Binaba ko na ang tawag at nakitang nakatitig sa `kin sina Aveera at Rome na ang lalaki ng ngisi. Si Gio naman ay nakatingin lang sa `kin. Nag-init bigla ang mukha ko.
“Ang sweet naman ng mate mo, Kuya Josh!”
“Naku, mukhang nagalit nga sa `kin, eh!”
“Anong nagalit? Nagselos kamo!” sabi ni Aveera, “Which goes to show that he cares a lot for you.”
“Tama, Kuya Josh, iba ang galit sa selos, ang selos, may halong pag-aalala!”
“Nako, kayong dalawa talaga, `wag n’yo nga’ng niloloko si Josh,” sabi naman ni Gio. “Isa pa naman sa best qualities ni Josh ay ang pagiging inosente n’ya.”
“Kaya mo ba nagustuhan si Kuya Josh, Kuya?” pang-asar ng kapatid n’ya. Nasamid si Gio, ako naman ay nahiya sa kanilang magkapatid.
“Pero, mag-ingat ka pa rin, ha?” sabi sa `kin ni Gio. “You know what they say, ‘lawyers are good liars’, baka lokohin ka lang n’yan.”
“Hindi naman lahat, Kuya! Saka fated pairs na nga sila, eh, imposibleng niloloko lang n’ya si Kuya Josh!”
“Gayon pa man,” kinapitan ni Kuya Gio ang balikat ko, “gusto ko’ng malaman mo na nandito lang ako, Josh,” sabi n’ya sa `kin nang seryoso. “If things don’t work out, remember that I’m always here for you.”
“S’yempre Kuya,” ngumiti ako sa kan’ya. “Alam ko naman na maaasahan ko mga kaibigan ko, eh.”
Napatingin ako kina Rome at Aveera na nagpigil nang tawa.
“Tingin n’yo talaga, hindi s’ya galit?” tanong ko sa kanila.
“Hindi nga,” sabi ni Rome. “Gusto mo, puntahan mo s’ya ngayon, sigurado matutuwa `yun `pag nakita ka.”
“Eh, sabi n’ya, `di kami pwedeng mag-meet hanggang hindi pa tapos ang examination week...” sagot ko.
“Bakit, may exam pa ba kayo?” tanong ni Gio.
“...Wala na!” napangisi ako.
“So, pwede ka na’ng bumisita sa kanila,” sabi ni Aveera. “`Di ba, sabi mo, matagal mo nang gustong makilala ang pamiya n’ya?”
“I don’t think that’s a good idea,” singit agad ni Gio. “Don’t you think mas mabuting si Atty. Del Mirasol mismo ang magpakilala sa kan’ya?”
“Kuya, ayaw nga s’yang ipakilala dahil sa ’case’ isyu, eh!” sabi ni Rome.
“Case?”
“Bawal kasi kaming magkarelasyon habang may kaso pa kami,” paliwanag ko, “unethical daw `yun.”
“Kaya nga hush-hush lang ang relasyon nila!” bulong ni Rome.
“Is that so?” kumunot ang noo ni Kuya Gio. “Kung ganon, ba’t `di n’ya ipasa sa ibang abogado ang kaso mo?”
Napatingin sa `kin sina Aveera at Rome.
“Oo nga, Josh, ba’t nga ba `di na lang n’ya ipasa sa iba ang kaso?”
“Mahirap kasing magtiwala sa iba, eh, lalo na at may malaking pera na involved sa case. Sabi nga ni Yaya, ang dami raw nag p-prisenta na ibang lawyers sa amin ni Mama, kaya lang, posible daw pakawala sila ng mga Villa, at baka ipatalo lang ang kaso ko, kaya ayaw ni Mama kumuha ng ibang lawyer.”
“Eh, wala bang kilalang ibang abogado si Louie na mapagkakatiwalaan n’ya?”
“Meron naman siguro...” sagot ko. “Kaya lang... kung `di ko na s’ya abogado... ano pa dahilan para magkita kami?” malungkot ko’ng sinabi.
“Bobo.” Kinaltukan ako ni Aveera sa ulo.
“Aray!” Napalakas `yun, ha?!
“Ano ka ba naman, Kuya Josh!” sabi ni Rome. “S’yempre magkikita pa rin kayo, dahil fated pair kayo!”
“Oo nga, fated pairs can never keep away from each other for too long,” sabi ni Gio na hinimas ang nananakit ko’ng tuktok. “Kahit hindi na s’ya ang abogado mo, sigurado’ng dadalaw pa rin s’ya sa `yo, lalo na kung may roon na kayong relasyon!”
“Aba... oo nga ano?!” napahampas ako sa mesa. ”Ba’t nga ba `di ko naisip `yun?!”
“Ang nakakapagtaka, eh, bakit hindi rin `yan naisip ng mate mo?” tanong ni Gio.
“Pano, denial king ang Louie na `yun, hindi pa rin matanggap na love n’ya si Josh.” bisto ni Aveera.
“Is that true?” sumimangot sa `kin ni Gio, “If he’s not serious about you, I won’t hesitate to take you from him!”
“H-hindi naman... pero... hanggang ngayon kasi love pa rin ni Louie ang first husband n’ya... at pinipilit n’ya na sila ang fated pair...”
“Kung ganon, ay sa `kin ka na lang!” biglang sabi ni Gio na kumapit sa kamay ko! “Kung hindi ka n’ya tangggap, hindi s’ya nararapat sa `yo!”
“Pero... Kuya Gio, mahal ko s’ya eh...”
Natahimik si Gio.
Bumukas pa ang bibig n’ya, pero sumara rin `uli ito.
“Kaya nga, dapat ma-realize na n’ya na fated pairs kayo!” sabi ni Rome.
“Dapat kamo, maamin na n’ya sa sarili n’ya `yun,” sabi ni Aveera.
“Pero, ayaw pa nga ni Louie...”
“Kaya dapat pumunta ka sa kanila para makilala ka na ng mga anak n’ya!” pilit ni Rome. “That way, hindi ka na n’ya maikakaila pa! Hindi na s’ya p’wedeng magdahilan `pag nakita ng mga anak n’ya na fated talaga kayo for each other!”
“Pano ko naman ipapakita `yun?” tanong ko.
“Halikan mo s’ya sa tapat nilang lahat!”
“HA?!” napatunganga kaming tatlo kay Rome.
“Okay ka lang?!” sabi ni Aveera.
“Ikaw talaga, Rome, puro ka kalokohan! Sa kakapanood mo `yan ng mga K-nobela mo, eh!” sabi ng Kuya n’ya.
“Tingin mo, gagana `yun?” tanong ko naman.
“Ano ka ba naman, Josh! Gusto mo ba’ng isumpa ka ni Louie?! Pati mga anak n’ya baka isipin, cheap ka, na kahit sino hahalikan mo!” sabi ni Aveera.
“H-hindi naman sa ganon...” nahiya naman ako sa kaibigan ko...
“Naku, Ate Aveera, hindi ka lang makarelate since girl ka,” sabi ni Rome. “Sa aming mga omega kasi, wala nang ibang makapapalit sa fated pair namin! Once na ma-meet namin sila, malilimutan na namin ang ibang mga lalaki sa mundo!”
“Yeah, that’s true,” sang-ayon ni Gio.
“Isa pa, ang alpha na umiibig sa kan'yang fated pair, can’t help but take care of them, kahit pa may pagka-possesive sila like we saw earlier, hindi nila kayang saktan ang fated pair nila – unless they’re in bed,” dagdag ni Rome na may karugtong na tawa.
“Bakit? Bakit sila nananakit sa kama?” tanong ko, natakot.
Pano kung saktan din ako ni Louie `pag nasa kama na kami?!
Tinitigan ako ni Aveera at ni Rome, niyakap naman ako ni Kuya Gio.
“Josh... ayaw talaga kitang pakawalan... natatakot ako sa pwedeng mangyari sa `yo...” sabi n’ya. ”Pero... if this is what’s best for you...”
“You’re not alone, Kuya Gio,” sabi ni Aveera.
“Sana nga ako na lang ang naging alpha, eh, para mabantayan ko si Kuya Josh,” sabi naman ni Rome.
“Ha? Bakit? Ano’ng meron?” tanong ko sa tatlo.
“Haay... asa na lang tayo na ma-trigger din ang protective tendencies ng mga future step kids mo,” sabi sa `kin ni Aveera.
“Oo nga, Josh, at sa charm mo, sigurado’ng mamahalin ka rin nila agad.” Pinisil ni Gio ang magkabila ko’ng pisngi at hinalikan ako sa noo. “Basta’t mag-iingat ka lang lagi, ha?”
“S-syempre naman!” nag-init ang mukha ko.
“At Kuya, remember what I told you! Be smast! Act smart! Speak smart! Hindi ka mamaliitin ng mga anak ni Louie kung confident ka lagi!”
“Ayan nanaman ang mga payo mo, just be your self, Josh!” sabi naman ni Aveera.
“Tama, just be yourself,” sang-ayon ni Kuta Gio. “`Yun lang ang kailangan mo, sigurado, aayos din ang lahat.”
“Tama! Panahon na nga para magpakilala ako sa pamilya ni Louie!” sang-ayon ko sa kanila. “Salamat sa lahat ng payo!”
Nagmamadali ko’ng sinimot ang pagkain ko, tapos ay pumunta ako sa mesa ng mga bantay ko.
“Ate Sol, Ate Mira, pahatid naman ako sa Mandaluyong,” sabi ko sa kanila. “Pupunta tayo kina Louie ngayon.”