Chapter 49

1704 Words
Nagising ako kinabukasan sa katok sa pinto. “Josh, bangon na, mag-ayos ka na at ihahatid na kita sa inyo,” tawag ni Louie na `di man lang pumasok sa kuwarto. Umikot-ikot ako sa kama at sininghot ang suot ko’ng oversized pajamas. Binigay n’ya `to sa `kin kagabi para isuot, matapos ko’ng magpunas at maghilamos. Amoy Louie ito! Kaya buong gabi, feeling ko, nakayakap sa `kin ang Louie ko! “Josh?” tawag `uli ni Louie, “Gising ka na –” Binuksan ko ang pinto bago pa n’ya matapos ang tanong n’ya. ”Goodmorning!” bati ko sa kan’ya. Nanlaki ang mga mata ni Louie na tinutubuan na ng balbas sa mukha. Gulo-gulo pa at nakatayo ang buhok n’ya at lukot ang suot n’yang pangtulog. Bumaba ang tingin n’ya at sinundan ko `yun sa nakalabas ko’ng balikat at pababa pa sa mga binti ko. Hindi ko kasi sinuot ang lower part eh, sobrang haba at luwag. “Magbihis ka nga!” bigla s’yang umiwas ng tingin. “Bihis naman ako, ha?” ngumuso ako sa kan’ya at tinaas ang mahaba kong pang-taas, “See?” Lumingon naman pabalik si Louie at napatitig sa suot ko’ng brief na may 4-leaf clover design. Muli s’yang tumingin sa malayo. “Anong bihis, eh, briefs lang `yang suot mo!” reklamo n’ya. “Kaya nga, hindi naman ako naka hubo, ha?” tinignan ko ang salawal ko, “Wala `yang butas, at hindi pa naman madumi!” “Hay, nako, Josh, bumalik ka na nga sa loob at magpalit ka na ng damit mo! Hintayin mo ko sa kusina at maliligo pa `ko,” sabi ni Louie na hinatak pasara ang pinto. “Sama ako!” habol ko sa kan’ya! “NO!” matigas n’yang sagot. “Sa bahay ka maligo. Wala ka’ng pamalit dito.” “Hmph, taroy!” Bumalik ako sa kama at kinuha ang nakatupi ko’ng uniporme na nakatabi sa bedside table. Sinoot ko `uli ang pants at polo, medyas at sapatos ko. Tapos noon ay napatingin ako sa may pinto, at habang nakangisi, ay itinupi nang maliit ang katatanggal ko lang na pajama top, at itinago ito sa loob ng vest ko’ng nakatupi rin. “Akin na `to!” kinikilig kong sabi bago lumabas ng kuwarto. Sinundan ko ang ilong ko papuntang kusina, ang bango-bango kasi ng amoy galing dito! Nakita kong nagluluto roon si Bless na nakapusod ang buhok at nakasuot ng apron na green. “Good morning Ate Bless!” tawag ko sa kan’ya. “Mmm! Ang bango naman n’yan!” Nilanghap ko ang nakakatakam na amoy ng frying bacon. “Umupo ka na at may luto na sa mesa,” sabi n’ya sa `kin. “Tulungan na kita, Ate, ano’ng p’wede ko’ng gawin?” “Sige, marunong ka’ng mag prito, `di ba?” ngumiti s’ya sa `kin. “Ikaw na rito at magpuputol ako ng mga prutas.” “Okay! Ano ba gusto ni Louie, lanta, tustado o sunog?” “Ano kamo?” “Pano luto ng bacon n’ya?” “Ah... paborito ni Papa tustado, yung malutong pero `di sunog.” “Coming right up!” sagot ko. “Ikaw Ate?” “Kahit ano, `di ako mahilig sa bacon, eh, I prefer fruits.” “Eh... si Mercy?” Nangiti sa `kin si Bless. “Gusto n’ya lanta, tapos bubudburan ng lavender sugar, saka ilalagay sa pan de sal.” “Talaga?” nangiti ako, “Pareho kami! Ang paborito ko naman, cinnamon sugar!” “Mahilig ka rin pala sa matamis?” natawa si Bless. “Oo, favorite ko sa lahat, cinnamon rolls, kaya nga nang first time naming mag-meet ni Louie, cinnamon ang naamoy ko, eh!” “Talaga?” nakakatuwa ang tawa ni Ate Bless. “Eh, ano naman daw ang naamoy ni Papa sa `yo?” “Vanilla!” agad ko’ng sinabi. Bahagyang nawala ang ngiti sa mukha ni Bless, pero agad din ito’ng napalitan. “Alam mo, nang buhay pa si Papa Jonas, lagi n’yang pinagtitimpla ng French vanilla si Papa,” sabi n’ya. ”Kaya nga noong bata pa kami, laging amoy lavender and vanilla and kusina tuwing umaga.” “Eh, bakit ngayon, hindi na?” tanong ko. “Nawalan nang hilig si Papa sa vanilla mula nang namatay si Papa Jonas. Siguro dahil naaalala n’ya si Papa Jonas tuwing naaamoy n’ya `to.” “Ganon?” gulat ko’ng tanong. “Eh, bakit tuwing magkasama kami, lagi s’yang umo-order ng french vanilla?! Saka sabi n’ya, paborito n’ya raw `yun!” Bigla ako’ng natigilan at nahiya. “Nagsinungaling lang kaya s’ya? `Di ko naman akalain na sad pala s’ya tuwing naaamoy n’ya `ko...” “Actually, nagtataka nga ako kung bakit nahihilig nanaman s’ya sa vanilla lately,” hinawakan ni Bless ang balikat ko. “ngayon alam ko na kung bakit!” “T-talaga? Baka naman tinitiis lang n’ya ang amoy ko...?” dagdag ko pa. “Sigurado ako doon!” sabi n’ya, “At sigurado rin ako na nasusunog na ang bacon na niluluto mo.” “Ay!” agad ako’ng bumalik sa piniprito ko at nakitang nagsiliitan na nga ang mga ito. “Naku! Masyado ako’ng naaliw sa k’wentuhan natin!” “`Wag ka’ng mag-alala, paborito ni Nathan `yang sunog,” tumatawang sabi ni Ate Bless. Magkasama kaming nagluto ng umagang `yun. Tinuruan ako ni Bless gumawa ng pancakes, as in, mano-mano at hindi galing sa karton! Tapos nagprito rin ako ng itlog at nagputol ng mga prutas para sa breakfast namin. Mag aalas-siete na nang bumaba si Nathan sa kitchen na mukhang `di pa madilat ang mga mata. “Good morning Nathan!” bati ko sa kan’ya. “Ano gusto mo, coffee or hot choco?” “Coffee, please.” Umupo s’ya sa kitchen counter at sumubo ng melon na hinanda namin ni Ate Bless. “Nasan si Papa?” “Nasa kuwarto pa, baka nagbibihis na `yun.” sagot ko. “So, sa kuwarto ka nga n’ya natulog?” Sobra! Nag-init bigla ang mukha ko sa tanong n’ya! “W-wish ko lang!” kinikilig ko’ng sagot. Pinagalitan naman s’ya ng Ate Bless n’ya. “Ikaw, Nathan, ang utak mo, ha?” “What? Legal age nanaman si Josh, eh, besides, they are both willing.” “Haay... kung alam mo lang...” Umupo ako sa tabi n’ya at kumuha ng bacon ko’ng tustado. “Iyang si Louie, masyadong strikto! And daming bawal! May sinasabi pa siyang work ethics. Kakailanganin daw kasi niyang bitawan ang kaso ko pag may nangyari sa `min, something about conflict of interest.” “Meron na nga ba?” ngumiti sa `kin si Louie nang maloko. “Ay, wala pa!” kinilig nanaman ako! “Gusto ko na ngang may mangyari, eh! Joke!” habol ko. “Kahit hindi!” “Ang aga-aga, ang ingay n’yo.” Napatingin kami kay Mercy. Ang gulo rin ng buhok n’ya, at pansin na namamaga ang mga mata n’ya, tulad ko. “Good morning Mercy,” masaya ko s’yang binati. “Hmph. Nandito ka pa?” hindi ko na lang pinansin ang reply n’ya. “Ihahatid ako ni Louie ngayon, mas madali raw mag-drive since maliwanag na.” “Basta’t keep your hands to yourself!” dagdag ni Mercy. Tumawa lang ako in reply. “Gusto mo hot choco? Ano gusto mo’ng kainin?” tanong sa kan’ya ni Ate Blessing to the rescue! Naalala ko naman ang plano ko’ng magpa good-shot! “Ako na!” bulong ko kay Bless. “Ako nagprito ng bacon ang eggs!” pagmamalaki ko, “Nabanggit ni Ate Bless, favorite breakfast mo raw ito!” Tinignan ni Mercy ng masama ang niluto ko. “Mag pa-pan cakes ako.” sagot ni Mercy na nakanguso. “At sa kuwarto ako kakain.” Kumuha nga siya ng pancakes at isang platter ng sliced fruits at umalis na sa kusina. Mukhang `di pa s’ya handang mag-open up sa akin, pero okay lang! Hindi ako mag gi-give-up! For the sake of love! “Don’t worry, give her time.” napalingon ako kay Nathan sa tabi ko. “Ah, okay lang, naiintindihan ko naman s’ya... kahit ako, nang biglang sabihin ng mommy ko na magkakaroon ako ng bagong Daddy, sobrang na shookt din ako noon... lalo na at may dalawang mas matandang anak na alpha ang step-father ko...” “Hm? Hindi pala kayo related ng mga kapatid mo?” tanong ni Ate Blessing. “Oo... at saka, nilayo talaga nila ako, kasi... alam n’yo naman mga omega... madalas nga ako’ng pag-trippan ng mga Kuya ko, eh. Buti nga binigyan ako ni Mama ng pet para kahit wala s’ya, hindi ako magiging lonely.” “Kung ganon, why don’t you stay here on your free time?” alok sa `kin ni Ate Blessing. Nanlaki ang mga mata ko! Sa sobrang saya, `di ako nakapag-reply agad! “You can come over at weekends,” patuloy n’ya, “turuan na rin kita magluto like you requested.” “Yey! Okay lang talaga, Ate?” naka sagot din ako sa wakas! Umikot ako sa kitchen counter at yumakap sa kan’ya! “Marami ako’ng gusto’ng matutunan, lalo na `yung mga paboritong ulam ni Louie!” sabi ko sa kan’ya. “O, anong tungkol sa `kin?” Tumalon ang puso ko sa tuwa nang marinig ang boses ng mahal ko! Lumingon `uli ako sa may entrance sa kusina at nakita s’yang bihis na bihis sa kan'yang coat and tie! Napaka gwapo n’ya talaga! Fresh na fresh pa ang itsura n’ya dahil bagong ligo lang s’ya! Naaamoy ko ang kan'yang shampoo at sabon, pati na ang aftershave sa kan'yang bagong ahit na panga! Pero s’yampre, walang tatalo sa cinnamon scent mula sa kan’ya na nangingibabaw sa lahat ang bango! “Good morning mahal!” Tatalunin ko na sana s’ya, nang kapitan n’ya `ko sa noo. “Ah! Ayan ka nanaman! Gusto ko lang naman ng good morning kiss!” “Umayos ka, aalis na tayo matapos kumain!” seryoso n’yang sinabi. “Hmph! Napaka-KJ talaga ng mahal ko!” bulong ko sa pagbalik sa `king p’westo. “Humanda ka sa `kin sa kotse...” “Ano kamo?” tanong ni Louie na nagtitimpla ng kape. “Wala, sabi ko ang pogi mo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD