Chapter 02
3rd Person's POV
"I think— mas magandang mag-divorce na lang tayo. Hindi ko kayang tagalan ang tiyura mo at isa pa natatakot na sa iyo si Vladimir. Pasensya na Sonia— ayoko din na mas magalit pa sa akin ang pamilya ko at tuluyan nilang tanggalin ang kompanya sa akin. Kailangan ko ang kompanya para kay Vladimir," iyon ang mga salitang binitawan ni Victor Valencia. Ang unang asawa ni Sonia at ang taong nangako sa harap ng diyos na sa hirap at ginhawa magsasama silang dalawa— hindi siya iiwan at sasaktan.
"A-Ano? Divorce? Victor! Hindi mo pwede ito gawin sa akin," naiiyak na sambit ni Sonia.
Ilang taon niya din hindi nakita ni Sonia ang pagmumukha ng asawa pagkatapos siya nito ikulong sa silid nila at ituring na isang preso. Sa muling pagkikita nila ito ang binungad sa kaniya ni Victor.
May hawak na dokumento si Victor at inuutusan siya nito na pirmahan iyon. Agad na sinabi ni Sonia na ayaw niya. Lumapit si Sonia at lumuhod pa sa harap ni Victor.
"Nagmamakaawa ako Victor. Huwag mo ako iwan. Mas kailangan kita sa mga panahon na ito," ani ni Sonia habang umiiyak at hawak ang pantalon ng lalaki. Agad na umatras si Victor at malamig na tiningnan si Sonia.
Iyong tingin na may pandidiri. Tinanong ni Victor kung hanggang saan kaya ni Sonia ibaba ang sarili niya.
"Hindi mo ba nakikita ang sarili mo ngayon Sonia?" tanong ni Victor. Nakaluhod si Sonia at nakatingin kay Victor.
"Ikaw Victor bakit ka ganiyan? Kahit ano pa maging tiyura ko ako pa din ang asawa mo at pinangakuan mo na mamahalin ako. Bakit— bakit kailangan mo ito gawin Victor," ani ni Sonia. Patuloy ang paglandas ng luha ni Sonia.
"Nangako ka sa akin Victor. Nangako ka na hindi mo ako sasaktan at iiwan. Victor bakit?" ani ni Sonia. Sumama ang timpla ng mukha ni Victor at bahagyang umiwas ng tingin.
"Nagustuhan lang naman kita kasi maganda ka. Tuwing kasama kita kinaiinggitan ako ng maraming lalaki," ani ni Victor. Niyukom ni Victor ang kamao at nilingon si Sonia.
"Pero tingnan mo ang sarili mo ngayon! Kung ginusto ko 'man ng divorce ngayon ay dahil iyon sa iyo!" sigaw ni Victor. Nanginig ang katawan ni Sonia matapos marinig ang lahat ng iyon.
Sa ilang taon nilang pagsasama ni Victor. Paaano niya minahal ang taong nasa harapan niya ngayon.
"Kasalanan ko? Sinasabi mo ba na kasalanan ko ito? Hindi ko ginusto ang nangyari sa akin, Victor. Sinasabi mo ba na dapat umalis na lang din ako sa sasakyan at hayaan ko ang anak natin sa loob! Victor! Alam mo kung bakit ako nagkaganito! Iniligtas ko ang anak natin!" sigaw ni Sonia. Niyukom ni Victor ang kamao. Hindi nagsalita si Victor. Hindi makapaniwala si Sonia.
"Pipirmahan ko ang divorce paper na ito ngunit ibalik mo sa akin ang anak ko," ani ni Sonia at pilit na tumayo. Alam ni Sonia na kahit maglupasay pa siya doon hindi na magbabago ang isip ni Victor. Isa pa ngayon alam niya na lahat na isang malaking kalokohan lang ang relasyon nila— hindi na siya tatagal doon.
"Sinong may sabi sa iyo na maari kang magdesisyon? Hindi mo kukuhanin ang apo ko. Pirmahan mo iyan at umalis ka na," ani ng matanda. Ina ni Victor kasunod si Themarie.
Umakto pa ito na na-shocked matapos siya makita. Tinanong ni Themarie kung ayos lang ba si Sonia.
"You b***h. Pati si Victor aagawin mo. Hindi ka talaga papaawat sa kalandian mo," ani ni Sonia na may madilim na expression. Agad na sumabat si Victor.
"Tigilan mo si Themarie, Sonia. Sa ating dalawa lang ito— wala ka naman ibang gagawin kung hindi pirmahan iyan. Kapag pinirnahan mo iyan Sonia babayaran kita— magiging sapat iyon para buhayin ang sarili mo hanggang sa gusto mo," ani ni Victor. Parang sinampal si Sonia matapos marinig iyon.
"Hindi ako empleyado mo Victor. Asawa mo ako. Hindi ako pipirma hangga't hindi ko nasisigurado na ibabalik niyo sa akin ang anak ko!" sigaw ni Sonia.
Nagalit ang ginang. Pinakaladkad ng ginang si Sonia palabas ng mansion. Sinabing walang isasama si Sonia. Ito lang ang aalis at huwag na itong babalik. Pinagsarhan na siya nito ng gate. Sumigaw siya doon at tinawag ang pangalan ng anak.
Lumabas ang walong taon ng gulang na si Vladimir. Nakatingin ito sa kaniya na may pagtatakha na mukha ngunit inaya na ito ni Victor papasok kasama si Themarie.
"Hayop kayo ibalik niyo sa akin si Vlad! Ibalik nito ang anak ko!" iyak ni Sonia habang nakahawak sa gate. Nakatingin sa kaniya ang bata.
"Mommy?" tawag ni Vladimir. Humarap ito at pupunta ito sa kaniya nang hilahin ito ni Victor at sinabing hindi ito ang mommy niya.
"Hayop ka Victor! Ibalik mo ang anak ko! Vlad!" sigaw ni Sonia. Mangiyak-ngiyak ang batang si Vladimir. Ipinasok siya ng lalaki sa mansion.
—
Hindi maintindihan ni Sonia— bakit iyon ginawa ng kaniyang asawa at ang taong buong puso niyang pinagkatiwalaan. Nakatayo si Sonia sa harap ng fountain sa gitna ng park.
Tinitingnan ang mukha niya na balot ng benda. Sunod-sunod tumulo ang luha ng babae.
"Hayop ka Victor. Ibalik mo ang anak ko," umiiyak na sambit ni Sonia at napaupo sa lupa habang nakahawak siya ng mahigpit sa gilid ng fountain.
Patuloy ang paghihinagpis ni Sonia habang nakaupo sa lupa. Bukod kasi hindi binigay ng dating asawa ang anak ay pinalayas siya ng mga Valencia sa mansion na walang kahit na ano at matutuluyan.
Hindi na din niya alam kung saan siya ngayon pupunta at saan magsisimula. Napahikbi ma lang si Sonia dahil sa sobrang frustration.
"Are you sick?"
Napatigil si Sonia at lumingon. May nakita siyang bata na nasa anim na taong gulang. Napaatras ang mga kasama nitong bata.
"France! Run! Monster siya!" sigaw ng mga bata. Tumakbo ang mga ito kaya napalingon ang bata. Napatayo si Sonia at napaatras.
Napatingin ang bata sa kaniya at inaabot pa din ang puti nitong panyo. Hindi iyon inaabot ni Sonia sa takot na baka bigla itong tumakbo din kapag lumapit siya.
"Mommy, ang tagal kitang hinintay. Nandito ka lang pala. Uwi na tayo. Mis ka na namin ni daddy," ani ng bata. Na-shocked si Sonia. Aalis na si Sonia nang habulin siya ng bata at hawakan ang laylayan ng suot niyang jacket.
"France! What are you doing here. Hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag kang aalis ng school ng hindi kita sinusundo?"
Napalingon si Sonia. May gwapong lalaki ngayon ang palapit sa kanila at mukhang hindi siya napansin. Naalala niyang sikat na celebrity ito at madalas niya makita sa mga billboard.
Napatigil ang lalaki matapos marinig ang sinabi ng anak.
"Daddy, nakita ko na si mommy."
Doon nagtama ang mata nilang dalawa. Agad na kinuha ng lalaki ang anak at binuhat.
"Hindi siya ang mommy mo," ani ng lalaki at tumalikod. Biglang nagwala ang bata at sumigaw ng mommy.
Pinaghahampas nito ang ama na napamura na lang. Sa isip ni Sonia mukhang may matinding anger management ang bata. Nabitawan ito ng ama. Tumakbo ang bata palapit sa kaniya at yumakap.
"Mommy, don't leave me again. Promise, I will be a good boy. Magbe-behave na ako. Mommy, please, don't leave me."
Sa isang iglap nang araw na din iyon bigla si Sonia na nagkaroon mg anak at kinilala siya nitong mommy. Ayaw umuwi ng hindi siya kasama. Napasapo ang lalaki sa noo.
"Maari bang sumama ka sa amin ngayon? Babayaran kita ng malaking halaga. Kailangan ko lang iuwi ang anak ko," ani ng lalaki. Pinagtitinginan na sila doon at tinatakpan na ng lalaki ang mukha niya.
Malaking gulo kung may mga reporter pa na pumunta doon at mas dumami iyong tao na nakakapansin sa kaniya.
Sa isip ni Sonia paano siya makakatanggi kung may dalawang pares ng asul na mga mata ang ngayon ay nakapako ang tingin sa kaniya. Nagmamakaawa na sumama na siya.
Sa pagdating ng dalawang tao na iyon ay kahit ilang minuto ay nawala sa isip niya ang walang hiya niyang dating asawa at ang buong pamilya nito.
"O-Okay sasama ako."
Hindi alam ni Sonia. Miyembro 'man ang mga ito ng kulto o sindikato. Wala na siyang pakialam. Wala ng halaga ang buhay niya— wala na ang anak niya, wala na ang lahat sa kaniya mula sa career at sa pamilya.
"Mommy, uwi na tayo."