Chapter 37

1635 Words
Nag-posing ako sa kama, wearing my pajamas. Naghanap ako ng magandang angle at saka nag-selfie. ’Going to sleep. Good night bhe! Love you! Kinikilig ko’ng pinadala ito kay Louie. Ngayong may ‘something’ na na nangyari sa `min, bhebhe ko na s’ya kahit pa ayaw pa n’yang aminin. Hindi ko s’ya titigilan hanggat `di n’ya inaamin na love din n’ya ako! Tumunog ang cell ko at nagmamadali ko’ng tinignan ito. ‘Matulog ka na.’ Sabi nang matipid na reply n’ya. Napasimangot ako at muling nag-message. ‘Ayoko. Send me a pic first.’ Naghintay ako ng reply. ‘`Di ako matutulog hangga’t `di ka nagpapadala ng pic!’ habol ko. Lalo ako’ng napasimangot nang wala pa rin s’yang i-reply after two minutes. Binuksan ko na lang ang gallery ko at tinignan ang mga pictures namin noong birthday ko. Namamaga pa ang mga mata ko sa pics dahil sa pag-iyak ko nang araw na `yun, pero ang ganda ng ngiti ko habang katabi ni Louie sa mga litrato. Kaya lang, may panira’ng bruha sa kabila nya. Naisipan ko’ng i-crop out ang kontrabida. Inaayos ko pa `to nang tumunog `uli ang cell ko. Nagmadali ako’ng buksan ang message ni Louie. ‘Ayan. Matulog ka na.’ Natawa ako nang makita ang gwapong pic ni Louie na nakasimangot! Galit man ang tingin, kitang-kita sa close up ang namumula n’yang mukha! Ang cute-cute n’ya lalo! Nagpapadyak ako sa kama, nagreklamo tuloy si Beck sa paanan ko! “Ay, sorry, Behbeh Beck!” tinalon ko s’ya at pinanggigilan, nainis tuloy si Beck at bumaba sa kama ko para mahiga sa wall to wall carpeted floor. Dumapa ako sa kama at muling nag-type. ’Thank you bhe! Luv u! Nyt-nyt! Sleep tyt!’ Hindi na s’ya sumagot after that, pero okay lang, dahil solb na ko sa pic na pinadala n’ya. Dinala ko na lang ang laptop sa `king kama at muling nag-search ng alpha and omega mating videos bago matulog. Kinabukasan, ginising ako ng katok ni Mama sa pinto. “Josh, anak! Gising na!” “Mama?” napaupo ako sa kama. Nagmamadali ako’ng bumangon at binuksan ang pintuan ng kuwarto ko. “Mama! Good morning! Na-miss kita!” tawag ko sa kanya habang nagyayakapan kaming mag-ina. “Kamusta po trip ninyo sa Paris?” “Hay, nako!” suminghap si Mama. Napatitig ako sa kan’ya na bumitaw sa `kin at umupo sa kama ko. “Bakit Ma, anong problema?” “Ayan kasing dad mo, ang kapal ng mukha! Biro mo, gusto ba naman ireto sa `yo yung walang kwentang anak n’yang si Edward!” “Ha?! Si Kuya War?” Ang gulat ko sa sinabi n’ya. “Oo, yung kupal na War na `yun! Magkaiba naman daw kayo ng apelyido kaya pwede kayong ipakasal!” naiirita n’yang sinabi. “Akalain mo’ng ang kapal sabihin na ’we need to keep the family tight together’ matapos ka n’yang patirahin sa pipitsuging poolhouse sa likod-bahay!” “H-ha? Eh...” “Tapos s’ya pa ang may ganang magalit nang sabihin ko’ng hindi mo type ang anak n’ya?! Kesyo dapat daw magpasalamat pa tayo dahil matalino ang anak n’ya at p’wede ka’ng tulungan sa negosyo mo?!?” tuloy-tuloy na putak ni Mama. “Aba’y, putangina! Hindi porket mahina ulo ng anak ko, eh, ipapaubaya na kita sa anak n’yang manyakis at rapist pa! Tapos kung ayaw ko raw kay War, eh, kay Win na lang daw! Aba’y lalong ayoko sa anak n’yang patagong manyak! Wala ako’ng gusto ni-isa sa kanila! Mabuti pa maghiwalay na lang kami kesa ipakasal kita sa mga tarantado n’yang anak!” Hiningal si Mama nang matapos ang rant n’ya. Itinipa n’ya sa `kin ang mga braso n’ya, agad naman ako’ng lumapit kay Mama, at nagyakapan kaming dalawa sa kama. “Ma, `wag ka’ng masyado’ng high-blood, baka mamaya mapano ka...” sabi ko sa kan’ya, sige ka, magkaka-wrinkles ka lalo n’yan!” “Hoy, ano’ng ’lalo’? Bakit, puro kulubot na ba mukha ng Mama mo?” ngumuso s’ya sa `kin. “Hindi pa naman,” natatawa ko’ng sagot, ”kaya nga, `wag ka nang sumimangot!” “Hmph, nakakainis kasi talaga yang Dad mo, eh.” Pero Dad pa rin ang tawag n’ya kay Dad. “`Wag mo nang pansinin `yun, Ma, wala naman silang magagawa kung ayoko sa kanila, eh,” sagot ko. “Kadiri, insist `yun, `di ba?” “Incest, hindi insist,” pagtatama ni Mama. “Well, technically, hindi, dahil magkaiba ang magulang n’yo, pero kahit ako, hindi sang-ayon doon. Nakapa obvious na gusto lang nilang makihati sa mana mo!” sumingasing si Mama sa galit. “Alam mo ba, hindi sila makapaniwala nang nalaman nila’ng pinalipat ka ni Atorni dito sa 5-star hotel sa Makati na pag-aari mo? Akala ata nila dati, eh, small time lang ang Papa mo!” “Kamusta na nga po ba sina Kuya? Wala na ako’ng balita sa kanila mula nang umalis ako sa bahay...” “Talagang wala, dahil ini-block ko ang number nila sa cellphone mo!” sabi ni Mama, “Ayun, nasa bahay pa rin ang dalawa, nag-aaral `uli si Win para maging speciallista, si War naman ay `di pa rin graduating. Ewan kung pumapasok pa `yun. Palibhasa, alam n’yang papamana sa kan’ya ng Daddy n’ya ang negosyo nila, kaya pabanjing-banjing lang sa university!” “Haay, nako Mama, `wag na nga natin pag-usapan ang mga `yun, mag-relax na lang tayo, iwas stress!” tinapik-tapik ko ang mukha ng maganda ko’ng Mama. “Tama.” Huminga si Mama ng malalim. ”Buti na lang talaga, may Louie ka na, anak, hindi na `ko nag-aalala sa `yo. Kamusta na nga pala ang kaso mo?” “Okay naman po, Mama, sabi ni Louie, naglalabas daw ng mga pekeng last will and testament ang mga Villa, pero wala naman silang laban dahil hindi notarized ang mga pinapakita nila. Kumuha pa po ng handwriting specialist si Louie para patunayan na peke `yung mga pirma sa mga papeles nila.” “Hmph. Mga desperado. Dapat talaga makulong ang lahat ng mga Villa para madala silang lahat!” Mukhang umiinit nanaman ang ulo ni Mama. “`Wag ka’ng mag-alala, Mama, alam mo naman, napaka galing ni Louie! Sabi nga n’ya, wala daw tayong talo, pinapahaba lang ng mga Villa ang proseso sa mga kaso.” “Buti naman kung ganon.” Nangiti ako nang makitang nabawasan ang pagkairita sa mukha ni Mama. “Kamusta naman kayo ni Louie?” tanong n’ya, sabay ngisi sa `kin. ”May nangyari na ba sa inyo?” Nag-init ang mukha ko! “W-wala pa naman po... puro kiss lang...” nahihiya kong sagot. “Bawal nga po ako’ng pumunta sa office n’ya ngayon, eh, exam week na kasi namin sa Monday, kaya bawal daw ako’ng ma-distract.” “Talaga lang, ha? Baka naman s’ya ang masyadong na di-distract sa `yo!” Natawa si Mama. “Naku, ganya’ng-ganyan din ang Papa mo dati! Nang una, pa-keme, pero `di nagtagal s’ya na humahatak sa `kin papuntang CR! Ahahay!” sabi nito. ”Masyado’ng strikto `yang mga matatandang `yan, masyado’ng ma-prinsipyo, nasa loob naman ang kulo, daig pa ang tandang kung kumasta!” Muling natawa si Mama, nakitawa na rin ako kahit `di `ko na-gets ang mga sinabi n’ya. “Pero, Mama, hindi pa naman gano’n katanda si Louie.” “Oo, pero pareho sila’ng pakipot,” sabi n’ya. “Alam mo ba, nang huling madaan ako sa office n’ya, nagreklamo sa `kin ang secretary n’ya dahil nagpabili nanaman daw ng bagong bote ng suppressants ang boss n’ya? Minamani daw ni Atorni ang gamot n’ya tuwing nandoon ka! Pinagalitan nga daw n’ya at baka ma-overdose ito.” “Ha? Bakit po?” tanong ko. “Obviously, pilit n’yang pinipigilan ang sarili para `di ka galawin!” sabi ni Mama. “Sinasabi ko sa `yo, gapangin mo `yan, tignan ko kung `di `yan tumiklop!” “Gapangin?” Napaisip ako. Kaya siguro hindi gumagana ang pagse-seduce ko kay Louie, kasi hindi s’ya nakahiga? Dapat sa susunod, nasa kuwarto kami, para madali s’yang magapang! “Hay, buti pa, mag shopping na lang tayo!” sabi ni Mama na tumayo sa kama, “May nadaanan ako’ng magandang botique nang papanik dito sa penthouse mo, halika at mamili tayo ng gamit, at wala akong nabitbit kanina nang umalis ako ng bahay.” “Gamit? Mag-oovernight ka rito, Ma?” masaya ko’ng tanong. “Oo, dito na `ko titira, at ayoko’ng makita ang pagmumukha ng Daddy mo!” sabi n’ya. “Nasaan na ba ang Yaya mo? Sabihin mo ayusan ka.” “Ah, nagbakasyon po si Yaya Inez,” sabi ko kay Mama. “May sakit daw yung Tito n’ya na nag-alaga sa kanila nang bata pa sila, kaya pinagbakasyon ko muna indefinitely.” “Indefinitely? Eh, kailan daw ang balik?” “Indefinitely nga po, eh,” sagot ko kay Ma. “Hindi daw po n’ya alam kung kailan s’ya makakabalik, baka raw kasi mamatay na rin ang tito n’ya, kaya po kung sakali, diretso na s’ya sa lamay, so baka 1 or 2 weeks s’yang wala.” “Ganon ba? Eh, sino’ng maghahatid sundo sa `yo?” “Sina Ate Sol at Mira po.” “Sino’ng Sol at Mira?” “`Yung pinakuha mo’ng bodyguards kay Louie para mabantayan ako?” paalala ko sa kan’ya. “Ahh... okay,” sagot ni Mama na parang walang alam tungkol sa mga bagong bodyguards ko. “Nasaan na sila?” Lumabas ako sa kuwarto ko at tumawag sa paligid. “Ate Mira?” “Sir?” tanong ni Ate Mira na biglang lumabas mula sa isang kuwarto sa tapat namin. “Mamamasyal kami ni Mama, pasama naman.” “Okay, sir, aalis na ba tayo?” “Maliligo muna ako at kakain.” “Okay sir, pakitawag lang po kami `pag handa na kayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD