Chapter 13

1158 Words
Hindi ko na masyadong napansin ang mga pinirmahan ko noon. Masyado ako’ng na-overwhelm sa balita nila sa `kin, lalo na `yung tungkol sa biglaang paglipat ko. Kinabukasan, pagpasok ko sa school, nilapitan ko agad ang mga kaibigan ko para ipaalam sa kanila ang bad news. “Benjo...” tawag ko sa seatmate ko, pero ini-snub n’ya `ko at lumabas ng kuwarto. Napatingin ako sa isa ko pang kaibigan na si Finn, papalapit s’ya sa `kin, nakasimangot. “Josh! Ba’t `di mo sinabing aabsent ka kahapon?” “H-ha?” “Alam mo ba na umasa kami nina Zion sa promise mo’ng design, `yun pala mag-aabsent ka?!” “Ay! Oo nga pala!” napakapit ako sa bibig ko. ”Naku! Sorry, nalimutan ko!” “Nalimutan? O sinadyang kalimutan? Mula nga nang tumaas ang grades mo, yumabang ka na talaga!” “H-ha?” “Oo nga,” lumapit sa amin si Ion. “Porket maganda-ganda lang ang drawing mo, akala mo na kung sino ka! Feeling mo ba ikaw na pinakamagaling dito sa class natin?!” Nanikip ang dibidb ko sa mga sinabi nila. “S-sorry...” nagpigil ako ng luha, ”n-namatay kasi Papa ko... kaya...” “Wow, namatay ang Papa, pero isang araw lang nakabalik na!” bara ni Finn sa akin. “Alam mo ba na pinatayo kami ni Ms. Hernandez sa labas ng isang oras dahil sa `yo!” “At kahit pa namatay ang Papa mo, `di mo ba kayang tumawag man lang sa `min?” sigaw ni Ion. “Tama! Talagang nananadya ka lang! Alam mo kasi na mas pinili ni Ms. Belen `yung design ni Benjo, kesa `yung sa `yo!” Kinagat ko ang labi ko. Actually, design ko `yun na in-arbor ni Benjo. Pero `di naman ako nagalit sa kan’ya, eh... “Uy, tama na `yan!” sabi ng ibang mga kaklase namin. “Oo nga, kawawa naman si Josh, namatay na nga ang Papa n’ya, eh!” “Hmph, `alika na nga, Finn, iwan mo na `yang ahas na `yan at mukhang ngangawa na!” sabi ni Ion. “Ha! Eh, `di umiyak s’ya! Kahapon, naiyak din si Zion sa hiya dahil sa pagtra-traidor n’ya! Kulang pa `yan!” “H-hindi ko naman talaga sinasadya, eh!” at tuluyan na nga’ng tumulo ang mga luha ko. “Iyakin!” sinipa ni Finn ang upuan ko. “Hindi ka na namin kaibigan mula ngayon!” Umuwi ako noon nang malungkot. Wala ako’ng nasabihan tungkol sa paglipat ko. Matapos kasi ng lunch break namin, wala nang kumausap sa `kin sa mga kalase ko. Lahat ng lumalapit sa `kin, tinititigan nang masama nila Finn at sinisitsitan. Pagdating ng uwian, mag-isa ako’ng pumunta sa kotse namin. “O, wala ka atang kasama ngayon? Asaan na mga kaibigan mo? Hindi man lang ba sila mag fe-fairwell sa `yo?” “Wala, Yaya, busy po lahat sila.” Pilit ako’ng ngumiti. “Ah, ganon ba, akala ko pa naman mag-iiyakan pa mga kaibigan mo dahil last day mo na `to sa school...” natatawang sabi ni Yaya. ”Sa bagay, magkikita pa naman kayo sa birthday party mo sa Sunday.” Binuhay na niya ang makina sa sasakyan. Hindi ko nasabi kay Yaya ang nangyari. Nahiya ako’ng aminin sa kan’ya na nag-away kami ng mga kaibigan ko. Kasalanan ko rin naman, eh, hindi ko kasi sila sinabihan man lang na aabsent ako kahapon. Niyakap ko na lang si Beck. Hindi ko s’ya binitawan buong byahe, ayaw ko kasing makita ni Yaya na umiiyak ako. Buong byahe, dinidilaan ni Beck ang mga luha sa mukha ko. Pag-uwi ko ng bahay, agad ako’ng nag-message sa group chat naming magkakaibigan. ’Sorry talaga,’ paulit-ulit ko’ng sinabi, ’Babawi ako sa birthday ko sa Sunday, may sasabihin din akong importante sa inyo.’ Saturday na sila nag-reply; ’It’s okay.’ sabi ni Finn. ‘We also went too far nga, eh. Don’t worry, we’ll make bawi sa birthday mo.’ ‘Pick us up nalang sa usual spot in the mall tomorrow,’ sabi naman ni Benjo, ‘Bati na tayo.’ “Rise and shine mahal!” “Mama!” Masaya ko’ng niyakap ang pinaka mamahal ko’ng Mama sa umaga ng birthday ko. “Happy birthday sa pinaka pogi ko’ng baby Josh!” sabi ni Mama na pinapak ako ng halik! “Ayos na ang party mo mamaya, punta na lang kayo sa Cinamonmon Cafe ng 3 pm, pinareserve ko na ang buong lugar.” “Talaga, Mama?” Lumaki ang ngisi ko. “Thank you po!” Niyakap ko s’ya ng mahigpit. “Punta rin kayo, Mama ha? Gusto ko kasama kita sa birthday ko.” “S’yempre naman, baby, pwede ba naman akong mawala sa birthday ng good luck charm ko?” Ginulo n’ya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. “Buong araw tayong magkasama today, promise `yan!” Tinupad nga ni Mama ang sinabi n’ya! Pagdating ng alas-dos, sinamahan ako ni Yaya para sunduin ang mag kaibigan ko. Dumiretso naman si Mama sa Cafe para asikasuhin ang lugar. “Wala pa ba mga kaibigan mo?” tanong ni Yaya nang mag-iisang oras na kami sa mall. “Ang tagal kamo nila, baka mamaya, ikaw ang may birthday, ikaw pa ang wala sa party mo.” “Sandali, message ko sila...” inilabas ko ang cell ko at pumunta sa aming chat room. Kaya lang, parang nawala ata `yung chatroom namin? Anong nangyari? Nanlamig ang katawan ko nang ma-realize ko na na-kick-out pala ako sa chatroom. Sinubukan ko sila’ng i-PM, pero hindi ko na rin sila ma-contact. Naka-block ako sa account nila. Pati tawag ko, ayaw nila’ng sagutin. “O, ano’ng sabi ng mga kaibigan mo?” tanong sa `kin ni Yaya matapos ang ilang minuto. “...H-hindi raw po sila makakapunta...” mahina ko’ng sagot. “Ha? Ano kamo?” Napaiyak na ako noon. Ikinuwento ko kay Yaya ang nangyari nang last day ko sa St. Davies’. Inaamin ko na kasalanan ko ang lahat, pero... “A-ang sama nila... nag-sorry na naman ako... hindi ko talaga sinasadya...” “Hay, hijo, ganyan talaga ang ibang mga tao,” sabi ni Yaya na hinimas ang likod ko habang nakaupo kami sa bench sa gitna ng mall. “`Wag kang mag-alala, tayo na lang ang magpa-party. `Di naman sila kawalan, eh, at buti na rin `yan, para mawala na ang mga peke’ng kaibigan mo.” “P-pero... pero, Yaya... sila lang po mga kaibigan ko...” Muling nagbuntong hininga si Yaya. “Gayon pa man, mukhang `di ganoon ang tingin nila sa `yo,” sabi niya. ”Pero, `wag ka’ng mag-alala. Sigurado ako sa new school mo, makakahanap ka rin ng new friends, at sigurado’ng mga tunay na kaibigan ang makukuha mo roon.” “T-talaga po, Yaya?” naglabas si Yaya ng panyo at pinunasan ang mukha ko. “Talaga,” sagot niya. ”Ngayon, tahan na. Sigurado’ng hinihintay na tayo ng Mama mo sa birthday party mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD