Binuksan `uli ni Atty. Ivy ang ilaw sa kuwarto at lalo ako’ng napatitig sa bagong pasok na lalaki. Mukhang dala n’ya ang cinnamon rolls ko, kaya s’ya na late.
“Mrs. Diaz, Mr. Safiro, this is my collegue, Atty. Del Mirasol,” pakilala ni Atty. Ivy sa amin.
“Good morning, Mrs. Diaz, Atty. Louie Del Mirasol po.” Nakipag kamayan siya kay Mama. “Mr. Safiro...”
Iniabot din n’ya ang kamay n’ya sa akin, at parang’ng batang mahiyain ako’ng dahan-dahan na naglahad ng kamay.
Sobra!
Pakiramdam ko, nagliliyab ang mukha ko!
Naghihintay s’ya sa `kin, ang ganda pa ng ngiti n’ya! Inilapit ko na ang kamay ko, at inabot n’ya iyon, at...
Parang nakuryente ako nang nagdikit ang mga daliri namin!
Nagulat ako at hahatakin sana pabalik ang kamay ko, pero biglang hinablot ito ni Atty. Del Mirasol at hinawakan ito ng mahigpit.
Napatitig kami sa isa’t-isa.
Dumaloy `uli `yung kuryente sa kamay namin, at para ba’ng umikot `yun sa buo kong katawan!
“Atty. Del Mirasol?”
Sabay kaming napatingin kay Atty. Ivy na nakataas ang kilay sa amin.
“Is there a problem?”
“No, of course there isn’t.” Muli s’yang ngumiti, “Nice to you meet you, Joshua.”
“N-nice to meet you, too...”
Hindi ko maalis ang mata ko sa kan’ya.
“J-Josh na lang po...”
“Ah... Josh... you can call me Louie.”
“A-hem...” tumikhim si Mama.
Tinignan ko ang kamay n’ya na nakakapit pa rin sa akin.
“Yes, Mrs. Diaz,” bumitaw din sa `kin si Louie. “As I was saying... my name is Atty. Louie Del Mirasol, and I will be handling your case from now on.”
“Hindi ba si Atty. Ivy ang abogado namin?” tanong ni Mama.
“As much as I want to handle your case, I’m afraid, I’m already busy with three other cases,” sabi n’ya. “Pero, `wag kayo’ng mag-alala,” lumapit s’ya kay Louie at kumapit sa braso nito. “Atty. Del Mirasol is one of the top lawyers in this law firm, in fact, he’s one of the best in the whole country!”
“Ah, Ivy, you flatter me.” Nagtawanan silang dalawa.
Para ako’ng naasiwa, pero sandali lang ito dahil may kumatok sa pinto.
“It’s open,” tawag ni Atty. Ivy.
Pumasok dito ang isang lalaki na nag-abot sa kan’ya ng kahon.
“O, nandito na ang cinnamon donuts, shall we start with our meeting?”
“Good, I could use a good cup of that French Vanilla,” sabi ni Atty. Louie na umupo sa tapat ko.
“French Vanilla?” napatingin sa kan’ya si Atty. Ivy na ngumiti.
“`Yung kape...” tumingin si Atty Louie sa paligid. ”Wala ba kayo’ng kape?”
“May naaamoy ka ba?” pabirong hinimas ni Atty. Ivy ang braso ng katabi n’ya. Napasimangot ako.
“Gusto ko rin ng kape!” bulalas ko.
“Kailan ka pa nagkape?” bisto ni Mama.
“Oh, anong flavor ang gusto ninyo?” tanong sa amin ni Atty. Ivy na masyadong obvios na sipsip.
“`Yung hindi mapait!” sabi ko.
“Ako isang Americano” sabi ni Mama.
“Isang french Vanila para sa `kin,” sabi ni Atty. Louie.
“Okay, will a mocha latte be okay for you, Josh?”
“I want French vanilla too, please,” sabi ko.
Muling tumawag si Atty. Ivy sa phone, habang ngumiti naman si Atty. Louie sa akin.
“So, as we were saying, ako na ang hahawak sa kaso ninyo, since hindi na simple’ng will and testament lang ang kaso natin ngayon...”
“Paanong hindi na simple ang sinasabi mo?” tanong ni Mama.
“Nagsampa kasi ng kaso ang pamilya ng late wife ni Mr. Safiro laban sa inyo at sa legality ng last will and testament ni Mr. Safiro.”
“Ha?” napakapit si Mama na mesa, “Eh, `di ba’t 5 years na raw patay ang legal wife ni Wilhelm?” napatingin ako kay Mama.
“Opo, Ma’am, pero kinukuha pa ring katiwala ni Mr. Safiro ang ilan sa mga kamag-anak ng late wife n’ya. Sila ang nag-aasikaso sa businesses n’ya rito sa pinas, at pati na rin sa ilang businesses abroad. Namahagi rin naman siya ng financial aid at nagbigay ng pera sa mga ito, but they are insisting that his properties and businesses should all belong to them, as relatives of the late Mrs. Safiro, at hindi sa isang illegitimate child na bigla na lang sumulpot mula sa kawalan.”
“Anong sumulpot?!” mukhang galit na si Mama. “Baka gusto nila’ng isampal ko sa pagmumukha nilang makakapal ang birth certificate ni Joshua?! Pati na rin ang hospital records na sulat kamay mismo ng papa n’ya!”
Napatayo na si Mama sa galit, nakakahiya tuloy kay Atorni!
“Pero Ma, totoo naman po, bigla na lang tayo sumulpot...” bulong ko sa nanay ko para huminahon s’ya, pero lalo lang umusok ang ilong ni Mama.
“Aba, bakit? Tayo ba ang pumunta sa kanila at namilit mabigyan ng mana?!” tanong n’ya sa `kin. “Hinanap tayo ng papa mo! Siya ang nagsulat ng last will and testament! Iniwan n’ya ang lahat sa `yo, kaya dapat lang na ipaglaban natin `to!”
“Tama ang Mama mo, Josh,” sabi ni Atty. Louie na nakatitig sa `kin. “May karapatan ka, kaya dapat, lumaban ka, lalo na sa mga taong gustong manglamang at umabuso sa iyo.” Muli s’yang tumingin kay Mama. “`Wag po kayo’ng mag-alala, Ma’am, I will do everything in my power to give your son what is rightfully his,” sabi n’ya, “at sisiguraduhin ko rin na mananagot ang sinu man na maninira o mananakit sa kaniya.”
“So, shall we go through the conditions of Sir Wilhelm Johannes Safiro’s will?” tanong ni Atty. Ivy nang dumating ang mga inorder naming kape.
“Sir?” tanong ko. “Para po’ng King Arthur’s knights of the round table?”
“That’s right, Josh,” sabi ni Atty. Louie. “He was granted a knighthood for his notable services to the British Isles.”
“Ah, eh, `di, prince po pala ako!?” tanong ko, hindi makapaniwala sa balita!
“Not exactly...” singit ni Atty. Ivy na tumayo sa likod ni Atty. Louie at kumapit sa balikat nito.
Biglang nabawasan ang excitement ko.
“Should we continue?” tanong n’ya sa amin.
“Yes, please,” sagot ni Mama.
Muling nagdilim ang kuwarto.
Buti na lang, at naiirita na ako’ng makita si Atty. Ivy na lumalandi kay Atty. Louie.
Ininom ko na lang ang vanilla ko sa pag-play ng video na tumakbo sa projector.
Lumabas ang mukha ng tatay ko sa screen na nanginginig ang mga kamay.
‘So, this is my last will and testament.’ Mabagal ang salita n’ya, ‘A back up, so to speak, in case my written will is in some way, lost, stolen, or replaced. I am Sir Wilhelm Johannes Safiro, age 94, of sound mind and...’ napatingin s’ya sa mga kamay n’yang nanginginig, ‘body.’
Matapos magpakilala at sabihin ang ilang detalye sa sarili ay tumula pa si Papa at kumanta para patunayan na maayos pa ang pag-iisip n’ya, tapos ay sinabi n’ya isa-isa ang pangalan ng mga magulang n’ya at kapatid, pati ang pangalan ng misis n’ya at mga kamag-anak nito at kung anu-ano’ng businesses ang iniwan n’ya sa pangangalaga ng bawat isa.
‘Now that I have proven that I am sane, I would like to read in full, the contents of my last will and testament, written 18 years ago, as I have done every year for the last 18 years.’
Nakita sa screen si Atty. Ivy na nag-abot sa kan’ya ng papel.
‘I, Wilhelm Johannes Safiro, do hereby leave all my properties, to my one and only son, Joshua Bernard Leonides Safiro. Born to Ezmeralde Pilapil, now, Mrs. Ezmeralde Diaz, currently residing at 7th Avenue, Gracepark, Caloocan city...’
Nagpatuloy ang video. Isa-isang binasa ng Papa ko ang lahat ng mga ari-arian n’ya, at sa bagal n’yang magbasa, ay napapatungo na `ko sa antok.
“Josh, here’s the important part.”
Napatingala ako nang marinig ang boses ni Atty. Louie.
‘Now, I know that my son is turning 19 years old this year, and is already in his last year of senior high. One of my conditions have almost passed, but I would still want him to study in Erminguard International School... Your great, great, great, grandmother Erminguard Safiro founded that school, so I want you to experience the Safiro family education, even if you only have one year left. It doesn’t matter if you excel or not, as long as you graduate. That is all I ask of you.’
Tapos noon ay inisa-isa niya lahat ng mga business n’ya at properties sa buong mundo hanggang sa matapos ang video.
“Pero... bakit parang biglaan? Bakit ngayon lang niya kami sinabihan? Bakit `di s’ya nagparamdam sa amin noon, kung five years na pala s’yang biyudo?” tanong ko sa kanila.
“According to Sir. Wilhelm, ayaw daw niyang makagulo sa buhay mo,” sagot ni Atty. Ivy. “As much as possible, gusto daw sana niyang malayo ka sa gulo ng pamilya ng kan'yang yumaong asawa, but now that he’s gone, there’s nothing left to do but to tell you the whole truth.”
“So... kailangan ko’ng lumipat ng school?” tanong ko kay Mama.
“Mukhang ganon na nga,” sagot niya.
“Ito nga ang kailangan nating i-discuss ngayon,” singit muli ni Atty. Ivy. “Nagsimula na ang second quarter, pero, `wag kayo’ng mag-alala, inasikaso na namin ang papers mo para makalipat ka na ASAP.”
“That’s right, Josh, you can transfer to your new school on Monday,” sabi ni Atty. Louie.
“Ha? Next week na agad?! Eh, Thursday na ngayon, ha?”
“Exactly, you have the whole weekend to prepare,” sabi ni Atty. Ivy. “Tomorrow, magpaalam mo na sa mga kaibigan mo na lilipat ka na.”
“Pero...” hirit ko pa, pero pinigilan na ako ni Mama.
“Sige na, anak, ako na bahala sa party n’yo,” singit ni Mama, “`Di ba’t balak mo’ng ilibre ang mga kaibigan mo sa birthday mo sa linggo? Tamang-tama, `yun na rin ang despadida mo! Basta’t ipaalam mo sa kanila ang tungkol sa pag-transfer mo bukas. Kami na ang bahala sa school mo.”
“That’s right, Josh is turning 19 this February 19, right?” tanong ni Atty. Ivy.
“Opo, Atorni, legal age na ang anak ko, p’wedeng-p’wede na niyang kunin ang mga mana niya,” sagot ni Mama na naghanda na ng ballpen. ”So, saan ba kami pipirma?”