“Kuya Gio!” agad ako’ng lumapit at yumakap sa kababata ko!
Niyakap din ako ni Gio pabalik, pero parang nanigas ang katawan ko nang himasin n’ya ang likod ko at ikuskos ang mukha n’ya sa gilid ng leeg ko.
Parang kakaiba ang dating noon.
Agad ako’ng tumulak palayo sa kan’ya at ngumiti para `di s’ya ma-offend.
“K-kamusta na, Kuya Gio?” bati ko sa kan’ya. “College ka na nga pala, saan ka nga ba nag-aaral ngayon?”
“Sa M University, I’m taking up medicine, I plan to go into research also,” sabi n’ya habang kapit ang kamay ko na mukhang wala s’yang balak bitawan.
“Alam mo ba, Kuya Josh, nakakuha si Kuya ng full scholarship dahil sa sobrang talino n’ya!” pagmamalaki ni Rome na humarap kay Aveera. “Ate Aveera, eto Kuya Gio ko, Kuya, si Aveera, kaibigan namin!”
“Hello,” bati ni Gio na `di maalis ang mata sa `kin. “Why don’t I treat you guys out for dinner since matagal na tayo’ng `di nagkasama?”
“Okay, Kuya! Lika na!” sagot ni Rome para sa amin.
Hinatak n’ya si Aveera papuntang likod ng kotse. Umakbay naman sa `kin si Gio, sinama n’ya ko sa passenger’s seat at pinagbuksan ng pinto.
“Sir, susunod na lang po kami sa inyo,” sabi ni Ate Mira na biglang sumulpot sa likod namin.
“Ah, sila ba ang bodyguards mo?” ngumiti sa kanila si Gio. “Don’t worry, I’ll take good care of Josh.”
“Saan n’yo gusto? Any preferences?” Tanong ni Gio pagupo n’ya sa likod ng manibela.
“Gusto ko ng burgers, Kuya!” sabi ni Rome.
“Burgers sound nice,” sabi ko.
Maya-maya pa ay nasa mall na kami at may kan’ya-kan'yang burger sa harap. ‘Giant Whoopier’ ang inorder ko, para kasing gutom na gutom ako matapos ang exams. May large onion rings and fries din ako’ng order at giant coke float.
“Mukhang gutom na gutom ka, ha?” natatawang tanong ni Kuya Gio sa tabi ko. “Tama `yan para lalo ka’ng maging cute!”
Nag-init ang mukha ko sa sinabi n’ya.
Weird, dati naman, hindi ako nahihiya kahit sinasabihan n’ya `ko nang ganito.
“Nagutom ako sa exams namin kanina,” sagot ko matapos malunok ang laman ng bibig ko.
“Ha-ha, napaka hirap nga pala ng mga exams d’yan sa Erminguard.”
“Oo nga pala, Kuya, graduate ka rin ng school namin, ano nga ba ang club mo noon?” tanong ko.
“Since STEM ang strand ko, kasama ako sa Erminguard Science Society, member din ako ng soccer varsity at ng wushu team.”
“Woah, dami noon, ha?”
Sa bagay, matagal na `kong hanga kay Kuya Gio, bukod kasi sa matalino, napaka bait pa n’ya.
“Yup, I was very active in high school, kahit ngayon, member ako ng wushu team sa University.”
“Kuya, mahirap ba’ng pumasok sa M University?” tanong ni Aveera. “`Yun ang top choice ko, kaya lang feeling ko `di ako aabot sa standards nila.”
“T’yaga lang,” sagot ni Gio. “Also, since sa arts ang kurso ninyo, hindi ganoon kadugo ang written exam nila.”
“Written exam? Hindi ba talent exam lang?” tanong ko.
“May written exam din ang fine arts sa M University, Kuya,” sabi ni Rome na ubos na ang burger. “Pero madali lang `yun, kayang-kaya mo na `yun ngayon.”
“Do you also plan to study in M University?” tanong ni Gio na nagniningning ang ngiti.
“Well... wala pa nama ako’ng napipili, pero, d’yan kasi nag-aaral ang anak ni Louie kaya isa s’ya sa choices ko.”
Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Gio.
“Louie?” tanong n’ya sa `kin.
“S’ya ang fated pair ko,” nahihiya ko’ng sinabi.
Sobra, biglang nag-init ang mga pisngi ko, napatakip tuloy ako ng mukha. Si Gio naman ay kumunot ang noo.
“Uy, blooming!” kantyaw sa `kin ni Aveeha na nasa fries na.
“N-nabanggit nga sa `kin ni Rome... na may... may fated pair ka na raw...?”
“Oo, Kuya,” sagot ko. ”Louie ang pangalan n’ya, ang gwapo n’ya at ang tali-talino pa!”
“T-talaga?” Bumalik ang ngiti ni Gio, pero napansin ko, hindi na `to kasing ningning nang dati.
“Ah, speaking of which, magpapadala nga pala `ko ng picture sa kan’ya!”Agad `ko’ng inilabas ang cell ko at tumabi kay Kuya Gio. “Smile!”
Pinagkasya ko kaming apat sa shot, umakbay pa sa `kin si Gio at bumelat.
“Nag-reply na ba si Louie sa `yo?” tanong ni Aveera habang isini-send ko ang pic at nag t-type ng message.
“Hindi pa nga, eh, tapos na exams, ayaw pa rin mamansin!”
“Hindi ka n’ya pinapansin?” tumaas ang kilay ni Rome.
“Kasi nga, usapan namin, `di ba, off limits ako habang may exams.”
“Aba, mukhang responsable naman pala `yang pair mo,” singit ni Gio.
“Napaka talaga!” pagmamalaki ko. “Biro mo, Kuya, napalaki n’yang mag-isa ang tatlong anak n’ya, at sikat na abogado pa s’ya!”
“Tatlong anak?” muling kumunot ang noo ni Gio, “Ilang taon na ba ang Louie na `to?”
“Kuya, si Atty. Louie Del Mirasol `yan,” sagot sa kan’ya ni Rome. “S’ya ang fated pair ni Kuya Josh. Sabi ko nga sa `yo `di ba, maghanap ka na ng iba dahil wala ka nang pag-asa!”
“Atty. Del Mirasol?” napatitig sa `kin si Gio. “Isn’t he your current lawyer?”
“Oo, kaya nga hindi pa kami p’wedeng mag-mate, eh,” nakanguso ko’ng sinabi.
“`Oy, Josh, ayan ka nanaman,” sita sa `kin ni Aveera.
“Okay lang, si Kuya Gio lang naman `to, eh!” sumandal ako sa balikat ni Kuya. “Parang kapatid ko lang `to!”
Bahagyang natawa si Kuya nang pilit. Tumunog naman ang cell ko na agad ko’ng tinignan.
“Ah! Message galing kay Louie!” Napadiretso ako ng upo at agad ito’ng binuksan.
’Ba’t `di ka pa umuuwi? Sino `yang kasama mo? Nasaan kayo?’ basa ko rito.
“Ayan, nagalit tuloy ang fafa mo,” natatawang sabi ni Rome.
“Mukhang may nagseselos!” nakangising sabi ni Aveera.
“Ha? Magkakaibigan lang naman tayo, `di ba?” nagtataka ko’ng tanong.
“Sandali.” Kinuha ni Aveera ang cell ko. “Lapit ka kay Gio, Josh.”
“Kuya, akbayan mo si Josh, dali!”
“Like this?”
Inakbayan nga ako ni Gio, ibinaling pa n’ya ang ulo n’ya sa `kin at saka nag-peace sign. Ako naman ay naki ride na rin at ngumiti.
“And... send!”
Ibinalik sa `kin ni Aveera ang cell ko.
“Any second now,” sabi ni Rome na malaki rin ang ngisi sa mukha.
“Anong...?”
‘RIIIIING!!!’
Ang gulat ko nang tumunog ang cellphone ko!
Nagtawanan ang tatlo ko’ng kasama, tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakitang si Louie ito!
“Hello?”
‘Josh, nasaan ka?’ tanong ng galit na boses ni Louie sa telepono.
“Nandito sa Aura, kasama ko mga kaibigan ko, kumakain kami...”
’Sino’ng mga kaibigan `yan? How come I don’t know that guy beside you?’ nagpigil sila Aveera ng tawa.
“Ha? Si Kuya Gio ito, kapatid ni Rome...”
‘And why is he embracing you?’
Nag-init ang mukha ko, ngayon ko lang narinig nang ganito ang tono nang pananalita ni Louie. Halatang galit s’ya, at dahil dito ay hindi ako makasagot sa kan’ya! Nakadama ako ng takot, at the same time, parang na-flatter ako, kasi, ibig sabihin nito, `di ba, nagseselos s’ya dahil kay Kuya Gio? Dahil ayaw n’yang may ibang lalaki’ng lumapit sa `kin?
“Hello, Atty. Louie, si Aveera po ito,” kinuha ni Aveera sa akin ang phone. “Kamusta na po kayo?”
‘Good afternoon.’
Mukhang biglang umayos ang tinig ni Louie.
‘Okay naman ako, kamusta ang exams ninyo?’
“Katatapos lang po, kaya naisipan naming mag-hang-out and let loose.”
“Hi po! Si Rome po ito, kababata po namin si Kuya Josh! Sana po next time p’wede tayo mag-meet, Atorni!” singit ni Rome. “Isasama ko po Kuya Gio ko! Say hi, Kuya Gio!”
“Hi!” sabi ni Gio sa phone.
‘Good... `wag lang kayong magpapagabi at baka mag-alala ang mga magulang n’yo.’
“S’yempre po, Atorni.” reply ni Aveera.
‘Okay, mag-ingat kayo. Can I speak to Josh for a bit?’
Binalik sa `kin ni Aveera ang phone.
“Hello?”
’Sorry if I snapped at you...’ sabi ni Louie na mahinahon na `uli ang boses. ’Kamusta naman ang mga exams mo?’
“Okay naman, nasagutan ko lahat.”
’Alam ba ng Mama mo kung nasaan ka? Kasama mo ba ang dalawang bantay mo d’yan?’
“Opo, nasa kabilang table lang sila.” napatingin ako kina Ate Mira na nagtaas ng kilay sa `kin. “After kumain uuwi din agad kami.”
’Okay, basta mag-ingat ka, lalo na sa mga taong `di mo kilala. Tandaan mo, may dahilan kung bakit ka may bodyguards.’
“Okay, mag-iingat ako lagi.”
‘Sige na, mag message ka sa `kin pag nakauwi ka na.’
“Okay, bye,” bulong ko sa cell, “Love you!”
‘Cge, bye na.’