Hindi na bumaba si Louie pagdating namin ng hotel.
Kahit anong pilit, hindi na n’ya `ko pinagbigyan. Pero okay lang, nakasilay na ko sa kan’ya, at sapat na `yun para mawala lahat ng bad trip at sama ng loob nang araw na `yun.
Nakapag-aral na `uli ako nang maayos, at maayos ko rin nasagutan ang mga exams namin kinabukasan. Sa pagdating ng Friday, laking pasalamat namin ni Aveera at nakaraos din kami.
“Lika, punta na tayo sa clubroom para makapag-relax.” Aya ko sa best friend ko.
“My thoughts exactly!” sabi nito na nagdantay ng mabigat na braso sa balikat ko. “Tamang-tama, gawa na tayo ng design para sa assignment natin sa Monday.”
“Kuya Josh!” tawag sa `kin ni Rome nang makita kaming parating. “Kamusta exams ninyo?”
“Okay naman, ikaw, nakapag-aral ka ba?” tanong sa kan’ya ni Aveera.
“S’yempre naman, Ate, may kinuha pa ngang special tutor ang Papa ko para sa `kin, eh!” sagot ni Rome. “Kuya Josh, may surprise ako sa `yo mamaya!”
“Anong surprise?” tanong ko.
“Basta, mamaya malalaman mo sa uwian natin!”
“So, nasaan ang ibang members natin?” tanong ni Aveera nang pumasok kami nang clubroom.
Dati rati kasi, halos puno lagi ang maliiit na kuwarto namin na may tatlong sewing machines na laging may nakapilang gagamit. Ngayon, nakatiwangwang ang mga makina. Dadalawa lang ang nakaupo sa mahabang preparation table, mukhang baguhan pa ang isa.
“Bakit tayo lang nandito?” tanong ko.
“Nagsi-uwian nang maaga ang iba para mapahinga ang utak nila.” sabi ng isang clubmate namin na si Kat. “Halika, may bago tayong member.”
Napatingin ako sa lalaki’ng tumayo sa paglapit namin. Mamula-mula ang buhok n’yang layered na hanggang baba. Mapupungay ang mga mata n’ya na itim at matangos ang ilong sa maputing mukha na mala-porcelana sa kinis!
“Hello, I’m Yuu Jinn Gunn, you can call me Jinn! Nice to meet you.” Nakipagkamayan s’ya kay Aveera na halos kasingtangkad niya. “I’m a year lower than you, balak kong sumali dito sa design club para matuto’ng magdesign ng sarili ko’ng outfits,” sabi niya.
“Welcome!” ngumiti ako sa kan’ya, ”Kung may tanong ka, don’t hessitate to ask us.”
“I sure hope so.” Lumapit s’ya sa `kin at nakipagkamayan din. “Actually, I joined the club after finding out that Ms. Pilapil’s only son is a member here,” sabi n’ya. “Ikaw ang nag-de-design ng ibang damit sa Pilapil Fashions, `di ba?” tanong n’ya. “I hope to learn a lot from you.”
“A-ah... okay... thank you...” unti-unti ko’ng hinatak palayo ang kamay ko, pero hinatak n’ya `ko papunta sa mesa at pinaupo ako rito.
“May tips ka ba na mabibigay sa pag-sketch ng design? Sa pag color? Ano ang preferred mong medium?”
“Ah... colored pens usually gamit ko...” binitawan din n’ya ko sa wakas, pero ngayon naman ay tumabi s’ya sa kin sa mahabang bench, at parang masyado s’yang malapit.
“Can you show me how you start a sketch?” Ngumiti s’ya sa `kin, at sa lapit ng mukha n’ya, eh, kitang-kita ko kung gaano ka plantsado ang mga pores sa nagniningning n’yang balat.
Pano kaya n’ya nagawang ganon ka-smooth ang face n’ya? Para ito’ng may coat na plastic!
“Umm...” kumuha ako ng papel at lapis at nagsimula nang mag-sketch. “Basic body lang inuuna ko, tapos, diretso na sa design...”
“Wow, ang galing mo talaga, ang bilis mo’ng mag-sketch!”
Kaya nga tinawag na sketch, eh...
Napatingin `uli ako sa kan’ya, tinignan kung nang-aasar lang s’ya, pero mukhang totoo ang paghanga sa mukha n’ya.
Bigla namang may humarang na kamay sa gitna namin.
“Hoy, Jinn,`wag masyadong malapit at baka magkapalit kayo ng mukha ni Kuya Josh!” sabi ni Rome na masama ang tingin sa bago naming member.
“Mukhang magkakilala kayo, ha?” tanong ni Aveera na nakaupo sa tapat namin at nags-sketch rin ng designs.
“Oo, magka-miembro rin kami sa fashionista club,” sabi ni Jinn. “Kung nalaman ko nga lang na member dito si Joshua, matagal na sana ako’ng sumali!”
“Pano mo malalaman, eh, lagi kang absent, pati sa club, `di ka halos nagpapakita?” bisto ni Rome.
“I can’t help it, in demand ako masyado, eh,” napakibit-balikat si Jinn.
“Artista kasi eto’ng si Jinn,” paliwanag ni Kat na may tinatastas na tela. “Nakakatuwa nga at puros bigatin na celebrities ang mga bagong members natin.”
“Ah, kaya pala parang pamilyar ka!” sabi ko kay Jinn na mukhang nakita ko na nga sa TV. “May iba’ng members pa ba tayo’ng celebrities?” tanong ko naman kay Kat.
“Sino pa, eh, `di ikaw!” sabi ni Aveera na napatitig sa akin.
“Ako? Hindi naman ako sikat, ha?”
“Naku, Kuya, kung alam mo lang, matagal nang inaalam ng mga gossip magazines kung sino ang anak ni Mama mo na kasama n’yang nagde-design sa Pilapil!” sabi ni Rome.
“That’s right,” sang-ayon ni Jinn. “At alam mo ba na walang estudyante rito sa campus ang `di ka pa kilala?”
“Sa bagay, ayaw nga ni Mama na lumabas ang picture ko sa public... magulo raw kasi ang showbiz, baka kung ano pang balita ang lumabas tungkol sa `kin...”
“Napaka over protective talaga ng Mama mo,” sabi ni Aveera sa tabi ko.
“So, Josh, mind if you give me some tips?” sabi nanaman ni Jinn na muling lumapit sa `kin.
“Sure, okay lang...”
“Teka magpapaturo rin ako!” sabi ni Rome na sumingit at umupo sa gitna namin.
Buti na lang, dahil naaasiwa ako sa lapit ni Jinn. Ewan ko kung freindly lang s’ya or something, pero iba feeling ko sa kan’ya, `di tulad ni Rome na okay lang kahit i-hug ako at paghahalikan sa pisngi.
Maya-maya pa, ay nag-aasaran na kaming lima at nagtatawanan sa loob ng club house. Napansin lang namin ang oras nang may mag-message kay Rome.
“Aba, mag-aalas singko na pala?” sabi ni Rome.
“Oo nga, ano? Ang sarap kasi ng usapan natin, kaya `di natin napansin,” sabi ni Aveera.
“Halika na Kuya Josh, para makita mo na ang surprise ko sa `yo!”
“Saan naman kayo pupunta?” usisa ni Jinn. “Mind if I tag along?”
“Hindi p’wede!” binelat s’ya ni Rome, “Sina kuya Josh at Ate Aveera lang ang kasama!”
“Okay, I’ll be seeing you next week then,” sabi ni Kat na feeling left out, pero bago pa ko pakapag-paalam sa kanila nang maayos, eh, hinatak na kami ni Rome palabas ng room.
“Ano ba’ng meron, at pati ako kasama?” tanong ni Aveera.
“Basta, sunod na lang kayo! Buti nga wala na `yung mahangin na Jinn na `yun, eh!”
“Mukhang `di kayo magkasundo, ha?” natawa ako.
“Talagang hindi, at tuwing bumubuka ang bibig n’on, eh, tinatangay lahat ng tao sa paligid!”
“Pero in fair, ha, ang kinis ng mukha n’ya!” sabi ni Aveera.
“Napansin mo rin,” sabi ko. “Parang plastic, sobrang smooth!”
“Ikaw ba naman and anak ng sikat na derma sa pinas, dapat lang flawless ang balat mo!” sabi ni Rome. “Ingat ka doon, Kuya Josh,” dagdag n’ya, “alpha rin `yun, pero `di s’ya sumasali sa harem games because ‘it’s below him’ daw.”
“Talaga? Eh, `di hindi pala s’ya masamang tao?”
“Naku, palibhasa kamo, hindi s’ya dominant, at walang makatagal sa kayabangan n’ya!”
Natawa kaming pareho ni Aveera.
“Pero, wala s’yang amoy, ha?”
“Naku, Kuya, ayan ka nanaman sa mga amoy mo!” si Rome naman ang natawa ngayon. “Mga dominant lang naman usually ang matapang ang amoy, eh, ang regular alphas, kayang mawala ang amoy sa paggamit ng mild suppressants, ang iba nga ni hindi na umiinom ng gamot, eh, pero may ilang mayayabang na sadyang hindi umiinom ng tamang dosage ng gamot para ipangalandakan na alpha sila.”
“Ganon?” sabay naming react ni Aveera.
“`Di ba bawal `yun?” tanong ni Aveera, “Nasa school rules ang tamang pag-inom ng suppressants for both alphas and omegas para hindi magkaroon ng aksidente sa campus!”
“Oo, pero mas malakas kasi talaga ang amoy ng mga dominants, at kaming mga omega lang ang nakakapansin noon, and since walang omega na teachers sa Erminguard...”
“Walang omega teachers dito?” ang gulat ko nang malaman ito, “Eh, akala ko ba, equality ang pino-promote nila dito?” tanong ko.
“Oo, pero malaki ang percentage ng alpha students dito compared to other schools, kaya walang omega na teachers, baka kasi maapektuhan sila ng mga students nila, also, mataas ang standards ng Erminguard, kaya walang pumapasang omega professors, bibihira kasi ang omega na nag-e-excel sa academics.”
“Eh, anong tawag mo kay Josh?” nakasimangot na tanong ni Aveera.
“Hindi naman ako ganoon ka galing...” nahihiya ko’ng sabi.
“Hmph. Sa bagay, nasanay na siguro katawan mo sa tapang ng mga gamot mo noon, kaya ngayong biglang baba ng dosage, lumalabas naman ang tunay na talino mo, kahit may iniinom ka nang ibang gamot,” sabi ni Aveera. “Kung `di ako nagkakamali, may downers ang omega suppressants, tama ba? Kaya karamihan sa mga omega, hindi masyado makapag-concentrate sa pag-aaral, at madalas nanlalambot o lampa.”
“Truth!” sabi ni Rome na tinuro pa si Aveera. “Kaya nga hate na hate ko ang PE, eh! Pero wala, no choice, it’s either that, or be raped.”
“Buti nga at eto’ng si Josh, mas matalino na ngayon, kaya lang, ignorance can only be cured by experience.”
“Eh?” napatanga ako sa dalawa kong kaibigan at nakitawa na lang sa kanila.
“Anywayz, halika na sa parking, nandoon ang surprise ko!” Muli kaming hinatak ni Rome.
“Ano ba talaga meron sa parking?” tanong sa kan’ya nang maabot na namin ang lugar.
“Surprise nga, Kuya, sigurado ako matutuwa ka! Kasi, miss na miss ka na rin n’ya!”
“Miss na miss...” nagka-idea na ako kung ano ang surprise ni Rome, at sa paglapit namin sa isang sasakyan, ay bumukas ang pinto nito at lumabas ang isang chinito’ng may magandang ngiti sa mukha.
“Josh! Kamusta na?”