Pagdating namin sa pina-reserve na cafe ni Mama ay agad akong sinalubong nina Atty. Ivy at Atty. Louie.
“Happy 19th birthday, Josh! O, nasaan na ang mga classmates and friends mo?” tanong sa `kin ni Atty. Ivy.
Napatingin naman ako sa paligid.
Sa cafe na may mga banderitas pa at banner ng pangalan ko with matching portrait. Nakaayos na ang isang mahabang dessert buffet table na punong-puno ng mga cakes at pastries. Ang gaganda ng mga design ng cakes dito, pati na ang mga ngiti ng servers na sumalubong sa `kin, pero may kulang.
“N-nasaan si Mama?” tanong ko kay Atty. Ivy.
Lumapit sa akin si Atty. Louie noon at kumapit sa balikat ko.
“Josh, umalis lang sandali ang Mama mo, may importante daw kasing nangyari sa opisina, kaya kinailangan n’ya munang umalis, pero babalik daw s’ya agad...”
Biglang bumigat ang dibdib ko noon.
Sumikip ang paghinga ko at tuluyan na ako’ng napangawa na parang bata.
“G-gusto ko si Mama!” sigaw ko. ”Bakit wala nanaman s’ya? B-bakit lagi na lang s’yang wala! Ayaw na ba sa `kin ni Mama?!”
“Josh, s-sandali... ano... b-babalik din ang Mama mo...” sabi ni Atty. Ivy na mukhang nagpa-panic.
“Josh, tahan na, tatawagan ko Mama mo, ngayon din!” sabi ni Yaya na nilabas ang cellphone n’ya.
“Mamaaaa!” ngawa ko sa loob ng cafe, ”Nasan na si mamaaaa! N-nag promise s’yaaa...”
“Josh!”
Natigilan ako nang ikutan ako ng cinnamon scent.
Niyakap pala ako ni Louie na parang naligo sa cinnamon!
“Tahan na, tahan na, `wag ka nang malungkot, tayo na lang ang mag-paparty habang wala pa ang Mama mo, okay?” pang-aamo ng napaka lamig na boses ni Atty. Louie. “Babalik din s’ya agad! Umalis lang s’ya sandali.”
Hinimas n’ya ang likod ko.
`Di ko naman mapigil ang mga hikbi ko, at ang patuloy na pagtulo ng luha ko.
Tinaas ko ang mga kamay ko at kumapit sa kan’ya dibdib.
Ang bango ng amoy n’ya... parang gusto ko ito’ng kainin! Parang gusto ko’ng mabalutan nito palagi.
“A-ang... b-ba-bango...” humihikbi ko’ng sabi.
Kinapitan ko ang leeg niya, ang mukha n’ya na nakapatong sa balikat ko.
Napatingin s’ya sa `kin. Sa lapit ng mukha n’ya, kitang-kita ko ang reflection ko sa itim n’yang mga mata.
“Ah!”
Bigla ako’ng tinulak palayo ni Louie, pero ang mga kamay n’ya, nakakapit pa rin sa magkabila ko’ng balikat, at mukhang ayaw n’yang bumitaw sa `kin. Parang may kakaiba ako’ng naaamoy sa ere...
‘Grrr... WOW-WOW-WOW-WOW!’
Muli n’ya ako’ng niyakap nang tahulan kami ni Beck. Hinarang pa n’ya sarili n’ya sa gitna namin ng aso ko!
“Beck, down!” utos ko sa baby ko.
“Alaga mo?” tanong ni Louie.
“O-opo, mabait `yan, si bhebhe Beck ko.” Pumunta ako sa harap ni Beck at niyakap ito. “Bakit ka biglang tumahol?” Dinilaan ako ni Beck sa mukha.
“Um, sir, pwede po ang pets sa loob ng cafe, pero, nakakatakot naman ang pet mo sa laki,” sabi ng isa sa mga staff ng cafe.
“M-mabait po si Beck!” tinignan ko ang alaga ko, ”Beck, beg!”
Tumayo si Beck sa kan'yang hind legs at ngumisi sa amin.
”Aba, ang bait nga pala ng alaga mo!” sabi ni Louie na nag-abot ng kamay rito.
’Grrr...’
”Ay, Beck! Bad `yan!”
Bumaba ang taenga ni Beck na ngumuyngoy nang pagalitan ko s’ya.
“Sige, ako na lang ang lalayo kay Beck,” natatawang biro ni Louie.
“Hindi!” hinatak ko pabalik ang kamay ni Louie, nanlalamig ito! “Beck, ito si Louie, friend ko s’ya, kaya dapat mabait ka sa kan’ya, ha?”
Inamoy naman ni Beck ang kamay n’ya, tapos ay dinilaan n’ya ito.
“Ayan, friends na kayo!” Ngumiti ako kay Louie na mukhang ninenerbyos kay Beck.
“Ah... buti naman...” dahan-dahan n’yang hinatak pabalik ang kamay n’ya. “At buti rin at mukhang good mood ka na.”
Nawala ang ngiti ko nang maalala ko ang nangyari sa school.
“Halika, upo na tayo! Pinareserve ng Mama mo ang buong cafe! Order what ever you want! It’s all on the house,” sabi ni Atty. Ivy.
“S-sige po... thank you po...” sagot ko habang papuntang mesa, kasunod si Beck at si Yaya.
Sa mahabang table kami naupo.
Tinabihan ako ni Louie na kumuha ng cinnamon rolls para sa `kin. Kumuha rin ako ng iba’t-ibang klaseng cakes and cookies mula sa buffet table. Masarap lahat kahit masama ang loob ko, lalo na yung chewy cinnamon cookies na mukhang magiging bagong paborito ko.
Nag-stay kami doon hanggang 5 pm, nang feeling ko gusto ko’ng tumakbo sa palibot ng buong building dahil sa sugar rush.
“Ilalakad ko lang si Beck habang wala pa si Mama,” palusot ko.
“Sige, samahan na kita.” Tumayo si Louie sa mesa at magkasama kaming lumabas. ”Ilang taon na ba `to’ng si Beck?” kakapitan n’ya sana si Beck sa ulo nang titigan s’ya nito. Natigilan si Louie.
“Beck, good boy ka `di ba?” Kinamot ko ang ulo ng bhebhe ko, “One year old pa lang ang bhebhe ko,” sagot ko sa tanong n’ya. “Eto, ikaw kumapit sa tali n’ya.”
“H-ha?” napatitig si Louie sa iniaabot ko sa kan’ya, “B-baka magalit si Beck!”
“Ha-ha! Bakit naman magagalit si Beck, eh, kakilala ka na n’ya, `di ba Beck?”
’Huff,’ napasinga si Beck.
Kinuha ni Louie ang tali sa akin, ipinasok pa n’ya ang kamay n’ya sa dulo nito at inikot ang tali sa wrist n’ya nang dalawang ulit. Nagsimula nang maglakad si Beck.
“Aba, ang bait nga ng alaga mo!”
“Oo naman!”
Pinanood ko si Louie na nangiti habang sinusundan si Beck na diretso lang ang lakad sa bangketa. Parang ang gwapo-gwapo n’ya sa gabing ito, suot ang kan'yang americano.
Kanina, nang niyakap n’ya `ko, parang ayoko nang bumitaw pa sa kan’ya! Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko habang kayakap s’ya, na para ba’ng nawala bigla ang lahat ng sama ng loob ko sa mga kaibigan ko, at pati na kay Mama!
Saka bakit kaya ang bango-bango n’ya?
Hanggang ngayon, amoy cinnamon pa rin s’ya! May pabango ba na cinnamon ang scent?
“Louie.” Napatingin s’ya sa `kin.
Nag-init bigla ang mukha ko! Parang wala naman ako’ng galang sa pagtawag ko sa kan’yang pangalan ng ganoon lang!
“O-okay lang po ba kung Louie na lang tawag ko sa inyo?”
“Hm? Okay lang naman, since I’m working for you after all,” ngumiti s’ya sa `kin.
Ang gwapo-gwapo n’ya talaga!
“Pero, ayaw mo ba ako’ng tawaging Kuya Louie?”
“Ayoko! Gusto ko Louie lang para mas close ako sa `yo!” nginitian ko rin s’ya.
“Oh... okay.”
“Ilang taon ka na ba, Louie?”
“I’m 39 this year.”
“O? Talaga? Hindi halata! Maniwala ako na 39 ka na! Mukhang nasa 20’s ka lang!”
Natawa si Louie, “Sobra naman `yun, 20’s, matanda na `ko, may mga anak nga ako’ng mas matanda pa sa `yo, eh.”
Natigilan ako sa kinatatayuan ko.
“Eh? M-may asawa ka na?”
Parang biglang may nabasag sa dibdib ko at nagsi-baunan ang mga bubog sa aking puso!
“Oo, tatlo ang anak ko, 24 years old ang panganay, ang kasunod 19 rin tulad mo, at ang bunso ko 14.”
Natigilan s’ya nang tumigil si Beck sa paglalakad. Lumingon s’ya pabalik sa `kin.
“O, bakit ka natigil?”
“Ah... wala!” pilit ako’ng ngumiti at tumakbo palapit sa kan’ya. Naglakad `uli si Beck paglapit ko.
“So... college na `yung dalawang anak mo?”
“Oo, ang panganay ko, babae, at alpha naman ang kasunod, tulad ko.”
“Ah, alpha ka?” napatitig `uli ako sa kan’ya, ”Omega ba ang asawa mo?”
“Oo, pero 14 years na s’ya’ng wala.”
“Eh? Bakit?” muling nagsikip ang dibdib ko.
“Namatay s’ya... a year after ipanganak ang bunso namin.”
“T-talaga?!”
Nagulat ako sa sarili ko.
Bakit parang ang saya ko nang nalaman `yun?!
”I-I mean... Talaga? Condolence po!”
Natawa si Louie, “Matagal na `yun, anyway, ako nga dapat ang makisimpatya sa `yo, dahil kamamatay lang ng Papa mo, hindi pa nakarating ang mga ka-klase mo, at wala pa rin ang Mama mo hanggang ngayon.”
Pinaalala pa n’ya talaga! Nalungkot nanaman tuloy ako.
“Pero, `wag na nating isipin `yun!” Humawak s’ya sa balikat ko. “Nasarapan ka ba sa mga cakes kanina?”
Tumango ako at bumaling sa may ilalim ng dibdib n’ya, kung saan ko kaya’ng umabot. Naaamoy ko nanaman `yung cinnamon sa kan’ya. Kumapit ako sa coat n’ya at sininghot ito.
Naramdaman kong manigas ang katawan ni Louie.
“Ang bango naman ng perfume mo, ba’t amoy cinnamon rolls?”
“H-ha? Wala ako’ng pabango, at saka, ikaw nga ang mabango, eh,” sabi n’ya, “Vanilla `yang perfume mo `di ba?”
“Vanilla?” inamoy ko ang sarili ko, ”Wala naman ako’ng naaamoy na vanilla, ha?”
“Ah... baka kumapit lang sa `tin `yung amoy sa cafe...”
“Oo nga, ang bango talaga.” Binuka ko `yung suot n’yang americano ay inamoy yung polo n’ya. Mas malakas ang amoy ng cinnamon sa loob nito.
”Ah! J-Josh... sandali lang....” napataas ang magkabila n’yang kamay.
Tumingala ako kay Louie habang sinisinghot ang dibdib n’ya. Namumula ang mukha n’ya, at parang `di n’ya malaman kung kakapit s’ya sa `kin o ano.
Kinuha ko ang magkabila n’yang kamay, tapos kinapit ko `yun sa balakang ko, bago muling kumapit sa dibdib n’ya.
”Haa... ang bango mo talaga!”
“J-Josh...” humigpit ang kapit n’ya sa `kin.
“Parang nakaka-adik ang amoy mo... ayoko nang lumayo sa `yo...” muli akong suminghot, at pakiramdam ko, umiinit ang paligid.
Unti-unti namang tumaas ang kamay ni Louie sa likod ko.
“Josh... b-balik na tayo sa loob... baka nandoon na ang Mama mo...”
“Sandali lang...” kinuskos ko ang mukha ko sa gitna ng kan’yang dibdib. “Gusto pa kita’ng amuyin...”
”J-Josh!” umikot ang mga kamay n’ya sa katawan ko.
Tila bumilis noon ang t***k ng puso ko.
Nakaamoy ako nang kung ano sa paligid – parang musky smell na mabango na kakaiba, at biglang bumilis ang paghinga ko!
Tumingala `uli ako kay Louie na titig na titig sa akin. Nakabuka ang bibig n’ya. Humihingal `din s’ya, at napatitig ako sa mapupula n’yang labi na parang ang sarap hali –
“Wha!”
Napasigaw kaming pareho nang biglang tumakbo si Beck!
Nahatak tuloy ang kamay ni Louie at pati na rin ako na kapit niya!
“Wa! Beck! Sandali!” Pero hindi tumigil si Beck na bumilis pa lalo ang pagtakbo!
Napatakbo na rin si Louie na kapit ang kamay ko! Magkaakay kaming tumakbo sa likod ng malaki ko’ng aso, parehong tumatawa.
Pagbalik namin sa cafe, pareho kaming pawisan at hinihingal. Tinanggal ni Louie ang coat n’ya at itinupi pa ang long sleeves na polo n’ya.
“Aba, mukhang kayo ang na-excercise, ha?” natatawang sinabi ni Atty. Ivy.
“Oo, bigla kaming itinakbo nito’ng si Beck!” nakangiting sagot ni Louie.
Napatingin ako sa paligid.
“Wala pa rin si Mama?” tanong ko kay Yaya.
“Wala pa, Josh, babawi na lang daw s’ya sa susunod, may emergency lang daw sa opisina,” sabi ni Yaya. ”Gabi na rin, kailangan na nating umuwi.”
“Okay.” Kumapit ako sa kamay ni Louie. “Kailan tayo magkikita `uli?” tanong ko sa kan’ya.
“Sa Monday, sasamahan kita sa bago mo’ng school para maayos ang transfer mo.” pinisil n’ya ang kamay ko.
”Sige, see you soon Louie!” niyakap ko s’ya nang mahigpit bago kami umalis ni Yaya, bitbit ang ilang pinabalot na pagkain para kina Kuya.