Agad napuno nang bulungan ang klase namin.
“Anong kodigo pinagsasasabi mo? Patignan nga n’yan?” sabi ni Aveera na kukunin sana ang pirasong papel, pero inilayo ito ng lalaking pumulot dito.
“Patingin nga!” sabi ni Edna na kinuha ito. “Ma’am, kodigo nga! May mga chemical names and formulas dito, oh!” Binuklat n’ya ang maliit na papel. Mukha ito’ng print out.
“H-hindi po sa `kin `yan!” sabi ko, pero lalo lang lumakas ang bulung-bulungan sa klase.
Lumapit na si Mrs. Villa sa amin at kinuha ang pirasong papel. Tinitigan n’ya `to, tapos ay lumapit sa akin.
“Is this yours?” tanong niya.
“No, Mrs. Villa, I don’t know where that came from!” sabi ko.
“Sobra, desperado, nagkokodigo,” may nagsabi. Natawa ang ilang mga kaklase namin. “What a cheat.”
Ako naman ay pilit nagpigil ng luha, hindi dahil sa lungkot o takot, kung `di dahil sa galit.
“Mrs. Villa, just because it was seen near my feet, doesn’t mean it belongs to me,” katwiran ko, “I refuse to be called a cheat after all the effort I did studying for this exam.”
“That’s right, Mrs. Villa,” sabi ni Aveera sa tabi ko. “I can testify that Josh has been studying hard for this exam. He would never jeopardize his grades by cheating!”
“Well, perhaps you were cheating too!” sabi ni Bell sa likod.
Doon ako nagalit.
Tatayo na sana ako, nang kapitan ng katabi ko ang braso ko.
“Mrs. Villa,” sabi ng seatmate ko’ng si Glen, ang top 1 sa aming klase. ”I can affirm what Aveera said. Josh has been studying seriously for the past three weeks, I have seen first hand how much he has improved.”
“As well as I,” sabi ni Bea sa harap ko na nagtaas pa ng kamay.
Sobra, na touch naman ako! `Yun pa’ng top one at top two ng class namin ang nagtanggol sa `kin, samantalang dati, ni hindi nila ako pinapansin dahil ang bobo ko!
“No one’s calling anyone a cheat,” sabi ni Mrs. Villa sa akin. “Also, I do not believe that anyone in my class could possibly use a cheat sheet without me noticing.” Tumingin s’ya kay Edna. “We will get to the bottom of this after you finish your last exam for the day.”
Pumunta na s’ya sa harap dala ang pirasong papel na kodigo, at kinuha ang mga gamit niya.
“Class dismissed. You can take your lunch. Be back before 1 pm.”
“Josh, are you okay?” tanong sa akin ni Aveera.
“Oo, ayos lang ako,” sabi ko, nakangiti. “Glen, Bea, salamat sa pagtanggol n’yo sa `kin, ha?” sabi ko sa dalawa.
“I know how serious you are,” sabi ni Bea na naglakad na palabas, “You didn’t deserve that.”
Tumayo na rin si Glen na never pa ako’ng kinausap before.
“Just watch where you’re treading,” sabi nito bago umalis para kumain.
“Threading?” napatingin ako kay Aveera, “Nagtatahi rin ba si Glen?”
“Hindi, loka, tread, meaning, maglakad, ibig sabihin, mag-ingat ka sa mga hakbang mo, at baka kung sino ang maapakan mo, ayan tuloy pinagtritripan ka at muntik nang mapahamak.”
“Ang haba pala ng sinabi n’ya!”
Napahinga nang malalim si Aveera na ginulo ang buhok ko.
“Ano ba ang lunch natin ngayon?” tanong n’ya.
Inilabas ko ang malaki ko’ng thermal lunch box. Madalas kaming sa classroom kumakain, lalo na ngayong may exam. Buti dito tahimik, walang nagpaparinig o tumitingin nang masama sa amin, pati, pwede kami’ng mag-aral agad matapos kumain.
Pinakita ko sa kan’ya ang breaded pork chop and buttered mushrooms and veggies na gawa ni chef para sa `min. May soup pa ito’ng kasama, and for desert, ay may fruit salad at tiramisu.
“Wow! Daming pabaon ni chef ngayon, ha?”
“Oo, natuwa ata dahil sarap na sarap ka sa dinner natin ng isang gabi,” sabi ko, pero kahit gaano pa kasarap ang mga ito, ay parang wala ako’ng ganang kumain.
“O, ayaw mo na?” tanong ni Aveera na nakadalawang serving ng desert.
“Busog na `ko...” itinabi ko na ang kubyertos ko.
Tinitigan ako ni Aveera na nagbuntong hininga.
“`Oy, `wag mo’ng sabihing apektado ka pa rin nang nangyari kanina?” sabi n’ya sa `kin.
“Medyo...” amin ko. “Parang... ang sama-sama kasi... ano ba’ng ginawa ko at ang laki ng galit sa `kin nina Edna?” tanong ko. “Pati na rin ang ibang mga kaklase natin, parang takot na takot sa kanila, na para bang mas gusto nilang manakit ng iba kesa kontrahin sina Sara...”
“O, eh, nagkaron naman tayo ng dalawang bagong kakampi ngayon, `di ba?” sabi ni Aveera. “At `di sila small fry na tulad ng ibang kaklase natin na mga duwag.”
“Sa bagay, kahit pa noong simula, hindi ko nakitang sumali sina Glen at Bea sa mga nang-aaway sa `kin.”
“Hindi kasi nila kailangan mag kiss-up kanino man,” dagdag ni Aveera.
“Sana, maging kaibigan din natin sila, ano?” sabi ko pa.
“Sana. At sana rin kumain ka pa, masyadong marami `tong baon mo, sayang `pag `di naubos.”
“Para kasing... may nakabara rito...” sabi ko sa kaibigan habang hinahampas ang dibdib ko. “Hindi ako makalunok...”
“Sama ng loob `yan.”
“Sama ng loob?”
“Ngayon ka lang ba nakaramdam nang ganyan?”
Napaisip ako.
“...oo... dati `pag nagagalit ako, iiyak lang ako, wala na s’ya, pero ngayon, feeling ko, kahit ngumawa ako rito, hindi pa rin matatanggal `yung nakabara sa dibdib ko.”
“Ganyan talaga, it’s the feeling of betrayal,” sabi ni Aveera. “The feeling that you’re not being treated fairly.”
“Oo, ganon... dati kasi, hindi ko naiisip ang mga `yun. Alam ko lang na `pag nasaktan ako, malamang may nagawa ako’ng mali o masama... pero ngayon... wala naman ako’ng ginawang masama, `di ba?”
“Tama, wala nga.” Inakbayan ako ni Aveera at ipinatong ang ulo ko sa kan'yang braso. “May mga tao talaga na masasama ang ugali. Madalas, hindi natin mapapaliwanag kung bakit sila ganon, hindi rin natin sila kayang sabihan o baguhin, ang magagawa na lang natin ay layuan sila para `di na nila tayo masaktan pa.”
Suminghot ako.
“Sige lang, kung gusto mo’ng umiyak, umiyak ka lang, para mawala ang nakabara sa dibdib mo.”
“P-pero, sabi ni Mama, matanda na `ko kaya dapat, `di na ko iyakin, at `pag nalaman ni Louie na umiyak ako...”
“Siguradong susugod s’ya rito para ipagtanggol ka,” patuloy ni Aveera.
“Tingin mo?”
“Alam ko. Sige lang, ilabas mo lang kung `di mo na kaya,” patuloy n’ya. “Bato lang ang `di umiiyak, at `di tayo bato. Tao tayo.”
Umiyak nga ako noon.
Hindi ako ngumawa o humagulgol na tulad nang nakasanayan ko, pero walang tigil ang tulo ng luha sa mga mata ko. Hindi ako tumigil hanggang sa maramdaman ko’ng magluwag ang dibdib ko. Nakakahiya tuloy kay Aveera, k’se, nabasa ang right sleeve niya.
Matapos ko’ng umiyak ay nag-picture kami ni Aveera na nakangisi at pinadala `yun lay Louie.
‘Miss you na, Bhe.’ sulat ko sa message, ‘Napagbintangan ako’ng nagkokodigo, buti na lang pinagtanggol ako ng friends ko. Fighting pa rin! Ihanda mo mga kisses ko ha? Love you!’
Medyo umayos ang pakiramdam ko matapos i-send `yun kay Louie, kahit na hindi s’ya nag-reply. Sinubukan ko’ng kumain pa ng konti, pero wala na talaga ako’ng gana. Pati ang susunod na exam, parang nalimutan ko ang mga sagot! Buti na lang PE lang ang subject na `to.
Sana lang mawala na nang tuluyan ang sama ng loob ko mamaya, para bukas, masagot ko na nang maayos ang ibang mga exam ko.
After ng PE written exam ay kinausap ni Mrs. Villa ang buong klase namin.
“I have checked the CCTV footage during the incident,” sabi niya. “Hindi man nakita kung saan nanggaling ang kodigo, malinaw na hindi ito ginamit ni Joshua.”
Nakahinga ako nang malalim sa sinabi niya.
“I watched him during the whole exam. Dire-diretso ang sulat niya at wala siya’ng sinilip o tinignan na kung anumang papel habang nagsasagot nito.”
Nagbulungan ang mga estudyante sa kuwarto. Tumingin naman si Mrs. Villa kay Edna.
“Edna, you said that you saw the piece of paper drop off from Joshua’s pants, is that true?”
“Y-yes, ma’am...” sagot ni Edna na pulang-pula ang mukha at mukhang paiyak na.
“Are you sure about this?” tanong uli ni Mrs. Villa.
“I... I think so, Ma’am... parang... nasa paanan na po n’ya yung papel...”
“So, hindi ka sigurado na nahulog ito from his lap?”
Hindi na sumagot si Edna.
“Here in Erminguard, we value truth and integrity,” sabi ng guro namin, “We also treat each and everyone of our students equally. That is why we give no special treatment to our students, may they be rich or poor, maging alpha, omega, beta, o female man. You are all equals here, remember that,” ulit niya. “Hindi tama na magbintang kayo sa kaklase ninyo nang walang kasiguraduhan. It’s not right to label them as a cheater just because you found a piece of paper by their feet. Now, Edna Morel, I want you and the rest of the class to ask Joshua Safiro for an apology.”
Natahimik ang classroom.
“I’m waiting,” ulit ni Mrs. Villa.
Feeling ko, lalo lang niya’ng pinalalala ang sitawasyon.
Humarap naman sa akin si Edna, pilit pinipigil ang tulo ng luha sa mga mata, at tumingin pababa sa akin.
“I’m sorry.” Sabi nito na labas sa ilong.
Sumunod sa kan’ya ang iba naming mga kaklase.
“Okay class, you are dismissed. Joshua, please stay behind,” sabi ulit ni Mrs. Villa nang muling tumahimik ang silid. “Have a good day.”
Agad naglabasan ang mga kaklase namin. Marami sa kanila ang masama ang tingin sa `kin.
“Mrs. Villa,” lumapit ako sa kan’ya nang lumabas na ang huli naming classmate.
“Joshua, I noticed that you’re being ostracized in class. What seems to be the problem?” tanong niya, feeling ko naman ay alam na n’ya ang sagot dito.
“Nagsimula po ang lahat nang ireklamo ko ang Harem games...” sabi ko.
“Hmph. `Yun lang? Hindi ba `to dahil sa isa ka’ng Safiro?”
“Kasama na rin po `yun.”
“Baka naman masyado mo’ng ipinagmamalaki ang leanage mo!” sumimangot s’ya sa `kin.
“Hindi po, Ma’am!” agad ko’ng deny, “Mas gusto ko nga po sana na walang nakakaalam na related ako sa founder ng school...”
`Di ko masabi na dahil ito sa ini-announce nila sa buong school kung sino ako.
“What ever tha reason, I suggest you keep a low profile from now on. Tandaan mo, pantay-pantay ang trato namin sa lahat ng estudyante rito. Hindi kita kinampihan dahil Safiro ka, at `wag mo rin isipin na pag-iinitan kita dahil sa kasong inilalaban ninyo sa pamilya Villa. Tell me if there are any more problems, but know that I will discipline you just as much, if you do something wrong.”
“Yes, Mrs. Villa, thank you po.”
“You may now leave.”