CHAPTER 3

2110 Words
Hirap akong bumangon kinabukasan dahil sa matinding hangover galing kasi ako sa matinding walwalan kasama ang mga kaibigan ko. Nagyes pa naman ako kay Niem na sasama ako sa long ride nila ng barkada niya. Dadaanan daw nila ako rito. Para akong zombie na naglalakad patungo sa banyo. "Eska ano yan?" sita ni mama sakin ng makita niya ako na patungo na sa banyo. Hindi ko na siya pinansin dahil once na mag reklamo ako sermon abot ko. "Himala ang aga mo ata mukhang may lakad ka ano?" Alam na agad niya pag may lakad ako dahil maaga talaga ako kumikilos. "Saan ka na naman pupunta?" Tuloy tuloy akong pumasok sa loob ng banyo, para maligo. Napakasakit pa ng ulo ko. Dapat kahit paano matanggal para nakapag-enjoy ako sa rides. Kasi pag hindi wala lang, hindi ko rin siya ma-e-enjoy. Binuksan ko ang gripo, sinampay yung towel. Tsaka nag hubad ng damit. "Tangina!" daing ko ng kumirot bigla yung ulo ko. Eto ang problema pag-umaga na pagkatapos ng sakuna. Unang buhos napasigaw ako sa lamig ng tubig. Nagsabon agad ako agad para makakain pa ako. Baka bigla silang dumating di pa ako ready. Mabilis king tinapos ang paliligo ko bago ako mag sipilyo ay nagtapos ako ng towel. Maling mali talaga na halo-halo pa ang iniinom namin sa dinagdag namin. Lakas kasi ng trip ni Cess. Mga lasing na kaya nakisabay na din kame sa trip niya. Kaya ayan malalang hangover ang natamo ko. Malamang sila din ganito ang naramdaman. Nakatapis akong kumakad palabas ng banyo. Nag tuloy ako sa itaas para mag bihis ng damit. Nagready na ako ng isusuot na damit, nag bihis na ako tsaka ko tinuyo ng towel yung buhok ko. Bumaba ako para kumain at mag coffee. Iinom ako ng amox para mabilis mawala ang hangover iyon kasi ang susi pag matinding hangover kesa paracetamol mas effective ang amox. Wala pang 15 minutes nararamdaman mo na ang effect ng gamot. "Lasing ka kagabi ano?" tiningnan ko si mama na nakatayo doon at nakapamewang pa. Ngumiti pa ako sa kanya. "Ikaw Eska wag kang ngingiti ngiti dyan tatamaan ka!" banta niya sakin. Ngumuso ako sa kanya. Tinuloy ko na lang yung ginagawa ko. "Saan ka galing?" tanong niya. Hindi ako na imik. Ayan na siya puro tanong. May lahing imbestigador at rapper itong nanay ko. "Kila Osang," maikling sagot ko kasi naman alam ko naman na matic na yun pag doon ako galing lalaklak lang daw ako. "Lumaklak na naman kayo sigurado aba!" See? Napailing na lang ako sa kaniya matic na yan. Habang kumakain ako ay nakabantay sakin si mama hindi ko alam kung bakit pero nandoon siya sa harapan ko habang kumain ako. Ang sakit ng ulo ko. Kaso hindi ako pwedeng makita ni mama na lulugo lugo ako dahil sermon yan. Hahaba ang sermon niya daig pa ang pari sa haba ng sermon, kaya niya ngang gawin maghapon ang pagsesermon. "Kumain ka muna mamaya na yang kaka-cellphone mo! Ihagis ko sayo yan!" high blood yern? Nako naman wrong timing naman ang pagka GG ni mader. Parang may pasaway na paslit ang nam-badtrip sa kaniya. Damay damay na naman. Aalis ako ngayon kung hindi damay na ako. Buong araw badtrip. Mamaya pa ang uwi ni papa. Limitado galaw ng lahat pag badtrip si mama. Matapos kong kumain at niligpit ko na yung pinagkainan ko, hinugasan ko na din agad dahil badtrip nga si mama. Nag suklay na ako ng buhok. Nag text na si Niem na papunta na sila. Kasama niya yung boylet niya. "Eska nandyan na kuya Toto mo!" pagdating ni kuya Toto. Pinsan ko iyon siya yung mag drive ng motor angkas ako. Pumunta na ako kung saan naroon si kuya. "Kuya." bati ko sa kanya. "Nag almusal ka na ba?" Tumango lang siya sa akin. "Saan daw ba ang tungo natin insan?" "Hindi ko pa alam kuya," Wala namang sinabi si Niem basta ang sabi lang long ride. "Maya natin malalaman," Nilapitan kame ni mama. Agad naman nag-mano ang kuya kay mama. "To, kumakain kana ba?" tanong ni Mama. "Opo tita bago umalis ng bahay," "Saan ba ang punta niyo nitong si Eska panay ang alis ng batang yan!" "Mama naman!" saway ko kay mama. Natawa lang naman si kuya Toto sa sinasabi ni Mama. "Kamusta pala ang mama mo?" Ayan nag change topic na siya. "Ayos naman ho nasa bahay lang. ang tatay laging nag pasok," "Hayaan mo na ang tatay mo matanda na iyon," Sabay kameng natawa ni kuya Toto sa sinabi ni mama. Ang tatay kasi niya ang kapatid ni mama. Madalas mag asaran si Tito at mama. Pumasok si Charlot sa loob ng bahay. "Ate! Nandyan na sila ate Niem!" sigaw pa niya kahit nasa harap ko lang naman siya. "Hoy ikaw Lotlot yang bibig mo maingay!" saway ni mama sa kaniya. Ano ka ngayon negrang biik ka! Inaya ko na si kuya Toto na lumabas. "Tita una na po muna kame," ako yung anak pero wala ng paalam- paalam. "Aray ko naman ma!" reklmo ko dahil hinila niya yung buhok ko na nakapusod. Masama ang tingin niya sa akin. "Ano Eska hindi ka magpapaalam sa akin?" Nginitian ko siya. "Paalam mama," maloko kong sabi. Bahagya niya ulit hinila ang buhok ko. "Ma! Masakit!" Hinawakan ko yung ulo ko dahil masakit iyon. "Talagang masasaktan ka hindi ka marunong magpaalam ng maayos na bata ka!" nailing na sabi niya. "Paladesisyon ka masyado," Masakit na nga ang ulo ko sa sabunutan niya pa ako. "Bitaw na ma," Doon pa lang siya bumitaw. "ATE ANG TAGAL MO!" sigaw ni Lotlot. "Ikaw manahimik ka!" sigaw na saway ni mama sa kanya. Binaling ko yung tingin ko kay mama. "Ma, alis muna kame ni kuya Toto," paalam ko para matapos na yan lang naman ang gusto niya. "Ayan marunong ka naman pala gusto mo pang masa-sabunutan ka," Nailing na lang talaga ako. Inayos ko ay buhok ko. Lumakad palabas ng bahay. Nag pusod ako ng maayos dahil hinatak hatak iyon ni mama. "Baklaaa!" sigaw ni Niem. "Wag kang maingay bakla," saway ko. Umalis na kame. Angkas ako kay kuya Toto. Nauuna sila Niem. Nakasunod lang kame sa kanila. Grupo pala ng motorcycle. Around Bulacan pala ang pupuntahan namin.Excited na ako. Maganda yung mga nakikita ko habang papalapit kame sa destinasyon namin. Tama lang talaga na nag jacket ako. We reach our destination. Nag picture kame ni Niem. "Bakla doon ka," utos niya. Sumunod naman ako. Tumayo ako sa kung saan ang itinuturo niya. "Mag pose ka!" utos pa ulit niya. Nakatayo lang din kasi ako doon aba malay ko ba kung anong gagawin ko. "Ayusin mo!" reklamo pa niya. "Bwisit ka!" Nag isip ako ng pwedeng pose. Change pose. "1... 2... 3.. cheese!" Panay ang click ni Niem sa phone niya. Pose pose lang kahit di ko na alam. After siya din pinicturan ko. Kaso hindi naman ako marunong. Kaya panay siya reklamo. "Nakakainis ka!" Hindi pa din siya tumigil panay pa din siya reklamo. "Sabing hindi nga kasi ako marunong!" natatawa na depensa ko. Ibinalik ko na sa kanya yung phone. Napaka ganda ng tanawin dito. Kung saan kami naroon. Halos 3 hours ang byahe papunta dito. Para lang marating ang magandang tanawin. I enjoy the view. Sobrang relaxing. Kumain kame doon sa best seller. Masarap nga yung food. Kasama pala namin yung ex boyfriend ko nung high school. Lumapit pa siya. Gaga si Niem hindi naman sinabi na narito pala siya. Sabunutan ko talaga siya mamaya. Well like I care bata pa naman kame noon. No big deal. Lumapit pa nga siya sa akin. "Uy Cheska!" bati niya sakin. I smile at him. I don't know what to say? "Kamusta?" tanong niya. "Ayos lang.. ikaw kamusta ka naman?" In fairness pogi na niya at mukhang naliligo na. Nung kame pa nung high school parang hindi niya kilala ang tubig at sabon. "Eto ayos lang din, it's been a year," hindi ko na pigilan mapataas ang kilay ko. Englishero na siya. Tumango lang ako. May lalakeng lumapit at umakbang sa kaniya. He got my eye. Ang gwapo naman niyo, sino ba siya? Pasimple kong siyang tinitigan. Ulalam. "Ay Cheska," tawag niya sa pangalan ko. Agad kong inalis ang tingin ko at inilipat sa kaniya. Baka napansin niya. "Si Miguel Rosales pala, Francheska Duran," ngumiti ito hindi ko mapigilan hindi mapahanga sa ngiti niya na nawawala ang mga mata niya. Sinuklian ko siya ng ngiti bago abutim yung kamay niya na naka umang na. "Cheska nalang," banggit ko sa pangalan ko. Masyadong mahaba ang Francheska kaya ayan nalang pwede ding baby nalang. Char! You need to remember my name because I'm your next problem. "Miguel, nice meeting you," he said while smiling. "Same here," After we introduced to each other— nagpaalam na aalis na at babalik doon sa iba nilang kasama. "Huy!" biglang sulpot ni Niem sa tabi ko. "Nako lalakero!" buyo niya sakin. I can't help but to smile. Paano lumingon pa si Miguel sakin. "Ayan ha!" I roll my eyes. Ma'epal naman si Niem. I will find you later. "Tara na talande," aya niya sakin. Sumunod na ako sa kanya. Bumiyahe na kame pauwi. Ang dami kong pictures. "Paano una na kame salamat pre." paalam ni kuya Toto sa jowa ni Niem. I wave at her. Maghihiwalay na kasi kame ng way. Nakakapagod din pala. Inihatid na muna ako ni kuya Totoo sa bahay. "Kuya salamat," Tumango lang siya. "Ikaw pa pinsan, mauuna na ako pasabi na lang kay tita," paalam niya at paalala na sabihin kay mama. Pinaandar na niya yung motor paalis. Inintay ko muna na mawala si kuya sa paningin ko before ako pumasok sa loob ng bahay. Madilim na din sa labas dahil 8:00pm na. Malayo layo din kasi, pero sobrang enjoy naman at may cutie na nakilala. Hindi ko makakalimutan ang pangalan niya. Miguel Rosales. Kasi naman diba pangalan palang ang gwapo na. "Ma! Nandito na ako!" Sigaw ko habang nasa pintuan papasok sa loob ng bahay. Nag-alis ako ng suot kong sapatos. Pagagalitan kasi ako pag nakita ni mama na suot ko iyon hanggang sa loob. "Eska maghugas kana ng kamay at kakain na tayo. Sakto ang dating mo." sabi sakin ni papa na kapapasok lang ng bahay galing sa labas. Nauna na siyang lumakad papunta sa kusina. Itinabi ko yung sapatos bago sumunod kay papa papasok sa kusina. Nandoon na si mama at si Lota. Naghugas na ako agad ng kamay tsaka naupo sa tabo ni Lotlot. "Ano ba yan ate ang baho mo talaga." Inirapan ko lang siya. Masyadong papansin yang kapatid kong yan. Tumatawa pa siya parang nang-aasar. "Teh nagsasabi lang naman ako ng totoo," Inirapan ko lang ulit siya. "Tama na yan at kakain na tayo," sabi sa amin ni papa. Pero dahil masyadong bida-bida ang kapatid kong negra tuloy lang siya ayaw paawat. Napipikon na ako, pagdating sa kaniya maikli lang ang pasensya ko kaya lagi ko siyang nakukurot o kaya nahihila ang buhok. Tuloy lang siya sa pang-iinis sakin. Iiyak ka sakin pag pinatulan kita. Pasimple ko siyang tinitinan ng masama. Namamalo at nangungurot pa siya. Onti pa Lota iiyak kana. Nginingitian niya pa ako ng nakakaloko para mas mainis pa ako. "Kamusta ang lakad niyo?" Baling tanong ni Papa sakin. "Ayos lang masaya naman, nag-enjoy din si kuya. Sasama nga daw siya ulit sa susunod," kwento ko. "Papayagan kita dahil ang kuya mo naman ang kasama kaya ayos lang sa amin ng mama mo," Alam ko dahil malaki ang tiwala nila kay kuya kaya nga pag-aalis ako at ayaw nila akong payagan kinukuntyaba ko si kuya pag-alanganin na. After namin kumain ay tinulungan ko muna si mama na magligpit ng kinainan namin. "Lota punasan mo yung lamesa," utos ni mama sa bunso kong kapatid. Nakasimangot pa ang malditang bata. Gayan siya ayaw niyang inuutusan. Sige ituloy mo lang yan pag ikaw nakita ni mama yari ka. Matapos kong tumulong doon ay umakyat na ako para kumuha ng damit na pamalit. Mabilis na ligo lang ang gagawin ko, medyo pagod na ako at inaantok. Wala pa rin akong pasok bukas kaya narito ako sa bahay maghapon bukas. Kaya ngayon palang maghahanap na ako ng pupuntahan bukas. Wag lang mabadtrip si mama bukas ng umaga dahil talagang aalis ako kahit anong mangyari. Matapos ako maligo ay nahiga na ako sa kama. pinagalitan pa ako ni mama dahil gabi na daw naliligo pa ako. Matutulog daw akong basa ang buhok, hinayaan ko nalang siya pero magpapatuyo ako ng buhok bago ako matulog. I enjoy this day. Sana pwedeng lagi na lang ganun na relax lang at hindi masyadong stress.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD