Tama si Mama, nakakaalis nga ng depression ang shopping!
Nag-bonding kami at naglustay ng pera. Malaki naman iniwan sa `kin ni Papa, kaya ako naman ang nanlibre kay Mama ngayon! Binili ko s’ya ng mga mamahaling damit, bag, pabango at sapatos. Namili pa kami ng mga alahas at matapos kumain ng lunch ay nagpa-masahe at spa bago nanood ng sine.
Inalis ko sa isipan ko ang mga sinabi ni Mama nang umaga’ng `yun, pati na rin ang mga nakaka-depress na bagay sa isipan ko, at sa halip ay nagpa-spoil sa kan’ya.
Pinagluto n’ya `ko ng paborito ko’ng dinuguan at puto. Nanood pa kami ng TV habang nakasandal ako sa kan’ya at hinihimas n’ya ang ulo ko, at bago matulog, ay nagkuwentuhan pa kami.
“O, sige, anak, mag aalas-dies na, matulog ka na para `di ka mapuyat bukas,” paalala ni Mama nang matapos ang ikalawang movie na pinanood namin. “`Wag mo’ng kalimutan mag-pray ha?” Hinalikan n’ya ko sa noo at inayos ang kumot ko.
“Sandali, Mama, picture muna tayo!”
Kinuha ko ang cell ko, umupo naman si Mama sa tabi ko sa kama.
“Talagang kina-career mo ang pagpapadala ng pics kay Louie, ha?” natatawang sabi ni Mama.
“Opo, Ma, para magpadala rin s’ya sa `kin ng pics!”
“Nagrereply naman ba s’ya?”
“Minsan...” nag-scroll ako sa gallery ko at nagpakita ng pic ng manibela ng kotse.
‘I’m driving.’ sabi rito.
May isa pang pic na kuha naman ng beef steak.
‘I’m eating.’
“Dalawa lang?” mukhang nagulat si Mama.
“Opo, bihirang mag-reply `yun, busy lagi, saka, family day nila ang Sunday, kaya siguro `di s’ya maka-reply masyado sa `kin.”
“Hmph! Mga lalaki talaga, `wag kang mag-alala, anak, bibigay `din `yan, `wag mong tigilan hanggang sa mapuno ng mukha mo ang celphone gallery n’ya!” Hinalikan `uli ako ni Mama sa noo at tumayo na. “Sige, bukas ako ang gigising sa `yo, sabay tayong pumasok.”
“Okay, Mama!”
“Good night, anak, sleep tight! Sweet dreams!” Naghagis s’ya ng flying kisses sa ere.
“Good night Ma!” pinag sasalo ko naman ito.
Sa wakas, isinara rin ni Mama ang pinto ko. Kinuha ko naman ang cell ko at nag-message `uli kay Louie.
‘Tulog na ko bhe! Saya bonding namin Mama, stay sya d2, away sila dad. Tamang-tama wla si Yaya, s’ya muna daw bantay ko.’
Maya-maya ay tumunog ang cell ko.
‘Bakit sila nag-away?’
‘Gusto daw ako ipa-pair ni dad kay War at Kuya Win, di pumayag si Mama.’
Matagal bago sumagot si Louie.
Akala ko `di na s’ya mag re-reply, ilalagay ko na sana sa bed stand ang cell ko, nang muling tumunog ito, at hindi ito basta text lang!
“Hello?” agad ko’ng sinagot ang tawag.
‘Josh.’ sabi ng malamig n’yang boses sa kabilang linya.
“Waaa! Ang sarap pakinggan ng boses mo, Louie! Buti tumawag ka? Kamusta ka na? Saan ka nagpunta kanina? Masarap ba `yung beef steak na kinain mo?”
’I’m doing fine... ikaw? Okay ka lang ba diyan?’
“Oo naman, lalo na ngayon, kausap kita! Ang saya ng bonding namin kanina, ang dami naming pinamili! Nakita mo ba `yung mga pics na pinadala ko sa `yo?”
’Oo... ang ganda ng binili mo’ng omega choker.’
“Ah, binili ni Mama `yun para sa `kin, isuot ko raw tuwing parating ang heat ko para safe ako since co-ed na ang school ko ngayon. Ang cute ng etching sa leather n’ya, `di ba? Dalawa binili n’ya sa `kin para daw pwede ko’ng i-terno sa damit ko, `yung isa may amethyst pa na pendant, birthstone ko `yun! Ikaw, Louie, ano’ng birthstone mo?”
‘Birthtone?’
“Kailan ang birthday mo?”
‘Sa July 28...’ sagot niya.
“Ah! Leo ka pala?! Ako naman pisces!” napaisip ako’ng sandali. “Alam mo, sabi nila `di compatible ang signs natin, pero naniniwala ako na opposites attract!”
‘Ha?’ bahagyang natawa ni Louie.
“Oo! At ang birthstone mo naman for July ay ruby!”
‘Hmm, ganon ba?’ sabi n’ya, ‘Anyway... nabanggit mo na nag-away ang parents mo... bakit naman daw naisipan ng step father mo na... gawin ka’ng partner ng step brother mo?’
“Ay, naku, Louie, alam mo ba, sabi ni Mama, mukhang may balak daw si dad na makihati sa mana ko, kaya gusto n’ya maging mas close kaming family!”
‘By marrying you off to his son?’ parang tunog naiirita ang pagkakasabi ni Louie noon.
“Oo, ayoko nga’ng pumayag, eh, `di ba’t parang incest na `yun, since step brother ko s’ya?”
‘Exactly! And obviously, may ulterior motive sila sa `yo!’ dagdag ni Louie, ‘Buti at `di pumayag ang Mama mo, malaki pa naman ang impluwensya n’ya sa `yo!’
“Kahit naman ako hindi papayag, `no?” sabi ko. “Matapos nang lahat nang ginawa nila sa `kin dati? At saka ikaw ang fated pair ko, wala na `kong balak mag-entertain pa ng iba!”
Natahimik si Louie sa kabilang linya.
“Nandyan ka pa ba? Louie?” tanong ko nang matagal s’yang walang imik.
‘Yes... I’m still here.’
Buti naman at mukhang hindi na galit ang boses n’ya.
“Patulog ka na ba?” tanong ko para magpatuloy pa ang usapan namin.
‘Hindi pa, may inaayos pa ako’ng ilang kaso...’
“Ay... kung ganon... busy ka?”
‘Hindi naman... I needed a break after all.’
“Talaga? Buti na lang! Gusto ko pang makipag kwentuhan sa `yo!”
‘Tungkol saan?’
“Tungkol sa ginawa mo this day. Kanina pa ko send ng send ng text at mga pics sa `yo, ikaw naman ngayon magkuwento sa `kin, gusto kong marinig ang boses mo!”
Nag kwento nga si Louie.
Tungkol sa pagpunta nilang buong pamilya sa simbahan, ang pagkain nila sa labas, ang pag-uwi nila nang maaga para makapagbonding sa bahay. Sa mga kuwento n’ya, mukhang natutuwa si Louie dahil nagkaroon s’ya ng time na makasama ang tatlo n’yang mga anak, `di tulad dati na seven days a week s’yang busy sa mga kaso n’ya at kliente.
Natuwa `rin ako sa mga kuwento n’ya tungkol sa mga anak niya; ang panganay n’yang si Blessing na ubod ng bait at magaling magluto, si Nathan na kahit may pagkasutil, ay napaka lambing sa pamilya, at ang bunso’ng si Mercy na ubod ng talino.
Sa tatlo raw, si Mercy ang pinaka matapang at palaban, kaya balak nito’ng maging abogado rin tulad n’ya. Feeing ko nga, mukhang si Mercy ang kaugali ni Louie, kaya kahit `di ko pa s’ya nakikita, pakiramdam ko, sa kanya ako magiging close sa tatlo.
‘O, gising ka pa ba? Tinulugan mo na ata ako?’ tanong ni Louie habang ikinukwento ang pelikulang pinanood nila.
“O-oo naman! Nandito pa `ko!” agad ko’ng sagot. Sa totoo lang, inaantok na `ko sa boses ni Louie, ang lamig-lamig kasi nito, ang sarap sa taenga.
’Sige na, matulog ka na at maaga ka pa papasok bukas.’
”Haa-owkei.” nagpigil ako ng hikab. ”Bukas usap `uli tayo, ha?”
’Bukas kailangan mo’ng mag-aral, kaya bawal na ang tawag.’
”Ha?! Ang daya naman! Gusto ko gabi-gabi, usap tayo nang ganito!”
’Josh, `wag nang makulit, sige na at magpahinga ka na. Marami pa rin ako’ng gagawin after this call.’
“Sige na nga... good night na, bhe. Mwah!”
‘Okay, good night.’
“Kiss mo rin ako.” kulit ko.
‘Matulog ka na.’
“Kiss muna! Mwah! Mwah! Mwah! Ayan, tatlo yan! Dapat ikaw rin!”
‘Go to sleep, Josh.’
“Ay, kiss lang, eh, `di pa magawa!” pagmumuktol ko.
‘Haay... okay... mwah.’ mahina n’yang sinabi. Kinilig naman ako sa kama!
”Love you bhe! Goood night!”
‘Good night.’
At binagsakan na niya ako ng linya.
Muli ako’ng nagtatarang sa kilig.
Sa isip ko, nakikita ko ang pulang-pulang mukha ni Louie pagbaba n’ya ng cellphone. Sigurado ako, nakakunot nanaman ang noo n’on, nanunulis ang nguso, at mapapailing habang iniisip ako.
O, pwedeng namumula rin s’ya at kinikilig sa kakaisip sa akin!
Kaya lang, parang ang labo’ng kiligin si Louie, masyado s’yang seryoso at disente para umasta nang ganon.
Nagbuntong hininga ako at napatingin sa paanan ng malapad ko’ng kama.
“Beck?” tawag ko sa alaga ko na sa baba nanaman humiga, “Halika rito, tabihan mo `ko!”
Pero suminga lang `to at ini-snub ako.
Mukhang nagtatampo s’ya dahil masyado ako’ng maligalig.
Natawa ako sa sarili at kumuha na lang ng unan na mayayakap.
Sana, mapanaginipan ko si Louie ngayong gabi.