CHAPTER 2

1037 Words
     Matapos akong kumain kanina at nakapag-pahinga saglit ay saktong dumating si Mola at Niem. Nakailang bote na din kami ng gin. Murayta lang ang inom namin para mas madame kaming mabili.     "Balita sa inyo?" tanong ko sa dalawang bagong dating.   Sila kasi yung hindi madalas nakakasama kasi nga dahil sa work samantalang si Osang kaya lang nakakasama samin dito kasi sa bahay nila ang place. Kaya wala siyang choice.     "Same same girl, busy sa trabaho at jowa,"     "Ay taray may jowa," Proud ang bakla na may jowa. Di sana all nalang talaga.     Natawa naman si Niem. "Ako busy pa mag payaman kaya eto chill lang muna,"     Working na din sila ih. Yung high school kame puro mga kalokohan lang ang alam namin magkakaiba kame ng year pero pag-usapan cutting classes sabay sabay kaming lalabas ng school para lang tumakas sa school guards.     "Ikaw ang kamusta?" balik niyang tanong sa akin.     "Eto nag-aaral mabuti,"     They gave me weh look. "Tatanong tanong kayo hindi kayo naniniwala!"     "Bakla wag mapagpanggap," singit ni Gel.     "Epal ka?"     Gustong gumanti niyan kaya ganyan lagi ko kasi siyang binabara pag may sasabihin.     "Oo gagi nag-aaral ng mabote yan," sagot ni Osang.     Supportive ah. "Wity ka don?" tanong ko pa.     "Very light,"     Matagal na din kaming magkakaibigan. Madalas kaming mag bonding ng inom. Sa ganito na lang kami nakakapag sama-sama.     "Shot mo na Cess,"     Ayan si patagal ng tagay. "Hoy bilisan mo ano teh dinadasalan pangmalala?"   "Gago para daw matanggal ang espiritu ng alak,"   Tawang tawa kami kay Niem. Napa-irap tuloy si Cess sa sinabi niyang iyon.     Tsaka niya palang ininom laging ganyan yan patagal sa shot.     "Iinumin mo lang din pala pinapatagal mo pa ako naman!" inis na sabi ko. "Shot na ulit,"     "Ano teh uhaw na uhaw ka naman malala?"     "Oo teh kasi naman ang babagal niyo! Para naman makarami pa tayo,"     Maingay na din kame kasi madame kaming nainom, pero walwalan to dahil ngayon na lang ulit kaya dapat mas basagan pa. Hanggang sa may mamatay at may iyakan na.     Eto yung isang bagay na naging takbuhan ko sa panahong inaaway ako ng mundo. Kaya masyado kong mahal ang mga babaeng ito kahit madalas kong nabasag ang trip niya at tanggap nila ako kahit ang harsh ko magsalita.     "Uy Che sama ka?" tanong ni Niem.     Kunot noo akong nakatingin sa kanya. "Saan tayo pupunta?"     "May long ride kasi ang tropa bukas sama ka? Diba may motor naman kayo?"     Ayos pala, sakto ang pag-aaya ni Niem kasi hahanap palang ako ng dahilan para maka alis sa bahay. Sasama ko na lang kuya Totoo ko para angkas ako sa kanya.     "Anong oras ba yan?" tanong ko.     Interesting naman kasi baka doon ko na makilala ang bagong magiging bebe ko.     "Hmm morning sis," sagot niya.     "Sure ba yun? Lasing pa tayo nun?" sabi ko.     Natawa siya. "Ganun ba tayo ka weak?"     "Hmm? Hindi," sagot ko.     "Sama kana," pilit niya. "Malay mo naman diba may makilala ka doon,"     "Sige na nga!"     "Ayan malandi ka!"     "Inggitera!" sagot ko kay Gel. "Pikit ka, inggit ka lang no,"     Tawang tawa naman sila samin ni Gel.     "Awit sayo Gel, magpirmi ka muna kaka' break mo lang kaya mag move on ka muna," iniling na sabi ni Osang.     "Ouch move on daw lods!" pang-aasar ni Cess.     "Alam mo ba yun?" tanong ni Mola.     Samin kasing mag tropa siya ang flirty. "Gaga hindi marunong ang tropa natin mag move on,"     "Ganda pala!"     Napa-irap ako sa kanya. "Teh wag kasing patol ng patol,"     "Wow naman sis sayo pa talaga galing yan?"     Nagsisigawan naman sila. "Excuse me lang ha may taste ako,"     "Yeah right." kontra ni Niem.     I get the shot kaya ako na nag ikot ang babagal panay kwento mamaya hindi na alam kung sino ang tatagay.     "See tahimik ka Che!"     "Ako tantanan nyo ha," inis na sabi ko.     Naglagay na ako ng shot at inabot kay Cess. "Shot mo na agad," pagmamadali ko sa kanya.     "All set na tayo bukas Che sasama kana ha dadaanan ka namin," sabi ni Niem.     Tumango lang ako sa kanya. Sasama na din ako para naman hindi na ako maghanap ng pupuntahan bukas.     "Last year mo na diba?" tanong ko kay Cess.     "Oo girl tangina gusto ko na nga magdrop nakaka' stress mag-aral,"     "True ka dyan, buti na lang kami tapos na," sabi ni Osang at nakipag-apir pa kay Niem at Mola.     Mas nauna kasi silang kakatapos kasi tuloy tuloy lang sila. Ako nga kasi ilang course ata ang na' shift ko bago ako maging sure sa inaaral ko ngayon.     "Okay lang yan basta tuloy lang kayo, ikaw Cess matatapos kana kaya kung ako sayo magseryoso kana,"     "Yes po ate," mapang-asar na sagot niya kay Mola.     "Iww ka!"     Napailing na lang ako sa kanila. Tuloy tuloy lang ako sa pag-aabot ng shot nila. Kwentuhan lang kami ng mga pinaggagawa namin. Hanggang sa napaiyak namin si Gel. Kunwari pang hindi siya marupok pero ilang araw pa sila na ulit ng ex niyang babaero kala mo pinakagwapo. Nakahanap na siya ng katapat niya.     "Sorry naman Gel hindi ko naman alam na niloko ka pala ng gagong lalaki na iyon!"     Umiiyak na siya kasi sinasabi niya ang dahilan kung bakit sila naghiwalay.     "Naisip ko nga na karma ko na ito sa lahat ng lalaking na play time ko,"     Inaalo naman namin siya. Totoo kasing flirty siya at talaga player ng mga boys in short lalakero siyang malala.     "Kaya nga ngayon tumigil ka na maglaro ng feeling ng mga boys okay," sabi ko sa kanya.     "Group hug!" sigaw ni Niem.     Inipit nga namin si Gel sa gitna. Kahit naman madalas kaming nag babarahan at nag babasagan solid naman kami ng magtropa. Mahal na mahal ko ang mga babaeng baliw na ito. Kaya pag sinaktan sila ng lalaki sinugod ko talaga.     "Shot na ulit,"     Inayos na ni Gel yung buhok niyang nagulo dahil sa pagyakap namin ng mahigpit sa kanya. Nakasimangot nga siya habang ginagawa iyon.     "Nakakainis kamo kayo ginulo niyo buhok ko," reklamo niya.   "Maarte ka!"     Tinawanan lang namin siya. Bumalik na kame sa pwesto namin para magsimula na ulit ng inom. Nadagdagan kasi ulit kaya uubusin namin yung bagong binili. Alas otso palang kaya kaya pang bumili kahit limang set pa. Pero medyo umiikot na yung paningin ko. Laban pa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD