Blurb
Dahil sa isang malagim na aksidente tuluyang nasira ang magandang mukha ni Sonia Salazar— Valencia.
Ito ang naging dahilan para masira at tuluyang bumaliktad ang mundo niya. Pinandirihan siya ng pamilya ng asawa, kinatakutan ng nag-iisang anak na siyang niligtas niya at tuluyan na siyang pinagpalit ng asawa sa ibang babae.
"I think— mas magandang mag-divorce na lang tayo. Hindi ko kayang tagalan ang tiyura mo at isa pa natatakot na sa iyo si Vladimir. Pasensya na Sonia— ayoko din na mas magalit pa sa akin ang pamilya ko at tuluyan nilang tanggalin ang kompanya sa akin. Kailangan ko ang kompanya para kay Vladimir," iyon ang mga salitang binitawan ni Victor Valencia. Ang unang asawa ni Sonia at ang taong nangako sa harap ng diyos na sa hirap at ginhawa magsasama silang dalawa— hindi siya iiwan at sasaktan.
Hindi maintindihan ni Sonia— bakit iyon ginawa ng kaniyang asawa at ang taong buong puso niyang pinagkatiwalaan. Nakatayo si Sonia sa harap ng fountain sa gitna ng park.
Tinitingnan ang mukha niya na balot ng benda. Sunod-sunod tumulo ang luha ng babae.
"Hayop ka Victor. Ibalik mo ang anak ko," umiiyak na sambit ni Sonia at napaupo sa lupa habang nakahawak siya ng mahigpit sa gilid ng fountain.
Patuloy ang paghihinagpis ni Sonia habang nakaupo sa lupa. Bukod kasi hindi binigay ng dating asawa ang anak ay pinalayas siya ng mga Valencia sa mansion na walang kahit na ano at matutuluyan.
Hindi na din niya alam kung saan siya ngayon pupunta at saan magsisimula. Napahikbi ma lang si Sonia dahil sa sobrang frustration.
"Are you sick?"
Napatigil si Sonia at lumingon. May nakita siyang bata na nasa anim na taong gulang. Napaatras ang mga kasama nitong bata.
"France! Run! Monster siya!" sigaw ng mga bata. Tumakbo ang mga ito kaya napalingon ang bata. Napatayo si Sonia at napaatras.
Napatingin ang bata sa kaniya at inaabot pa din ang puti nitong panyo. Hindi iyon inaabot ni Sonia sa takot na baka bigla itong tumakbo din kapag lumapit siya.
"Mommy, ang tagal kitang hinintay. Nandito ka lang pala. Uwi na tayo. Mis ka na namin ni daddy," ani ng bata. Na-shocked si Sonia. Aalis na si Sonia nang habulin siya ng bata at hawakan ang laylayan ng suot niyang jacket.
"France! What are you doing here. Hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag kang aalis ng school ng hindi kita sinusundo?"
Napalingon si Sonia. May gwapong lalaki ngayon ang palapit sa kanila at mukhang hindi siya napansin. Naalala niyang sikat na celebrity ito at madalas niya makita sa mga billboard.
Napatigil ang lalaki matapos marinig ang sinabi ng anak.
"Daddy, nakita ko na si mommy."
Doon nagtama ang mata nilang dalawa. Agad na kinuha ng lalaki ang anak at binuhat.
"Hindi siya ang mommy mo," ani ng lalaki at tumalikod. Biglang nagwala ang bata at sumigaw ng mommy.
Pinaghahampas nito ang ama na napamura na lang. Sa isip ni Sonia mukhang may matinding anger management ang bata. Nabitawan ito ng ama. Tumakbo ang bata palapit sa kaniya at yumakap.
"Mommy, don't leave me again. Promise, I will be a good boy. Magbe-behave na ako. Mommy, please, don't leave me."
Sa isang iglap nang araw na din iyon bigla si Sonia na nagkaroon mg anak at kinilala siya nitong mommy. Ayaw umuwi ng hindi siya kasama. Napasapo ang lalaki sa noo.
"Maari bang sumama ka sa amin ngayon? Babayaran kita ng malaking halaga. Kailangan ko lang iuwi ang anak ko," ani ng lalaki. Pinagtitinginan na sila doon at tinatakpan na ng lalaki ang mukha niya.
Malaking gulo kung may mga reporter pa na pumunta doon at mas dumami iyong tao na nakakapansin sa kaniya.
Sa isip ni Sonia paano siya makakatanggi kung may dalawang pares ng asul na mga mata ang ngayon ay nakapako ang tingin sa kaniya. Nagmamakaawa na sumama na siya.
Sa pagdating ng dalawang tao na iyon ay kahit ilang minuto ay nawala sa isip niya ang walang hiya niyang dating asawa at ang buong pamilya nito.
"O-Okay sasama ako."
Hindi alam ni Sonia. Miyembro 'man ang mga ito ng kulto o sindikato. Wala na siyang pakialam. Wala ng halaga ang buhay niya— wala na ang anak niya, wala na ang lahat sa kaniya mula sa career at sa pamilya.
"Mommy, uwi na tayo."