako nang `di oras.” Nagdantay ako ng kamay sa balitak n’ya. Ang taas nito, kaya kumapit na lang `uli ako sa kan’yang braso.
“Last week... don’t tell me... anak ka ni Sir Wilhelm Johannes Safiro!?”
“Oo! Kilala mo s’ya?”
“S’ya lang naman ang may-ari ng buong school na `to!” napataas ang boses ni Aveera, napatingin tuloy sa `min ang ilang estudyante sa paligid.
“Oo nga raw, kaya nga n’ya ko pinapunta rito, para maturuan daw ako nang mabuti, dahil ako na magmamay-ari nito... pero... parang ang hirap `di ba? Mukhang maayos naman pamamalakad nina Principal Villa, okay na kung sa kanila na lang `to...”
“Are you crazy?!” napasigaw si Aveera!
Tumingin-tingin `uli s’ya sa paligid ng canteen at saka hinatak ako papunta sa isang bakanteng mesa kung saan kami magkatabi’ng naupo.
“Alam mo ba kung gaano kasikat ang Erminguard Internation School? Dito pinapasok ng mga diplomats and ambassadors ang mga anak nila, at may mga branches pa ito sa buong mundo!”
“T-talaga?”
Lalo naman ako’ng nanlula sa mga sinabi n’ya!
“Tama ang father mo nang pinapasok ka n’ya rito!” patuloy n’ya. “Kailangan mo mag-aral para `di mabaliwala lahat nang mga pinaghirapan ng Safiro family for the last 300 years!”
“T-two hundred years?! Pano mo nalaman...”
“Pinag-aralan namin ang history ng Erminguard academy noon!” mabilis n’yang sagot, “Kaya `wag mo man lang isiping ipamigay ang birth right mo! Kailangan mag-aral ka nang mabuti para maging karapat-dapat na tagapagmana ka nito!”
Buti na lang naging kaibigan ko si Aveera, unang araw ko pa lang sa school na `yun, pero ang dami na n’yang naituro sa `kin!
Sinamahan n’ya `kong maglibot sa campus, tapos, pagbalik namin sa class, tinulungan n’ya `ko makahabol sa mga subjects namin, at hinintay pa n’ya matapos ang first remedial class ko para sabay kaming umuwi!
Pagdating nang uwian, sinama ko s’ya para ipakilala kay Yaya Ines at kay Beck na tuwang-tuwa rin sa kan’ya.
Ang saya nang araw na `yun, kahit `di masyadong masaya `yung umpisa, at mas sumaya pa dahil papunta kami `uli sa office ni Louie.
Makikita ko na `uli ang crush ko, at `di na ko makapaghintay, kahit pa ilang oras ko pa lang s’ya `di nakikita.
“Louie!” tawag ko sa abogado ko pagpasok ko sa kan’yang private office.
“Oh, Josh, kamusta ang unang – “ tinalon ko s’ya at agad sininghot ang cinnamon n’yang pabango.
“Na miss kita! Sobra! Nakakatuyo ng utak `yung remedial class ko! Sobra! Sumakit ulo ko!”
“A-ah... okay, sandali, umupo muna kayo...” tinulak n’ya ako palayo at tumingin kay Yaya. “Wala po ba si Mrs. Diaz?”
“Wala po, Atty. Del Mirasol,” sagot ni Yaya. “Pero ipinapasabi po ni Ma’am, ‘I trust you fully to take care of Josh. Alam ko na `di mo s’ya pababayaan’, kaya ako na lang po ang pinapunta niya as Josh’s legal guardian and personal bodyguard.”
“Louie, pahinging cinnamon rolls, ha?” kumuha ako ng roll sa kahon sa mesa n’ya.
“Ah, sige, kumuha ka lang.” Tumingin `uli s’ya kay Yaya. “I’m afraid I might need her consent to sign some of the papers I have here...”
“Atty. Del Mirasol, diese nueve anyos na po si Josh,” sabi ni Yaya. “He is of legal age, he can handle these things by himself. All you need is to ask for his consent.”
“Wow, Yaya, ang galing mo rin po pala mag-english!” inabutan ko si Yaya ng cinnamon roll, at binigay ang kalahati ng akin kay Beck na nakaupo sa paanan ko.
“S’yempre, hijo, graduate ata ng pol sci at criminal psychology ang Yaya mo.” pagmamalaki n’ya.
“You do have a point there...” Inayos ni Louie ang mga papeles sa mesa n’ya at inilagay ang isa sa harapan ko. “For now, kailangan mo muna mag-sign sa ilang contracts para masimulan nang mailipat sa pangalan mo ang ilan sa mga Local businesses ng Papa mo.” sabi n’ya sa `kin.
`Di ko naman maalis ang mata ko sa napaka gwapo’ng mukha ni Atty. Louie.
Ang ganda ng mga mata n’ya! Itim ito at napaka lalim na parang nakakalusaw kung tumingin! Walang-wala ang mga mata nung mayabang na si Carlos kanina!
Ang cute din ng mga kilay n’ya na makapal na parang inahit sa ayos at pagkakapantay. Type ko rin ang panga n’ya na ang ganda ng korte, matigas, pero `di masyadong pangahan na parang kahon! At ang mapupula n’yang labi na ang sarap panuoring gumalaw...
“Um, Josh?”
Bumalik ang tingin ko sa mga mata n’ya na nakatitig sa `kin.
“Ha?” Ngumiti ako sa kan’ya, kaya lang umiwas s’ya ng tingin.
“Narito na ang mga kailangan mo’ng pirmahan.”
“Ah... oo nga pala...” pipirmahan ko na sana `to nang kapitan n’ya ang kamay ko.
Nakaramdam nanaman ako nang parang kuryente!
Agad din inalis ni Louie ang kamay n’ya.
“`W-wag mo’ng pirmahan nang `di muna binabasa,” paalala n’ya sa `kin.
“P-pero... ang dami nila, saka...” binasa ko ang isa. “Ang hirap intindihin!”
“Sige, basahin mo lang, hihintayin kitang matapos, at pwede mo rin itanong sa akin ang lahat nang `di mo maiintindihan.”
“Talaga? Okay lang kahit matagal?”
“Oo, nandito lang ako, kung sakaling may katanungan ka.” Ngumiti s’ya sa `kin. “Gusto mo ba ng coffee? Drinks?”
“Milk tea po, `yung matcha.”
“Got it.” Tumingin naman siya kay Yaya na nananahimik sa sulok ng silid, “Kayo po, Ms. Ines?”
“I’m good,” sagot ni Yaya. “Just pretend I’m not here.”
Bumalik s’ya sa tapat ko matapos umorder at huminga ng malalim.
“Attorni, ano po itong... et al?” tanong ko, sabay turo sa nakasulat sa binabasa ko’ng papeles.
“Ibig sabihin n’yan, ‘and others’ or etcetera.”
“Ano naman itong ‘testator’?”
“Ayan naman ang gumawa ng last will and testament, in other words, ang late father mo.”
“Hay... ang dami namang mahahabang salita rito...” napakamot ako ng ulo, pero binasa ko ang lahat kahit pa nagkakabali-baliktad ang mga letra sa dami ng mga nakasulat dito.
Lima lahat ng mga papeles na pina pirmahan n’ya sa `kin in triple – este, triplicate pala, pagdating nga sa third file, s’ya na ang nagbasa para sa `kin, para mabilis.
Alas-otso na kami natapos.
Nagulat pa `ko, ang bilis kasi ng oras! Inaya pa kami ni Louie kumain sa restaurant sa baba. S’yempre, ang saya ko! Parang date, `di ba? Double date, dahil kasama namin sina Yaya at Beck. Pag-uwi namin, antok na antok na `ko, uminom na `ko ng gamot bago matulog, at talagang ang sarap ng tulog ko noon, kasama ko kasi sa panaginip si Louie ko.
Sana, araw-araw, kasing saya nito.