Chapter 47

2146 Words
Naglagay si Blessing ng extra pinggan at kubyertos sa tabi ni Nathan. Sayang nga, eh, ang layo ko kay Louie. Nasa dulo s’ya ng pahabang mesa, sa kabisera. Katabi n’ya si Nathan sa kanan at si Mercy sa kaliwa, habang nasa tapat ko naman si Ate Blessing. Pero okay lang, ang saya-saya ko na dahil makakasama ko’ng kumain ang pamilya n’ya! Sana start na `to nang pagiging pamilya namin! “`Wow, ngayon lang `uli ako makakakain ng diner na maraming kasama!” sabi ko sa pag-upo sa mesa. “Bakit? Wala ka bang ibang kasama sa bahay?” tanong sa `kin ni Ate Blessing. “May dalawang kuya ako, pero alpha sila pareho, kaya hiwalay silang kumakain sa `kin,” sabi ko habang sumasandok ng mechado. “Si Mama naman, laging kasama ang step Dad ko na madalas umaalis pa-abroad.” “So, sino’ng kasama mong kumakain?” tanong `uli ni Blessing. “May Yaya ako, saka si Beck, lagi ko’ng kasama!” “Beck?” tanong ni Nathan. “`Yung alaga ko’ng rottweiler.” “Ah... at nag-aaral ka sa Erminguard International School?” napatingin s’ya sa uniform ko. “Oo, nilipat ako ni Mama doon, nang lumabas yung will ng tunay ko’ng tatay...” napakapit ako sa patch ng uniporme ko, “Australiano kasi tatay ko, at stockholder siya doon, kaya doon n’ya `ko gustong magtapos ng pag-aaral...” “So, anong year ka na?” tanong ni Ate Blessing. “Grade twelve na `ko, biro n’yo, isang taon na lang, pinalipat pa `ko, eh, mas gusto ko nga sa dati ko’ng school, sa Erminguard, ang hirap na ng mga klase, ang tataray pa ng mga kaklase ko’ng matapobre!” “Grade twelve, so you’re 18?” ngumiti si Nathan sa akin. “Nineteen!” pagtatama ko sa kan’ya. ”Legal na ako!” “`Oy.” Napatingin ako kay Louie at kay Mercy na sabay nagsalita. Pareho silang masama ang tingin kay Nathan. “Kuya ha. Ayan ka nanaman,” sabi ni Mercy na tumirik ang malalaking mata sa pag-ikot. “What? I was just asking,” sagot ni Nathan na may pagka-defensive. Inside joke kaya ito? Ngumiti `uli sa `kin si Nathan, kaya ngumiti rin ako pabalik. Tapos noon ay sinubo ko na ang pagkain na kanina pa nakahanda sa kutsara ko. “Mmm! Ang sarap nito’ng mechado, ikaw ba nagluto nito, Ate Blessing? Ang lasa, at ang lambot ng karne!” “Oo, ako ang cook dito,” sagot ni Ate Blessing na mukhang ang bait-bait! Ang ganda pa ng ngiti n’ya. “Mmm! Turuan mo naman ako minsan, gusto ko rin magluto para kay Louie ko! Ang alam ko lang lutuin puros prito, eh!” Muli ako’ng sumubo, hindi ko pinansin nang masamid si Louie, pati na rin si Mercy na masama ang tingin sa `kin. “Sige, Joshua, pag may free time, tuturuan kita,” sabi ni Blessing! Sobra, ang bait n’ya talaga! “Josh na lang, Ate Bless!” sabi ko, “Bukas, tulungan kitang magluto ng breakfast!” “Hey, don’t get ahead of yourself,” singit naman ni Louie, “Pauuwiin kita first thing tomorrow morning.” “Papa, breakfast lang naman, eh, alam mo ba namang paalisin natin si Josh ng gutom?” sabi ni Bless na lalong nagpalakas sa loob ko! “Wow! Ate! I love you na!” pilit ko sya’ng inabot across the table para yakapin! “A-Ate Blessing! `Wag mo’ng sabihing pabor ka sa relasyon nila?!” bulyaw naman ni Mercy. “Ano naman ang masama doon?” ngumiti si Bless sa `kin. “It’s been 14 years after all.” “Look, there’s no relationship, okay?” singit ni Louie na agad binara ang anak n’ya. “Josh is just a kid, hindi n’ya alam ang pinagsasasabi n’ya!” Parang pumintig ang taenga ko sa sinabi n’yang iyon! Sa inis tuloy, `di ko nanaman napigilan ang bunganga ko. “I am not a kid!” sabi ko. ”Alam ko na ang ginagawa ko, at alam ko’ng mahal kita, Louie! At saka, okay lang naman sa `yo last week nang hina-“ “Josh, kumain ka na lang!” bara sa `kin ni Louie na napataas ang boses! “Bakit? Ano `yung okay lang kay Papa?” nakangising tanong ni Nathan. “Nathan...” minamasahe nanaman ni Louie ang sintido n’ya. “Oo nga, ano `yung okay lang?” tanong ni Mercy, kaya napilitan ako’ng magpaliwanag. “Sabi ni Louie, okay lang na i-kiss ko s’ya pag tapos na ang midterms namin, at kakatapos lang nito kanina!” sabi ko sa kanila habang painit nang painit ang nagliliyab ko’ng mukha. “I never promised anything! Ikaw `yung nagpumilit sa `kin!” Nagulat ako sa sinabi ni Louie. “Ang sabi ko, hindi tayo magkikita hanggang `di tapos ang exams mo!” sabi pa niya. Napatitig na lang ako kay Louie. Talaga ba’ng hindi s’ya aamin sa harap ng mga anak niya? Ipagkakaila na lang ba n’ya ako at ipagtatabuyan? “Oh, so nagkikita talaga kayo?” pasimgple’ng tanong ni Bless. “Only to talk about the case!” mabilis na sagot ni Louie na `di makatingin sa akin. About my case? Bakit `di n’ya masabi ang tungkol sa pag-tutor n’ya sa `kin? Bakit hindi n’ya maamin ang totoo? Parang nagsisikip tuloy ang dibdib ko. “Oo, pumupunta ako sa office ni Louie araw-araw!” bisto ko sa pamilya n’ya, “But lately, banned ako sa building dahil nga sa exams ko.” Napatingin ang tatlo sa tatay nila, pero `di pa rin ito umamin. “Look, s’ya ang nagpupumilit makipag-kita sa akin, okay? Kaya nga maaga na ako laging umuuwi, eh!” sabi niya, at lalong nagsikip ang dibdib ko. “Ah, kaya pala gusto mo makipag-bonding sa amin,” sabi naman ni Nathan. “Pati na rin `yun, of course!” palusot ni Louie na napakamot ng ulo. “Look, alam n`yo naman na mahal na mahal ko ang Papa Jonas ninyo, `di ba?” “Oo naman, kaya imposible na magkaroon ka ng ibang mate!” sabat ni Mercy. Napatingin sa kan’ya si Louie. Bumukas ang bibig nito at sumara `uli. Hinintay ko’ng magsalita s’ya. Na magpaliwanag. Na aminin sa pamilya n’ya ang totoo tungkol sa `min, pero mukhang natameme na s’ya. “Mercy, I think we should let Papa speak,” sabi ni Bless na napatingin sa akin. Mukhang nararamdaman n’ya na nasasaktan ako. Natahimik ang silid hanggang sa magbuntong hininga si Louie. “Alam ko...” sabi n’ya, “nasabi na sa akin ni Blessing na nabanggit n’ya sa inyo ang tungkol kay Winston Heuer.” Sino naman `yung Winston Heuer na `yun? Anong kinalaman n’ya sa amin ni Louie? “I know that your Papa Jonas and I were fated pairs.” patuloy n’ya. “Ganoon din si Jonas. Noon pa man, mahal ko na siya, bago pa lumabas ang secondary gender namin. Kaya nang ma-attract siya sa iba... hindi ko natanggap iyon.” Teka... Naatract si Jonas sa iba? Kay Winston ba s’ya na-attract? Bakit? “Nang makilala si Winston Heuer ng Papa Jonas ninyo, for some reason, ay na-attract sila sa isa’t isa,” paliwanag ni Louie. “Madalas kaming mag-away noon ni Jonas. Ang gusto kasi n’ya, eh, makipag kaibigan kay Winston, pero hindi ako pumayag. Masyado akong nagselos at natakot na baka agawin ng tao na iyon si Jonas sa akin... Kaya... Pinagbawalan ko siyang lumabas ng bahay... to the point that I even locked him in our room to prevent him from leaving the house.” Natahimik ang silid. Parang gusto ko’ng maglaho. Feeling ko, wala dapat ako sa lugar na `to ngayon... bakit ba napunta sa Papa Jonas nila ang usapan? “But even then...” patuloy ni Louie, “even then, hindi siya nagalit sa akin. Nagalit siya, oo, dahil wala ako’ng tiwala sa kan’ya, pero in the end, mas pinili n’ya tayo, kaya alam ko, na talagang kami ang destined sa isa’t-isa.” “Pero... si Papa Jonas...” bulong ni Mercy. “He died of birth complications,” patuloy ni Louie. “Tinubuan siya ng tumor sa matres. Side-effect ito ng omega testing na ginawa sa kan’ya bilang isa sa mga unang omegas na lumabas noong mga panahon na iyon... after ka n’ya ipanganak, unti-unting humina ang katawan n’ya, hanggang sa hindi na n’ya ito kinaya.” Muling natahimik ang silid. Lumapit si Mercy at yumakap sa Papa n’ya. Noon lang humarap sa `kin si Louie, ang mga mata n’ya, puno nanaman ng lungkot. At ngayon, mukhang alam ko na kung saan galing ang kalungkutan na `yun. “Kaya hindi ako naniniwala na ikaw ang fated pair ko, Josh,” sabi n’ya sa `kin. ”Hanggang ngayon ay mahal na mahal ko ang asawa ko’ng si Jonas, and in the end, pinili rin n’ya ako. So what ever it is you are feeling for me is...” “Sinungaling!” sigaw ko bago pa n’ya mutuloy ang balak n’yang sabihin. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at saka s’ya hinarap. “K-kung hindi tayo fated pair, bakit hindi mo rin ako mabitawan nang una tayo’ng nagkita, kahit pa nakuryente ako nang nakipagkamayan sa `yo?!” tanong ko. “At saka, tuwing hinahalikan kita parang magkaka-heat ako! At noong-” “That’s enough!” muling napasigaw si Louie, at sa sikip ng dibdib ko ay para ako’ng hindi makahinga. ”There has to be an explanation for all of that!” sabi n’ya. “Baka hindi lang gumana `yung gamot mo!” “Kaya ba kine-candy mo `yung pills mo `pag kasama mo `ko?!” sigaw ko pabalik. “Pinagalitan ka na nga ng secretary mo dahil baka ma-overdose ka, eh!” “Pa, is that true?!” tanong sa kan’ya ni Bless. “W-well... minsan lang naman...” “Papa! Masama iyon!” sermon ni Mercy na nagpunas ng uhos sa sleeve n’ya. “So, tama pala ang sabi ni tito Eric! Lagot ka sa kan’ya `pag nalaman n’ya `yan!” “Ugh... ayan nanamang Eric na `yan!” Sinong Eric naman `yun? Balak ko pa sanang bulyawan si Louie, nang tapikin ako ni Nathan sa balikat. “So, it is true then, na fated pairs kayo?” tanong n’ya sa `kin. “Oo, and I can prove it!” Tumayo ako at pumunta kay Louie. Nanlaki ang mga mata n’ya nang lapitan ko s’ya, pero `di n’ya ko napigilan nang abutin ko ang mukha n’ya at halikan s’ya sa lips! “Waah!” Narinig ko’ng sumigaw si Mercy, pero `di ko s’ya pinansin. Hindi ko sila lahat pinansin! Ang importante lang sa `kin ay ang Louie ko’ng sinungaling at kung paano ko s’ya paaaminin na mahal n’ya rin ako. Tinuloy ko ang paghalik sa kan’ya. Bahagya ko’ng kinagat at sinupsop ang malalambot n’yang labi, hanggang sa wakas, ay bumigay din s’ya at lumaban nang halik sa akin. Sa wakas! Nag-open up din s’ya! Tuluyan ko nang nalimutan ang oras at lugar. Tinuloy ko ang paghalik sa kan’ya at pinasok pa sa bibig niya ang dila ko para maglaro rito... “Okay that’s enough!” Nanghinayang ako nang hatakin ako ni Nathan palayo kay Louie. “S-see!?” sabi ko sa kanila, “Kung talagang ayaw n’ya, itutulak n’ya `ko, `di ba?” “All I see is how horny my old man is,” tumatawang sinabi ni Louie na nakakapit pa rin sa bewang ko. “Mukhang alam ko na kung kanino ako nagmana!” “N-Nathan! It’s not what you think!” sabi ni Louie na pulang-pula ang mukha. “Kung ganon, hindi dapat tayo manghimasok dito, since this is ‘destiny’ at work,” sabi naman ni Bless na ikinatuwa ko! “Yey! Ibig sabihin ba nito, approve na kayo sa `kin?” “Mukhang wala naman kaming magagawa, eh,” sagot ni Nathan. “`Oy, s-sandali lang, hindi ako sang-ayon!” sabi ni Louie na in-denial pa rin! “A-ako rin!” habol ni Mercy. “Basta, dalawa na ang kakampi ko!” Pagkasabi noon ay humarap ako kay Nathan na `di pa rin ako binibitawan. Niyakap ko ang tiyan n’ya sa tuwa. Humigpit naman ang kapit n’ya sa akin. “At least kakampi ko na kayo ni Bless, si Mercy na lang ang kulang!” Masaya pa `kong nakakapit kay Nathan nang biglang may humablot sa braso ko! ”Aray!” Sa sobrang bilis nang pagkakahatak sa `kin, tumama ang mukha ko sa kung anong matigas! `Pag tingala ko, nakita ko na abs pala `yun ni Louie na nakayakap na ngayon sa `kin. “Ah... sorry.” Hinimas n’ya ang likod ko, sabay pasimple’ng amoy sa buhok ko. Natahimik nanaman ang buong silid, hanggang sa matauhan si Louie at bigla ako’ng bitawan. “Well.” Natawa si Nathan. “Looks like this is all the proof we need.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD