“Ate Mira, sigurado ba kayo’ng dito nakatira si Atty. Del Mirasol?” tanong ko sa `king bantay. Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang subdivision sa Mandaliyong na puros malalaking mga bahay ang nakatayo.
“Opo, sir, dito n’ya kami pinapunta noong nag-apply kami as bodyguards mo.”
“Malaki rin pala ang bahay nila, ano, ang ganda pa ng lugar.”
“Bababa ka na ba, sir?” tanong ni Ate Sol.
Pumikit ako, huminga nang malalim ng ilang ulit, at saka dumilat `uli.
“Game! Kayo na bahala kay Beck ha?” paalam ko habang niyayakap ang bhebhe ko.
“Okay, Sir, tawag lang kayo `pag pauwi ka na.”
“`Wag kayo’ng mag-alala, magpapahatid na lang ako kay Louie mamaya, p’wede na kayo’ng umuwi sa penthouse.”
“Okay, pero maghihintay pa rin kami ng ilang minuto rito para sigurado,” sabi ni Ate Sol.
“Sige, pero atras kayong konti, ha? Baka pauwiin agad ako ni Louie `pag nakita n’ya kayo.”
“Got it, sir!” sabi ni Ate Mira na malaki ang ngisi sa akin.
Nakatawag na ko kay Mama.
Hanggang ngayon, nagtatampo pa rin s’ya kay dad kaya nasa bahay pa rin s’ya, at kilig na kilig s’ya nang ipinagpaalam ko sa kan’ya ang balak ko’ng gawin!
Ngayon, it’s all up to me!
Hinintay ko’ng umatras ang aming kotse, nang `di na `to tanaw sa kinatatayuan ko, ay pinindot ko na ang doorbell sa gate ng bahay ni Louie.
Wala’ng sumagot sa pinto.
Tinignan ko ang relo ko, alas-otso lang naman, hindi pa masyadong late. Pinindot ko `uli ang doorbell at muling naghintay. Kada segundo na lumipas, parang dumodoble ang bilis ng takbo ng puso ko!
Balak ko na sana’ng pindutin `uli ang doorbell nang may marinig ako’ng tumawag mula sa loob ng bahay.
“Oo na, narian na!”
Tumalon ang puso ko mula sa rib cage ko!
Pilit ko’ng hinabol ang hininga ko at inayos ang suot kong uniform bago bumukas ang pinto at makaharap ko ang teenaged version ni Louie!
Ganon na ganon ang facial features nila, although mas prominent ang panga ng Louie ko. Ganon din siya makatingin, although mas brown ang mata n’ya, kumpara sa dark black eyes ni Louie ko. Pati tindig n’ya at galaw, katulad din ni Louie ko!
Nakatitig pa ko sa kan’ya nang mapansin ko na mukhang naiirita na s’ya sa `kin.
“U-um...” napakapit ako sa bibig ko, nahihiya, `di malaman kung ano’ng sasabihin. “D-dito po ba nakatira si Atty. Del Mirasol?”
“Oo, dito nga, at sino ka naman?”
Sobra, mukhang suplado ang anak ni Louie! Lalo tuloy ako ninerbyos!
Inisip ko nang pilit ang payo ng mga kaibigan ko at naalala ang sabi ni Rome.
‘Smart, smart and smart!’
“Ah, ako po si Joshua Safiro!” Nagulat ang lalaki nang abutin ko ang kamay n’ya at yugyugin iyon. “Kliyente n’ya ako, ikaw ba yung anak n’ya? Nice to meet you! Nandyan ba siya?” sunod-sunod ko’ng sinabi.
“Kumakain pa kami,” sabi ng lalaki na sumama lalo ang tingin sa `kin. S’ya malamang si Nathan, ang anak ni Louie na alpha. “Pasok ka muna at...”
Sa sobrang nerbyos ay agad ako’ng naglakad papasok sa bakuran at tumuloy sa nakabukas na pinto.
Malaki rin ang loob ng bahay nila, maayos at malinis, at naaamoy ko na ang mabangong cinnamon scent ng mahal ko sa paligid!
“Saan ang dining room ninyo?” tanong ko habang papunta sa kaliwa kung saan mas matapang ang amoy ni Louie.
Didiretso na sana ako doon, nang mapadaan ako sa may hagdan, kung saan may malaking portrait ng wedding picture ni Louie!
Parehas silang naka tuxido ng partner niya, at ang babata pa nila pareho sa pic! Ang cute, cute ni Louie, pati na rin ang partner n’ya na mukhang ang ganda-ganda! Magkakapit ang kanilang mga kamay, at puno ng pagmamahal ang tingin nila sa isa’t-isa.
“Wow, `yan ba ang mommy ninyo?” tanong ko kay Nathan. “Ang gwapo rin n’ya `no?” tuloy-tuloy ko’ng sinabi, hindi ko na kasi mapigil ang bunganga ko dahil sa nerbyos. “Mukhang mas kamukha mo si attorney, pero iba ang amoy mo!”
“Ano kamo?” Kumunot ang noo ng anak ni Louie.
Naku, mukhang lalo s’yang nairita sa `kin... pano ba to... sabihin ko ba na mas masangsang ang amoy n’ya kesa sa amoy ni Louie?
Kaya lang, nang sinabi ko `yun sa schoolmates ko, nainsulto sila for some reason... pa`no kung magalit din s’ya sa `kin?
“Nathan, sino `yung dumating?”
Saved by the bell!
Nabawasan ang nerbyos ko nang marinig ko ang malamig na boses ng mahal ko!
“Louie!”
Agad ako’ng tumakbo papunta kay Louie at patalon s’yang niyakap! Pati binti ko, kusang umikot sa katawan n’ya.
“Louie! Na miss kita, sobra!”
“A-anong ginagawa mo rito?!” gulat na tanong ni Louie, “Alam ba ng mommy mo na nandito ka?!”
“S’yempre hindi,” sabi ko kunwari, plano `to ni Mama nang nag-usap kami kanina! “Alam mo naman na takot `yun na may dumukot sa `kin!” dagdag ko.
“Eh, ba’t ka nandito?!”
Mukhang galit ang boses ni Louie, pero wala ako’ng paki, pati, hindi ko na mapigil ang sarili na yakapin s’ya dahil sa tinding nerbyos at pagkasabik.
“Gusto kitang makita!” sabi ko sa kan’ya. Napabuntong hininga naman si Louie.
“Um... baka p’wede magpakilala ka muna?”
Napatingin ako sa pinanggalingan ni Louie at nakitang nakatayo doon ang dalawang anak n’yang babae, sina Blessing at Mercy!
“Papa! Sino yan?” tanong ng bunso ni Louie.
Agad ako’ng bumitaw kay Louie at huminga ng malalim.
Now or never.
Kailangan maging smart, smooth, and confident.
Magpapakilala ako ng maayos, para `di sila mabigla o maasiwa sa akin.
“Ako si Joshua Safiro, ang future step-mother ninyo! Nice to meet you all!”
Shet.
Nanigas ang ngisi sa mukha ko.
“A-ano?” Tila nagdilim ang mukha ng bunso ni Louie. “At sino naman ang nagsabing papatol sa `yo ang Papa namin?!”
Galit s’yang lumapit sa `min ni Louie at pinaghiwalay ang kamay namin. Ni `di ko napansin na kapit ko pa pala siya.
“Ah, s-sorry, nakaka-shookt nga naman ang sinabi ko sa inyo...”
Shet, ano ba to’ng lumalabas sa bunganga ko?
“A-actually, ang Daddy ninyo ang may hawak ng case ko, at doon kami nagkakilala at...”
“Joshua, manahimik ka na nga lang at umuwi!”
Nagulat ako sa tono ng pananalita ni Louie.
Napatingin ako sa kan’ya at nakita ang galit sa mga mata n’ya. Hindi ko akalain na titignan n’ya `ko nang ganon.
“Pero Louie...”
“Hoy! `Wag mo nga tawagin sa first name ang Papa ko!” sigaw sa `kin ni Mercy. “Sino ba talaga `to, Papa?!” tanong n’ya kay Louie na minamasahe ang sintido n’ya.
“Siya nga ang kliyente ko...”
Ganon?
Kliente lang ba talaga ako?
Muling bumukas ang bibig ko, at dala ng nerbyos, kahihiyan at galit, ay sinabi ko ang laman ng isipan ko.
“Louie, hindi mo pa rin ba matanggap ang totoo?” tanong ko sa kan’ya, pero umiwas lang s’ya ng tingin sa `kin, kaya ang anak n’yang si Nathan ang hinarap ko. “Bilang isang alpha, baka mas maintindihan mo ang sasabihin ko,” sabi ko rito.
“Joshua!” sigaw ni Louie, pilit ako’ng pinipigilan, pero tuloy-tuloy pa rin ang bibig ko.
“I am Louie’s ‘fated pair’,” pagmamalaki ko’ng sinabi. “We are destined to be together!”
“In your dreams!” sigaw ni Mercy na tinulak ako sa balikat. “Sino ba talaga ang baliw na ito?!”
Muli s’yang lumapit sa `kin, inambaan n’ya `ko, pero ayoko nang tumigil, nasaktan na ako, at masyado na rin ako’ng maraming nasabi.
“A-alam ko’ng mahirap paniwalaan, akala ko rin ng una, kwento lang ang tungkol sa fated pairs, but from the first time I saw him, I knew then and there that he was the one.”
Tumingin ako kay Louie noon at nakita ang lungkot sa kan'yang mga mata.
Ang sakit noon.
Alam ko naman kung ano `yun, eh.
Alam ko na takot s’ya na tanggapin ako.
Hindi n’ya kayang aminin na in love s’ya sa isang bata na cliente pa niya. Lalo na sa harap ng pamilya n’ya.
“Basta, hindi ako papayag!” sigaw ni Mercy na muli ako’ng inambaan, and this time, mukhang itutuloy na n’ya iyon. Napapikit ako at hinintay na tumama sa `kin ang kamao n’ya, pero `di `to umabot. Sa pagdilat ko, nakita ko si Louie na nasa likod ko, kapit ang nanggigigil na braso ng bunso n’ya.
“That’s enough, Mercy,” sabi ni Louie.
“Pero Pa!”
“I said it’s enough,” natahimik din si Mercy. “Joshua, umuwi ka na, sigurado’ng nag-aalala na ang mommy mo,” sabi n’ya sa `kin.
“P-pero... gusto ko makilala pamilya mo at makasama kayo ngayong week-end...” mahina ko’ng sinabi habang nagpipigil ng luha.
“No, you’re going home right now.” Naglabas s’ya ng cellphone. “I’m calling ‘Wayz’. Ipapahatid kita pauwi.”
“S-sige, subukan mo, babalik lang `uli ako rito!” naiinis ko’ng sinabi, sabay belat. “Pero okay lang sa akin kung ikaw ang mag d-drive sa akin pauwi!” habol ko.
“No,” mabilis n’yang sagot, “The last time I gave you a ride, muntik na tayong bumangga sa pangungulit mo!”
“Bakit, Papa, ano’ng ginawa n’ya?!” tanong agad ni Mercy, nag-init naman ang mukha ko! Ito talagang si Louie! Baka ma-miss-interpret nila ang sinabi n’ya!
“Nothing... just...” ang pula-pula na rin ng mukha ni Louie!
“I can take him home,” presinta naman ni Nathan.
“No!”
Ang gulat ko sa sabay-sabay na sagot ng buong pamilya nila.
“I’m offended, wala ba kayo’ng tiwala sa akin?” tanong ni Nathan na may pilyo’ng ngiti sa mukha.
“Not when it comes to omegas!” Naglabas ng phone si Louie. “Ipapasundo na lang kita sa mommy mo!”
“Aw, Louie naman!” nakanguso ko’ng sinabi, “Gusto ko lang naman makipag-bonding sa pamilya mo, eh!” hinawakan ko s’ya sa braso, pero humiwalay s’ya sa `kin.
“Shh!” saway n’ya sa `kin nang sagutin ni Mama ang phone.
‘Atty. Del Mirasol? Nand’yan po ba si Josh?’ sagot ni Mama.
Masyadong naman s’yang obvious!
“Yes, Mrs. Diaz, pasens’ya na, bigla na lang siya’ng dumating...”
’Hay, salamat naman!’ singit ni Mama na halatang nagmamadali. ’Tumawag nga rito ang bantay n’ya, akala ko kung ano nang nangyari sa bata’ng `yan!’
“Maayos naman po siya, baka po p’wedo n’yo siya’ng sundu-”
’Good! Since nand’yan s’ya, hindi ko na kailangan mag-alala, salamat, attorney, ha? Ikaw na muna bahala sa makulit ko’ng anak!’ mabilis na sinabi ni Mama.
“Ha? Sandali po-”
‘Sige, bukas mo na lang siya ihatid pauwi, may tiwala naman ako sa `yo! Bye!’
Narinig namin ang busy signal sa kabilang linya, lalo na at natahimik ang buong silid.
“Yey! Pwede ako’ng mag-overnight!” Sa sobrang saya ko, eh, napayakap `uli ako sa Louie ko!
“Hoy! Bitaw!” Eto namang si Mercy hinatak nanaman ako palayo.
“Should I get the guestroom ready?” tanong ni Blessing.
“No!” sigaw ni Mercy.
“Okay lang, doon na lang ako sa kuwarto ni Louie!” kinikilig ko’ng sinabi.
“Lalong hindi p’wede!” sigaw `uli ni Mercy.
“Haay, tama na nga `yan, Mercy,” tinulak kaming pareho ni Louie palayo sa kan’ya at naglakad papuntang hallway. “Kumain ka na ba, Joshua?”
“Hindi pa, actually, gusto ko sana makasabay kayo’ng kumain.” sabi ko sa pamilya n’ya. “Nabanggit kasi ni Louie sa `kin na nagbo-bonding kayo sa family dinner ninyo, kaya kailangan n’yang umuwi ng maaga araw-araw.”
“Then let’s go to the dining room,” sabi ni Nathan na ang ganda ng ngiti sa `kin. “Doon na rin tayo mag-usap tungkol sa sitwasyon n’yo ni Papa.”