Chapter 38

1315 Words
Napatingin sa `kin si Mama nang bumalik kami sa loob ng kuwarto ko para maghandang maligo. “Aba, mukhang binata na talaga ang anak ko, ha? Pautos-utos ka na lang sa mga tauhan mo!” kantyaw n’ya sa `kin. “Nasanay na lang po ako, Ma, nakakahiya na rin kasi kung magpapatulong pa ko kay Yaya sa lahat nang bagay,” sabi ko. “Saka `di po ba, sabi n’yo, dapat maging mature na `ko para `di ma-turn off sa `kin si Louie.” “Tama nga naman.” Napatingin si Mama sa mesa ko at nakita ang sample exam ko kagabi. “Aba, ikaw ba sumagot nito?” “Opo, Ma, tinuturuan ako ni Louie, pati na rin ng best friend Aveera ko sa school, kaya nakahabol na ko sa topics namin.” “Talaga pala’ng maganda turo sa Erminguard, ano? Biro mo, ang laki ng imporvement mo!” “Actually, Ma, sabi ng doctor na kilala ni Louie, masyado lang daw po mataas ang dosage ng dating gamot ko, kaya na stunt ang development ko, pati ang mental capacity ko, naapektuhan din.” “Ganon ba?” Mukhang `di nagulat si Mama. ”Nagtataka nga po ako, Ma, bakit nga ba ang daming niresetang gamot sa `kin dati? Hindi kaya quack doctor `yung dati ko’ng doktor?” Natawa si Mama nang bahagya. “Siguro nga,” sang-ayon n’ya. “Tingin ko, kinuwartahan lang tayo n’un. Pero, at least hindi ka nahihirapan noon sa heat mo. Balita ko, sumama daw lagay mo nang dumating ang estrus mo this week?” “Opo, Mama, sobrang sama ng pakiramdam ko nang nagka-heat ako!” “Kita mo, effective kasi ang mga gamot mo dati. Mas mabuti na `yung matapang ang dosage, kesa naman datnan ka ng heat sa labas at atakihin ng kung sino lang na alpha.” Napatingin ako kay Mama na tila iba-iba ang sinasabi. “Alam mo ba kung ano’ng nangyayari sa mga omega na inaabutan ng heat sa kalsada?” “Ano po?” tanong ko. “Nare-rape sila ng mga alpha, at pag nabuntis sila, tuluyan nang nasisira ang buhay nila dahil wala nang ibang alpha na may gusto sa kanila. Isipin mo na lang, kung nangyari sa `yo `yun, sigurado, pati si Louie, lalayo na sa `yo.” “G-ganon ba `yun, Ma?” “Oo, dahil ang mga omega, para sa isang alpha lang,” paliwanag n’ya. “Pag nagalaw ka na ng iba, wala nang magkakagusto sa `yo! Kaya nga mag-iingat ka palagi, `wag kang sasama sa kung sinu-sino’ng alpha lang. Pasalamat ka nga at nahanap mo ang fated pair mo,” patuloy n’ya. “Kaya sinasabi ko sa `yo anak, `wag mo nang patagalin pa. `Wag mo nang hintayin na may iba pang alpha na umangkin sa `yo. Magpakagat ka na kay Louie, as soon as possible.” “Kagat?” “Oo, `di ba `yun tinuro sa inyo sa St. Davies’? Akala ko ba, ‘the best academy for perfect omega brides’ ang school n’yo?” natatawa n’yang sinabi. “Ah... oo...” napa-isip ako. “Pero, ang bonding ay ginagawa lang after ng kasal, `di po ba?” tanong ko kay Mama. “Naku, `di na uso `yun,” sagot n’ya. “Ang importante, nagmamahalan kayo!” Sandali ako’ng natahimik. “Mama, kaya n’yo po ba `ko pinasok sa St. Davies’, dahil gusto mo akong maging ‘perfect bride’ para sa isang alpha?” tanong ko sa kan’ya. Bahagyang nangiwi ang malaking ngiti sa mukha ni Mama. Lumapit s’ya sa `kin at hinimas ang buhok ko. “Anak, alam mo naman, ikaw ang good luck charm ko, `di ba?” sabi n’ya sa `kin, “Mahal na mahal ka ni Mama, kaya ayoko’ng may masamang mangyari sa `yo. Ayoko rin na magaya ka sa ibang mga omega na niloloko lang at ginagamit ng mga alpha, kaya nga pinasok kita sa St. Davies’,” paliwanag niya. “Alam mo ba, maraming mayamang pamilya ng alpha ang d’yan namimili ng mates nila?” patuloy niya. ”At least, kahit omega ka, magkakaroon ka ng magandang future `pag nakasal ka sa may kayang pamilya...” “Pero Mama, may kaya naman tayo, `di ba? May negosyo tayo, sikat na sikat nga ang Pilapil Fashions, eh, pati mga classmates ko, favorite ang designs natin!” “Oo nga, anak, pero s’yempre kailangan ko rin maghanap ng mag-aalaga sa `yo.” Muli n’yang hinimas ang buhok ko. “Alam mo naman, hindi ka gan’on katalino, eh, pano na kung may manloko sa `yo? Pano `pag bumagsak ang negosyo natin?” Bahagya’ng natawa si Mama sa sinabi n’ya. “Buti nga at may Louie ka na! Matalino na, sikat na abogado pa, siguradong matatakot ang mga negosyanteng lokohin ka, dahil idedemanda sila ni Atorni!” “Pero, kaya ko naman asikasuhin mag-isa ang negosyo natin, eh,” dahilan ko. “Pinag-aaralan namin ngayon ang accounting and management, at lagi ako’ng perfect dito!” “Talaga anak?! Wow! Napakagaling talaga ng anak ko!” Pinisil naman ngayon ni Mama ang magkabila ko’ng pisngi. “Hala, maligo ka na para makaalis na tayo, ibibili kita nang kahit anong gusto mo as a reward!” Hindi na ko umimik. Tumango ako at ngumiti kay Mama, pero sa pagpasok sa banyo, eh, `di ko mapigil isipin na ang baba pala ng tingin sa `kin ng sarili ko’ng ina. So, kaya n’ya `ko ipinasok sa St. Davies’, eh, dahil balak n’ya ako’ng ipakasal sa mayamang alpha na makakapagmanage nang maayos sa negosyo namin? Kaya ba si Gio ang pinili n’ya? Dahil nasa fashion and textile business din ang pamilya nila? Kung sakaling hindi ako pinamanahan ng Papa ko, kanino n’ya kaya ako ipapakasal? Pumayag kaya s’ya sa alok ni dad na ireto ako kay War o kay Kuya Win? Maraming katanungan ang dumaan sa isipan ko. Mga katanungan na alam ko, ni hindi dadaan sa isipan ko noong mahina pa ang ulo ko dahil sa dami ng mga gamot na iniinom ko. `Di ko tuloy mapigil isipin na sinadya ako’ng painumin ni Mama ng kung anu-anong gamot para maging sunud-sunuran ako sa lahat ng gusto n’ya. O baka ayaw n’ya akong mapahamak, dahil malaking problema kung sakaling may mang-rape sa akin? Dahil mawawalan ako ng silbi `pag may nakagalaw na sa aking iba? “Hindi,” sabi ko sa aking sarili habang nagbababad sa ilalim ng shower. “Mahal na mahal ako ni Mama. Ginawa n’ya lahat ito para sa `kin dahil ayaw n’ya ako’ng mapahamak.” Sa bagay, kung balak n’ya lang ako’ng ipakasal kung kanino, hindi n’ya ipipilit na manatiling Safiro ang apelyido ko, dahil alam n’ya na may naghihintay na pamana sa `kin. O baka naman... planado na n’ya ang lahat? Panigurado, na kung `di man ako mabigyan ng mana, ay pwede n’ya akong ipakasal sa mayayaman na alpha? “No-no-no!” Umiling ako ng ilang beses. “Love ako ni Mama! Hindi’ng hindi n’ya ako gagamitin dahil ako ang good luck charm n’ya!” O baka naman, iyon ang dahilan kung bakit n’ya ako good luck charm? Isang alas na nakatago para masigurado ang success n’ya sa buhay? May luhang pumatak sa `king mata at humalo sa tulo ng shower. Tinakpan ko ng palad ang mga mata ko para pigilan ang kasunod nito. “Ang importante, may Louie na ako!” mukmok ko. “At si Louie, naniniwala sa `kin... alam n’ya matalino ako... at matyaga... at magaling... at mahal n’ya `ko kahit hindi ako nagdadala ng swerte sa kan’ya... kahit wala s’yang gamit sa `kin...” Pinigil ko ang ibang mga luha. Ayoko’ng mamaga ang mga mata ko. baka mapansin ni Mama. Dapat masaya ako ngayon. Dapat nakangiti. Ngayon lang `uli kami nagkasama ni Mama, tulad nang dati noong wala akong alam sa mundo. Noong walang ibang importante sa amin kung `di ang isa’t-isa. Kung maibabalik ko lang sana ang panahon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD