Chapter 40

1574 Words
”As part of your midterm exams in design, I will be requiring you to submit a full spring and summer fashion line-up for next week,” sabi ng teacher namin. “Copy the notes on the board to reviewer for the written part of your exam.” Naku, tamang-tama, may naiisipan ako’ng bagong mga design para kay Mama, `yun na rin ang ipapasa ko next week, in the meantime, mag co-concentrate ako sa written exams namin. Matatapos na ang araw at puro review ang ginawa namin sa klase. Mamayang remedials, malamang, bigyan ako ng mock exam ni Mrs. Villa, pero handa na `ko para rito. Good mood ako, out of 8 subjects kasi, apat ang na-perfect ko’ng score sa quizzes namin last Friday! Ibig sabihin, apat na beses ko’ng pwedeng halikan si Louei! Kaya lang, nagbigay na s’ya ng collateral, kaya baka magkautang pa ako, dahil aapat lang ang na-perfect ko. Hmm... hindi naman siguro, kasi, gusto rin naman n’ya `pag naghahalikan kami, eh, so that doesn’t count! “O, kinikilig ka nanaman d’yan nang mag-isa?” sita sa `kin ni Aveera. “He-he, naisip ko lang si Louie, miss na miss ko na agad s’ya! `Di ako makapaghintay na matapos na ang linggo para mapuntahan ko na s’ya sa opis n’ya!” “Siguraduhin mo muna na alam mo na ang ie-exam natin,” paalala ni Aveera, “Baka mamaya, pagdating ng mismong midterms saka ka pa ma-mental block.” “Naku, `wag naman sana!” Kumatok ako sa mesa ko’ng kahoy nang tatlong beses. “Ngayon pa nga lang parang nag si-sink-in yung reality na pwede akong bumagsak pabalik sa 10th grade `pag `di ako pumasa sa midterms na `to, eh...” “`Wag kang mag-alala, sa laki ng effort na ini-excert mo sa pag-aaral, sigurado ako magbubunga rin lahat nang paghihirap mo.” “Sana nga, Aveera, at ayokong maghiwalay tayo!” nag-aalala ko’ng sinabi. “`Wag ka kasi masyadong nega!” pinisil ni Aveera ang pisngi ko. “Basta mag-aral ka nang mabuti, kayang-kaya mo `yan!” `Yun nga ang ginawa namin ni Aveera. Tinutukan n’ya ko sa pag-aaral, and since wala naman kaming review ni Louie, ay inaya ko s’ya sa bahay para doon mag-review. Dumaan pa kami sa kanila para ipag-paalam siya sa parents n’ya para mag-overnight, tapos ay nagpahatid na kami kina Ate Sol at Ate Mira sa penthouse ko. Tuwang-tuwa si Aveera! Ang sarap ng kain n’ya, nang nalaman kasi ni chef na may bisita ako, eh, naghanda s’ya ng iba’t-ibang ulam. Katatapos lang naming kumain, naghahanda na’ng pumunta sa study room para mag-aral, nang dumating si Mama. “Josh! I’m home!” tawag n’ya mula sa elevator entrance. “Mama!” hinatak ko si Aveera na nanlaki ang mga mata. “Halika, ipapakilala kita sa Mama ko!” “O, may bisita pala tayo?” nakangiti’ng tanong ni Mama nang makita ang kaibigan ko. “Ma, `eto best friend ko, si Aveera, s’ya nagtuturo sa `kin sa school!” “H-hello po!” sabi ni Aveera na mukhang ninenerbyos. “P-pabrito ko po Pilapil!” “Ah-ha-ha, ganon ba?” mukhang natuwa agad sa kan’ya si Mama. “Ang tangkad mo, ha? Nagmo-model ka ba?” “`Di ba, Ma? Abot na abot n’ya mga bunga ng avocado sa bahay!” “Ikaw talaga, anak,” ginulo ni Mama ang buhok ko. “sa tangkad at ganda ng kaibigay mo, pwedeng-pwede s’yang modelo! Ang ganda pa ng pagka-green ng mata n’ya, oh!” “H-hindi naman po...” namula ang mukha ni Aveera. “Bakit naman hindi? Na try mo na ba’ng magmodel before?” “H-Hindi pa po... n-nahihiya po kasi ako’ng humarap sa maraming tao...” mahina n’yang sagot. “Aba, at bakit ka naman mahihiya? May ginawa ka bang masama?” Kinapitan ni Mama si Aveera sa balikat. “Ikot ka nga, iha?” Umikot si Aveera. “Wala bang nag s-scout sa `yo?” “M-meron po... pero... hindi po ako marunong mag-model...” “Gusto mo ba’ng matuto?” tanong ni Mama. Nanlaki ang mga mata ni Aveera na napatingin sa `kin. Tumango ako sa kan’ya na may malaking ngisi sa mukha. “K-kung p-pwede po sana...” “Then, come here right after your exams,” sabi ni Mama, “Isasama kita sa mga modelo ko.” “T-talaga po?!” “Of course! Sayang naman ang potensyal mo kung lagi ka lang nakahukot!” “Wow, Aveera! Iba na talaga ang matangkad!” sabi ko sa kaibigan ko. “Alam mo ba, dati itong si Josh ko ang living manequin ko, kaya lang, pagdating n’ya ng 12 years old, `di na s’ya lumaki, naiwan sa children’s wear ang size n’ya!” “Mama talaga!” nginusuan ko ang nanay ko na tumatawa. “Don’t worry, anak, napaka cute mo pa rin kahit kinapos ka sa height!” “Hmph! Lika na nga, Aveera, mag-aral na tayo sa kuwarto!” hinatak ko ang kaibigan papuntang study. “Sige, pakabait kayo, ha, iwan n’yong bukas ang pinto!” tawag pa ni Mama. ”S-s’yempre naman mabait kami!” tawag ko pabalik. “Ang cool naman ng Mama mo!” sabi ni Aveera na mukhang `di pa makapaniwalang na-meet n’ya in person ang idol n’ya. “Ang ganda-ganda n’ya at ang bait pa!” “S’yempre, kanino pa ba `ko magmamana?” pagmamalaki ko. “Totoo ba `yun? Patuturuan n’ya ako’ng mag-model?” tanong n’ya. “Oo, madalas si Mama mag-scout ng mga modelo, gusto n’ya mga ka-edaran ko kasi binabagay n’ya sa `kin ang clothing line n’ya. Kaya nga dati puros pambata lang ang gawa ni Mama, ngayon may teens na.” “Nakakatuwa na nakakatakot!” Tinapik-tapik n’ya ang mukha n’ya. “Parang hindi totoo... pano kung manigas ako sa harap ng maraming tao at hindi makalakad sa catwalk?” “Kaya ka nga patuturuan, eh,” natawa ako. “Akala ko ba, bawal ang nega? At saka, hindi naman porket modelo, rarampa na, hindi naman gumagalaw ang model sa photoshoot, `di ba?” “Sa bagay...” Ayan, mukhang nahimasmasan na si Aveera. “Sige, mag-simula na nga tayo mag-aral.” sabi n’ya sa `kin, “Sisiguraduhin ko’ng pareho tayong perfect sa midterms na parating.” “That’s the spirit!” sabi ko. “Sandali, picture-picture muna, magpapadala ako kay Louie.” Tumabi naman sa `kin si Aveera na nasanay na sa maya-maya ko’ng selfie. “May bagong reply ba sa `yo si Louie?” tanong n’ya habang nagse-send ako ng pic. “Wala pa nga, eh, baka nagdi-dinner pa silang pamilya.” “Nice, family man,” sabi ni Aveera habang inilalabas ang mga libro n’ya. “Oo nga, eh, kaya `di na rin ako makapaghintay ma-meet ang mga anak n’ya,” sabi ko. “Biro mo, instant, big family agad! At hindi pa malayo ang agwat namin ng anak n’yang si Nathan, habang si Mercy naman, eh, mas bata sa `kin! Kaya feeling ko talaga magiging close ko silang lahat as their step mom!” “Stem mom? O step dad? O step omega?” Napaisip kami ni Aveera. “Basta, ang kanilang pangalawang ina!” kinikilig ko’ng sinabi. Tumunog naman ang cell ko. Agad ko’ng kinuha iyon. ‘Good luck. Study hard.’ `Yun lang ang nakalagay rito at wala pa s’yang pinadadalang pic buong araw! Napaka strikto talaga ni Louie. “O, s’ya, gawin mo na ang payo ng mate mo,” sabi ni Aveera na nag-abot ng libro sa `kin. “Mag-aral na tayo.” Dumaan ang Martes na parang Lunes din. Tutok kami ni Aveera sa pag-aaral. Pati si Rome, walang oras mangulit sa `min dahil nag-aaral din. Doon ko nga naisip na seryoso talaga ang mga Erminguardians pagdating sa exams. Buti na rin `yun, dahil pati sina Sara at Carlos, masyadong busy sa pag-aaral para manggulo sa amin. Pagdating ng Mierkules, handa na kami sa aming mga exams. Half day lang kami, kaya lang, nagsabay ang dalawang mabibigat na subjects namin – ang Physics at Chemistry. “Please put everything away,” paalala ni Mrs. Villa. “Take one test paper and pass the rest to the back of the class.” Hinintay ko’ng mai-abot sa akin ang Chemistry paper ko. Kakatapos lang ng Physics, at confident ako na nasagutan ko lahat ng questions doon nang maayos. Ngayon naman, kahit feeling ko na `di ko mape-perfect ang chemistry, at least alam ko na `di ako babagsak dito. Confident din ako na masasagutan ko nang maayos ang written exam namin mamaya sa PE. Isa-isa ko na nga sinagutan ang mga questions. Iniwan ko muna ang mahihirap at inuna ang mga madali. Nasagutan ko rin naman ang mga ito bago pa matapos ang alloted time. “Okay, class, pens down,” sabi ni Mrs. Villa na nasa harap ng klase. “Pass your papers forward.” Iniabot ko ang papers ko kay Bea sa harap, at kinuha ang inabot sa `kin ng nasa likod ko. Ipapasa ko na rin sana `to sa harap, nang biglang magsalita si Edna na naka upo, 2 seats to my right. “Hoy, Josh, ano `yang papel na nahulog sa pantalon mo!?” sabi nito na ang lakas ng boses. “Huh?” napatingin ako sa baba. Agad naman ito’ng pinulot ng lalaking nakaupo sa may likod ko at binuklat. “Aba, kodigo, `to, ha?!” sabi nito na itinaas ang papel at pinakita sa mga kaklase namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD